Chapter 1

217K 5.7K 1.4K
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Man down

Kaagad akong binusinahan ang guard sa aming bahay. Kaagad na bumukas ang aming gate at tsaka ko mabilis na ipinasok anh aking kulay itim na Suzuki AEM Carbon Fiber Hayabusa na naipanalo ko sa pagkikipagpustahan sa aking kapatid na si Piero.

"Good morning po sir Tadeo" bati sa akin ng aming kasambahay pag tanggal ko ng aking kulay itim na helmet. Kaagad ko iyong iniabot sa kanya bago ko binuksan ang Zipper ng suot kong itim na leather jacket.

Isinukbit ko ang army backpack ko sa kanang balikat ko habang papasok ako ng aming bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng kaagad kong matanaw ang paglabas ni Kenzo mula sa main door. Ayos na ayos ito habang nakasuot sa kanyang ang kanyang white coat. Hawak hawak niya sa kanyang kanang kamay ang stethoscope.

"Dr. Kenzo Alfonzo Herrer..." tawag ko sa kanya na may kasamang pagsaludo pa.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tinangkang tatalikuran na ng kaagad ko siyang hinawakan sa braso.

Mabilis niyany binawi ang braso at pinagpagan ang hinawakan kong parte ng kamay niya na para bang nadungisan ko ang kanyang white coat.

"Kamusta na siya?" Pakikibalita ko.

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Naglapat ang kanyang labi dahil sa pinipigilang inis at galit.

"Non of your bussiness" matigas na sagot niya sa akin bago niya ako tuluyang tinalikuran.

Tinanaw ko na lamang ang paglabas ng kanyang sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa aking paningin. Hindi na kami katulad ng dati, nagkaroon na kami ng kanya kanyang buhay.

Pagkapasok na pagkapasok ay kaagad kong nabitawan ang aking backpack ng mabilis na tumakbo at tumalon payakap sa akin ang aming bunsong kapatid na babae.

"Kuya na miss kita super!" Gigil na gigil na sabi nito habang nakayakap sa akin.

Napahalakhak ako. "Ilang linggo lang akong nawala" paalala ko pa sa kanya bago siya bumaba mula sa aking pagkakabuhat sa kanya at napanguso.

Ginulo ko ang buhok nito. "Kamusta ang pagaaral?" Tanong ko sa kanya.

Kaagad itong napangisi. "Ipinagmayabang ko sa mga kaklase ko na may kuya akong sundalo!" Pagbibida niya sa akin.

Sa aming pamilya ay siya lamang ang tanging sumusuporta sa aking pagiging sundalo. Proud na proud siya sa akin, mataas ang tingin niya sa akin kaya naman mahal na mahal ko ang aking nagiisang kapatid na babae. Kahit sino naman sa aming apat, sina cairo, piero at kenzo. Lahat sila mahal si Sachi.

Siya ang regalo sa amin nina mommy at daddy ng grumaduate kami ng Grade 6, isang baby sister. Kahit adopted ay tinanggap pa din namin siya na para pa din namin sariling kapatid, kadugo.

Napatigil kaming dalawa sa paguusap ng marinig namin ang sigaw ni mommy.

"Sachi anak!" Malambing na sigaw niya dito.

Napangisi ako at sinabing wag maingay. Gusto kong surpresahin si mommy. Umuwi ako ng mas maaga kesa sa inaasahan kaya naman hindi niya inaasahang makikita niya ako ngayon.

"Front door mommy!" Sigaw niya dito.

Mula sa may bukana ng kitchen ay napahinto si mommy sa paglalakad ng makita ako. Muli nanaman itong naging emosyonal habang naglalakad papalapit sa akin.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon