Chapter 6

97.2K 4.3K 1K
                                    

No pertenezco a nadie

Pagkatapos sabihin iyon ni Aziel ay kaagad siyang tumakbo pabalik sa kanyang pwesto. Kaagad kong naisara ang bibig ko ng makita kong matalim ang tingin ni Franco kay Aziel pabalik sa akin. Hindi lamang iyon dahil maging si Lily ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

Dahil sa pagkailang na nararamdaman ay inisang tungga ko na lamang ang baso ng tubig na ibinigay sa akin ni Aziel at kaagad na nagiwas ng tingin sa kanila.

Pagkatapos ng pageensayo ay kanya kanya din kaming lalad pabalik sa may nayon. Pagod na pagod ang bawat kasapi ng aming hukbo kaya naman dirediretso na ang lakad nila pabalik wala ng hintayan na naganap. Si ama naman ay nauna na ding naglakad pabalik sa nayon. Nanatili akong nakaupo para sana hintayin si Ducusin pero nang susubukan na sana niyang lumapit sa akin ay kaagad na siyang inakbayan ni mang henry.

Napanguso tuloy ako. Yayayain ko pa naman sana siyang magpalipad ng saranggola pero sigurado akong pagod na pagod na siya. Nagulat ako ng may kaagad na bultong lumapit sa akin at nang lingunin ko iyon ay kaagad kong nakita ang nakakunot na nuong mukha ni franco.

"Halika na at bumalik na tayo sa nayon" seryosong utos niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Ayoko pa" giit ko sa kanya.

Pero hindi nagpapigil si Franco dahil kaagad na niya akong hinawakan sa aking braso para akayin. Kaagad akong nagpumiglas.

"Ayoko pa nga sabi eh" pagmamaktol ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagpumiglas.

Masyadong mahigpit ang hawak sa akin ni Franco kaya naman medyo napapadaing na ako.

"Franco" matigas na tawag sa kanya ni Aziel.

Dahil dito ay kaagad niya itong nilingon at tsaka lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin dahilan kung bakit kaagad kong nabawi ang aking braso sa kanyang pagkakahawak. Nang makawala ay kaagad akong tumakbo sa kung saan para hindi na niya ako maabutan. Narinig ko pa ang pagsigaw na tawag nito sa akin pero walang lingon lingon kong ipinagpatuloy ang pagtakbo.

May ilang beses akong halos madapa dahil sa malalaking ugat ng puno na nadadaanan ko. Hingal na hingal ako ng tumigil ako sa tabi ng balon. Napasandal ako duon ay kaagad na napatukod sa aking magkabilang tuhod dahil sa pagod. Nang kumalma na ako ay kaagad kong nilingon ang balon.

"May laman pa kayang tubig ito?" Tanong ko sa aking sarili at kaagad akong dumungaw paibaba. Sinubukan ko ding hanapin ang pang salok pero nakita kong naputol na ang lubid nito. Sumabit ang kabilang dulo sa nakausling bato kaya naman kaagad akong nagpalinga linga para humanap ng mahabang sanga ng puno para abutin iyon.

Kalahati ng katawan ko ang nakapasok sa balon ng makakita ako ng medyo may kahabang sanga. Mahigpit ang pagkakakapit ng kaliwang kamay ko sa bukana ng balon para maging suporta ko para maiwasan ko ang pagkahulog.

Napadaing ako dahil hindi ko pa din magawang maabot ang kabilang dulo ng tali, halos mawala na din sa lupa ang aking mga paa. Nang mahimigan ko na wala na talagang pagasa at titigilan ko na ang aking binabalak ay kaagad akong napasigaw ng madulas ang aking kamay.

Sumunod ang mga paa ko papasok sa balon at kaagad akong napasigaw ng malakas. Dahil sa takot ay napapikit nalamang ako habang hinihintay na tuluyan na akong bumagsak. Pero kaagad na may humawak sa aking kamay.

"Aziel..." naiiyak na tawag ko sa kanya. Kaagad akong nagkaroo ng pagasa.

"Iabot mo pa ang isang kamay mo" utos niya sa akin.

Pinilit kong iabot sa kanya ang kaliwang kamay ko, pero masyado ng nanghihina ang kanang kamay ko. Wala na iyong lakas pa na humawak. Ang lahat ng bigat ko ay nanduon, ilang minuto pa ay siguradong mapapabitaw na ako.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Where stories live. Discover now