Chapter 18

77.5K 3.1K 426
                                    

Maria Herrer


Parang naputol ang aking dila dahil sa huling sinabi ni Miguel. Maging ang paglunok ng aking sariling laway ay nahirapan akong gawin. Hindi ko man alam kung bakit at ano ang dahilan ngunit nakaramdam ako ng takot sa kanyang sinabi. Ayokong paniwalaan iyon, ngunit paano kung tama siya? Paano kung hindi ko pa nga talaga tuluyang kilala si Aziel.

"Sa tingin mo ba sa oras na malaman niyang ang ama mo ang pumatay sa kapatid niya ay mapapatawad ka niya? Gayong alam mo na kailangan na niyang bumalik..." patuloy na pagbabanta niya sa akin at pangungunsensya na din.

Kusang tumulo ang luha sa aking mata dahil dito. Masyado ng magulo ang lahat para sa akin, hindi ko na alam kung makakapagisip pa ako ng tama. Hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin.

"Umalis ka na" walang kaemoemosyong utos ko sa kanya sabay turo sa pinto palabas.

Imbes na natinag ay nginisian lamang ako ni Miguel. Dahan dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa aming upuang kawayan habang nakatingin sa akin. Hindi ko kinaya ang mabigat niyang pagtitig sa akin kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin sa kanya.

Dahan dahan ang ginawa niyang lakad palapit sa akin. "Sino ka ba sa akala mo Castellana Hermosa?" Mapanuyang tanong niya sa akin.

Sa klase ng pagkakasabi nuon ni Miguel ay ramdam na ramdam ko na ang panliliit ko. Tinatapakan na niya ang aking pagkatao pero wala akong laban, wala akong magawa dahil tama siya wala naman akong pwedeng ipagmalaki sa kanya.

"Hindi basta basta ang pamilya ni Captain Tadeo, mayaman at makapangyarihan, kayang kaya niyang sumira ng tao...sa isang pitik ng kamay" pananakot niya sa akin.

Nakakaramdam ako ng takot ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa aking isip ang ganuong itsura ni Aziel. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang nakangit at maamo niyang mukha.

"Masama siyang kalaban, matindi siyang magalit..." pagbabanta pa niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. "Bakit ba pakiramdam ko sinisiraan mo lang si Aziel sa akin?" Mapanghamon kong tanong sa kanya na ikinatawa niya.

"Wala akong rason para siraan si Captain sayo Castel, ipinapaintindi ko lang sayo kung ano ang magiging resulta ng pagsisinungaling mo" sagot niya sa akin.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Kung talagang gusto mo ng makatakas kayo ni Aziel dito bakit hindi mo na lang siya personal na kausapin?" Mapanghamong tanong ko pa din sa kanya.

Unti unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Miguel. Nakita ko ang bayolenteng paglunok nito. "Dahil naawa ako za mga taga nayon, dahil galing din ako sa bundok. At alam kong inosente ang mga tao dito. Kaya nga mas pinili kong tumakas ng tahimik at wag ng magsimula pa ng panibagong laban" madiing pagpapaintindi niya sa akin.

Napatitig ako kay miguel. "Ikaw castel. Gaano mo kamahal ang mga taga nayon?" Malumanay na tanong niya sa akin pero ang dating naman ay sobrang bigat para sa akin.

"Mahal ko sila, sila ang aking pamilya" wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Ang mga taga nayon o si Captain?" Mabilis na dugtong niya sa akin.

Muling nanlabo ang aking paningin dahil sa namuong luha sa aking mga mata. "Pareho..." paos ng sagot ko sa kanya.

Malumanay siyang napailing. "Isa lang Castel, isa lang..."

"Pero mahal din naman ako ni Aziel, masasaktan din siya kung hindi ko siya pipiliin!" Umiiyak na giit ko kay Miguel.

Nakatitig siya sa akin, kita ko ang awa sa kanyang mga mata. "May ibang mahal si Captain. Mahal niya si Fedeliz dahilan kung bakit nagawa niyang kalabanin ang kanyang sarili kapatid" sabi niya sa akin na parang isang bombang sumabog sa aking harapan.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon