Chapter 11

83.4K 3.6K 370
                                    

Herrer Residence

(Sachi Pov)

Halos magdadalawang buwan na simula ng nawala ang aking kuya Tadeo. Dahil sa nangyari ay hindi na bumalik ang dating sigla ng aming tahanan. Nagbago na ang lahat at hindi ko na alam kung paano pa maibabalik sa dati ang lahat.

Mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng aking kama at nakatulala sa may sahig ay bahagya akong napaiktad ng makarinig ako ng tatlong katok.

Mula duon ay bumukas ang pintuan sa aking kwarto at tsaka pumasok ang isa sa aming mga katulong na may dala dalang tray.

"Ma'm ito na po ang tanghalian niyo..." anunsyo niya pero bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang hindi nagalaw ang tray na ibinigay niya din kanina para sa aking breakfast.

"Ma'm hindi niyo po ginalaw ang pagkain niyo?" Malungkot at nagaalalang sabi niya sa akin.

Hindi ko siya magawang ngitian para ipakitang ayos lang ako at hindi nila kailangang magalal para sa akin. "Hindi po ako gutom " sagot ko.

Mas lalong puminta ang pagaalala sa kanyang mukha pero hindi na lamang siya nagsalita ulit. Iniwan pa din niya ang pagkain para sa aking tanghalian. Simula ng mangyari ang trahedya at ang pagkawala ni kuya tadeo ay hindi na kami muli pang nakakain sa hapag kainan ng sama sama.

Labas masok si mommy sa hospital dahil na din sa sakit niya sa puso. Hindi niya kinaya ang nangyari kay kuya, masyadong mahina ang kanyang puso para dito.

Imbes na kumain at ipagpatuloy ang pagmumokmok sa aking kwarto ay lumabas ako. Tahimik ang buong bahay, tanging ang mga kasambahay na naglilinis lamang ang aking nakikita sa kung saan saang sulok ng bahay. Mas lalong bumagsak ang aking balikat dahil dito.

Sinubukan kong pumunta sa kwarto nina mommy at daddy pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay narinig ko nanaman ang kanilang pagaway. Dahil sa sobrang pagaalala ni daddy ay hindi niya maiwasang hindi magalit kay mommy sa tuwing sobra sobra ang nagagawa nitong pagiyak. Hindi kasi iyon makakabuti para sa kanya pero naiintindihan din siya ng lahat. Hindi biro ang kinakaharap ng aming pamilya ngayon, nawawala si kuya tadeo at walang nakakaalm kung kamusta na siya.

Imbes na dumiretso ay bumaba na lamang ko papunta sa may kitchen para kumuha ng tubig.

"Hindi pa rin maka move on si ma'm maria sa pagkamatay ni sir tadeo" rinig kong bulungan ng mga kasambahay.

"Kaya nga, dapat ay tanggapin na nila...sumabog ang helicopter na sinasakyan niya, impossibleng mabuhay pa siya duon" sabi pa ng isa kaya naman hindi ko na kinaya at nagpakita na ako sa kanilang dalawa.

Gulat na gulat ang mga ito, halos mamuti ang kanilang mga mukha sa sobrang takot at gulat dahil sa aking biglaang pagpapakita sa kanilang harapan.

"Ma'm sachi" nahihiyang tawag nilang dalawa. Sabay silang napayuko.

"Hindi pa patay ang kuya tadeo ko, hangga't walang katawang naipapakita...araw araw akong maghihintay sa pagbabalik niya, makikita niyo" seryosong sabi ko sa kanila at tsaka sila kaagad na tinalikuran.

Habang pabalik sa taas ay hindi ko naiwasang hindi mapaluha dahil dito. Sa tingin marahil ng lahat ay matapang ako, o walang pakialam sa pagkamatay niya. Ni hindi kasi nila ako nakitang umiyak sa kanilang harapan. Dahil alam ko at ramdam ko na babalik ang kuya tadeo ko.

"Sachi" tawag sa akin ng kararating lamang na si kuya kenzo. Kakahubad lamang niya ng kanyang white suite, nakasabit pa sa kanyang leeg ang stethoscope.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon