Chapter 55

83.4K 3.5K 310
                                    

Mrs. Herrer




Pinilit kong ipinagsawalang bahala ang aking nararamdaman para sa araw ng kasal nila tita ana at tito zacharius. Gusto kong ipakita sa kanila na masaya ako para sa kanila. Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko pa din maiwasang hindi isipin ang balitang nalaman ko tungkol kay Aziel.

"Hey, cheer up may problema ba?" Tanong sa akin ni Anton ng naghanda na din kami at pumila para sa paglalakad sa simbahan. Handa na ang lahat, maging ang mga flower girl nila ay ayos na ayos na din.

Pagod akong ngumiti kay anton. "Ayos lang ako, medyo hindi lang ako nakatulog dahil sa excitement" pagsisinungaling ko sa kanya.

Matamis lamang ako nitong nginitian. "Tinalo mo pa yung bride ha" pangaasar niya sa akin.

Dahan dahan kaming naglakad ni Anton palapit sa altar ng kami na ang papasok sa simbahan. Sinubukan kong ngumiti lalo na at panay ang flash ng camera sa bawat gilid ng simbahan. Hindi ko naiwasang hindi mapatingin kay tito Zacharius na ngayon ay ngiting ngiti habang hinihintay si tita ana. His smile is so genuine, alam na alam mo talagang galing sa puso ang kanyang nararamdaman.

Dahan dahang namuo ang luha sa aking mga mata ng sumagi sa aking isipan ang mukha ni Aziel. Ano kayang itsura niya sa oras na siya naman ang nasa may altar at naghihintay sa kanyang mapapangasawa?. Kung ano anong tanong ang pumapasok sa aking isipan. Pero sa lahat ng iyon ay isa lang ang gusto ko, na sana ako ang kasama niya sa araw na iyon, na ako ang hinihintay niya sa altar.

Nadurog lamang ang aking puso ng maisip kong si Marianna ang mapapangasawa ni Aziel at hindi ako. Sumisikip lamang ang dibdib ko sa tuwing naiisip kong sana hindi na lamang naging kumplikado ang lahat para sa amin. Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng aking luha ng makita ko kung paano umiyak si tito zacharius habang natatawa.

Naramdaman ko ang marahang pagpiga ni Anton ng aking kamay. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata. Tipid niya lamang akong nginitian na para bang sinasabi nitong magiging ayos lang ang lahat.

Naghiwalay kami ni Anton dahil magkaiba ang upuan ng mga lalaki sa babae. Ang lahat ay nakatingin sa entrance ng simbahan para sa pagpasok ni ate ana.

Naging maayos ang buong wedding ceremony. Nagpalakpakan ang lahat ng ianunsyo ng pari na ganap na silang magasawa.

"Tara na sa reception, sumabay ka na sa amin" kaagad na yaya sa akin ni Ducusin pagkatapos ng picture taking.

Tumango lamang ako bilang pagsangayon. Ngunit kaagad kaming natigilan ng makita ko si anton na nakatayo ay naghihintay sa amin. "Oh papa anton, sumabay ka na din sa amin" pagiimbita ni Ducusin sa kanya.

Napahawak ito sa kanyang batok. "Salamat, pero may dala akong sasakyan" sagot niya kay Ducusin.

"Alam mo ba ang papunta duon?" Panguusisa ni Ducusin dito.

"Susunod na lang ako sa sasakyan niyo" sagot niya kaya naman napatingin si Ducusin sa akin.

Marahan niya akong itinulak palapit kay anton. "Oh ito sayo na ito, ingat mo ha..." pangaasar niya.

"Ducusin" suway ko sa kanya kaya naman napatawa ito.

"I mean, isabay mo na itong si Castel alam naman niya ang papunta duon" paguulit niya kaya naman sinamaan ko na lamang siya ng tingin at inirapan.

Kanya kanya na kaming sakay sa sasakyan para makalipat sa venue ng reception. Isang garden ang venue ng magiging reception nila.

"You seem so happy for the newly wed" puna sa akin ni anton pagkasakay namin sa kanyang sasakyan.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon