Chapter 43

75.5K 3.2K 529
                                    

Singsing




Nabasa ng luha ang aking buong mukha dahil sa pagiyak. Bukod sa sakit ng aking sugat sa tagiliran dahil sa pagkakatusok ng patalim ni piero sa akin at halos hindi na din ako makahinga dahil sa pagkakasakal niya sa aking leeg.

"Wala kang kasing sama, walang kamalay malay ang kapatid namin, pinatay mo" gigil na gigil na sabi niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang galit ni piero lalo na't ang kanyang kamay ay nanginginig din.

Napailing iling ako. "Piero maniwala ka, hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na kapatid niyo siya" lumuluhang sabi ko pa sa kanya.

Mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa akin, ang kanyang mga mata ay nanlilisik din. "Lumaban ka, labanan mo ako. Ipakita mo sa akin ang galing mo agent Luna" mapanuyang pagbabanta pa niya sa akin.

Binitawan niya ako kaya naman mas lalo akong nanghina ng maramdaman ko na ng tuluyan lahat ng iniinda kong sakit sa katawan. "Ayoko, hindi kita lalabanan. Nangako ako na hindi na ulit ako lalaban, hindi na ulit ako papatay" pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Mapanuya itong ngumisi. "Sinong niloko mo? Mamamatay tao ka...masama kang tao" pangiinsulto pa niya sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siyang sabihan ako ng ganuon. Hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili dahil lahat naman ng ibinabato niya sa akin ay totoo.

Napayuko na lamang ako at hindi na muli pang tumingin kay piero. Narinig ko ang paghugot niya ng isa pang mas mahabang patalim. "Sisisguraduhin kong hindi ka na aabutan pa ni Tadeo na humihinga dito" pananakot at pagbabanta niya sa akin.

Muli siyang dahan dahang lumapit sa akin at sa pagkakataong ito ay sigurado akong hindi na siya nagbibiro pa. Siguradong itutusok niya na ng tuluyan ang patalim sa aking katawan. Imbes na manlaban ay pumikit na lamang ako ng mariin at hinintay ang aking katapusan.

"Piero!" Rinig kong sigaw ng kararating lamang na si Aziel.

Kaagad akong napadilat at napalingon sa kanya. Mabilis niyang nilapitan ang kapatid at inambahan ng suntok. Nagpagulong gulong sila sa may damuhan habang nagpapalitan ng suntok. Hindi ako makasigaw, nawalan na ako ng lakas.

"Anong ginagawa mo!?" Galit na sigaw ni Aziel sa kapatid.

Nakita ko ang paglabas ng dugo sa bibig ni piero ngunit nagawa pa din nitong tumawa. Nakangisi siyang nakatitig kay Aziel hanggang sa unti unting lumipat ang tingin niya sa akin, tingin na may kasamang pagbabanta.

"Itong mga suntok mo? Walang wala ang sakit nito sa malalaman mo ngayon Tadeo" nakangising sabi pa ni Piero dito.

Padabog na binitawan ni Aziel ang kapatid. Pinanuod niya lamang si Piero na nanghihinang tumayo mula sa pagkakalugmok sa damuhan. "Anong ibig mong sabihin?" Galit na tanong ni Aziel sa kapatid.

Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na mapipigilan pa si piero sa mga oras na ito. Baka nga ito na talaga ang tamang oras para malaman ni aziel ang lahat, para malaman niya kung sino talaga ako.

Nang tuluyang makatayo ng maayos si piero ay tinuro niya ako kay Aziel mula sa kanilang kinatatayuan. Nang makita ako ni Aziel ay patakbo siyang nagtungo sa akin para dahan dahan akong itayo. Dahil sa ginawa ng kapatid ay pagak na napatawa si piero.

"Nasisiraan ka na ata talaga ng bait tadeo. Hindi mo kilala kung sino yang hinahawakan mo" mapanuyang sabi pa nito sa kapatid.

Muli akong nakaramdam ng security dahil sa pagkakahawak ni Aziel sa aking bewang para suportahan ang aking pagtayo. "Hindi kita maintindihan piero, ano bang ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni Aziel sa kapatid na halatang gulong gulo na din.

The Lost Soldier (Savage beast #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon