Her Secret (COMPLETED)

By theservantqueen

4.6M 126K 14.8K

Highest Rank in Romance as of January 2021 More

Disclaimer
Her Secret
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Wakas

Kabanata 38

70.4K 2.1K 153
By theservantqueen

Nakatingin lang ako kay Zach habang sinusubuan niya si Zellor ng cake. Nakita ko ang saya sa mata ng anak ko habang nasa kandungan siya ni Zachary. Na-realize ko na mabuting ama pala ni Zachary sa anak ko.

“Uy, tigil!” natatawang saway sa akin ni Sarah. “Baka matunaw.”

Bigla akong natauhan at tinapos na lang ang kinakain ko. Kaming dalawa ni Sarah ang nasa isang table habang ang mag-ama ko ay malapit sa cake.

“Grabe naman si Zach, mahal na mahal niya talaga ang anak niya.” Nilingon niya ako at kinindatan. “Baka hindi ka na titigilan ni Zach, girl! Sa ilang taon niyo ba namang hiwalay tapos may tinago ka pang remembrance, hdi na ako magtataka kung taon-taon kang manganganak!”

Inis ko siyang binalingan. “Kanina ka pa, ah! Talagang araw-araw ko nang papuntahin dito si Ethan.”

Umirap siya at umayos ng upo. “Wala akong pakialam sa kanya, Zel. Ang mahalaga ay wala na ako sa kompanya niya at hindi ko na sisingilin ang sahod! Lecheng buhay ito!” Tumayo siya at nagbaba ng tingin sa akin. “Pupuntahan ko muna si Diana. Ikaw, huwag ka puro titig. Hindi nakabubuntis ang titig.”

“Sarah!”

Halakhak lang ang kanyang isinukli sa akin bago siya umalis. Napabuntonghininga na lang ako at ibinalik ang tingin sa mag-ama ko. Tumayo ako at dinala ang pinggan patungo sa kanila.

“Anak…”  Umupo ako sa tabi ni Zachary at pinunasan ang kalat sa gilid ng labi ng anak ko gamit ang tissue na naka-display sa lamesa.

“Kumain ka na ba?” tanong ko matapos kong punasan si Zellor at binalingan si Zachary.

Ngumiti siya sa akin sabay haplos sa buhok ng anak ko. “Yep, tapos na akong kumain.”

Medyo nadismaya ako sa kanyang sagot pero naintindihan ko. Siguro kumain na siya sa kanila.

Tumango ako sa kanya at inayos ang buhok ng anak ko. “Masaya yata ngayon si Zellor, siguro dahil nandito ka.”

Naibaba ko ang tingin ko sa aking kamay nang bigla niya itong hinawakan. Hinaplos ng kanyang daliri ang singsing na ibinigay niya sa akin.

“I will be the happiest guy on earth kapag naikasal na ako sa iyo, Zel.” Umawang ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

Tuluyan na akong nalusaw nang bigla siyang ngumiti sa akin. Ngiti na hindi peke at umabot hanggang tainga.

“Zach—” Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla kong nakita si Ethan na papatungo sa amin.

Sumimangot si Zachary at napailing. “What are you doing here, Ethan? You are ruining our moment!” Bakas sa boses ni Zachary ang pagkairita.

Umawang ang labi ko at nakita ko na natigilan si Ethan sa paghila ng upuan.

“Oh, did i?” Binalingan ako ni Ethan. “I’m sorry, Zel. I—”

Pinigilan ko siya sa pagsasalita at tumango. “Okay lang, umupo ka.”

Narinig ko ang mahinang pagprotesta ni Zachary at hindi na makatingin sa akin. Ngumiti si Ethan at umupo. Inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa at tiningnan kami.

“So, hindi ko akalain na ganito pala kasaya kapag may birthday party!”

Umawang ang labi ko. “Iba kasi ang party ng mga mayayaman sa mga mahihirap. Kadalasan sa mga katulad namin, kapag may handaan, ini-invite namin mga tao kahit hindi kilala ang iba. Basta masaya lang ang anak ko.”

“I am happy for the both you, guys,” seryosong sambit ni Ethan. “Hindi ko akalain na sa wakas ay magiging masaya na si Zachary. Kilalang-kilala ko na si Zach, Zel. Akala ko pa naman ako ang unang mag-aasawa sa amin at magka-anak.”

“Shut up, dude!” Salubong na ang kilay ni Zachary.

Bumuntonghininga ako. “Pasensya na at hindi ka naasikaso, ah! Sobrang dami kasi ng bisita.”

Umiling lang siya sa akin. “Nah, it’s alright. Inasikaso naman ako ni Sarah at ang sarap ng mga ulam niyo.” Hinimas niya ang kanyang tiyan. “Nabusog ako.”

Napangiti na lang ako.

Nang gumabi ay nagpadala pa si Zach ng taga-linis ng mga kalat para hindi na raw kami mahihirapan. Gusto kong sabihin sa kanya na sobrang gastos lang iyon pero mas pinili ko na lamang ang manahimik.

“Magsisimba pala kami ni Diana ngayon. Sasama ba kayo?”tanong ni Sarah habang inaayos ang kanyang damit. 

“Oo,” sagot ko at nilingon si Zachary habang nasa gilid niya si Zellor. “Sasama ka ba, Zach?”

“Yes, I’m coming with you,” sagot niya.

Kukunin ko na sana si Zellor mula sa kanya pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo at binuhat ang anak ko.

Napatayo ako at agad siyang hinarangan. “Kailangan ko lang bihisan si Zellor.”

Pinasadahan niya ang buong paligid. “Where is your room?”

Napalunok ako sa kanyang tanong pero agad din itinuro ang brown na pinto.

Tumango siya at naunang naglakad patungo sa kwarto ko. Natigilan ako saglit at sinulyapan si Sarah na nakangisi na sa akin. Kinindatan niya ako bago niya ako iniwan mag-isa sa sala. Naibagsak ko na lang ang balikat ko at sumunod na kay Zachary.

Nang nakapasok ako sa kwarto ay nakita ko silang nasa kama ko. Ngumiti ako at dumiretso sa cabinet upang maghanap ng damit. Natigilan lang ako sa paghahanap ng damit nang biglang nagsalita si Zachary.

“Zel…”

Nilingon ko siya at nakita ko na nakatayo na siya. Binaba ko ang tingin ko kay Zellor na nakahiga na sa kama habang hawak-hawak ang isang laruan.

Napalunok ako nang humakbang siya papalapit. “Bakit?”

Umawang ang labi ko nang bigla niya akong tinulak sa may cabinet at sinampa niya ang kanyang kamay sa gilid ko. Humilig siya papalapit sa akin na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

“Zach…”

Ang kanyang mata ay nakatuon sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung gaano siya kasaya ngayon.

Bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay ko at inangat. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang lumapat sa kanyang labi ang likod ng aking kamay. Matagal akong napatingin doon bago ako nag-iwas ng tingin.

“Zel, we will  go to church and surrender ourselves to God,” mahinahong sabi niya at ibinaba ang kamay ko. “We will ask for forgiveness. Gusto kitang makasama, Zel, kayo ng anak ko.”

Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko namalayan na naluha na pala ako. Ang kanyang mata ay namumungay. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang kamay.

“Deserve mo ang maging masaya, kayo ng anak ko. Ayoko na itatago ka lang, Zel. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin ka at sa iyo lang ako. Gusto mo iyon, hindi ba?”

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagluha.

“Alam ko na hanggang ngayon, may puwang pa rin sa puso mo na ayaw mo na sa ganitong relasyon. Sa sobrang bait mo, Zel, tingin ko ay hindi ko deserve ang isang katulad mo. But then, I will prove to you my love. Ikaw lang ang babaeng mahal ko simula pa lang at wala nang iba.”

Napayuko ako at pinikit ang mata. Tumutulo pa rin ang luha ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat paharap sa kanya.

“I love you, every inch of you,” he whispered.

“Zach…”

Napapikit ako nang unti-unti niyang inilapit sa akin ang kanyang sarili. Akala ko ay hahalikan na niya ako pero nagulat ako nang napalayo siya at sumigaw siya sakit.

Agad akong nagmulat at namilog ang mata ko nang nakitang nakahawak na si Zachary sa kanyang braso. Umawang ang labi ko at naibaba ang tingin sa sahig na may laruan ni Zellor.

“Zellor!” Agad kong nilapitan ang anak ko na pumalakpak na.

“Yeahy! Mama!”

“Anak, bakit mo ginawa iyon?”

Narinig ko ang pagtawa ni Zachary. Gulat ko naman siyang nilingon. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang nakangisi na.

“It looks like Zellor doesn’t want me to kiss you, Zel. Damn, it hurts!”

Nag-init ang buong mukha ko at hindi na lang nagsalita. Kinuha ko ang damit sa cabinet at binihisan na ang anak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

760K 26.4K 34
R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. The...
125K 630 8
It's just one night. A night that's full of mistakes. I didn't know that it will be the start of my new life. What should I call it? A blessing or no...
166K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.3M 39K 54
Red Society 1: Mavis "Red" Schneider Maria Vienna Schneider is a second-ranked mafia assassin who disguised herself as a nerd for her undercover miss...