Her Secret (COMPLETED)

By theservantqueen

4.6M 126K 14.8K

Highest Rank in Romance as of January 2021 More

Disclaimer
Her Secret
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Wakas

Kabanata 32

78.4K 2.5K 238
By theservantqueen

“Uuwi na kami ngayon,” sabi ko kay Zach habang patungo kami sa kuwarto.

Basang-basa pa ang katawan ni Zellor  dahil pagkatapos naming kumain kanina, dumiretso kami sa dagat at naligo. Natigil siya sa paglalakad at binalingan ako.  

“Bakit?” tanong ko nang nagtagal ang tingin niya sa akin.

He shook his head. “Kailan ang birthday niya?”

Natigilan ako saglit bago ko siya sinagot. “December 25.”

Matapos kong sagutin ang kanyang tanong ay nauna na akong pumasok sa kuwarto para paliguan ang anak ko. Iniindak ni Zellor ang kanyang paa habang nilalagay ko siya sa palanggana kaya pati ako ay natalsikan. Kapag talaga sa tubig ay nagiging energetic ang paa ko.

“Mama!” Tumawa ang anak ko at nilaro-laro ang tubig. “Yeahy!”

“Ang saya-saya mo talaga anak kapag sa tubig ka ilalagay.” Ngumiti ako sa kanya at nilagyan ng shampoo ang buhok niyang makulot. “Pagkatapos ng birthday mo, gugupitan na talaga natin itong buhok mo.”

Matapos ko siyang pinaliguan ay binihisan ko na siya ng terno na damit. Sinuot ko rin sa kanya ang sapatos na binili ko noon sa lungsod.

“Ang pogi-pogi talaga ng anak ko!” puri ko at inamoy pa siya. “At mabango!”

Napangiti ako at hinayaan ang anak ko na maglakad-lakad sa carpeted na floor. Sinimulan ko na ang pagliligpit ng mga gamit at paglagay ng mga basang damit sa plastic bag at doon na lang sa bahay lalabhan.

“Papa!”

Umawang ang labi ko at mabilis na lumabas ng kwarto para tingnan si Zellor. Umawang ang labi ko nang nakita ko si Zellor na naglalakad patungo kay Zachary na ngayon ay natigilan na sa pagbabasa ng dyaryo. Gusto kong malaman ni Zellor na ang nasa harapan niya ay ang Papa niya. Iyon na lang yata ang hiling ko sa pasko.

Napangiti ako nang sinalubong ni Zachary ang anak ko at binuhat patungo sa kanyang kandungan. Hindi maipagkaila sa mukha ni Zachary ang sobrang kasiyahan.

“Zel, you heard it, right? He called me ‘Papa’!” natutuwa niyang sabi at binalingan ang anak ko. “Hey, baby, I am your papa!”

Pumalakpak ang anak ko sa saya nang inangat siya ni Zachary sa ere. Pabalik-balik niya itong ginagawa at ang tanging naririnig ko ay ang nakakahawang tawa ng anak ko. Napailing na lang ako at bumalik na sa pagliligpit ng gamit. Hindi na mawala sa isip ko ang masayang mukha ni Zachary habang hawak-hawak niya ang anak namin.

Gusto kong ma-experience ng anak ko ang magkaroon ng kompletong pamilya, hindi katulad ko. Gusto kong lumaki ang anak ko na may kinikilalang ama, hindi katulad ko. Ayaw kong maramdaman ng anak ko na may kulang sa kanya kaya ibibigay ko ang best ko para sa kanya. Ngayong nandito na si Zachary sa tabi namin, hindi ko na lang papansinin ang mga taong mapanghusga at hahayaan ko na lang ang aking sarili na sumaya.

Pagkatapos naming mananghalian ay umuwi na kami pabalik sa apartment. Hinatid kami ni Zachary at nakita ko ang gulat sa mata ni Sarah nang nakita niyang na kay Zachary si Zellor. Naunang pumasok silang dalawa at ako naman ay hinila ni Sarah patungo sa gilid na may pang-aasar sa mukha.

“Father na father ang datingan ni Zach, ah!” Siniko ako ni Sarah. “Bagay na bagay!”

Napairap ako at hinubad ang sapatos. “Tama na nga iyan, Sarah!”

Pero hindi ako tinigilan ni Sarah. Mas lalo niya lang akong inasar.

“Sus, pakipot ka pa, ah! Bibigay din naman pala agad. Baka sa susunod, I do and Oh! Ah—” Nanlaki ang mata ko at agad nilingon si Sarah na ngayon ay tawang-tawa na. Biglang uminit ang pisngi ko at iniwan siya sa labas.

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko si Zach na pilit ibinababa si Zellor sa sofa pero mas lalong kumapit ang anak ko sa leeg ni Zachary. Umawang ang labi ko at agad silang nilapitan.

“Zellor, halika na, uuwi na si papa!”

Nag-iwas ng tingin sa akin si Zellor at mas lalo lang kumapit kay Zachary. Napanguso ako at napailing. It looks like ayaw na niyang kumawala kay Zachary, ah.

“Oh, he doesn’t want to…” natatawang sabi ni Zachary at nilingon ako. “I might visit you often, Zel. I want to spend more time with him.”

Tumango ako sa kanya at hinawakan na ang bewang ng anak ko. “Oo naman, puwede mo siyang bisitahin, anytime!”

Nang sa wakas ay kumawala na ang anak ko ay umiyak na siya habang yakap-yakap ako.

“Baka inaantok na ito. Hindi pa naman ito natulog sa byahe,” sabi ko sabay angat ng tingin kay Zachary na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Ang kanyang mata ay namumungay. Agad akong nag-iwas ng tingin at pilit na pinatahan si Zellor.

“I also want to visit you, para magkaroon ako ng oras sa iyo, Zel.”

Natigilan ako sa aking ginagawa at gulat na nag-angat ng tingin sa kanya.

“Is it okay with you?” tanong niya at napakamot pa sa batok. “You know…I don’t have much work. Many people are working for me.”

“S-Sige,” nauutal ko na sagot at hindi na muli umimik.  

Akala ko ay aalis na siya pero halos maubusan ko ng hininga nang bigla siyang yumuko patungo sa akin at bigla akong hinalikan sa pisngi. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at sandaling napatulala. Hinalikan niya rin ang anak ko na umiiyak sa noo bago siya nagpaalam na umalis.

Sinapo ko ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko at pulang-pula na ang mukha ko. Akmang tatayo na sana ako ngunit biglang sumulpot si Sarah mula sa labas at unang nakita ko ay ang kanyang mapang-asar na ngiti. 

“Ayee, mag pa-kiss na si Zachary,” pang-aasar niya sabay tabi sa akin. 

Mas lalo lang akong namula sa kahihiyan. Bakit kasi gano’n, Zachary?

“Ewan ko sa  iyo, Sarah!” Inirapan ko siya.

Natatawa niyang binalingan ang anak ko. “Zellor, asahan mo na may bago kang kapatid bago magpasko!”

Kinuha niya si Zellor sa akin at kinindatan ako. “Sus, madidiligan ka na ulit!”

Hindi ko na nakayanan. Tinakpan ko ang mukha ko at nagmamadaling nagtungo sa kwarto.

Narinig ko ang tawa ni Sarah sa akin. “Sus, doon din kayo tutungo! Ako muna ang magiging babysitter para may moment!”

Padabog ko na sinara ang pinto ng kwarto at sumandal. Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang pisngi ko kung saan niya ako hinalikan at napapikit. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang mainit na labi sa pisngi ko.

Marami ang nagbago kay Zachary sa makalipas na taon. Kung noon ay pinupwersa niya ang lahat makuha lang ang gusto niya, ngayon ay unti-unti na siyang naging kalmado at willing maghintay. Mayroon pa rin naman sa kanya na sadyang gano’n na siya pero maraming nagbago sa kanya na mas lalo kong nagustuhan.

Naglakad ako patungong kama at umupo. Akmang hihiga na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at halos umabot sa tainga ang ngiti ko nang nakita ko ang pangalan ni Zachary sa screen ko.

“Hello.” Pumikit ako matapos kong masagot ang tawag. “Z-Zach?”

“Nakauwi na ako,” agad niyang bungad sa akin. Narinig ko pa sa kabilang linya ang pagsara ng pinto ng kanyang kotse.

“Uh…” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado akong kinikilig sa tawag na ito kaya walang salita na lumalabas sa bibig ko.

“Hey, are you still there?”

Natauhan ako at agad tumikhim. “O-Oo…”

Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa at ang pagbuntonghininga. “Alright, I just called you para sabihing nakauwi na ako.”

Umawang ang labi ko at napakurap-kurap. Ano?

“Why are you so quiet, baby?” malambing niyang tanong. “Nawalan ka na ba ng boses?”

Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. “Uh….Zach, ibababa ko n-na ang tawag, gagawa p-pa ako ng cupcakes!” pagdadahilan ko at mahinang sinapo ang noo.

Umiiwas ka lang, Zel, kasi kilig na kilig ka.

“Alright…”

Akmang ibababa ko na ang tawag nang pinigilan niya ako.

“Wait, Zel. Libre ka ba bukas?” umaasa niyang tanong sa akin.

Kumunot ang noo ko. “Oo, bakit?”

“Let’s date.”

“Sige,” wala sa sariling sambit ko ngunit nang mapagtanto ko kung ano ang sinagot ko ay napasinghap ako at napatakip sa bibig.

Narinig ko ang kanyang nakakaakit na pagtawa.

“Sige, it means yes?”

Umawang ang labi ko at agad umiling. “Hindi ko narinig ng malinaw ang sinabi mo!”

Gusto kong ipokpok ang sarili ko sa pader dahil sa kahihiyan at katangahan na ginawa ko.

“You already said yes, Zel. Wala ka nang magagawa. Susunduin kita bukas.”

“Huh! Zach, ano—” Bigla niya akong binabaan kaya napasabunot na lang ako sa aking sarili at humiga sa kama.

Wait? Ano naman kung magde-date kami? Isasama naman si Zellor, hindi ba?

Ibinaling ko muli ang atensyon ko sa phone na biglang nag-beep. Nang sinilip ko ito ay bumungad sa akin ang text ni Zachary na nagpapawala na ng katinuan ko.

Zachary:

I want to spend my time with you tomorrow. It’s our anniversary, baby. Tomorrow is the day you said yes to me.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
904K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.4M 30.4K 43
Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magula...
4.4M 113K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...