I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLET...

By Bahaghari17

184K 8K 1.1K

Blythe Layla Santiago finally came home from wherever she's come from, only to meet the four ever so gorgeous... More

PAULAN BAGO ANG BAHAGHARI
ONE: Meet the Romanos'
TWO: The Santiagos'
THREE: Meeting Hali
FOUR: The Kiss
FIVE
SIX: The Strongest First Impression
SEVEN: Coming Out
EIGHT: Second Time
NINE: Where She's Been
TEN: Feud
ELEVEN: Playful
TWELVE: Hali's Game (Part 1)
THIRTEEN: Hali's Game (Part 2)
FOURTEEN: Auburn Celeste Romano
FIFTEEN: The Calm Before The Storm
SIXTEEN: Skye Asks (Part 1)
SEVENTEEN: Skye Answers (Part 2)
EIGHTEEN: Shattered
NINETEEN: Objections
TWENTY: Confirmations
TWENTY-ONE: Move In
TWENTY-THREE: Operation Truce
TWENTY-FOUR: Rainbows and Butterflies
FOR YOU
TWENTY-FIVE: Assumed
TWENTY-SIX: Turning Tables
TWENTY-SEVEN: Courtship
TWENTY-EIGHT: The Other Side
TWENTY-NINE: Strucked
THIRTY: Official
THIRTY-ONE: The Outing
THIRTY-TWO: Bliss
FOR EVERYONE
THIRTY-THREE: Back In Time
THIRTY-FOUR: Tragedy
THIRTY-FIVE: Relapse
THIRTY-SIX: Playing Hero
THIRTY-SEVEN: Death
THIRTY-EIGHT: Leaving
THIRTY-NINE: Arriving
AUTHOR'S NOTE
FORTY: Ending
Announcement

TWENTY-TWO: House Rules

3K 161 15
By Bahaghari17

OMG! Happy 1k reads! 😂😍😘 sml

🌈

-------

Blythe's POV

Pinagmasdan ko ang babaeng nakahiga ngayon sa couch. Pilit niyang pinagkakasya ang sarili doon kahit na wala naman talaga siyang magagawa sa kadahilanang mahaba ang mga biyas niya. Hindi ko tuloy mapigilang pasadahan ng tingin ang nakabalandrang legs niya.

Holy shit. What a sight.

Nakasuot lang kasi siya ng white mini dress na hindi umabot sa tuhod niya. Lalo pang umangat iyon ngayong nakahiga siya. Kumilos itong muli at ang manipis na strap ng kanyang damit ay nalaglag mula sa kanyang balikat kaya mas lalong naghurementado ang puso ko.

I snapped myself back and get my senses straight. Dapat ay galit ako sa kanya sa pang iistorbo niya sa tulog ko. This woman! Lasing na lasing siya kaya ganun na lamang ang pagsipa niya sa pintuan dahil sinusubukan niya palang ipasok ang susi. Tuluyan na siyang nawalan ng malay nang bumagsak kami pareho sa sahig.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako lumapit sa kanya at hubarin ang kanyang...

Sapatos.

Inayos ko rin ang kanyang damit. Kaming dalawa lang ang nandito kaya ayaw kong maakusahan na pinagsamantalahan ko siya dahil sa hitsura niya. Hindi ko na siya kayang buhatin papasok sa kuwarto. Payat siya pero matangkad kaya mabigat pa rin siya para sa akin. Pahirapan pa nga kaninang buhatin ko siya para lang maihiga dito sa couch eh.

Pumasok ako sa kuwarto na io-occupy niya para kumuha ng kumot. May mga ilang bags at maleta na doon. So nauna na pala siyang nakarating dito. Hindi na kasi akong nag abalang tignan ang kuwartong ito kanina kaya hindi ko alam. Umalis lang siguro siya para mag bar at uminom. Tsk.

Lumabas akong muli para kumutan siya. I was tucking her inside the blanket then I noticed she's muttering something under her breath. Nakakunot rin ang noo niya na parang nahihirapan siya sa kanyang panaginip. Lumuhod ako sa harap niya para malapitan ang kanyang mukha. A few strands of her blonde hair covered her face. I absentmindedly pushed the strands away to take a closer look at her face. Using my index finger, I touched her face between her eyebrows where it's crumpled. Agad nawala ang pagkakakunot noo niya. Napangiti ako dahil doon. She looks peaceful now. Mas maganda pala siya kapag malapitan. At kapag tulog.

"Sana lagi ka nalang tulog." Nakabulong na sabi ko. I was about to stand up nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Muntikan na akong napasigaw dahil doon.

"Blythe..." hawak niya ngayon ang braso ko. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang pagsikdo ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. "Stay."

I opened my mouth to say something pero bigla na ulit siyang nakatulog at binitiwan ang braso ko. Sa paglaylay ng kamay niya ay di sinasadyang natabig niya ang bag niyang nilagay ko baba ng couch. Natumba iyon at nagkalat ang mga gamit na nasa loob. A particular thing caught my attention. It's an instax picture of her that I think was taken today since kapareho ng suot niyang damit iyong nasa picture.


May nakasulat na 'missing you' sa baba niyon. Siguro ay ibibigay niya iyon sa taong namimiss niya. May emosyon din pala ang babaeng ito kahit papano. Kung sino man ang taong iyon ang masasabi ko lang napakasuwerte niya dahil hindi niya nakikita at nararanasan ang masamang ugali ni Auburn.

Bigla siyang gumalaw muli at sa pagkataranta na baka mahawakan na naman niya ako ay napatakbo ako papasok sa kuwarto. Sinara ko ang pintuan habang hawak ang dibdib dahil sa kaba. It was too late when I realized that I'm still holding her picture in my hand.

Crap.

Ayaw ko ng lumabas dahil baka kung ano na naman ang mangyari. Lasing na siya sa lagay na yan pero bakit may kakayahin pa rin siyang pakabahin ako.

I can't believe that woman!

------

Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng insidenteng iyon. Pagpatak ng 6:30 ay napagdesisyunan ko nalang bumangon at maghanda sa pagpasok.

Unbelievable! Kung kailan nakalipat ako sa lugar na mas malapit sa workplace ko ay tsaka naman ako papasok ng puyat. Kaya nga ako tumira dito para makatulog ako ng maayos. Unang gabi palang at heto ako, puyat.

Kasalanan ng babaeng iyon! Sigaw ng isip ko.

Speaking of Auburn, sa palagay ko ay tulog pa iyon ngayon. Sa sobrang lasing ba naman niya ay imposibleng makabangon iyon ng maaga.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ko para sumilip. Nagkandahaba haba ang leeg ko sa pagtanaw kung tulog pa siya only to find an empty couch. Wala na siya doon.

Lumabas na ako ng tulyan para kumpirmahin na wala na nga siya doon. At—wala na nga siya.

Baka nasa kuwarto?

I contemplated kung kakatok ba ako sa kuwarto niya. Sa huli ay hindi na ako nag abalang tingnan kung nandoon siya loob. The last thing I want is to have a fight with her. Lunes na Lunes tapos sisimulan ko sa bad vibe? No freaking way. Bahala siya sa buhay niya. I did my part kaninang madaling araw. Sa palagay ko naman ay makatao na iyong ginawa ko. Pasalamat nga siya at naisipan ko pa siyang ipasok dito. Kung ibang tao lang ako ay baka hinayaan ko na siyang humilita sa labas ng pintuan.

Kaya mong gawin sa kanya iyon?

"Shut up, brain!" Binatukan ko ang sarili. I took a deep breath and exhaled. "Good vibes Monday, good vibes Monday, good vibes Monday." I chanted.

When I felt that I'm in a good mood, I get ready to seize the day.

-------

"Don't forget our night out on Friday boss!" Pasigaw na bilin ni Rem. Nag echo pa sa hallways ang boses nito. Mukhang hindi siya nahihiya sa mga taong kasabay naming pauwi nang mga oras na yun.

"Monday pa lang Rem!" Sigaw kong pabalik.

"Remind ko ulit bukas hanggang mag Friday." He even wiggled his eyebrows habang ang lawak ng ngiti niya.

Natatawa nalang ako sa kakulitan niya. Wala kaming ibang ginawa ngayong araw kundi ang mag asaran at magkulitan. Maaga kasi naming natapos iyon plan proposal namin para sa event next week. We will be conducting campus seminars in celebration of the Science month which is exciting since I am one of the main speakers. Feeling important ako dahil doon. I can finally share to people what I know. Nakaka excite diba?

Kagaya ng dati ay sa parking lot kami nagkahiwa-hiwalay. Except ngayon ay makikisakay ako sa kotse ng isa sa mga research assistants ko. Hindi pa kasi nagagawa iyong kotse kong nabasag ng prototype. Ngayong araw pa lang idadala ni Manong Oscar iyong motorbike ko. I decided to just use that than having no ride at all. Mga isang linggo mahigit rin siguro akong mag ji-jeans. Di bale, wala naman kami actually dress code sa lab. Basta disente, okay lang.

"Tara na boss," tawag sa akin ni Jhene.  Buti nalang nakatira siya sa parehong building kagaya ko kaya okay lang na sumabay ako sa kanya.

"Salamat sa pagsabay sa akin Jhene ha?"

"Ano ka ba boss, we practically go home in the same place anyway. Kung alam ko lang na nakatira ka doon eh di sana sinabay na rin kita kaninang umaga."

Nag commute ako kaninang umaga. "No, it's okay. Isang jeep lang naman mula doon hanggang dito. And besides, I miss taking public transpo."

"Baka gusto mong sabay nalang tayo araw-araw para tipid sa pamasahe." Suhestiyon niya.

"No need. I'll be having my own ride tomorrow. At tsaka ayaw kong makaistorbo sa mga after work plans mo." Makahulugang ngumiti ako sa kanya. Pansin ko kasi na palagi siyang may isinasabay sa pag uwi except today of course dahil ako ang kasama niya. The funny thing is, it's a student. Bukod kasi sa pagiging research assistant niya sa Observatory ay professor rin siya sa University.

She snickered. "So you noticed."

"Everyone noticed except you."

Napatawa nalang siya. Habang nasa daan ay marami akong bagay na nalaman tungkol sa kanya. We're practically the same age at di rin nalalayo ang mga interes namin. Jhene is the kind of person who I am easily attracted to. Funny and smart. A deadly combination and a major turn on kung tutuusin. Kung hindi lang okupado ng ibang tao ang isip ko ngayon ay baka sa kanya ako nagpapapansin ngayon.

"Natahimik ka na diyan." Sabi niya.

"Ah wala, may iniisip lang."

"Does it have something to do with the house rules you're writing all day?"

Nagtatakang napalingon ako sa kanya. "Paano mo nalaman?"

She looked at me with an amused face. "Kasi naman nasa conference room palang tayo kanina eh focus na focus ka doon sa sinusulat mo. Nakita kong 'House Rules' lang naman pala ang nandoon."

Tama siya. Gumawa ako ng rules para sa amin ni Auburn at buong maghapon ko iyong pinag isipan. "It's for me and my housemate."

"May kasama ka pala sa bahay?"

Umikot ang mga mata ko. "Unfortunately."

"Haha! At least hindi boring na mag isa ka lang sa bahay diba?"

"Depende sa kasama. Nandoon nga, hindi naman kayo magkasundo. What's the point, right?"

"So magkaaway kayo ng housemate mo?"

Magkaaway ba kami? "Hindi naman magkaaway. More like, hindi magkasundo. Anyways, I still hate it that I have to live with her."

"Kuuu, be careful. May kasabihan nga na the more you hate, the more you love." Biro niya sa akin.

"Ang korni naman niyan! Pang elementary."

Nagkatawanan nalang kami ni Jhene. But at the back of my mind, I was weighing the possibility of me and Auburn getting along. Magugunaw kaya ang mundo kapag nagpakita siya ng kabaitan sa akin? Ang sagot ay oo. And the only way to calm the fire is to be a water. I'll just play it cool and be as calm as a running water. Kahit hindi na kami magkasundo, basta maging civil nalang. Tao sa tao.

Narating na din namin ang parking lot ng condominium building at nag park si Jhene. May taong nakatayo sa gilid ng parking space niya. Siya iyong sinasabi kong tao na palagi niyang sinasabay pauwi. Napansin kong naging cold ang aura ni Jhene. Mukhang kailangan ko ng sumibat.

Bumaba ako ng kotse at nagpasalamat sa kanya. "Thanks Jhene!"

"You're welcome boss, basta ikaw." Kumindat pa siya bago niya hinarap iyong taong naghihintay sa kanya.

I took the elevator and pressed my floor. Nakauwi na kaya iyong kasama ko sa bahay? Tsk, di ko nga pala alam kung umalis iyon. Sa sobrang kalasingan ay paniguradong may hangover iyon at hindi pumunta sa training.

Pero pagbukas ko ng pintuan ay katahimikan ang bumungad sa akin. Wala siya.

Hindi ba ito naman ang gusto mo? Eh bakit parang may reklamo ka pa?

Oo nga naman. It's better this way. Yung hindi kami mapang-abutan. Nilapag ko sa counter top iyong na-print kong house rules. Tatlong kopya iyon. Isa para sa akin, isa kanya, at isa na ilalagay sa fridge para lagi naming nakikita.

Nagbihis ako ng pambahay at nagsimulang magluto ng hapunan. Dinamay ko na ang kakainin ni Auburn in case lang na...na ano nga ba?

Tapos na akong magluto at lahat lahat pero hindi pa rin siya dumarating. I decided to check her room dahil baka all this time ay nandoon lang pala siya at hindi lang lumalabas pero walang bakas ng Auburn Romano doon. But I noticed that her room is clean now. Nakaayos na iyong mga bags niya at bago na rin ang bed sheets ng kama.

Wala akong balak na hintayin siyang dumating kaya napagpasyahan kong kumain na. Pero natapos na akong kumain ay wala pa rin!

Aba! Baka naglasing na naman.

Naiinis akong umupo sa sala at nagpalipat lipat ng channel sa tv. Kung inaakala niyang pagbubuksan ko siya ulit ng pintuan tuwing may balak siyang maglasing ay nagkakamali siya. Neknek niya!

"Nakakainis! Mapupuyat na naman ako kapag kakalampagin na naman niya ang pinto. Kung siya lang din ang dahilan ng hindi maayos na tulog ko ay ifo-force evict ko nalang—ay kabayo!"

The door was slammed opened by no other than the woman I'm cursing in my mind right now.

"Sorry, hindi pa ako sanay sa pintuan dito." Walang emosyong sabi niya.

Dapat ay nagagalit ako sa kanya ngayon. Pero hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan niya. Ang bruha, maganda pa din kahit mukhang galing sa training. Paano ko nalaman? Well, nakasuot lang naman siya ng sports bra at leggings. Kitang kita ko tuloy ang magandang hulma ng tiyan niya. Her long blonde hair was loose and it made her more hot.

"Busog ka na?" Hindi ko namamalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

"H-Huh?" Disoriented na tanong ko.

"Sabi ko kung busog ka na ba?"

Agad kumunot ang noo ko? "Hoy! Hindi ka nakakatakam!"

Nagtataka rin siyang tumitig sa akin. "I was referring to your dinner." She pointed towards the kitchen. Nandoon pa rin iyong mga pinagkainan ko. "Anong pinagsasabi mo?"

Umakyat ata lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa pagkapahiya. Parang gusto kong tumakbo palayo at magtago ng 100 years. O di kaya tamaan nalang ako ng kidlat shemay!

Pabagsak siyang naupo sa couch sa tabi ko. At sa pag upo niya ay siya ring pagtayo ko. Kailangan kong makalayo sa kanya! Danger zone!

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Lalayo sayo, amoy pawis ka." Kahit hindi naman totoo. She smells amazingly like cinnamons and jasmine.

Cinnamons and jasmine?!

I need diatraction. Kinuha ko yung tatlong kopya ng house rules at binigay sa kanya. "Oh, tignan mo. Sabihin mo sa akin kung ano ang hindi mo maintindihan diyan para maipaliwanag ko sayo. Kung may gusto ka namang baguhin, sabihin mo at nang mapag usapan."

Kinuha niya iyon at tamad na tiningnan. Tahimik lang siya ng mga ilang segundo. Anong nakalagay doon? Konti lang naman.

HOUSE RULES

1. Always: Turn off the lights when not in use; Close the door when leaving; Knock before entering.
2. Ask permission if it belongs to someone else.
3. Clean up your own mess.
4. If you borrow it, make sure to return it.
5. Cooking schedules are alternate (e. g. you make breakfast, and I'll do dinner)
6. Keep. Everything. Clean.
7. Silence. Always.
8. Bills shall be split equally.
9. Consider the next person when using the bathroom.
10. If you plan stay out all night, don't disturb the other person when you walk in.

"So?" Impatient na tanong ko. Gusto ko ng marinig ang opinyon niya.

"Everything is fine except rule five. I prefer cooking for myself. Hindi uubra sa akin ang cooking schedule mo. Hindi ako magluluto para sa ibang tao."

Tumaas ang kilay ko at nagpipigil ng inis. Puwede naman niyang sabihin na kanya kanya nalang. Bakit kailangan pa niyang ipagdiinang ikakamatay niya ang pagsilbihan ako?  Hah! The nerve of this woman!

Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga para kumalma. "Okay. Iyon lang ba?"

"I can pay the bills, since wala namang ng monthly rent itong apartment mo. Ako nalang ang magbabayad sa tubig at kuryente."

"Anong akala mo sa akin? Walang pambayad sa tubig at kuryente?"

"Hindi sa ganun, ang sinasabi ko lang ay nakakahiya namang tumira sa fully owned ng apartment tapos yung may ari ay makiki share pa sa bills."

"No, we'll have to split the bills. Equally." Diniinan ko ang pagkakasabi niyon.

It was her turn to let out a sigh. "If you insist."

"Wala ka na bang gustong idagdag?"

Tila nag isip ito. "Walang pakialamanan."

"Ano?"

"Idagdag mo, that we have to stay away from each other's business. Just do your thing and I'll do mine."

"Ano?! Eh para saan pa itong house rules?"

"Para sayo. Ikaw lang naman may gusto niyan eh."

Hinawakan ko ang batok ko at tumingala. I am clenching my fist so tight I wanna punch her pretty face. "Look, I was kind enough to let you stay here so sana naman kahit konti lang—konti lang—maging civil tayo sa isa't isa."

"I don't see any problem with that. I've been civil since day one."

"Excuse me? You were rude since day one!"

"I was?" tinapunan niya ako ng bored look. "I'm sorry." Labas sa ilong na sabi niya.

Mariin akong pumikit. I gritted my teeth and I can feel my jaw clenching.

"If that's all that you need, I'm gonna go take a shower. Excuse me." Iyon lang at nilampasan niya ako. I was left standing in the middle of the room. Hindi ko napansin na crumpled na pala iyong papel na hawak ko. She did not even signed it. Basta nalang siyang nagsabi ng mga bagay na gusto niya.

If this is how it's gonna be for the next days to come, then god forbid what I'm gonna do with this cold-hearted, emotionless, insensitive, and borderline-obnoxious Romano.

-------
(Media: Auburn)

Ladies and gentlemen and every one in between, this is where everything begins. *winks*

Comment and vote ü

🌈

Continue Reading

You'll Also Like

881K 19.3K 50
If I want you to stay by my side will you stay? Forever?
165K 10.7K 42
(Please read XERA first. Di nyo to maiintindihan pag di nyo binasa yung XERA muna. Lols.) QUIN CERVANTES Maldita, pero matalino. Galit sa bobo at ta...
174K 6.7K 53
If yourself was turned into a whole new person opposite to whom you are, what would you do? Completed but Unedited
47.8K 4.9K 55
After reading Wizard of Oz, seven-year old Olivia fell asleep only to be awakened by invisible melodious wind chimes. Following a big white dog, it...