Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.5K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Forty-three

59.1K 1.7K 206
By helene_mendoza

Fyi. Fresh 'to. Expect typos, grammatical errors. Edit ko later.

Carlo's POV

Nagtatanong ang tingin sa akin ni Charlotte ng maabutan niya akong nakaupo sa harap ng mesa at hindi pa nagsisimulang kumain. Alanganin siyang naupo sa harap ko at parang tinatantiya ang mood ko.

"Bakit nandito ka pa?" Nagtatakang tanong niya at sumulyap sa relo. Pasado alas nuebe na kasi. Mas madalas, maaga akong umaalis dito sa bahay at gabing-gabi na ako umuuwi para lang hindi ko siya makita.

Tiningnan ko si Charlotte at bakat na bakat ang umbok ng tiyan niya sa suot na leggings at fitted sando. Tingin ko sinasadya niyang gawin ito para makita ko ang pagbubuntis niya. Alam kong umaasa siya na dahil sa pagbibigay niya sa akin ng anak ay maisasalba niya ang pagsasama namin.

"Naalala ko lang na monthly check-up mo ngayon sa OB mo. How many weeks is the baby already?" Nagsalin ako ng kape sa puswelo at uminom doon.

"Twenty weeks. And yes, I have my monthly check up today," alanganing sagot niya at nagsalin din siya ng kape sa mug.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang mug niya.

"Coffee is bad for the baby. Bakit ba lagi mong kinakalimutan iyon?" Napahinga ako ng malalim at pinigil ko ang inis ko sa kanya.

Napakibit-balikat si Charlotte at nagsalin ng pagkain sa plato niya.

"You're not your usual angry self," komento niya sa akin. Nagsimula siyang sumubo ng pagkain.

Napahinga ako ng malalim.

"I just realized what you said. I don't want anything to happen to my baby and I am willing to compromise."

Kumunot ang noo niya. "Compromise?"

"I am willing to give our marriage a shot for the sake of my child. I don't want to lose another baby."

Nakita kong biglang nagliwanag ang mukha ni Charlote at mabilis na tumayo at lumapit sa akin tapos ay yumakap ng mahigpit.

"Carlo! Thank you! Thank you." Ang higpit ng yakap niya sa akin at umiiyak na siya. Ewan ko. Pero wala talaga akong maramdaman para sa kanya. Na-realize ko lang na ayokong masaktan ang anak ko at ayoko ng mangyari ang nangyari sa anak namin ni Amy.

Bahagya siyang lumayo sa akin at hinawakan pa ang mukha ko pero iniiwas ko iyon. Hindi ko pa rin pala kayang maging malapit kay Charlotte.

"Okay na. Sasamahan kita sa OB mo ngayon," sagot ko sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti ni Charlotte sa labi niya ng bumalik sa kanyang upuan. Parang batang nakuha ang matagal ng inuungot sa magulang.

"You don't know how happy I am today. God answered my prayer. Sigurado akong magiging mas smooth ang pregnancy dahil dito. Kasi mararamdaman ni baby na mahal siya ng daddy niya," nakangiti pa niyang sabi sa akin.

Pilit akong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Parang nasa cloud nine ang itsura ni Charlotte. Hindi na nga siya makakain sa sobrang tuwa.

"I'll call your mom. I'll tell her about this. I love you, Carlo. You made me very happy today." Mabilis na tumayo si Charlotte at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya.

Napabuga ako ng hangin. I don't know if what I am doing is right. But I keep on telling myself that I am doing this for the child. Hindi ko man nagawang protektahan ang anak namin ni Amy, kahit dito man lang sa anak namin ni Charlotte ay babawi ako. I'll be a good father. I'll protect my child up to the end kahit pa magsakripisyo akong pakisamahan ang nanay niya na hindi ko gusto.

-----------

Charlotte's POV

I can't breathe.

I keep on doing shallow breaths and I am walking to and fro inside my room. I touched my belly and look myself in the mirror. Buntis na buntis talaga ang itsura ko. Sino ang mag-aakala na sa loob ng damit na suot ko ay pekeng silicone belly lang ang nasa tiyan ko?

My mother in law is really a genius for thinking this scheme. Oo. Nakakakunsensiya na niloloko ko si Carlo but I would do everything para maging akin siya. A few months to go and I'll be a real mother. Si Jean na ang bahala sa newborn baby na kukunin niya at ibibigay niya sa akin. We planned it already. Kung paano ako manganganak, kung paano ako magkakaroon ng emergency cs, magkakaroon ako ng fake complication kaya hindi puwedeng pumasok sa loob ng operating room si Carlo, everything is planned. And I can't wait to have my perfect family with the man I love.

Pero nawala din ang ngiti sa labi ko ng maalala ko si Amy. That bitch. Kung bakit kasi hindi pa siya mawala sa landas namin ni Carlo. Bakit laging nagku-krus ang landas namin? I hate her. Kaya mabuti nga na nawala ang anak nila ni Carlo. At least mawawala ang hold niya sa asawa ko.

Napakagat-labi ako at napaupo sa kama. But Amy saw me in the bar last night. I know she looked at my belly and she saw me that I am not pregnant. Ang sexy naman kasi ng suot ko kagabi. Iyon ang kinakatakot ko. But I thought, umiiwas na siya kay Carlo. Nagtago na nga siya kaya sigurado akong hindi na niya kami guguluhin. But I need to make sure. Ayoko ng magulo pa ang pagsasama namin ni Carlo dahil sa kanya.

I dialed my mother in law's number and hindi nagtagal ay sumagot siya.

"Is there a problem, Charlotte?"

"Problem? There is no problem, mommy. Actually, I am really happy kasi dininig na ng Diyos ang matagal na nating dasal." Hindi ko maitago ang tuwa ko.

"What? What is it?" Taka ng mommy ni Carlo.

"Carlo is willing to compromise. He is willing to save our marriage for the sake of our baby."

"For real?" Halatang natuwa din siya sa sinabi ko.

"Yeah. For real, mom. Everything is doing great mom. We will be a happy family."

"Nag-usap na ba kayo ni Jean kung paano ang plano? I want a boy. Gusto kong inggitin si Frances Acosta." Napatawa pa si mommy. "Kapag nakita niyang meron na akong apo siguradong lalong madi-depress 'yon. It doesn't matter kung ampon mo man iyan. As long as the baby will help upi to hold on to my son."

"Si Jean na daw ang bahala doon. Mom, we are giving her so much money so she must do her work properly."

"How about your silicone belly? Are you hiding it properly? Hindi iyan puwedeng makita ng anak ko. You know what will happen. That will be the end of your marriage," paalala ng biyenan ko.

"Don't worry, mom. I am hiding it where he couldn't find it."

"Alright. Congratulations, iha. I am so proud of you."

"Thank you, mommy. You're the best mother in law."

"Sige na. Tawagan mo na lang ako kung may ibang balita. Take care."

Napahinga ako ng malalim at nakangiting humiga sa kama ko. Ang saya-saya ko talaga ngayon. This will be the start of our happy ever after.

-----------

Amy's POV

"Shit. Shit. Ano ba ito?" Natataranta akong pinipihit-pihit ang door-knob ng kuwarto dahil baka nagkamali lang ako ng pagkakasara kanina. Imposibleng mai-lock ito mula sa labas.

Nililingon ko ang nakasaradong pinto ng cr sa kuwarto ni Bullet at sigurado akong may tao doon. Narinig kong may pumihit ng doorknob at gusto ko ng tumalon sa bintanang nandoon ng makita kong bumukas ng tuluyan ang pinto ng cr at lumabas doon si Bullet na bagong ligo at nakatapi lang ng tuwalya habang nagtutuyo ng buhok niya.

Pareho pa kaming nagugulat habang nakatingin kami sa isa't-isa.

"Amy?" Nagtatakang bulalas niya.

Shit! Bumukas ka na! Pinipilit kong pihitin ang seradura ng pinto pero ayaw talaga. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso lalo na ng makita kong lumapit sa akin si Bullet.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Inis na baling ko sa kanya at pinipilit ko pa rin na buksan ang pinto.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Wait. This is my room. I am the one who supposed to ask you that. What are you doing in our house? I thought you wanted to avoid me?" Hinagis niya sa katabing lazy boy ang tuwalyang ginagamit niyang pantuyo ng buhok niya.

Umaalingasaw ang bango ng shower gel na ginamit ni Bullet sa buong kuwarto kaya kahit ayokong tingnan ay napapatingin pa rin ako sa katawan niyang nababalutan lang ng tuwalya ang bewang pababa.

"Puwede bang magdamit ka?" Sabi ko sa kanya at lalo kong pinihit-pihit ang pinto.

"Ano bang nangyari diyan?" Instead na lumayo at gawin ang sinabi ko sa kanya ay lalo siyang lumapit sa akin at sinubukan niyang pihit-pihitin ang pinto. "It's jammed."

Napabuga ako ng hangin at mabilis na lumayo sa kanya.

"Kailangan kong lumabas dito." Sabi ko sa kanya at talagang sobrang lumalayo ako sa kanya.

"Bakit ka nga ba nandito? Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" Tanong pa rin niya. Tingin ko ay talagang sinasadya ni Bullet na iladlad ang katawan niya sa harap ko kaya inirapan ko siya.

"Kung puwede lang bumalik ka doon sa banyo at magdamit ka. Huwag mong ibalandra sa harap ko 'yang katawan mo," ang tigas talaga ng leeg ko at pilit kong ibinabaling ang tingin ko sa ibang direksyon.

Kumunot ang noo ni Bullet sa akin at parang natatawa tapos ay tumingin sa katawan niya.

"What's wrong with this? The towel bothers you? Tatanggalin ko," sabi niya at hinawakan ang sugpungan ng tuwalya sa bewang niya kaya nanlaki ang mata ko. Siguradong makikita ko siyang naka-burles kapag tinanggal niya ito.

"Huwag!" Mabilis kong pigil sa gagawin niya pero mabilis ng natanggal ni Bullet ang tuwalya sa katawan niya kaya agad akong nagtakip ng kamay sa mata. Narinig ko ang mahihinang tawa ni Bullet kaya unti-unti kong ibinuka ang mga daliri ko para makita kung bakit siya natatawa.

Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong naka-boxers short si Bullet sa harap ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inis akong bumalik sa pinto para subukan ulit na buksan iyon.

Malakas na akong napasigaw sa sobrang frustration.

"Wala ka bang magagawa dito? Bahay 'nyo ito. Kuwarto mo. Hindi mo ba ito mabubuksan?" Inis na baling ko kay Bullet.

Napakamot siya ng ulo. "Hindi ko nga alam kung anong nangyari diyan." Napatingin sa akin si Bullet ng makarinig kami ng umandar na makina ng sasakyan. Mabilis kaming sumilip sa bintana at nakita namin ang mama niya na pasakay sa van kasunod ang private nurse niya.

"Mrs. Acosta! Mrs. Acosta!" Saan siya pupunta? Bakit niya ako iiwan dito.

Natawa si Bullet mula sa likuran ko. "She won't listen to you. She did this." Sabi niya kaya nilingon ko siya at nakita kong naupo siya sa kama niya.

"Anong she did this? Kasabwat ka ba ng nanay mo dito?" Nakataas-kilay na tanong ko.

"Hindi, ah. Wala nga akong alam na nandito ka. Hindi naman sinasabi sa akin ni mama na nagkikita pala kayo." Tumingin ng parang nagtatampo sa akin si Bullet. "Ang unfair mo din, eh. Si mama pinupuntahan mo. Samantalang ako, kailangan pa kitang hanapin pero pinagtataguan mo ako. Parang ako ang may masamang ginawa sa iyo, ah."

"Ginagawa ko lang ang tama, Bullet. Walang dahilan para magkita pa tayo. Nahihiya lang ako sa mama mo kaya hindi ko mahindian and alam natin na maysakit siya at mahirap sumama ang loob. Teka, 'di ba dapat nasa opisina ka?"

"My mother asked me to stay 'til lunch time." Sagot niya.

So, kagagawan ito ni Mrs. Acosta?

Tumayo si Bullet at lumapit sa akin kaya napaatras ako.

"Tayong dalawa lang dito." Nakangiting sabi niya sa akin.

"And so? Ano naman? Lumayo-layo ka sa akin, ah. No choice lang ako kagabi kaya nahalikan mo ako. Ikulong mo ba naman ako sa cr ng lalaki." Reklamo ko sa kanya.

Lalong lumapit sa akin si Bullet at grabe ang kabog ng dibdib ko.

"Amy, hindi naman ako maglalakas loob ng ganito kung hindi ko nararamdaman na gusto mo rin ako. I know something or someone is holding you back but admit to yourself, gusto mo ako." Buong-buo ang kumpiyansa sa sarili ni Bullet ng sabihin iyon.

Napalunok ako at napasandal na ako sa pader ng kuwarto niya. Naalala ko ang eksena na ganito noong naroon pa kami sa ancestral house nila. Noong nakainom si Bullet at buntis pa ako. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko at konting lapit pa, talagang magdidikit na ang mga labi namin.

"H-how can you be so sure na gusto kita?" Sagot ko sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Bullet at napangiti ng nakakaloko.

"Why don't you ask yourself?" Tapos ay tumingin siya sa mga kamay ko kaya sinundan ko din ang tinitingnan niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakayakap pala ang mga kamay ko bewang niya kaya parang napapasong bumitaw ako doon at mabilis na lumayo sa kanya.

Tawa ng tawa si Bullet sa reaksyon ko.

"Wala ka naman pupuntahan dito, eh. We have all day inside this room. I am telling you, if my mother planned for something, she is so sure that she will do it perfectly. Ikaw ang project ni mama. She likes you. She wants you to be a part of our family and that will only happen if you will marry me." Seryosong sabi niya sa akin.

"Marry you?! Nababaliw ka ba? Alam mo ba ang sinasabi mo Bullet?" Tingin ko ay parang hinangin na ang ulo ng lalaking ito.

Nagkibit siya ng balikat. "Gusto mo pa ng mahabang ligawan? We've wasted so much time already. You pretended to be Mrs. Acosta and why don't you be a legal one. Marry me." Lumapit si Bullet sa harap ko at hinawakan ang mukha ko. Katulad kagabi, parang nanlambot ang tuhod ko dahil alam ko na ang gagawin niya.

"Just marry me, Amy. And I promise you, you will never cry. You will never experience a heartache with me. I will give you all the happiness I could give. You'll be my Mrs. Acosta for real," he is saying those words while looking straight into my eyes.

"B-Bullet-" wala akong maisagot sa mga sinasabi niya.

"Just say yes," idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"I-I can't," naiiyak na sagot ko.

Napahinga siya ng malalim at lumayo sa akin at inis na napakamot ng ulo.

"Babalik na naman tayo sa umpisa?" Nakita kong kumuyom ang kamay ni Bullet at halatang nagpipigil lang ng umaalsang galit tapos ay muling lumapit sa akin. "I said this already and I will say this again. Think about this. If you will marry me, I can give you a better life. I can make you happy every day. Handa akong maghintay kung kailan mo ako mamahalin basta pabayaan mo lang akong mahalin kita." Natawa siya ng nakakaloko pero itsurang nasasaktan siya. "But this is the reality. You still love Carlo. I know that. I can feel that. But Carlo is married. He is going to be a father soon. That guy made you cry. He left you already. You know what he can do to you and yet you're still hoping for your forever with him?" Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. "Are you still clinging on that tiny hope that you can be with him? Papayag kang bigyan ka lang niya ng konting panahon? Konting atensyon because at the end of the day, he will go back to his real family. Kahit sabihin niyang mahal ka niya, kasal siya sa iba. Baligtarin mo man ang mundo, hinding-hindi siya magiging sa iyo. Hindi kayo magiging masaya."

Napayuko ako napahagulgol sa mga sinasabi ni Bullet. Lumapit siya sa akin at iniangat ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko.

"I am here, and I am going to wipe every tear in your eyes. I will love you until my last breath."

"P-pero kasi marami pa akong kailangang ayusin," humihikbing sagot ko.

"Then let me help you. I am going to help you fix yourself." Inayos ni Bullet ang buhok ko at inipit pa sa tenga ko para lang makita niya ng buo ang mukha ko.

Hindi ako sumagot. Iyak lang ako ng iyak.

"I am going to ask you again. Do you want to be my Mrs. Acosta?" This time ay parang nagniningning na ang mga mata ni Bullet habang nakatingin sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong nakita ng lalaking ito sa akin para mahalin niya ako ng ganito. Pero kung merong nakakakita at nakakarinig ng pinag-uusapan namin, siguradong sasabihing ang tanga-tanga ko kung tatanggihan ko ang isang tulad ni Bullet Acosta.

"Let's try para mas ma-convince kita. Mrs. Amelia Solomon Acosta. That will be your name. Bagay 'di ba?" Nakangiting sabi pa niya.

"Buwisit ka, Bullet. Bakit ang galing mong magpakilig?" Natatawang-naiiyak na sabi ko.

Tuluyan na siyang natawa. "Kinilig ka na so papayag ka na?"

Tumango ako sa kanya.

Grabe ang saya na rumehistro sa mukha ni Bullet bago hinaplos muli ang mukha ko.

"Mrs. Acosta. I love you." Titig na titig na sabi niya sa akin.

Wala akong masabi pero ramdam ko sa sarili ko na may nararamdaman naman ako sa kanya. Hindi na ako kumontra ng halikan niya ako dahil iyon din naman ang hinihintay ko.

Walang kasiguraduhan pero handang sumugal si Bullet. Sino ako para tanggihan ang napakagandang future na ibinibigay niya sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

359K 19K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.4K 246 27
Loving someone in a far is not easy. You will feel the emotion that no one will know or probably the person you love will not know. Will you risk lov...
4.1M 89K 48
She's my secret. My beautiful little secret. -Chance McLenan
1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...