Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Forty

61.3K 1.2K 115
By helene_mendoza

Bullet's POV

            Shit. Amy is here? Ano ba 'to? Natataranta ako. Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at nagbihis ng damit. Ayokong makita niya akong mukhang binugbog ako ni Manny Pacquiao. Siguradong magtatanong siya kung anong nangyari sa akin. And what is she doing here? Fuck. Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. Hindi ko na iniinda ang pamamanhid ng mukha ko kahit patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa putok sa kilay ko at pisngi. Ang mahalaga sa akin ay makatapos magbihis agad at maharap si Amy.

            Patakbo akong bumalik sa kusina at napaatras ako ng makita ko si mama na nakaupo sa harap ng mesa at may kaharap na puswelo ng kape at ilang piraso ng biscuit sa platito habang nakatingin sa cellphone niya. Napatingin siya sa akin at agad na kumunot ang noo niya.

            Si mama? Anong ginagawa ni mama dito? Akala ko tulog na siya.

            "What the hell happened to you?" Agad na umalsa ang boses ni mama ng makita ang itsura ko.

            "What are you doing there? Where is Amy?" Palinga-linga ako. Sigurado akong nakita ko si Amy ang nakaupo sa kinauupuan ni mama.

            Lalong nang nangunot ang noo ni mama. "Anong Amy? Ang tinatanong ko kung anong nangyari diyan sa mukha mo? Bullet, what happened to your face?" Tumayo pa si mama at lumapit sa akin para tingnan ang mukha ko.

            Nanibago ako kay mama. Bakit parang bigla siyang lumakas? Napangiwi ako ng hawakan niya ang mukha ko at parang inspeksyunin iyon.

            "Who did this to you?"

            Mabilis akong umiwas kay mama at pumunta sa lababo para maghilamos. Blood is still dripping from my face. Maybe I need to go to a hospital. I think my cuts need some stitches.

            "It was an accident." Muli akong humarap kay mama. "I swear, I saw Amy sitting in that chair. She was here."

            "Anong Amy ba? Anong gagawin ni Amy dito? Hindi ko nga alam kung nasaan ang batang iyon. Puwede ba, pumunta ka ng ospital at ipagamot mo 'yang mukha mo." Parang inis pa si mama sa akin at tinalikuran na ako.

            Hindi ako kumibo at tinungo ko ang cabinet kung saan nakalagay ang whisky na nakita kong kaharap ni Amy kanina. Ako ang umiinom nito at sigurado akong nabawasan ito.

            "Tell me, mama. Did Amy go here?" Seryosong tanong ko.

            Naiiling na humarap sa akin ang nanay ko.

"Hindi nga. Ano ba ang pinagsasasabi mo? Ilang buwan na nating hindi nakikita ang batang iyon. Baka naman nakalog na 'yang utak mo kaya kung ano-ano ang nakikita mo. Tanda-tanda mo na nakikipagbugbugan ka pa. Naturingan kang CEO pumapatol ka sa mga away sa mga bar. Check yourself. You're trending in social media," pahagis na itinapon ni mama ang telepono niya sa mesa.

            Napabuga ako ng hangin at nagkakamot ang ulo na tiningnan ko ang gustong ipakita ni mama. Napangiwi ako ng makita ko ang pakikipagbugbugan ko kay Carlo. Ang alog ng kopya ng video. Ang daming nagsisigawan sa mga tao habang pinapanood kami kung paano magpatayan na dalawa. Parang ngayon ako nahiya sa ginawa ko. Hindi ko na dapat pinatulan talaga ang lalaking iyon. Nagkaroon na ng eksena noon sa Quezon ang pamilya namin na alam kong hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin. Tapos ito na naman. Dito naman ako sa Maynila gumawa ng eksena.

            "How are you going to explain that to me?" Napahinga ng malalim si mama.

            "I am sorry, 'ma. Hindi ko naman akalain na nandoon si Carlo. Pinilit ko naman umiwas pero nauna siya," nakayukong sagot ko.

            Dumampot ng kitchen towel si mama at binasa iyon tapos ay lumapit sa akin at pinahid ang mga natuyong dugo sa mukha ko. Buti naman at umampat na ang pagdudugo ng sugat sa kilay ko.

            "Tell me, mahal mo ba si Amy?"

            Nanlaki ang mata ko sa tanong ni mama. Akma akong lalayo sa kanya pero mahigpit siyang nakahawak sa braso ko.

            "Ano ba ang tanong mo, 'ma? Can I go to the hospital so I can be checked?" Gusto ko ng makalayo sa nanay ko.

            Napa-hmm lang si mama habang patuloy sa paglilinis ng sugat sa mukha ko.

            "Why don't you look for her? Malay mo, nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi. Tell her what you feel for her. But I think, mahihirapan ka ngayon. Maybe this time, she is not capable of loving. Baka tumigas na ang puso dahil sa nangyari sa kanya." Napapailing-iling si mama.

            Naningkit ang mata ko kay mama.

            "Are you hiding something from me? Did you talk to her?" I can feel that my mother is hiding something.

            Natawa si mama. "No. I haven't seen her for a long time. Ipinapahanap ko nga sa iyo 'di ba?"

            "How come you can say that?"

            "Say what?" Tanong pa ni mama.

            "That. Na baka tumigas na ang puso ni Amy. How can you say that?" Tanong ko pa.

            "Tell me if you love her first. Umamin ka sa akin then I am going to tell everything." Halatang nakikipaghamunan si mama sa akin.

            Napailing ako at napahinga ng malalim.

            "Go back to sleep now, please. Itutulog ko na lang din ito." Sabi ko kay mama at tinalikuran ko na siya.

            "Goodnight, Bullet. Sweet dreams." Tonong nang-iinis si mama.

            Natatawa lang akong pumasok sa kuwarto ko at nahiga sa kama.

            Sigurado ako sa nakita ko. Sigurado akong si Amy iyon pero bakit nawala siya agad? May itinatago ba sa akin si mama? Pero bakit?

            Shit. Parang kailangan ko yatang magpa-ct scan para malaman kong normal pa rin ang utak ko.

----------------

Amy's POV

            Napabuga ako ng hangin ng palabas na ng village ng mansion ng mga Acosta ang sinasakyan kong taxi. Grabe din ang kaba ko ng makita kong nakaparada ang kotse ni Bullet sa garahe. Hindi ko inaasahan na darating siya agad. Ang sabi ng nurse sa akin, alas dose pa darating si Bullet kaya malakas ang loob kong pumayag na ako na muna ang magbantay sa matandang Acosta.

            Mabuti na lang at nakalabas ako agad at hindi na ako naabutan pa doon ni Bullet. Hindi ko lang talaga kayang harapin pa siya.

            Tinatanong nga ako ni Mrs. Acosta kung bakit daw ba ayokong harapin si Bullet. Ang totoo, nahihiya kasi talaga ako. Grabe ang kahihiyan na dinala ko sa pamilya nila at wala na talagang akong mukhang ihaharap pa. Hindi ko lang talaga matiis si Mrs. Acosta kaya ko siya pinagbibigyan pero si Bullet, mas mabuting hindi na lang kami magharap.

            Naabutan ko si Sheng na halos kakarating pa lang sa bahay. Nagtatanong ang tingin niya sa akin dahil ngayon na lang ulit ako lumabas ng bahay at ginabi pa ako.

            "Saan ka galing?"

            "Sa isang kaibigan. Hindi ko lang talaga mahindian." Sagot ko at pabagsak na naupo sa sofa. Gusto kong mapahinga. Parang bigla yata akong napagod.

            "Girl, nakita mo na ba ang trending ngayon sa FB?" Parang alanganin pa siya kung sasabihin niya iyon sa akin.

            Kumunot ang noo ko sa kanya. "Anong meron?"

            Imbes na sumagot ay kinuha ni Sheng ang cellphone niya, binuksan tapos ay ibinigay sa akin.

            "Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko.

            "Si Carlo. Nakipagbugbugan sa bar. Hindi ko alam kung sino 'yung kaaway."

            "Ha?" Mabilis kong pinanood ang video na ipinapakita niya sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko nga si Carlo na nakikipagpalitan ng suntok sa kaaway niya. Lalong nanlaki ang mata ko ng makita kong si Bullet ang kaaway niya.

            "Kelan 'to?" Maikli lang ang video pero inulit ko uling panoorin. Hindi ako makapaniwala na makikipagbugbugan ng ganito si Bullet at Carlo. Kilala kong mahinahon si Carlo at si Bullet ay ganoon din. Pero naisip kong nagkaroon na rin nga pala sila ng eksena noon sa Quezon. Pero ano naman ang pinag-aawayan nila ngayon.

            "Kanina lang. Parang nag-aaway tungkol sa babae." Sabi pa ni Sheng.

            Maingay ang background kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila at napahinga ako ng malalim tapos ay ibinalik ang telepono kay Sheng.

            "Pabayaan na natin 'yang mga anak mayayaman na 'yan. Sigurado naman na mababaw na issue lang ang pinag-aawayan niyan." Iyon na lang ang sinabi ko.

            "Sabagay," komento din ni Sheng. "Nga pala, decided ka na bang pumasok doon sa sinasabi ko? 6PM onwards ang work time. May night shift differential plus tip. Maniwala ka sa akin, may iba akong kakilala na kumikita ng 3k a night."

            Natawa ako. "Baka kasama naman ako diyan sa 3k na 'yan?"

            "Gaga. Server lang ng cocktails sa mga high end guests. Pero bawal uminom kapag oras ng trabaho. Mahigpit ang may-ari." Paalala agad sa akin ni Sheng.

            "Okay na ako. Sige. Go ako diyan. Meron lang akong extra na workload sa umaga then after ko doon, diretso na ako sa bar. Nandoon ka naman din 'di ba?" Paniniguro ko.

            Tumango si Sheng. "Doon na lang tayo magkita."

            Napabuga ako ng hangin at pahilata na naupo sa sofa.

            This is it. Nararamdaman ko na ang panibagong buhay ko. Bagong buhay na wala si Carlo. Wala si Bullet. Ayoko ng makita o makaharap ang sino man sa kanila.

-------------

Bullet's POV

            Ipina-cancel ko lahat ang meetings ko ngayong araw. Hindi nga ako lumalabas dito sa opisina ko magmula pa ng dumating ako kaninang umaga. Alam ko ang mga tingin ng mga empleyado ko sa akin. Sigurado akong nakita na rin nila ang bugbugan namin ni Carlo.

            At saka kahit hindi naman nila nakita, siguradong nagtataka rin sila dahil puno ng plaster ang mukha ko at pasa.

            Tumunog ang telepono ko at nakita kong pangalan ni Jacob ang naka-register doon. Ayoko na sanang sagutin pero siguradong hindi rin naman hihinto ito.

            "What?" Inis na bungad ko sa kanya.

            "How's your face?" Alam kong pinipigil niya ang tawa niya.

            "Fuck you." Umayos ako ng upo sa swivel chair ko at binuksan ko ang laptop ko. Binuksan ko ang fb account ko at nakita ko na naman na most shared ang video namin ni Carlo.

            Hindi na nakatiis si Jacob at malakas na siyang humalakhak.

            "I am so sorry. I just can't help it. 'Tang ina, bakit mo kasi pinatulan?"

            "Sinapak ako. Anong gagawin ko? Ibibigay ko uli 'yung mukha ko? And I wanted to punch that asshole again," napahinga ako ng malalim at isinara muli ang laptop.

            "He wanted to sue you. Physical injuries. You hit him hard, Bull. He lost a tooth."

            "Kulang pa sa kanya 'yun. Pasalamat nga siya hindi ko inubos ang lahat ng ngipin niya."

            "You really hate him that much?"

            "More than you can imagine." Padaing na sagot ko.

            "I suggest na umiwas ka na lang. Sobrang liit ng mundo 'nyong dalawa. Business partner 'nyo pa ang pamilya ng asawa niya. You need to cool down, boy."

            Napabuga lang ako ng hangin.

            "So, kita uli tayo mamaya?"

            "Gago ka rin, eh. Nakita mong sabog pa 'tong mukha ko kung saan-saan mo na naman ako bibitbitin."

            Natawa si Jacob. "Para ma-unwind ka nga. Hindi puro si Amy ang nasa utak mo kaya nagiging mainitin ang ulo mo, eh. Konting kibot nakikipag-away ka na. Doon tayo sa 4 Clubs. Sigurado akong wala na si Carlo doon kasi by invitation ang mga nakakapasok doon."

            "Alam mo minsan iniisip ko ikaw ang bad influence sa buhay ko. Kung hindi mo naman ako niyaya kagabi, hindi ako mabubugbog ng ganito. Napagalitan pa tuloy ako ng nanay ko." Reklamo ko sa kanya.

            "Basta. Mamaya. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. Pambawi ko sa nangyari kagabi. Alright. See you at seven."

            Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng telepono ni Jacob. Kapag tumanggi naman ako dito sigurado hahagilapin nito kung nasaan ako at siguradong pipilitin akong sumama sa kanya.

            Napasandal ako sa kinuupuan ko at napapikit. I can still remember Amy sitting in front of the table last night. Hindi talaga ako puwedeng magkamali. Sigurado akong nakita ko talaga siya pero sigurado din si mama na wala naman doon si Amy. Ano na ba talaga itong nangyayari sa akin? Ganoon ko na ba siya ka-miss kaya sa lahat na lang ay siya ang nakikita ko?

            Nasaan na nga kaya talaga siya? 'Tang ina. First time na na-deadend si Jacob sa isang assignment niya.

            Pagmulat ko ng mata ay parang nanigas yata ako sa kinauupuan ko dahil sa nakita kong taong nakatayo sa harap ng mesa ko. Totoo ba 'to?

            "A-amy?" Parang ako lang ang nakarinig ng sinabi kong iyon.

            Amy is just standing in-front of me. She is just wearing the sexy maternity dress that she was wearing when she was still in our ancestral house. The empire cut moss green above the knee dress. The low plunging neckline showed her big boobs. Ang kaibahan nga lang ngayon ay wala ng umbok sa tiyan niya.

            "W-what are you doing here?" Nagtangka akong tumayo mula sa kinauupuan ko pero mabilis siyang lumapit sa akin at kumandong. Parang nakakawala ng malay ang amoy ni Amy. I missed her sexy and sweet scent. Parang kinakapos ako ng hininga sa lambot ng katawan niya.

            "A-amy-"

            She pressed a finger on my lips so I couldn't say anything. Her face is just like before. Sexy and innocent but when you look into her eyes, you can see the fire of lust that is building there.

            She pressed herself more to me. I could feel the softness of her breasts. Her soft legs on top of me. I could feel the growing bulge between my legs, and I know she can feel it too.

            Amy is not saying anything. She is just looking at my face, stroking my hair and my face.

            "I missed you," I said that while I am anticipating her lips getting close against mine.

            And it feels heaven when our lips touched. Her soft maws gently kissing mine. God knows how much I wanted to taste her lips, and this is just like a dream come true.

            But then Amy stopped kissing me. I creased my forehead because she opened her mouth and said 'Sir'.

            "What? What are you-"

            "Sir." Iyon pa rin ang sinasabi ni Amy. This time, she moved herself away from me.

            "Wait."

            "Sir." Mas malakas na ang boses ngayon. Amy is going away this time.

            "Amy, wait!" Awat ko sa kanya dahil nakita kong unti-unti siyang lumalayo sa akin.

            "Sir!" Malakas na yugyog ang nagpamulat ng mata ko at nakita kong nag-aalala ang mukha ng sekretarya kong nakatingin sa akin.

            "What?" Umayos ako ng pagkakaupo at napatingin ako sa pagitan ng hita ko at napahinga ako ng malalim ng makita kong nakaumbok iyon. Shit. Nakakahiya kapag nakita pa ito ng sekretarya ko.

            "Umuungol po kasi kayo." Punong-puno ng pag-aalala ang sabi ng sekretarya ko.

            Pinilit kong tumawa. "Bad dream." Sagot ko at nagkamot ako ng ulo. "What do you need?"
             "Nandiyan po kasi si Dr. Jean Baltazar? Wala po siyang appointment pero sabi niya you know her personally."

            Si Jean? Anong ginagawa niya dito? Napabuga ako ng hangin para kumalma ako.

            "Give me a minute then send her in." Ilang beses pa akong huminga ng malalim para lang kumalma ako. Fuck. Grabe talaga ang epekto sa akin ni Amy.

            Inayos ko ang sarili ko ng makita kong bumukas ang pinto at pumasok doon si Jean. Para pa siyang nahihiya ng makita ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Humalik siya sa pisngi ko.

            "What brings you here?"

            Ngumiti si Jean sa akin pero halata kong pilit na pilit lang iyon. Ngayon na lang ulit kami nagkita na dalawa after ng nangyaring eskandalo sa bahay.

            "Wala lang. I was in the area and I thought of visiting you. Wrong timing ba?"

            "No. No. Okay lang. Do you need coffee? Tea? Soda?"

            Kumumpas sa hangin si Jean. "I'll be fine." Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin tapos ay hinawakan ang plaster ko sa noo. "It's bleeding." Komento niya. Ibinaba niya ang dalang bag at binuksan iyon. Tapos ay may kinuhang isang pouch.

            "Don't mind this. I'll am good." Sagot ko sa kanya.

            Tumingin ng makahulugan sa akin si Jean. "Let me treat you. I am a doctor and I think your cut needs to be checked." Sagot niya.

            Hindi na ako sumagot at pinabayaan ko na lang si Jean sa ginagawa niya. Tinanggal niya ang plaster ng sugat ko at nilinis iyon tapos ay nilagyan ng gamot bago nilagyan uli ng bagong plaster.

            "There. Hindi mo ba pinatahi 'yan?"

            Umiling lang ako. "I'll live. Don't worry about me."

            "Kalat na kalat sa Facebook ang bugbugan 'nyo ni Carlo." Natatawang sabi ni Jean habang nililigpit ang mga gamit niya.

            Natawa ako. "It was just a misunderstanding. Maaayos din."

            "Tayo ba? Maayos na?" Alanganing tanong ni Jean.

            Kumunot ang noo ko. "Bakit? Do we have a problem, Jean?"

            Kumagat-labi siya. "About what happened in Quezon. I know your mom is some kind of – you know –" hindi maituloy ni Jean ang sasabihin niya at napakamot na lang ng ulo.

            "Wala namang issue kay mama. Okay naman lahat. She is trying to move on about everything happened to us. All of us are trying to move on."

            "Did she say anything to you? I mean about me and Hunter?"

            "May dapat ba siyang sabihin sa akin?" Balik-tanong ko sa kanya.

            Napahinga ng malalim si Jean at parang nag-aalalang ngumiti sa akin.

            "Your mom thought I cheated on Hunter. But I didn't. She thought I was married but I am not. Sinasabi niyang nakita daw ako ni Hunter na may kahalikang lalaki sa Hongkong three years ago but believe me, Bullet, that was not true. Hindi ko magagawang lokohin si Hunter." Tuluyan ng napaiyak si Jean.

            "What? I don't know anything about it." Ano ba ang sinasabi ni Jean?

            "I wanted to clear my name to your mom. Ayokong isipin niya na masama akong babae. I have a reputation to take care of. Hindi ko sisirain ang pagiging doctor ko dahil lang sa lalaki. Alam mo na minahal ko ang kapatid mo at hindi ko magagawang lokohin." Paliwanag pa niya.

            "Wala naman sinabi sa akin si mama. Maybe it was just a misunderstanding."

            "I hope. Sana ma-explain mo sa kanya na hindi ako ganoon. Help me, Bullet. You know na pamilya pa rin ang turing ko sa inyo. If there will be a chance, I still wanted to be a part of your family." Tapos noon ay mahigpit na yumakap sa akin si Jean.

            I wanted to push her away pero ayoko naman magmukha ako rude kaya pinabayaan ko na lang muna siya. Siya rin naman ang humiwalay sa akin.

            "I'll talk to my mother. I'll explain your side." Iyon na lang ang sagot ko sa kanya.

            "Thank you. Kahit kailan talaga life saver ka." Mabilis na humalik uli sa pisngi ko si Jean at tumayo na. "I'll see you again, okay?"

            Tumango lang ako sa kanya. Hindi maalis ang ngiti niya hanggang sa makarating siya sa pinto ng office at lumabas ng tuluyan.

            Napabuga ako ng hangin at nasalo ang ulo ng mga kamay ko. Parang ngayon ko yata kailangan ang mga babaeng diversion ni Jacob para mawala ang mga iniisip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 206 43
Painful Series #1 ----- "Painful Thing #1: Bringing back the feeling that you tried to forget." Loving can turn your world into a colorful one, but l...
3.9M 99.2K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
209K 4.4K 44
WARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired be...
19K 654 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...