I FOUND A GIRL (gxg) [COMPLET...

By Bahaghari17

183K 8K 1.1K

Blythe Layla Santiago finally came home from wherever she's come from, only to meet the four ever so gorgeous... More

PAULAN BAGO ANG BAHAGHARI
ONE: Meet the Romanos'
TWO: The Santiagos'
THREE: Meeting Hali
FOUR: The Kiss
FIVE
SIX: The Strongest First Impression
SEVEN: Coming Out
EIGHT: Second Time
NINE: Where She's Been
TEN: Feud
ELEVEN: Playful
TWELVE: Hali's Game (Part 1)
THIRTEEN: Hali's Game (Part 2)
FOURTEEN: Auburn Celeste Romano
FIFTEEN: The Calm Before The Storm
SIXTEEN: Skye Asks (Part 1)
SEVENTEEN: Skye Answers (Part 2)
NINETEEN: Objections
TWENTY: Confirmations
TWENTY-ONE: Move In
TWENTY-TWO: House Rules
TWENTY-THREE: Operation Truce
TWENTY-FOUR: Rainbows and Butterflies
FOR YOU
TWENTY-FIVE: Assumed
TWENTY-SIX: Turning Tables
TWENTY-SEVEN: Courtship
TWENTY-EIGHT: The Other Side
TWENTY-NINE: Strucked
THIRTY: Official
THIRTY-ONE: The Outing
THIRTY-TWO: Bliss
FOR EVERYONE
THIRTY-THREE: Back In Time
THIRTY-FOUR: Tragedy
THIRTY-FIVE: Relapse
THIRTY-SIX: Playing Hero
THIRTY-SEVEN: Death
THIRTY-EIGHT: Leaving
THIRTY-NINE: Arriving
AUTHOR'S NOTE
FORTY: Ending
Announcement

EIGHTEEN: Shattered

3K 207 31
By Bahaghari17

Enjoy reading!

-----------

Blythe's POV

I woke up in the sound of my alarm. Time to get up. I headed for the bathroom and did my usual morning routine. Except now, I'm doing it two hours earlier.

While I was brushing my teeth, napatingin ako sa salamin. Flood of thoughts came rushing in.

It's been two weeks since I last saw any of the Romanos. After going out with Skye, parang nag lie low ang magkakapatid at hindi ko nakita ni anino nila na umaaligid sa akin. I should be really happy that they left me in peace for now pero bakit parang madalas kong hinahanap hanap ang presensiya nila expecting them to show up suddenly?

Napadalas rin ang pagtambay ko sa balkonahe namin sa second floor sa pagbabakasakaling lilitaw doon si Hali.  Pero narinig ko kay Dana na sa penthouse raw ito ng kumpanya nag i-stay para sa training niya bilang next CEO. At least kay Skye alam ko kung nasaan siya dahil madalas siyang mag iwan ng message sa akin kung nasaan siya. She's somewhere around Africa right now. Nangangamusta siya sa akin at palaging binibigyang diin ang intensiyon niyang "panliligaw" raw kapag nakabalik na siya. Kaya sa tuwing babanggitin na niya iyon sa message niya ay hindi ko na siya nirereplyan. Natatawang napapailing nalang ako kapag nangyayari iyon. And Gaia? I saw her on the news the other day. Busy siya sa pagsama sa presidente dahil sa kinasasangkutang issue nito ngayon. I don't think I'll see her anytime soon. I kinda need to see her...because I miss her? Yeah, and I still needed to ask her about that...kiss.

I absentmindedly touched my lips. I haven't forgotten how mesmerizing that kiss was.

Pumasok ako sa walk-in closet ko at namili ng masusuot. It was recently filled with formal and semi-casual attire. Thanks to my mum who went shopping without my knowledge and I just went home to a closet full of new clothes. Hindi naman ako nagreklamo because duh, it's my mum who we're talking about. At tsaka may balak naman talaga akong bumili ng mga bagong damit dahil nga nag simula na ako sa trabaho.

Yep, I started working two weeks ago. The sole reason I have to go back here is because I received a very special request from my former professors—which I can proudly say, my colleagues now—that they needed a research specialist in their observatory. Well, given my educational background and it just so happened that I had my masters degree from one of the best universities in the world, any science institution would want to have me working in their labs. And I chose my alma mater from college here in the Philippines. It's been a ride full of exciting events since then.

Last week, I spent time familiarizing the faces and facilities in my new workplace. Hindi naman ako nahirapan dahil nga mga former professors ko rin noong college ang mga katrabaho ko. But there are still new people to meet. Katulad ng research team na ibinigay sa akin. Medyo awkward pa sila sa akin noong una dahil bihira raw sila makakita ng blue eyed na tao. Natawa nalang ako dahil doon and I told them that they can approach me anytime they want. And netong mga nakaraang araw masasabi kong nag improve na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung hanggang saan nila kakayanin ang pakikisama nila sa akin kapag nakita na nila na ang boss nila ay isang...magandang baliw. Lol! Sana hindi sila magsisi kapag nakita nila kapilyahan ko.

"Good morning fam!" Bati ko sa mga tao sa dining table. Himalang kumpleto kami ngayon. I kissed mum and dad on the cheek and did our handshake with my sibs.

"How's work sweetie?" tanong ni mum.

Kumuha ako ng fried rice at bacon, "It's fun mum."

"You mean fine? Because fun should not be the definition of work Blythe," Night interjected.

"What do you mean it can't be fun? Of course it can be! That's how we're supposed to view our works. Masaya lang. At masaya ako," I answered him.

"Oh please, don't get me started with work and fun and life Blythe," he rolled his eyes on me.

"Dad oh! Ayaw ni Night sa trabaho niya."

"Hey! Wala akong sinasabing ganyan."

"Eh ano pala?" I took a sip of my coffee.

He just shrugged and continued eating. May pinag uusapan na sila ulit ni Dad. Business related na naman siguro.

"Simon, look at our kids. They are all grown up. My babies," maiyak iyak na saad ni Mum. "Are not babies anymore." Suminghot ito.

"Mummy!" sabay sabay naming sigaw na tatlo. The last thing we want on our dining table is our mother's drama.

"Clara," dad reached out for my mum's hand. We patiently waited for what he's about to say. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng water fountain sa swimming pool. "I'm the OG baby of your life. You don't need these wannabees who's eating with us."

Dana: "Dad!"

Night: "Old man!"

Me: "No fair!"

Mum: "Awwww."

Napuno ng tawanan at hampasan ang mesa dahil doon. Our dad really have his weird ways on expressing how much he loves our mother. I aspire to have a love life like these two people who gave me life.

"Mummy, mahal mo naman ako diba? Kasi ako bunso." nagpapa cute na tanong ni Dana.

"Not as much as you love me, right mum?" Tanong ko naman.

"Huwag magpakasiguro. Ako panganay. Ako ang nag iisang lalaki. At ako ang paborito." Night even raised his coffee mug to make his point.

"Bahala ka diyan Clara," napakamot nalang sa ulo si dad.

"Mahal ko kayo equally mga anak."

"Pero bakit di mo ako binilhan noon ng paborito kong ice cream flovor?" Dana asked.

"You have fever."

"Eh bakit ako noong gusto kong mag drive ng motor di mo ako pinayagan mum?" si Night naman ang nagtanong.

"You were twelve, Night."

"How about that time when I wanted to go to a concert with my friends then you grounded me because I wanted to go to a concert with my friends?" tanong ko naman.

"Exactly."

Ooookay? That was funny and vague but somehow I can understand my mum.

"Huwag na nga kayong magtalo, ako talaga ang pinakamahal ng nanay niyo. Sino ba katabi niya sa gabi? Sino ang kayakap? Ang humahalik sa kanya? Ang—"

Mum cut dad off. "Too much, Simon. Too much."

Ngumiti lang si dad and kissed her hand. "I love you."

Nagkatinginan kaming magkakaptid at napapangiti nalang. Paano kaya nagagawa ng mga magulang namin magmahalan hanggang ngayon? I really really really wanted to have a relationship like theirs. Yung parang hindi sila napapagod na ipakitang mahal nila ang isa't isa araw-araw. That's just so pure.

At dahil good mood ang umaga namin I think it's time to tell them my plan. "Dad, mum," tawag ko sa pansin nila. "Lilipat pala ako ulit sa condo unit ko noong college. Para mas malapit lang sa trabaho ko."

Kita kong natigilan sila tapos nagkatinginan ang lahat.  May mali ba sa desisyon ko? Parang wala naman.

"When?" Dad asked.

"Bukas po sana since Sabado naman."

"Are you sure?" Mum asked.

"Mummy mas malapit iyon sa workplace ko. And besides, yung oras na ibibiyahe ko pauwi dito ay ipapahinga ko nalang sa condo if ever. Nakakapagod kasi mag drive from QC hanggang dito. Please? Pretty please?"

Napabuntong hininga si mum. "Tanong mo sa ama mo."

"Dad?" I gave him a pleading look.

"Pag iisipan ko pa."

Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Kapag kasi sinabi nilang pag isiipan nila ay malabong payagan na nila ako. Parang bumalik ako sa college days ko. I have to beg them for three weeks straight back then para lang kuhanan nila ako ng unit. Don't tell me that I have to beg them again?

Di na ako nakipagtalo. I knew better than to argue with my parents during a meal. And besides, I would not ruin this good morning that we just shared. Hopefully ay mabigyan nila ako ng sagot mamayang hapon.

So I got ready for work. I drove for two hours, kasali na traffic doon, and did amazing things for the rest of the day. Wala naman masyadong ganap sa lab ngayong araw dahil tapos na kaming mag plano sa mga incoming projects namin. All we have to do is wait for the approval mula sa mga tao sa taas and we're ready for the next step. Hopefully ay next week, nasa field na kami.

Dahil Friday ngayon ay nagyaya ang team ko sa isang get together. May balak ata silang mag KTV.

"Sige na boss. Wala pa tayong official welcome party para sayo," pilit sa akin ni Rem.

"Sorry guys di talaga puwede ngayon. Mag iimpake pa ako kasi maglilipat ako bukas sa apartment. Promise next week, lalabas tayo." Although di ko pa talaga sure kung makakalipat ako bukas ay iyon nalang ang ginawa kong dahilan. I'm still hoping that my parents will approve.

"Sus, excited ka lang kamo paglaruan iyang prototype kaya uwing uwi ka na," sabi naman ni Chris.

Inangat ko ang case na hawak ko ngayon at napangiti. "Medyo," I squealed.

"Nerd!" sabay sabay nilang sigaw sa akin.

"Thanks, I know." Nakipag high five ako sa kanila. The highest compliment I could ever receive is being called a nerd. Kasi totoo naman.

Pagpatak ng alas singko ay sabay sabay kaming lumabas ng office. Nag sorry ako ulit sa kanila dahil hindi ako makakasama sa night out nila. Ilang sandali pa ay binabaybay ko na ang daan pauwi sa Mirage. At dahil Biyernes ngayon ay inabot ako hanggang alas otso sa daan. 8:20pm na nang makarating ako bahay.

I noticed a car parked in front of our driveway. Nasa harap ng gate namin iyon kaya hindi ko tuloy maipasok sa garahe ang sasakyan ko. Sino naman kaya ang talinpadas ang nag park ng sasakyan sa tapat ng bahay namin? Hindi ba niya alam ang kasabihang 'Don't block the driveway'?

Bumusina ako. I was expecting Kuya Oscar to come out pero si Dana ang lumabas mula sa gate. She's wearing her pajamas already.

Kinatok niya ang bintana ng sasakyan at pinalabas ako. "Si Kuya Oscar na raw ang mag aayos ng sasakyan mo mamaya."

I did not argue. Pagod ako sa biyahe. Kinuha ko ang mga gamit ko at ang malaking case ng prototype na galing sa lab. Inagaw iyon ni Dana at sinipat. "What's this?"

"Careful, that's a very valuable thing from the lab."

"Cool. Can I see it?" excited na sabi niya. Bago pa ako maka protesta ay nailapag na niya sa hood ng kotse ang case at nabuksan iyon. "What the heck is this?" inangat niya ang laman niyon.

"It's a frequency machine that can emit low level of ultrasound. We patented it para makahanap ng mga sea animals sa malalim na parte ng dagat. Because eventually, if you shot them at a certain frequency, the wave emitted will bounce back telling us the exact location of these animals. Cool right?" proud na proud kong sabi.

"Sure. But why is it shaped like a gun?" Dana held it on her hand na parang babaril. Medyo kinabahan ako dahil doon.

"Mas madaling itutok. And aesthetically speaking, mas maganda naman talaga kapag babarilin mo nalang yung target diba? Just aim and shoot."

"Hindi ba ito delikado?"

"It's designed not to hurt any living things. But the funny thing is, with the right frequency, you could actually break a glass with it."

"Talaga?! So I could pretend to sing a high note, aim it at a glass and the glass will break?"

"At the right frequency." Natutuwa ako sa pagka curious ni Dana doon. Di naman kasi ito nagpapakita ng interes sa ibang bagay maliban sa mga internal organs na pinag aaralan niya.

"Like this?" She aimed at my car.

"Dana don't pull the—!"

Ang sumunod na nagyari ay hindi ko inaasahan. The sound of my car alarm broke the silence of the night as the windows—as in lahat ng windows—of my car shattered. I am standing beside the driver's seat at hindi na ako nakaiwas sa pangyayari.

"Trigger." I finished my sentence. Nanlalaki ang mga mata ni Dana na nakatingin sa akin. Nagmamadali niyang ibinalik sa case ang frequency gun at humakbang palapit sa akin. "No dont! Baka mabubog ka."

"Ate I'm so sorry!" naiiyak na sabi niya.

She called me 'ate'. She must be really sorry and guilty right now. "Just..." I felt a searing pain on my right arm. A big piece of glass was impaled through my coat at may bahid na ng dugo iyon. "Stay away from the shattered pieces Dana."

"What happened here?" A voice came out of nowhere. "What the heck?!"

"Auburn dont—"

Bago ko pa siya mapigilan ay nakalapit na siya sa akin not minding the glasses everywhere. Nakasapatos naman ito pero hindi pa rin natin alam. Ayaw kong may masaktan pang iba.

"You're bleeding," maingat niyang iniangat ang kamay kong may nakapasak na bubog at ininspeksiyon iyon.

"I can see that, Auburn." Saracastic na sabi ko. Tinangka kong bawiin ang braso ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. Maingat na inalalayan niya ako paalis sa nagkalat na bubog at papasok sa bahay namin.

"Sit down," maawtoridad na sabi niya.

"Don't tell me what to do!"

"I said sit down." Mas may diin na niyang sabi. Kinilabutan ako sa uri ng pagkakatitig niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod tapos ay saglit na umalis siya.

Did she just ordered me in my own house? That woman!

Nang makabalik siya ay may dala na siyang first aid kit. At kasunod na niya ang mga magulang ko with worried expressions on their faces.

"Blythe! Oh my god, what happened?" sugod ni mum sa akin. Nakita niya ang nagdurugong braso ko. "Jesus, Blythe, are you okay baby? Simon! Our baby!"

"Calm down tita. Judging from the bleeding hindi naman malalim ang sugat. Kaya pa po iyan ng first aid." Auburn sat down beside me and touched my arm lightly. "Masakit ba?" May pag aalalang tanong niya.

"Malamang."

Hindi siya sumagot. Seryoso lang itong nag perform ng first aid sa sugat ko. She was so serious on what's she's doing I almost forgot how she treated me the first time I met her. Ano ba tong ginagawa niya? Pambawi sa pagsusungit niya noon? Dahil kung oo, bawing bawi na siya.

Tinitigan ko siya sa ginagawa niya. She's so dangerously close I could smell her perfume. It was cinnamon and jasmine. A smell that triggered something in my brain. And before I knew it, my heart starts to beat faster and my breathing became shallow. Para akong nakikipaghabulan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I unintentionally put my unharmed arm on my chest. Ramdam ko ang malalakas na kabog na nagmumula doon. Di ko rin naman maalis ang tingin ko sa magandang mukha na naglilinis sa sugat ko ngayon. Did I tell you that she's really beautiful? Sasabihin ko na ngayon.

"You're beautiful." My eyes got wide nang marealize ko na nasabi ko iyon out loud.

"Gamutin muna natin itong sugat mo Blythe," nag angat siya ng tingin and our eyes met. Blue to icy blue. "But thanks." Then she smiled.

She freaking smiled! Oh my heart, please calm down. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa damit ko sa dibdib ko.

"...that's why we came up with a solution."

"Huh? Mum, you were saying?" di ko napasin at naririnig na kanina pa pala naglilitanya ang nanay ko sa harap namin habang nandito ako busy sa pagtitig kay Auburn.

This woman is a diatraction!

"Your dad and I were saying na papayagan ka naming tumira ulit sa condo mo in one condition."

"And that is?"

Hinintay ko ang susunod nilang sasabihin.

"Auburn will live with you."

"Okay," yun lang naman pala. Napakasimple naman ng kondisyon— "WHAT?!"









"What's up housemate?" a crooked smile is now plastered on Auburn's face.

Oh no. Oh no. Oh no. Please stop smiling and tell me they're joking.

--------
Hey wassup!

Sorry for this late update. Mej busy lang netong mga nakaraang araw si bakla. Anyways, salamat doon sa mga nag click ng vote sa mga unang chapters. Omg I love y'all 😭😍. Please continue to vote and promote niyo na din tong kuwento na to sa mga kahali natin.

Olrayt! Did you enjoy this chapter? Please let me know.

🌈

Continue Reading

You'll Also Like

290K 22.3K 55
Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap kita. Minsan na...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
864K 23.2K 81
APPLE DREW YUZON IS ONE OF THE SUCCESSFUL HEIRESS IN THE COUNTRY SHE HAS EVERYTHING SHE EVER DREAM OF HAVING EXCEPT FOR ONE... HOPING TO WIN THE GAME...
690K 18.6K 45
Diana Margarette Sandoval is an avid fan of Jameson Fajardo who happens to be the most popular and well known basketball player in the field of baske...