Her Secret (COMPLETED)

By theservantqueen

4.6M 126K 14.8K

Highest Rank in Romance as of January 2021 More

Disclaimer
Her Secret
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Wakas

Kabanata 26

78.7K 2.7K 459
By theservantqueen

Dali-dali  kong d-in-ial ang numero ni Sarah habang tumatakbo papasok sa loob ng ospital. Hindi ko alam kung sinusundan ba ako ni Zachary pero natatakot ako.

“Hoy, gaga!” bungad ni Sarah sa akin nang sinagot niya ang tawag ko. “Bakit mo pinatayan ng tawag ang anak mo? Iyak nang iyak si Zellor!”

Bigla akong na-guilty. Hindi ko naman iyon sinasadya. Masyado lang akong natakot. Narinig ko rin ang iyak ng anak ko sa kabilang linya kaya mas lalo lang akong na-guilty. Hingal na hingal ako habang tumatakbo patungong ikalawang palapag gamit lang ang hagdan. Huminto ako saglit dahil sa pagod at nilingon ko ang likuran ko kung may sumusunod ba sa akin o wala.  

“S-Sorry,” hinihingal ko na sambit. “Nakita ko si Zachary!”

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. “Nasaan ka ba? Tumatakbo ka ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Naisandal ko ang kamay ko sa pader at humugot ng malalim na hininga. “P-Papunta na ako riyan.”

“Wala kami sa kwarto, Zel. Nasa canteen kami!” aniya na siyang ikinatigil ko.

Nang nilingon ko ang likuran ko ay halos mahulog ang phone ko nang nakita ko si Zachary. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Agad-agad kong ibinaba ang tawag at nailagay ko sa dibdib ang phone dahil sa kaba at takot.

“Z-Zach…” Nanginig ang boses ko.

Salubong ang kanyang kilay habang ang kanyang mata ay madilim. “Why are you running?”

“I…”

“May dapat ba akong malaman, Zel?” tanong niya at humakbang patungo sa akin. Napaatras ako sa sobrang taranta. Namumutla na ako sa sobrang kaba at takot. Hindi ko inaasahan ang araw na ito.

Bumaba ang tingin niya sa dala ko. “Sino ang bibigyan mo ng gamot? Bakit ka tumakbo, Zel. Nagtatanong lang naman ako.”

Hindi ako makasagot at nag-iwas ng tingin. Aamin na ba ako? Wala na ba talaga akong takas? Akmang lalapit pa sana siya sa akin nang may biglang kumalabit sa akin. Pareho kaming natigilan ni Zachary at sabay na nilingon ang bata.

Ngumuso siya at tinuro ang gamot na dala ko. “Ate, iyong gamot ko po. Ang tagal niyo raw po.”

Umawang ang labi ko. “Huh?”

Napakamot ang bata sa kanyang ulo. “’Yong pinautos po ni Mama sa iyo, kailangan na po ng kapatid ko.”

Hindi ko siya maintindihan pero ibinigay ko na lang sa kanya ang dala ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon na lang yata ang paraan para mailigtas ko ang sarili ko kay Zachary.

“S-Sorry, natagalan,” nauutal kong sabi at napakurap-kurap.

Tumakbo na ang batang babae palayo sa akin. Siguro bibili na lang ako ng bagong gamot para kay Zellor. Akmang magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang hinarangan ako ni Zachary.

“Zel…”

“Ano pa ba?” inis na tanong ko. “Kung ano ang gusto mong kumpirmahin, ewan ko na lang sa iyo! Narito ako kasi may tinutulungan ako.”

“Paano mo maipapaliwanag ang narinig ko kanina? I heard a baby boy calling you ‘Mama’.” Tinaasan niya ako ng kilay at pilit hinuhuli ang tingin ko.

“Zach!” Nagtaas ako ng boses. “Ikaw na mismo nagsabi na lalayo ka muna sa akin! Sinabi ko rin na ayaw na kitang makita! Ano ba ang gusto mong malaman, ha?”

Hindi siya nagsalita at nakita ko na kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Kumirot ang puso ko nang makita ko ang umaasa niyang mata.

“Aalis na ako!” Humakbang ako pababa ng hagdan. Wala naman pala sina Sarah at Zellor, kaya tingin ko ay mamaya ko na lang sila pupuntahan kapag wala na si Zachary.

Natigil ako sa paghakbang nang magsalita siya.

“May gusto lang akong kumpirmahin. Pero mukhang hindi pala totoo ang hinala ko.”

Nanghina ang tuhod ko sa narinig. Hindi ko na siya nilingon at iniwan siyang mag-isa na nakatayo sa may hagdanan.
 

Dalawang araw lang nanatili si Zellor sa hospital at ngayon ang labas niya. Mabuti at maayos na ang pakiramdam ng anak ko. Hindi ko na kailangang mag-alala pa sa kanya. Nakaramdam din ako ng gaan sa dibdib nang hindi ko na nakita ang presensya ni Zachary.

“Mabuti at nakita ko ang batang babae iyon. Inutusan ko na kunin ang gamot sa iyo. Marunong pa lang um-acting, eh.”

Natawa ako sa kanyang sinabi. Inayos ko na ang mga damit ng anak ko at inilagay na sa bag. Nagrenta pala kami ng isang jeep para kami lang ang sasakay pauwi. Ang hirap kasing makisiksikan sa mga bus o hindi kaya sa tricycle lalo na’t kakaayos pa lang ng anak ko.

“Grabe, masyado yatang pangteleserye ang istorya niyo, Hazel! Hinahabol ka niya at tinatanong gamit ang kanyang malalim na mata. Na-imagine ko agad kung gaano ka hot si Zachary.” At tumili si Sarah pagkatapos.

Napailing na lang ako at kinuha na ang anak ko na naglalaro ng laruan. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. “Uuwi na tayo, anak! Maraming laruan ang ibibigay si Sarah sa iyo!”

Pumalakpak lang siya at inangat ang laruan. “M-Mama, t-toyt.”

Napabuntonghininga na lamang ako at pinagmasdan saglit ang anak. Hindi pa maibigkas ang anak ko ang letrang S sa dahilang bata pa siya. Ganoon naman talaga ang lahat siguro. Napangiti na lamang ako at tinawag na si Diana.

Nasa labas na kami ng hospital. Nakaupo kami sa bench habang nasa kandungan ni Sarah si Zellor. Ako ay hinihintay ang pagdating ng nirerenta na jeep at sakay doon ay si Diana. Napahikab ako. Wala kasi akong maayos na tulog kaya halos minu-minuto akong humihikab.

“Matulog ka nga muna, Zel. Ako na bahala sa anak mo. Gigisingin na lang kita kapag dumating na si Diana.”

Tumango ako at pumikit. Masyado siguro akong napagod dahil kaliwa’t kanan ang ginagawa kong trabaho. Pero worth it naman ang lahat ng pagod ko dahil nabigyan ko ng magandang buhay ang anak ko. Hindi ako nagkulang sa kanya bilang ina niya.

Hindi ko maiwasan ang maalala si Mama. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa kanya. Pero hindi ko talaga ramdam ang pagmamahal niya sa akin. Bata pa lang ako, ayaw na ayaw na niya sa akin. Pero kahit gano’n, mahal na mahal ko pa rin siya. Na kahit ang galit niya ay tinitiis ko. Isa sa mga pangarap ko ay ang mayakap siya at makausap ng masinsinan. Gusto kong maranasan ang mga naranasan ng iba.

Sumikip ang dibdib ko dahil alam ko na hindi na iyon mangyayari. Twenty-five years na akong nabuhay sa mundong ito at bilib na bilib ako sa galit niya sa akin. Gusto ko tuloy itanong sa kanya na kahit minsan man lang ba ay gusto niya akong mayakap? Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa mata ko habang nakapikit.

“Uy, nandiyan na si Diana!” Kinalabit ako ni Sarah.

Nagmulat ako at agad pinahiran ang luha sa aking mata. Kinuha ko si Zellor mula sa kanya at nilagyan ng sombrero ang anak ko. Matamlay akong tumayo at nagtungo sa gilid ng kalsada. Akmang tatawid na sana ako ngunit napatili at napayakap sa anak ko nang may biglang sumulpot na kotse at huminto mismo sa harapan ko. 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang kotse. Agad kong nilingon si Sarah at nakita ko na may kausap siya sa kanyang phone kaya hindi niya kami napansin. Nawalan ng kulay ang labi ko nang makita ko ang galit na galit na si Zachary.

Namilog ang mata ko nang bumaba siya sa kanyang kotse.

“Z-Zach…”

Padabog niyang sinarado ang pinto ng kotse niya at humakbang palapit sa akin. Bumaba ang kanyang tingin sa anak ko na mahigpit na ang kapit sa akin. Umigting ang panga niya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Zach…”

Tinuro niya ang kotse niya. “Pumasok ka sa kotse.”

Umiling ako at napaatras. Kita ko na mas lalong sumalubong ang kilay niya at mas biglang nagliyab ang kanyang mata.

“Havana!” sigaw niya na nagpagulat sa akin. “Ano? Tatakbuhan mo ba ulit ako? Hindi ka na makakatakas pa, Hazel. You can’t hide my child forever! Hindi ka na makakatakas pa, Hazel!”

Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata. Alam na niya na anak niya si Zellor. Alam na niya at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko roon. He already knows…at hindi ko alam kung ano ang mangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 114K 89
Zig's new plan for Jessielie.
4.4M 113K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
472K 14.2K 30
HANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanz...
760K 26.4K 34
R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innocent faces hide their true identities. The...