Is This Love?

By Fluffyderella

36.7K 776 38

Sa laro ng pag-ibig, sino ba ang mas matimbang? Ang taong una mong minahal o ang taong natutunan mo ng mahali... More

Copyrights
Innocent Love
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-Isang Kabanata
Ikalabing-Dalawang Kabanata
Ikalabing-Tatlong Kabanata
Ikalabing Apat na Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata :
Ikalabing-Pitong Kabanata
Ikalabing-Walong Kabanata
Ikalabing-Siyam na Kabanata
Ikadalawampung Kabanata
EPILOGUE (Unang Bahagi)
EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

Ikalabing Anim na Kabanata

950 28 1
By Fluffyderella

"Magandang gabi po, Tita, Tito." Bati ni Mimah sa mga magulang ko nang ihatid niya ako rito sa bahay.

Kumunot ang noo ni Papa at mataman akong tinignan. "Magandang gabi, Mimah. Napaaga ata ang pag uwi niyo. May nangyari ba? Asan si Zeus? Di ba ang sabi ko ihatid niya si Caleila, bakit ikaw ang naghatid sa anak ko?"

Namutla si Mimah at bago pa siya nakasagot. Naunahan ko na siyang magsalita.

"May biglaang recording po si Zeus, Pa kaya di na niya ako naihatid." Kahit bahagyang may gasgas ang boses ko, nagawa kong magsalita.

Mas lalong kumunot ang noo ni Papa. "Iniwan ka niya dahil lang sa recording?! At anong nangyari sa boses mo, umiyak ka ba?" May galit na ngayon sa boses ni Papa. Lumapit sa akin si Mama.

Umiling ako. "Emergency po, Pa." Ngumiti ako kahit mahirap yun para saken. "Sinupresa nila kasi ako kaya napaiyak ako sa sobrang saya." Letsugas! Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Ah.. Tito, Tita pwede po bang dito na ako matulog? Gabi na rin po kasi at saka nakapagpaalam na po ako sa mga magulang ko." Singit ni Mimah.

"Walang problema sa amin, Mimah." Si Mama ang sumagot.

"Uh. Sige po, inaantok na po ako. Puwede po bang matulog na kami ni Caleila? Pagod na rin po kasi siya." Tumango lang si Papa pero alam kong alam niya na may nangyaring hindi maganda.

Mabilis akong inakay ni Mimah sa kuwarto ko at kakasarado palang ng pinto ng kuwarto di ko na napigilan ang pagpiyok ng boses ko. Tinakpan ko ang sariling bibig gamit ang aking kamay nang sa ganon hindi marinig nina Papa ang iyak ko.

"Caleila..." Niyakap ako ni Mimah.

Hindi ako sumagot. Letsugas! Ang hirap magpigil ng pag-iyak. Naglakad ako patungong kama at sinubsob ang mukha sa unan para doon mag-iiyak.

Tok... Tok... Tok...

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak kahit na may kumakatok sa pinto.

"Caleila.. Mimah.." Boses ni Mama.

"Po? B-bakit po, Tita?" Natataranta na rin si Mimah.

"Okay lang ba kayo?" Nag-aalala ang boses ni Mama.

"Opo, Tita." Narinig kong bumukas ang pinto. "Tulog na po si Caleila, Tita. Napagod siguro." Ipinagpapasalamat ko pa rin na nandito si Mimah para pagtakpan ako.

"Ganon ba. O sige, goodnight, Iha." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong sumara ang pinto.

"Diyos kong mahabagin, Caleila! Mamamatay ako sa kaba dahil sa'yo!" Naramdaman ko ang paglundag niya sa kama. Bumangon ako mula sa pagkakasubsob sa unan at hinarap si Mimah.

"T-thank you, M-Mimah."

Binatukan niya ako. "Don't thank me. Responsibilidad ko bilang kaibigan mo ang damayan ka. Tss! Naiinis ako sayo! Naiinis ako kina Pearl, Shana at Timmy! At nagagalit ako kay Zeus! How can they possibly left you like this? Grr!" Napacrossed arm siya. "At bakit mo kailangang pagtakpan si Zeus? Your parents deserves to know the truth nang maturuan ng leksyon 'yang walangyang Zeus na 'yan."

Nagbaba ako ng tingin at umiling. "Ako ang may kasalanan, Mimah. Kasalanan ko 'to. Tinago ko yung tungkol sa amin ni Night. Tinago ko 'to sa inyo. At ngayon pati si Pearl, Timmy at Shana galit na sa akin."

"Kasalanan mo? Putcha naman, girl! Oo, let's say kasalanan mo ngang di mo nasabi sa kanya nang mas maaga ang tungkol sa inyo ni Night pero anak naman ng tipaklong Caleila, hindi ka man lang niya hinayaang mag-explain! At isa pa yang sina Pearl, they should understand you. Ngayon mo sila kailangan. Naku! Pag nakita ko talaga ang tatlong yun, kakalbuhin ko."

Nag-angat ako ng tingin at hinarap si Mimah. "Naiintindihan ko naman yun, Mimah. Galit sila sa akin kaya hindi nila magagawang makinig sa explanation ko. I should give them space."

"Ugh! Ewan ko sayo! Ang martyr mo! Puwede ka ng gawan ng monomento dyan sa katangahan mo." Naiinis na napatayo si Mimah. "Stay here. Tatawagan ko pa si Pearl." Hinanap niya ang sariling cellphone.

"Mimah..." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako. "Thank you."

Nang lumabas siya ng kwarto, naiwan ako sa loob. Kinapa ko ang cellphone ko sa bag.

1 message received.

Nabuhayan ako ng loob sa pag-aakalang si Zeus ang nagtext ngunit hindi, sa halip ay si Night.

From: Night

I'm sorry.

Naiyak na naman ako. Gusto kong magalit kay Night. Gusto ko siyang sisihin. Galit ako sa kanya dahil sa tingin ko siya ang nagdala roon kay Kiss. Gusto ko siyang sisihin dahil minahal ko siya noon. Ugh!

Tinext ko si Zeus.

Zeus, I'm sorry. Let's talk.

Naghintay ako ng text mula sa kanya ngunit wala. Sa halip, tawag ni Night ang nag appear sa LCD ng cellphone ko.

Night calling...

Naiinis kong pinatay ang cellphone. Ngunit tumawag siya ulit kaya naman pinabayaan ko ang cellphone kong magring. Pababayaan kong tumawag si Night hanggang sa mapagod siya.

Naabutan naman ni Mimah na nagri'ring ang phone ko.

"Caleila... Si Night, tumatawag."

"Pabayaan mo lang 'yan." Sagot ko habang nakasubsob sa unan.

Narinig ko lamang ang buntong hininga ni Mimah. Hanggang sa di ko namalayang naidlip na pala ako.

"Yuchengco?" Tawag ng professor namin sa Euthenics kung saan tanging subject na classmate kami ng Devils. "Oh, I'm sorry, class. I forgot that Mr. Yuchengco was drop out in this class." Bawi ng guro. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Night ngunit sa tingin ko di niya rin ito alam. Napatingin naman ako kay Zero ngunit binigyan niya lamang ako ng masamang tingin bago nag-iwas.

Napatayo ako. No. I don't like this feeling. Kailangan kong makita at makausap si Zeus.

"Caleila..." Tawag ni Mimah.

Mabilis akong lumabas ng classroom at hindi man lang nakapagpaalam sa professor. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at hinanap ang cellphone number ng mommy ni Zeus saka tinawagan.

Pagkatapos ng five rings, sinagot nito ang tawag ko.

"Hello, daughter..." Masayang bati sa akin ng ginang. Hindi ko yun inaasahan. Ang akala ko galit ito. "I'm glad that you called. I miss you, Iha."

"Asan po si Zeus, M-mommy?"

Natigilan ang nasa kabilang linya.

"M-mommy, please..." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"I-im sorry, Iha. Ah.. Hindi ka ba sinabihan ni Zeus? Papunta siya ngayon ng New York. I thought you knew it." Sagot ng ginang.

"Kailan po?" Ang bilis ng pintig ng puso ko.

"Ngayon. Kakaalis niya lang rito sa estate. Papunta na siya ngayon ng airport." Mabilis na sagot ng ginang.

"Sige po, mommy. Salamat po." Hindi ko na hinintay ang sagot nito.

Tumakbo ako nang mabilis. Naghihintay na ako ng taxi sa labas ng gate ng school. At sa kamalas-malasan pa, walang taxi.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang pinupunasan ko yun.

Iiwan ako ni Zeus. Pupunta na siya ng New York. Halos di na ako makahinga habang iniisip iyon.

Napahawak ako sa noo nang pumara ako ng taxi ngunit hindi yun tumigil.

"Agh!!!" Napatakip ako ng mukha. No! Hindi pwedeng umalis si Zeus.

Napatingin ako sa harapan nang may itim na kotse ang tumigil roon.

"Hop in." Si Night!

Hindi na ako nag-isip pa. Wala akong naiisip kundi ang mahabol si Zeus.

Nang makapasok ako. Sinubukan ko namang tawagan si Zeus ngunit ring lang ng ring ang cellphone niya.

"Come on, Zeus. Answer the call." Pinupunasan ko ang mga luha ko habang tinatawagan siya.

No. He can't leave me nang hindi pa ako nakakapag-explain.

"Relax, Caleila..." Hindi ko pinansin ang nag-aalalang boses ni Night. Mamaya ko na siya kokomprontahin.

Thank God kahit papano hindi matraffic. Alam ko at naniniwala akong mahahabol ko pa si Zeus.

Nang tumigil kami sa harapan ng airport. Mabilis akong bumaba ng kotse. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Night dahil sa tilian ng mga tao.

"Damn!" He cussed nang literal na talaga kaming sinugod ng mga tao.

At dahil si Night ang sinugod at hindi ako. Dumeretso na ako sa entrance ng airport. Ngunit ayaw naman akong papasukin ng guard dahil wala daw umano akong passport at ticket. Letsugas!

"Please po, kuya. Kailangan ko pong pumasok."

"Sorry po, Ma'am. Di po talaga pwede.

Ayaw ko pang sumuko pero wala na akong magawa. At dahil desperada na akong pumasok, tinulak ko ang guard para makapasok but its useless. He's too strong. Hinawakan niya ang braso ko.

"Kuya.. Please po. Kailangan ko pong makausap si Zeus." Hilam na sa luha ang mga mata ko.

Natigilan ang guard. At minumukhaan ako.

"Let her go. She's with me." Sumingit ang boses na yun. Si Night na napapaligiran na ng mga guards.

Nang bigyan ako ng daan guard, kaagad na akong tumakbo papasok.

Nagpaikot ikot ang paningin ko sa paligid sa pagbabaka-sakaling makita si Zeus. Then, I went to the check-in-desk.

"Miss... Anong oras po ang flight ni Zeus Yuchengco?" Kahit paos ang boses ko. Nagawa ko iyon sabihin. Nagtaas ng isang kilay ang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Nakaalis na po siya, Ma'am. Five minutes ago."

"Nakaalis na siya?" Tanong ko ulit. Ayaw tanggapin ng isip ko ang sagot ng babae.

"Yes, Ma'am." Nagbago ang ekspresyon ng babae. Yung mukha ng isang naaawang babae.

Tumulo na naman ang mga luha ko.

Pakiramdam ko tumigil ang oras para sa akin. Pakiramdam ko huminto ang tibok ng puso ko. Laglag ang balikat na umalis ako roon.

Iniwan na ako ni Zeus. He left me without letting me explain.

Ni hindi ko na napansin na nakalabas na pala ako ng airport. Naglalakad lamang ako nang wala sa sarili. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko sira na ang buhay ko. Hindi ko na alam!

Saka naman ang buhos ng ulan. Animo'y nakikisabay sa pagdadalamhati ko.

Letsugas! Hindi na ako makahinga sa tuwing iisipin ko na iniwan niya ako. Sumisikip ang dibdib ko at wala akong magawa kundi umiyak.

Patuloy ako sa walang buhay na paglalakad kahit basang basa na ako ng ulan at kahit nilalamig na ako. Hanggang sa naramdaman kong may humila sa braso ko.

"Shit, Caleila! Are you nuts?! Muntik ka ng mabangga!" Si Night!

Hinila ko ang braso ko at hindi nagsalita. Tinalikuran ko siya. Ayokong magsalita. Nasasaktan ako at nagagalit.

Ngunit hinila niya ulit ako saka walang babalang niyakap.

"Come on, Caleila! Wake up! Iniwan ka ni Zeus!" Paos na rin ang boses niya.

"Let me go, Monteverde! Let me go!" Nagwawala na ako. Ngunit mahigpit parin ang yakap niya sa akin.

"No! Hindi na kita pakakawalan pa, Caleila. Not now, not even tommorow. Never!" Aniya. Umiyak ako. Pinaghahampas ko siya gamit ang malayang mga kamay ko.

"Kasalanan mo 'to. Iniwan ako ni Zeus dahil sa'yo. This is all your fault, Night. Kung hindi kita minahal, di niya sana ako iniwan! Kasalanan mo... Kasalanan mo... Kasalanan mo..." Habang sinasabi ko yun animo'y hinihigop ang lakas ko at bigla na lamang nagdilim ang paligid.

Nang magmulat ako ng mga mata, hindi ko inaasahan na makita ang mukha ni Zeus. Naramdaman ko ang pagtakas ng mga luha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Z-Zeus..." Mahinang mahina ang katawan ko. Napapikit ako ulit.

Kadiliman ulit....

Nang magmulat ako ng mga mata. Bumungad saken ang puting kisame ng kuwarto ko. Napatingin ako sa gilid ng kama. Naroon si Night at nakatukod sa gilid ng kama ko.

Napabangon ako. At marahil naramdaman ni Night ang paggalaw ko kaya nagising ito.

"Caleila..." Hinawakan niya ang noo ko. Sa palagay ko, nilagnat ako kagabi. "Are you starving? What do you want to eat?"

Tinignan ko siya gamit ang walang emosyon na mukha. Well, mula ng magising ako, wala akong maramdamam bukod sa pagiging manhid.

"What are you doing here?" Walang emosyon na panimula ko.

Katahimikan... Nabibingi ako sa katahimikan sa pagitan namin kaya nag iwas ako ng paningin. Akmang bababa ako ng kama nang hawakan niya ang braso ko.

Hindi ako nag abalang tignan siya. Basta napirmi lamang ako sa kinaroroonan ko.

"Caleila, look at me.." Mababa ang tono niya ngunit di ko siya sinunod. "La~La.. Please" He gently touched my chin at inangat ang mukha ko paharap sa kanya.

"Please, Caleila... Please give me another chance. Pag iipunan ko ulit ang pagmamahal mo. Please, I'm begging you." Sa kauna-unahang pagkakataon narinig kong nagmakaawa ang mapagmataas na si Night Monteverde.

"Bahala ka..." Malamig kong saad.

"Caleila! Caleila!" Tawag sa akin ng grupo ng mga babae. Lumapit sila.

"Bakit umalis si Zeus? Babalik pa ba siya?" Tanong ng isang babaeng nakaponytail.

"Bakit siya nagdrop dito sa school? Nag-away ba kayo? Kayo pa ba?" Segunda naman ng isa.

"Ayon sa balita, mawawala muna ang Devils dahil magco-concentrate sila sa pag-aaral. Totoo ba yun?"

Binigyan ko sila ng inosenteng tingin then I smiled.

"Mauna na ako, girls. May klase pa kasi ako." Sagot ko sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Huy, Caleila! Caleila!" Tawag nila. Hinarap ko sila at nagwave ng hand saka nagpatuloy sa paglalakad.

Kanina sa labas ng gate ng bahay namin ay inabangan rin ako ng media but I just gave them a smile.

"La-La.." Natigil ako sa paglalakad ngunit hindi ako nag abalang lingunin siya.

"Caleila!" Naghalfrun si Night patungo sa gilid ko at hinawakan ang braso ko.

Ngumiti na naman ako. "Night? Bakit?" Mababa ang tonong tanong ko.

"Ihahatid kita mamaya. Hintayin mo ako sa parking lot." Nakangiti pa rin akong tumango.

Kumunot ang noo niya. Animo'y hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya.

Bago pa siya makapagsalita. Nagpaalam na ako. "Mauna na ako, Night. May klase pa ako." I said bago siya iniwan roon.

Tulad ng karaniwan kong ginagawa. Pumasok ako ng unang subject. Nakita kong naroon na ang mga kaibigan ko. Naglakad ako patungo sa aking upuan.

Nagtaas ng kilay saken si Pearl na siyang seatmate ko saka tumayo at nagtransfer sa ibang upuan. Balewala naman akong umupo sa upuan ko.

"Caleila!" Tawag sa akin ni Mimah. Nag-angat ang paningin ko sa kanya.

Alam ko nasa amin, sa akin ang atensyon ng lahat ng naroon na estudyante. Ngunit binalewala ko yun.

"Hoy! Wala ba kayong planong makipabati sa isa't-isa? Caleila... Pearl..." Tinignan ni Mimah si Pearl bago ako.

"Wala akong kasalanan, Mimah. Hindi ako ang nagtago ng sekreto." Galit na sagot ni Pearl.

Napuno ng bulungan ang classroom. Hindi ako nagsalita.

"Caleila! Ang sama mo! Tinuring ka naming kaibigan pero nagtago ka ng sekreto sa amin!" Si Timmy na nagsisimula ng umiyak.

"Hindi ka ba nakokonsensya? Why are you acting as if wala lang sa'yo ang lahat?" Segunda naman ng galit na si Shana.

"Shut up, girls!" Sigaw ni Mimah. Natahimik ang lahat. Samantalang kinuha ko ang libro ko para magbasa na tila hindi sila nag e-exist sa paligid. Siguro nga naging manhid na ako. Hindi ko magawang magalit, matuwa, mainis, at malungkot sa mga pinagsasabi nila.

Naramdaman kong may yabag na palapit sa akin. Nag-angat ako ng paningin. Si Pearl!

"Alam mong gusto ko siya pero tinago mo sa akin na may relasyon pala kayo. Kaibigan ba talaga kita?" Maiiyak na ang si Pearl ngunit walang ekspresyon ang mukha kong nakatingin sa kanya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa na para bang wala siyang sinabing importante saken.

Ngunit hindi ko inaasahan ang pag-agaw niya ng libro ko at paglapat ng palad niya sa pisngi ko and the next thing I know, hinihila niya na ang buhok ko.

"Darn you, slutty b*tch!" Sigaw ni Pearl habang hila ang buhok ko.

"Pearl, stop it!" Sigaw ni Mimah. Hindi ako lumaban. Hinayaan ko si Pearl. Nang sa wakas mahila siya nina Mimah palayo sa akin, wala pa ring ekspresyon ang mukha ko.

"Dela Santos! Angeles!" Sigaw ng Professor na siyang kakapasok lamang. Hindi namin napansin ang guro. Nakatingin lamang sa akin ang nag-aalab sa galit na mga mata ni Pearl.

"I didn't know you are this super b*tch, Caleila! But thanks a lot, now I'm completely awake that you're nothing but a wench!" Nanggigil na saad ni Pearl. Hindi ako sumagot. Sa halip, inayos ko lamang ang buhok ko at pinulot ang libro ko saka umupo sa upuan ko kanina at umakto na animo'y walang nangyari.

Susugurin sana ako ulit ni Pearl ngunit pigil na siya nina Mimah.

"Angeles, Dela Santos! Go to my office after the class." Utos ng guro.

"I heard what happen. Nag-away kayo ng mga kaibigan mo."

Kasalukuyan akong nasa canteen at ramdam ko pa rin ang mga mapanuring mga mata ng mga estudyante lalo na ng lapitan ako ni Night.

Inosente ko siyang tinignan habang kumakain ng french fries saka nagpatuloy sa pagbabasa.

"Damn it, Caleila! Will you stop this stupid act. Stop smiling when in fact you're hurting. Stop acting as if you're strong when infact you're weak inside. I know ginagawa mo 'to dahil kay Zeus. Wake up, Caleila! Wake up!" Galit na inagaw ni Night ang librong hawak ko at niyugyog ang balikat ko.

Tumawa ako. Isang walang buhay na tawa. Ngayon, tahimik na ang paligid.

"I'm perfectly awake, Night. This is me. This is what I am. This is the true me." Sagot ko at inagaw mula sa kanya ang libro.

"No, you're not. I know you more, Caleila. Hindi ganyan ang Caleila na minahal ko!" Aniya. Napuno naman ng bulungan ang kaninang tahimik na paligid.

Natigilan ako. I looked at him with an emotionless smile.

"You're right, Night. The old Caleila, the Caleila you've love. Maybe, I'm not her anymore. She died. She's gone. And you killed her. Zeus killed her." I said bago tumayo at umalis roon.

flx)

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...