Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

Von helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... Mehr

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Thirty-One

54.1K 1.2K 112
Von helene_mendoza

Carlo's POV

            "Can you talk to this guy?"

            Kahit hindi ako nakatingin kay Charlotte ay alam niyang siya ang kausap ko. Nakaupo lang din siya sa mesa at kumakain ng almusal. Magmula ng muntik na siyang magkaroon ng miscarriage, nag-lie-low na rin ako ng pagiging aloof sa kanya. Matabang pa rin ang pakikitungo ko pero medyo ingat pa rin dahil ayoko naman na madamay ang anak namin sa galit ko sa nanay niya.

            "Who?" Tanong niya. Nakita ko siyang nagsalin ng kape sa coffee mug at walang anuman na ininom iyon.

            "Is coffee still good for you?" Tanong ko sa kanya. She is pouring more coffee in the coffee mug.

            "Yeah, why?" Balik-tanong niya.

            "Coffee is bad for pregnant women, right?"

            Nakita kong parang nataranta ang itsura ni Charlotte at parang napapasong binitiwan ang hawak na kape.

            "Oh, I am so sorry. I forgot. You know how I love my coffee but for our baby, I will give this up." Ngumiti ng pilit sa akin si Charlotte.

            Tumango lang ako at muli kong itinuon ang pansin ko sa binabasa kong mga reports. Listahan ito ng mga shipments na hindi pa rin naayos ng kumpanya ni Bullet Acosta. Napailing ako ng maalala ko ang lalaki. First time I saw that guy, talagang iba na ang feeling ko sa kanya. Mabigat ang dugo ko. He is so irresponsible. Ilang buwan ng problema itong mga shipments na ito pero hindi pa rin nila naayos. I tried discussing it with him but, I think he didn't make any progress. Every time I will visit his office, lagi na lang siyang wala.

            "Sino ang kakausapin ko?" Tanong ni Charlotte sa akin.

            "This Bullet Acosta. Until now his company is not fixing the shipment problems. I've tried talking to him about this pero mukha namang walang ginawa. Do you really trust this company?"

            Tiningnan din ni Charlotte ang mga hawak kong papel. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya pero pagdating dito sa negosyo ay maasahan ko naman ang babaeng ito. Marunong magpatakbo ng business si Charlotte at magaling siya sa decision making.

            "I have known him since we were small and wala kaming naging problema sa company nila. This will be a first if ever. Hindi pa ba kayo nag-usap?"

            "Once. I asked him to fix this, but I think he didn't do anything about it."

            Sumeryoso ang mukha ni Charlotte.

            "Just let it pass for now. The guy is grieving. He just lost his brother from an accident. Remember the bus accident that-" biglang parang nagulat si Charlotte sa nasabi niya kaya hindi niya itinuloy.

            "What bus accident?"

            Umiling siya. "Never mind. Basta namatay lang ang kapatid niya." Kunwa ay inabala ni Charlotte ang sarili sa pagkuha ng pagkain.

            "What bus accident, Charlotte?" Tumigas na ang boses ko.

            Napalunok si Charlotte at parang natatakot na tumingin sa akin.

            "I just don't want to tell you," napabuga siya ng hangin. "Kasama ang kapatid niya sa mga namatay sa bus accident na kasama si Amy." Halatang ayaw man lang mabanggit ni Charlotte ang pangalan ni Amy.

            "I swear, recently ko lang nalaman 'yan kas inga lagi siyang nandoon sa Quezon to take care of his mom and his brother's widow." Sabi pa niya.

            "And how did you know about this?" Tanong ko pa.

            "Dad told me. 'Di ba nga, family friend ang family nila. Nakausap na rin naman ni dad si Bullet tungkol sa mga shipments and ginagawan naman ng paraan. But if you still want to talk to him and remind him about it, bahala ka na. It's your company now," ngumiti ng matamis sa akin Charlotte.

            "Yeah. My company because you put a shotgun in my head." Sagot ko sa kanya.

            Nawala ang ngiti ni Charlotte sa akin.

            "Huwag kang masyadong kampante, Charlotte. I am just like this because of the baby and because your dad threatened my family and me. But if I have the chance to get away from you, gagawin ko talaga."

            Nakita kong parang nangilid ang luha ni Charlotte sa narinig na sinabi ko.

            "You really hate me that much? Even if I already gave you what you wanted?" Nanginginig ang boses na tanong niya.

            Pinahid ko ng table napkin ang bibig ko at tumayo na doon bitbit ang mga papeles. Ayoko ng magtagal dito.

            Diretso ako sa opisina ng ACO Logistics. Kahit wala akong naka-schedule na meeting kay Bullet Acosta at hindi ako sigurado na naroon siya ay magbabakasakali ako. Gago ako pagdating kay Charlotte pero pagdating sa trabaho, responsible ako dahil maraming mga tao ang maapektuhan kapag hindi naayos ito.

            Pagdating ko sa 12th floor ay dire-diretso ako sa opisina ni Bullet Acosta. Agad akong sinalubong ng secretary niya.

            "Anything I can do for you, Sir?"

            "I need to talk to Bullet Acosta." Seryoso kong sagot sa kanya.

            "Sir, he is currently talking to a client. And do you have an appointment?" Tanong pa ng secretary sa akin.

            "I don't have but I need to talk to him and it's urgent." Tinungo ko ang pinto at agad na humarang doon ang babae.

            "Sir, you cannot just get in if you don't have an appointment. I'll check his schedule and I'll let you know if you can fit in within the day." Halatang kinakabahan na rin ang babae sa harap ko kasi hindi naman talaga niya ako mapipigil na hindi harapin ang Bullet Acosta na ito ngayong alam kong nandito pala siya.

            "Five minutes. I need to discuss something to him."

            "Sir, sorry but I cannot let you in."

            Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya. Dire-diretso kong binuksan ang pinto ng opisina at tuloy-tuloy akong pumasok.

            "-Amelia Solomon."

            Iyon ang narinig kong pangalan na binanggit ni Bullet Acosta habang may kausap siyang lalaki.

            "How did you know Amelia Solomon?"

            Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Bullet ng makita ako doon. Napatayo din ang lalaking kausap niya. Tumingin si Bullet sa secretary niya parang nagtatanong kung paano ako nakapasok na lang basta.

            "S-sir, sorry. Hindi ko na kasi siya napigil." Halatang takot na takot ang babaeng sekretarya.

            Sumeryoso ang mukha ni Bullet at napapailing na tinungo ang table niya.

            "What can I do for you, Mr. Santos? I am in a middle of a negotiation here." Sabi niya at tinapunan ng tingin ang kausap na lalaking naroon din. Seryoso lang din itong nakatingin sa akin.

            I don't care if they are negotiating about life and death situation. I've heard him said Amy's name.

            "How did you know Amy? You said Amelia Solomon." Sabi ko sa kanya.

            Napatingin si Bullet sa kasamang lalaki tapos ay tumingin sa akin.

            "I don't know what you're talking about, Mr. Santos. We are talking here and you just barged in." Naiiling na sagot niya.

            Pinipigil ko ang galit na umaalsa sa dibdib ko.

            "You said her name. I was looking for my girlfriend for months and you said her name. Do you know her?" Hindi ko na napigil ang galit ko.

            Kumunot ang noo sa akin ni Bullet tapos ay natawa.

            "Girlfriend? You are married, right? You are married with Charlotte and she is already pregnant. May girlfriend ka kahit may-asawa ka?" Tumingin si Bullet sa kasama niya na parang ang tingin sa akin ay nababaliw na ako.

            Napatiim-bagang ako.

            "You don't know my story so stop patronizing me. I heard you said Amelia Solomon. Just tell me if you know her." Dahil hindi ako titigil dito hangga't hindi niya ini-explain sa akin kung bakit niyang binanggit ang pangalan ni Amy.

            Naiiling na natawa si Bullet.

            "Mr. Santos, I think you've misheard me. I was telling my colleague here about our business. I didn't say any name. Maybe it was all in your head. I never heard of that name in my entire life." Sagot niya sa akin at sumandal sa kinauupuan niyang swivel chair.

            Hindi ako nakasagot. Nakaramdam ako ng pagkapahiya pero pinilit kong maging matatag sa harap niya.

            "So, what can I do for you?" Muli niyang tanong sa akin.

            Napahinga ako ng malalim. Nagkamali nga lang ba talaga ako ng rinig? Is it just all in my head because all I think about was Amy kaya lahat na lang akala ko ay tungkol sa kanya?

            Napahinga ako ng malalim at inilapag ko sa table ni ang mga hawak kong folders.

            "You better fix this, Mr. Acosta. I told you the last time we talked that you don't fix this, we are going to have a problem. I don't care if your family is close to my wife's family. Kayang-kaya kong desisyunan na palitan ang kumpanya 'nyo for our cargo services." Matigas na sabi ko sa kanya.

            Dinukwang ni Bullet ang mga folders at tiningnan iyon. Binasa-basa tapos ay muling isinara. Naiinis ako sa pagiging kalmado niya. Nabubuwisit ako sa mukha niya dahil itsurang nangma-mock ang mukha niya.

            "Your shipments are in customs already. I personally tracked it and I am assuring you that it will be in your factory this weekend. If you don't believe me, my secretary can accompany you to our logistics department. You can track it from there."     

            Nakangiti siya sa akin at iniabot ang mga folders pabalik. Nakangiti siya pero nakakabuwisit ang paraan ng pagkakangiti niya. Parang gusto kong burahin ng suntok.

            Painis kong inagaw ang mga folders na ibinibigay niya at tinalikuran ko na siya.

            "Do you have my calling card, Mr. Santos?"

            Napahinto ako at humarap ako kay Bullet Acosta.

            "It's with my secretary." Sagot ko sa kanya.

            "You can ask your secretary next time to call my secretary and schedule an appointment. I won't be this kind next time." A smirk was on his face while looking at me.

            Tinalikuran ko na siya.

            "Fuck you." Mahina kong sabi habang palabas ako. Wala na akong pakialam kung marinig man niya ang sinabi ko. Gusto ko na lang makaalis dito dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa mayabang na lalaking ito.

----------

Charlotte's POV

            Kanina pa ako inip sa paghihintay dito sa coffee shop na malapit sa ospital kung saan nagta-trabaho si Jean. I need to talk to her.

            Ilang kape na rin ang naubos ko dito sa paghihintay sa kanya. Nakakainip na. Naalala ko na naman kaninang almusal, nasita ako ni Carlo na umiinom ako ng kape kahit buntis ako. I cannot give up my coffee. Ito ang nagpapakalma sa akin.

            Para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong pumapasok sa coffee shop si Jean at palinga-linga. Agad akong kumaway sa kanya at lumapit siya sa puwesto ko

            "You want coffee?" Alok ko sa kanya.

            "I'm okay with water. And you should learn how to stop drinking coffee para kapani-paniwala ang pagbubuntis mo." Sabi niya sa akin.

            "I can't give this up. Coffee is life for me."

            "What do you need?" Nagpasalamat siya sa crew na lumapit sa amin at nagbigay ng isang basong tubig sa kanya.

"I am so afraid how can I make sure that I am really acting like a pregnant mom."

            Napairap si Jean at napailing.

            "For starters, stop drinking your coffee." Sagot niya at kinuha ang kapeng hawak ko. "Eat nutritious food in front of your husband para mas maniwala siya. Or, you can tell him to have a vacation. Somewhere outside the city. Tell him, you need fresh air for you and the baby."

            Napasimangot ako.

            "Mukhang malabo naman iyon. Nakita mo nga kunwari muntik na akong makunan pero parang walang pakiealam sa akin."

            Natawa si Jean sa sagot ko.

            "Oo nga. He really hates you that much?"

            Napailing ako.

            "It's because of that bitch. Mabuti na lang at namatay ang babaeng iyon."

            "Oh? The ex that was pregnant? Naikuwento nga ni Tita Sonia sa akin."

            "Patay na ginugulo pa rin kami. Alam mo bang ang tanga ng babaeng iyon? My mother in law was paying her one million pesos. One million for the child. Aba? Tinanggihan ng gaga. Ayun, she died from the accident."

            "Accident?" Paniniguro ni Jean.

            "The bus accident happened months ago? 'Yung maraming namatay?"

            Kumunot ang noo ni Jean. "'Yung bus na papunta sa Sagada?" Paniniguro niya.

            "Yeah. That one. I feel sorry for those who died in there but I felt relieved that, that woman was included with the casualties."

            Napatahimik si Jean at napahinga ng malalim.

            "My ex-boyfriend also died in there. Well, technically boyfriend pa rin dapat kasi wala naman kaming formal break-up."

            "Oh? Oh my god. I am so sorry. I'm sorry, Jean. I didn't know."

            Ngumiti siya ng mapakla. "It's okay." Napahinga ng malalim. "It's a long story. Well he got married and I met his wife. I am also her doctor."

            "What? Grabe. Nakaya mo 'yon?" Ibang klase ang babaeng ito. Baka kapag ang Amy na iyon ang makaharap ko, sirain ko na lang ang mukha sa sobrang inis ko sa kanya.

            "Duty calls and kahit naman wala na ang ex ko, well his brother is good looking too." Ngumiti siya sa akin.

            "Oh, may hidden agenda ka pala, ha?"

            Natawa na si Jean. "Bibigay din sa akin iyon. Their family is well known in Quezon and hindi ako papayag na hindi ko mabingwit ang apelyido nila."

            Kumunot ang noo ko. "Quezon? Si Bullet Acosta ba 'yan?" Paniniguro ko. Ang pamilya lang naman ni Bullet ang kilala kong well-known sa Quezon.

            Lumiwanag ang mukha niya. "Yeah. How did you know?"

            "Ex mo si Hunter? Oh my god! So small world! Family friend sila."

            Ang ganda ng ngiti ni Jean.

            "You know what, why don't you go with me to Quezon? Kayo ng husband mo? I am the town doctor there. Tell your husband that you need to unwind. Kung ayaw, kakausapin ko. Ako ang bahala."

            Parang na-excite ako sa sinabi niya. "Talaga? I like that. Sa totoo lang, two months na akong stressed dahil sa pangyayaring ito."

            "Sige. Let's schedule and I am sure, sasama ang asawa mo sa iyo."

            Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Ngayon pa lang ay excited na ako. I think kailangan namin ito ni Carlo. Kailangan namin lumayo mula sa mga taong nagpapaalala sa kanya kay Amy.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

132K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
8M 196K 70
Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina
4.1M 88.9K 48
She's my secret. My beautiful little secret. -Chance McLenan