Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Twenty-eight

57.2K 1.3K 295
By helene_mendoza

Hello sa lahat ng sumusubaybay sa Pretending Mrs. Acosta. May team na ba kayo? Taas ang kamay ng Team Bullet at Team Carlo? Gigil na ba kayo kay Charlotte? Kay Sonia Santos? Sino ang naiinis kay Jean? Kalma lang, ha? Kasi may announcement muna ako.

And it's official.

Kasama ang novel kong How to Tame Lucy? sa mga new release books ng PHR (Precious Hearts Romance) this coming MIBF (Manila International Book Fair) sa SMX.

I'll be there for book signing on September 14, 2019, 1-5PM

I hope to see you all there dahil bubusugin ko kayo sa sweets, freebies and hugs. Excited na ako ma-meet kayo lalo na ang Team Manila. 😘❤️

May two months pa kayo para mag-ipon dahil maraming new release books doon. hehehe

See you all!!!
----------

Amy's POV

Nakakahiya itong ginagawa ni Bullet. Ano ba ang nangyayari sa kanya at ganito ang ginagawa niya? Buhatin ba naman ako sa harap ng mga tao! Diyos ko! Pakiramdam ko ay gusto kong lumubog na lang sa sobrang hiya.

Kahit na nga nandito na kami sa ospital ay panay ang tanong niya sa doctor kung okay lang ang lagay ko. Lahat ipina-check niya. Ultrasound, pelvic exam. Kung puwede lang siguro niya akong ipa-executive check-up ginawa na rin niya.

"But is she really out of danger? The baby? Is it fine? Walang problema?"

Gusto kong matawa sa itsura ni Bullet habang seryoso siyang nakatingin sa doctor na nag-assist sa akin at naipagpasalamat kong hindi si Jean iyon.

Natatawa ang medyo may edad na doctor tapos ay tumingin sa akin tapos kay Bullet ulit.

"The baby is fine, and she is also fine. You don't need to worry." Sabi ng doctor kay Bullet tapos ay bumaling sa akin. "Your husband is really worried about you. First baby?"

Nagkatinginan kami ni Bullet. Napagkamalan pa kaming mag-asawa!

"Ah-eh- hindi po. Hindi po kami mag-asawa. Brother in law ko po." Pagtatama ko at ngumiti ako ng alanganin kay Bullet. Wala naman siyang reaksyon. Hindi siya ngumiti pero hindi rin sumimangot. Blangko ang mukha pero bakit parang ramdam ko na nainis siya sa sinabi ko? Nainis ba siya kasi talagang pinaninindigan kong asawa ako ni Hunter? 'Yun naman talaga ang dapat kasi iyon ang alam ng halos lahat ng tao sa bayan na ito.

"If you are okay, if you don't feel that anything is wrong, let's go home." Tumayo na si Bullet at inalalayan akong makatayo. "Can you walk?"

"Oo!" Bulalas ko. "Kaya ko. Kaya kong maglakad." Mabilis akong tumayo at nagsimulang maglakad. Baka buhatin na naman ako ng lalaking ito, nakakahiya na talaga.

Iwas na iwas talaga ako kay Bullet habang naglalakad kami palabas ng ospital. Naasiwa kasi ako sa naiinis ako sa sarili ko. Nag-aalala lang naman sa akin si Bullet dahil buntis ako. Kahit sino sigurong matinong tao, mag-aalala sa nangyari sa akin kanina. Pero ng hawakan niya ako, nang buhatin niya ako, iba ang naramdaman ko.

I felt so secured. I felt I was safe in his arms. 'Yung parang hindi niya ako pababayaan na may masamang mangyayari sa akin. Security. Iyon ang naramdaman ko. Security na kahit kailan hindi ko naramdaman kay Carlo.

Hanggang sa makasakay sa kotse, hanggang sa pagmamaneho, ramdam na ramdam ko ang pag-iingat ni Bullet.

"About Carlo." Basag ni Bullet sa katahimikan namin.

Tumingin ako kay Bullet. Nakatingin lang siya sa kalsada pero halatang may gusto siyang sabihin.

"What about him?" Tanong ko sa kanya.

"What if one day magkita kayo, babalik ka ba?"

Hindi ako agad nakasagot at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

"What if alam mo 'yon? Nagkita kayo then he would tell you that he still loves you and he is willing to leave his family for you. What are you going to do?"

Umiling lang ako. Ano nga ba ang gagawin ko?

"Hindi ko alam." Napayuko ako sa sagot ko.

Napabuntong-hininga si Bullet. Parang hindi nagustuhan ang narinig na sagot ko.

"Umm, alright." Napatawa siya ng pilit. "I know it's too soon to ask you that question. Sabagay he is the father of your child kaya alam kong mas matimbang pa rin talaga ang nararamdaman mo sa kanya. And he is good looking too. He got nice hair," parang sa sarili lang iyon sinasabi ni Bullet.

Napakunot ang noo ko sa kanya. Ano ba itong mga sinasabi ni Bullet?

"Ganito. Kung halimbawa mayroong dumating na iba. I mean ibang tao na gusto ka and that person accepts everything about you. Your past, you, your child. That person is beginning to fall for you," napakamot siya ng ulo tapos ay napa-ehem siya na parang may bara sa lalamunan niya. "Would you give love another chance?" Bahagya pa siyang sumulyap sa akin.

Napahinga ako ng hangin at hinimas ko ang tiyan ko.

"All I care about right now is my child and how can we survive after this."

"Willing ko nga kayong alagaan." Bulalas ni Bullet.

Taka akong napatingin sa kanya. "Ano?" Anong sinasabi ng lalaking ito?

Parang natataranta din na tumingin sa akin si Bullet.

"What I meant was- um- I mean- kami ni mama," tumawa siya ng pilit sa akin. "Kami ni mama we are willing to take care of you and baby Hunter. You know my mom. You cannot say no to her." Umayos pa ng upo si Bullet.

Ngumiti ako ng mapakla.

"Hindi naman ako puwedeng habang panahon na nasa inyo. Alam mo naman na isang malaking kasinungalingan lang ito. Ginagamit ko lang si Hunter para sa anak ko at alam kong mali iyon. Mali itong ginagawa ko, Bullet. Nahihiya na ako sa'yo at kay Mrs. Acosta. Napakabait 'nyo sa akin. Sa amin ng anak at hindi na ako makakatagal pa na lokohin siya." Malungkot kong sagot sa kanya.

"Masaya siya na nandito ka at ginawa ka niyang parte na ng pamilya namin. My mom loves you, Amy. She loves you and your son, and I feel the same way too."

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

Nakita kong parang nabigla din si Bullet sa nasabi niya at napalunok siya pero nanatiling nakatingin sa kalsada.

"I-I feel the same way na masaya na dumating ka sa pamilya namin. That's what I meant." Ngumiti siya ng pilit sa akin at itinuon na lang ang sarili sa pagmamaneho.

Hindi na nagsalita pa si Bullet hanggang sa makarating kami sa bahay. Inalalayan lang niya akong makababa ng kotse hanggang sa makapasok kami sa bahay. Naabutan namin si Mrs. Acosta na nasa sala at nakatutok pa rin ang pansin sa hawak na cellphone. Muktang tinotoo ang sinabi niyang maghahanap siya ng chismis sa social media. Pero agad din na binitawan ang telepono ng makitang dumating kami.

"'Ma, I suggest Aria should stay in one of the room here downstairs. Delikado sa kalagayan niya ang akyat-panaog sa hagdan. Hindi natin masasabi ang aksidente." Seryosong-seryoso ang mukha ni Bullet.

Bakit nagbago ang mood? Naging masungit na Bullet na naman? Kanina lang okay naman kami.

"Why? Something happened?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Acosta.

"Just let her stay downstairs. Magpapahinga lang ako." Sabi niya at tuloy-tuloy ng umakyat sa taas.

Pareho lang kaming naiwan ni Mrs. Acosta na nagtataka.

----------------

Bullet's POV

Stupid, Bullet.

Napaka-stupid ko. Ano ba ang pinagsasasabi ko kay Amy?

Inis na naihilamos ko ng palad ang mukha ko at pumasok sa kuwarto ko tapos ay pabagsak na nahiga sa kama.

What the hell am I thinking? Bakit kailangan ko siyang tanungin ng mga ganoon? Of course, she still loves that asshole. Iyon ang tatay ng anak niya. Magpapabuntis ba siya doon kung hindi niya mahal? But that man is a douche. Hindi nga niya nagawang ipaglaban si Amy. Natakot mawalan ng mana. Natakot mawala ang kayamanan ng pamilya. Anong klaseng lalaki iyon? Oo nga at alam kong gumagawa siya ng effort para makita si Amy, pero para saan pa? Anong gagawin niya? Ibabahay niya at gagawin niyang other woman?

Inis akong dumapa at isinubsob sa unan ang mukha ko. Tapos ay inuntog-untog ko ang mukha ko sa unan.

What the hell is happening to me? This is not normal anymore. Kung ano-ano ang nasasabi ko kay Amy.

Fuck! I know I like her, but this feeling is getting stronger. Hindi na simpleng pag-aalala ang nararamdaman ko sa kanya. Kanina lang ng may mangyaring aksidente sa kanya ay parang hihimatayin na ako sa takot na may masamang mangyari sa kanya at sa baby. 'Tang ina, daig ko pa talaga ang tatay na first time magkakaanak.

Shit. This is bad. This is very, very bad. I need to fix this. Alam kong wala akong pag-asa na mapansin ni Amy. She is all eyes to that fucking Carlo.

Inis akong tumayo at lumabas ng kuwarto tapos ay tinungo ko ang magiging kuwarto ni baby Hunter. Tiningnan ko ang paligid at hinubad ko ang suot kong t-shirt. Kahit gabi na ay gusto kong maging busy para mawala ang anumang isipin tungkol kay Amy. Pipinturahan ko na lang ang kuwarto.

Pastel blue and green ang kulay ng pinturang nakita ko doon. Inayos ko ang mga gamit at sinimulan kong pinturahan ang dingding. I'll focus myself in here.

"Well, the color combination is nice."

Hindi ko nilingon si mama. Ipinagpatuloy ko lang ang pagpipintura ko.

"I told Ester to tell Karding to bring Aria's things to her new room as per your request." Narinig kong sabi pa ni mama.

Hindi ako sumagot. I don't want to talk about Amy. Gusto ko na nga siyang mawala sa sistema ko kasi talagang nasisira ang mga diskarte ko.

"She told me she had an accident. Nag-alala nga ako kasi baka mapaano ang apo ko."

"She is fine, 'ma. Sabi ng doctor normal naman ang lahat. The baby is also fine." Patuloy ako ng paghagod sa pintura sa dingding.

"Eh, bakit parang ikaw hindi normal? Naiinis ka ba?"

Napahinto ako sa ginagawa ko at nilingon si mama.

"Naiinis? Bakit naman ako maiinis? I am busy painting this room," sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagpipintura ko.

Napa-um lang si mama at wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Napabuga ako ng hangin. Mabuti nga huwag ng magsalita si mama. Ayaw ko ng pag-usapan si Amy.

Wala akong hinto sa paghagod ng pintura. Wala na rin akong naririnig sa likod ko. Lumabas na siguro si mama kaya nilingon ko siya. Pero agad akong napa-atras ng makita ko si mama na walang kilatis na nakatayo sa likuran ko.

"Jesus! What the hell, 'ma? Are you going to scare me to death?"

Fuck. Bakit ba parang ninja itong nanay ko? Nakatayo lang siya sa likuran ko at tinitingnan ako.

"There is something about you." Sabi niya at tinitingnan ang mukha ko.

"What about me?" Inis kong binitiwan ang hawak kong paint roller.

"You are mad, and this is not because you don't trust Aria. There is something." Naniningkit pa ang mata ni mama na parang pino-probe ang mukha ko.

Napailing ako at napatawa ng nakakaloko.

"So, are you psychic now? You told me to paint this and that is what I am doing right now then you are going to probe me?"

"Bullet, in love ka 'no?" Walang gatol na sabi ni mama.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What? What are you talking about 'ma?" Naiiling akong napakamot ng ulo at naupo sa kama na naroon. Tumabi rin sa akin si mama.

Ngumiti si mama sa akin.

"In love ka ba doon sa sinabi mong pangalan ng babae? 'Yung Amy?"

Nakakainis ang ngiti ni mama sa akin. Halatang-halata na nanunukso at naiinis siya.

"For Christ's sake 'ma, I think you are hallucinating. What are you talking about?"

"Bakit kasi hindi mo ligawan? Hindi ka ba marunong manligaw?"

Natawa na ako napailing tapos ay tumayo.

"What you're saying is impossible. I don't know what you're talking about and I think I need to go out." Tinungo ko ang pinto para lumabas na. Siguro ay pupunta na lang ako bahay ni Jean just to meet other people. I need to get out of this place.

"Bullet, tandaan mo. Mother's instinct never lets me down."

Nilingon ko si mama at nakita kong nakangiti pa rin siya sa akin. Umiling na lang ako at natatawang bumaba ng hagdan.

Doon ako dumaan sa likod para hindi na kami magkita ni Amy. Ako na ang iiwas sa kanya para hindi na rin siya magulo. And I decided to go back to Manila tomorrow at baka sakaling mawala na si Amy sa sistema ko.

Diretso ako sa bahay ni Jean. May ilan-ilan din akong sasakyan na nakitang nakaparada doon. Mukhang marami nga rin siyang bisita. Pagkaparada ko ng sasakyan ko ay nag-buzz ako at siya ang nagbukas ng pinto. Ang ganda ng ngiti ni Jean ng makita ako.

"Bullet! It's so nice that you came." Masayang sabi ni Jean. Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ako. Humalik siya sa pisngi ko at amoy alak na siya.

Naabutan ko sa sala ang ibang mga staff ng ospital na dati ko na rin nakakasama kapag isinasama ko ni Hunter sa mga get together nila. Agad akong dumampot ng beer mula sa cooler.

"Buti naman at naisipan mong pumunta dito." Sabi ni Jean sa akin.

"Walang magawa sa bahay."

"Tara doon tayo sa terrace. Maingay dito." Sabi ni Jean at hinawakan ang kamay ko para sabay kaming makaakyat sa taas. Mula doon ay kita ko ang napakalawak na lupain namin.

"Hunter and I used to stay here. We always look at this vast greenery. Alam mo naman ang kapatid mo, nature lover talaga." Tumungga siya sa hawak na beer.

Tumingin ako kay Jean at nakatingin lang siya sa malawak na lupain.

"We created our dreams, we talked about our future here. Sabi niya he would marry me, soon." Tumingin sa akin si Jean at ngumiti ng mapakla. "It turned out, he married someone else."

Dire-diretso kong tinungga ang hawak kong beer. Inubos ko ang laman at dumampot ako sa dala ni Jean.

"Paulit-ulit man ako, Bullet pero hindi ko matanggap kasi." Ngumiti ng mapakla sa akin si Jean at nakita kong nangingilid na ang luha niya.

"It happened already. Hunter is not here to explain himself. Whatever are his reasons, he kept it until his death."

Dumikit sa akin si Jean at humilig ang ulo sa balikat ko.

This is wrong. Ganitong-ganito kami noon 'nung muntik na kaming makalimot. Bakit naman kasi dito ako pumunta? Putang ina talaga. Maloloko na yata ako sa nangyayari sa akin.

"Bullet, do you think the two of us will click?"

Napatingin ako sa kanya at bahagya siyang lumayo sa akin. Namumungay na ang mata ni Jean habang nakatingin sa akin.

"What? Lasing ka na yata," kunwari ay pinagtatawanan ko siya.

"You are single, and I am also single. We both lost Hunter. Maybe, I mean, the two of us should be together. Let's try to be together." Seryoso na ngayon ang mukha ni Jean.

Nawala ang ngiti ko sa labi. Ano ba ang sinasabi niya?

Lumapit sa akin si Jean at hinawakan ang pisngi ko.

"I know you can feel it too. I am missing Hunter, but I can feel something for you. Remember that night? I know you feel it too."

"Jean, this is-"

Pinutol ng halik niya ang anumang sasabihin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

266K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
3.7K 206 43
Painful Series #1 ----- "Painful Thing #1: Bringing back the feeling that you tried to forget." Loving can turn your world into a colorful one, but l...
19K 654 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
133K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?