Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

Od helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... Více

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Twenty-five

56.4K 1.3K 90
Od helene_mendoza

Carlo's POV

I don't want to believe whatever Charlotte is going to tell me. In fact, wala talaga akong interes sa kung anuman na sasabihin niya sa akin. Pero matindi ang pakiusap niya na samahan ko siya sa doctor. My mom asked to go with her too kaya andito kami ngayon sa isang OB-GYNE at hinihintay na tawagin siya.

"Tell me what the hell are we doing here?" Iritableng tanong ko kay Charlotte.

Sanay na sa hostility ko sa kanya si Charlotte. Sa ilang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi ko siya kailanman pinakitaan ng magandang asal. Masama na ako kung masama pero tama lang ang treatment na ganoon sa kanya. She wished to be married to me, then I'll just grant her fucking wish.

Pero hindi man lang natinag si Charlotte. Wala sa itsura niya na para siyang napapahiya sa akin. Sa katunayan, masayang-masaya siya. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.

"May gusto lang ako patunayan sa iyo. Ayaw mo kasing maniwala na magiging daddy ka na."

Ang ganda ng ngiti niya. Halatang-halata na masaya siya sa ibinalita niya sa akin at pati ang mga mata niya at nakangiti. Napahinga lang ako ng malalim at iniiba ko ang tingin ko.

"You know that's impossible."

Anong pinagsasabi niyang buntis siya? Alam ng lahat na kahit kailan ay hindi na magkakaanak si Charlotte. I don' know what really happened to her but she got some disease when she was in her teens and her infertility is the side effect.

"I thought so too. Pero nagulat ako dito. Believe me, Carlo. Hindi rin ako naniniwala na magkakaanak pa ako. Tayo. This baby is a blessing." Nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

"You're getting nuts. Hindi ko alam kung anong napanood mo or anong nakain para sabihin sa akin na buntis ka. It was one time, okay? At hindi na mauulit pa so don't push yourself too hard." Bahagya ko pang hinilot ang batok ko kasi ngayon ako nakakaramdam ng pagod. Napuyat ako kagabi sa pagbabasa ng mga reports na ipinadala ng PI ko tungkol kay Amy.

"Mrs. Charlotte Santos."

Pareho kaming napatingin sa attendant na tumawag sa pangalan ni Charlotte. "Dr. Baltazar is ready to see you."

Napabuga ng hangin si Charlotte at nakangiting tumayo tapos ay tumingin sa akin.

"Let's go." Nagpauna na siyang pumasok sa clinic.

Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong sumunod sa kanya. Naabutan ko sa loob ng clinic ang isang may kabataang doctor na nakangiti agad ng makita kami.

"You are Mr. Carlo Santos?" Paniniguro niya sa akin. Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa kanya.

"I am Dr. Jean Baltazar and I will be the doctor of your wife. Congratulations on your first baby," nakangiti pa niyang sabi sa akin.

"Baby? She can't be pregnant. She had some disease when she was in her teens and it affected her reproductive system." Sagot ko sa doctor. Nawala ang ngiti ng doctor at napatingin kay Charlotte tapos ay muling tumingin sa akin.

"I beg to disagree, Mr. Santos. Your wife is six weeks pregnant. Right now, what I am going to show you is her transvaginal ultrasound so we can hear the heartbeat of your baby."

Pinahiga ng doctor si Charlotte sa kamang naroon. Hindi naman ako nagsasalita at tinitingnan ko lang ang ginagawa nila. Tahimik lang si Charlotte na nakahiga sa kama pero halatang kabado.

"I'll insert this transducer inside her vagina so we can hear the heartbeat of the fetus. We cannot use yet the common pelvic ultrasound because the pregnancy is still early. This is the best way to check the heartbeat and confirm the date of her pregnancy."

Alam kong sa akin nagpapaliwanag ang doctor kahit nakatingin siya sa maliit na monitor sa gilid niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa aparato na nasa loob ng katawan ni Charlotte. Hindi ko maintindihan kung ano ito. This is my first time to enter an OB clinic kaya sa totoo lang ay parang napapaso ako dito. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog. Parang mga tibok.

"There it goes," nakangiting sabi ng doctor at inaayos-ayos ang aparato para lang lalong lumakas ang pagtibok na naririnig ko.

"Look closer, Mr. Santos." Sabi ng doctor sa akin at iniharap sa akin ang monitor. "The tiny dot that you see is your baby. What you hear is the heartbeat." Hindi agad ako nakasagot at parang nawawala ako sa sarili ko na nakatingin sa monitor. Totoo ba 'to?

"A-are you sure about this? I have known in my lifetime that she is not capable of getting pregnant." Ayoko pa rin talagang maniwala sa nakikita ko at naririnig ko. Natawa ang doctor na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Well, other doctors can make wrong prognosis and that's what happened to her. Charlotte has been my client for so many years and we did some treatment that can help her get pregnant. Wala ng imposible sa technology ngayon. You will see your baby after eight months."

Napatingin ako sa gawi ni Charlotte at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Pero bakit wala akong maramdamang tuwa sa nalaman ko? Hindi ako excited kung buntis man si Charlotte. Wala akong maramdamang koneksyon. Hindi katulad noon ng sabihin sa akin ni Amy na buntis siya, pakiramdam ko ako na ang pinaka-suwerteng lalaki sa mundo. Nang ipakita niya sa akin ang pregnancy test kit, hindi man lang ako nagdalawang-isip at sigurado na ako noon na ako ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Pero ngayon, I only felt emptiness.

Nakita kong inaayos na ni Charlotte ang sarili niya at nakaupo na sa kama habang tinatanggal naman ng doctor ang guwantes sa kamay.

"You need to continue drinking your vitamins and folic acid. Eat healthy food and avoid any stressful surroundings or situations because it may affect your pregnacy. You don't want to lose that baby, right?" Sabi pa ng doctor habang nagsusulat sa reseta niyang kaharap.

"I'll see you after a month." Pagtatapos ng doctor at iniabot ang piraso ng papel kay Charlotte.

Pareho kaming walang imikan habang palabas sa clinic ng doctor.

"Dr. Baltazar said that I need to be free from any stressful situations. Is it possible that I can't hear anything about that woman?" Kahit hindi nakatingin ay ramdam ko ang tigas ng tinig ni Charlotte. Tumingin ako sa kanya.

"What are you saying?" Bumukas ang elevator sa harap namin at pumasok kaming dalawa.

"I am saying that I don't want to hear anything about Amy. You stop searching for her, you stop everything that you're doing. I gave you what you wanted. I got pregnant."

Natawa ako at napasandal sa dingding ng elevator.

"You think you won because I got you pregnant?" Napailing-iling ako. "Alam mong hindi mabubuo 'yan kung hindi pa rin dahil kay Amy. Nothing changed, Charlotte. Kahit isang dosenang anak ang ibigay mo sa akin, si Amy pa rin ang pipiliin ko. Si Amy pa rin ang ina ng anak ko."

Naramdaman kong huminto ang elevator na sinasakyan namin at bumukas iyon kaya mabilis na akong lumabas.

-------------

Amy's POV

Ang yabang niya. Ang yabang-yabang niya. Nakakainis siya.

Hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha ko habang inaayos ko ang mga gamit na narito sa kuwarto para sa magiging anak ko. Sobrang napahiya ang pakiramdam ko sa sinabi sa akin ni Bullet na mukha akong butete. Alam ko naman na pangit na ako pero hindi na siguro dapat na ipagsigawan pa iyon sa mukha ko.

Naawa talaga ako sa sarili ko. Ang pangit ko na tapos mag-isa pa ako sa buhay dahil may tinatakasan ko. Tapos nandito pa ako sa piling ng mga taong hindi ko naman kaano-ano. Pakiramdam ko ang miserable ng buhay ko. Napaupo ako sa kama at napayuko at patuloy sa pagsinghot habang hinihimas ang tiyan ko.

"Baby, pangit na daw si nanay." Nanginginig pa ang boses ko ng sabihin iyon.

Bahagya namang lumikot ang anak ko at pakiramdam ko ay umalon ang tiyan ko.

"Pasensiya ka na kung umiiyak ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Naaawa kasi ako sa sarili ko." Lalo akong napahagulgol ng iyak at napasubsob sa palad ko. Alam ko mukha akong tanga pero talagang masama ang loob ko. Painis kong pinalis ang balikat ko kasi parang may kung anong dumampi doon.

"'Nak, alis na lang tayo dito." Pinahid ko ang mga luha ko at muli kong pinagpag ang balikat ko kahit hindi ko nililingon kasi parang may kung ano doon.

"Pero saan naman tayo pupunta? Tingnan mo 'tong kuwarto mo. Ang ganda. Ang gaganda ng gamit mo. Pero hindi natin deserve 'to. Nanloloko kasi tayo ng tao," muli na naman akong napaiyak ng maisip si Mrs. Acosta na naniniwalang manugang niya ako.

"Pangit na ako tapos pangit pa ang ugali ko kasi manloloko ako." Muli na naman akong napahagulgol at sumubsob sa palad ko.

"Kung magpakita na kaya tayo sa tatay mo? Umalis na tayo dito."

Pero mabilis din akong nag-angat ng ulo at painis na lumingon dahil sa kung anong kumakaskas sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong bungkos iyon ng bulaklak at napaangat ang tingin ko para makitang si Bullet ang may hawak noon.

"Peace?" Seryoso niyang sabi sa akin habang iniaabot ang mga bulaklak sa akin. Mukhang pinitas lang niya ang mga ito sa bakuran nila.

Inirapan ko lang siya at mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Hindi ko siya pinansin at inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit doon. Naroon ang ilang lata ng pintura, mga bagong cabinet at ilang supot ng mga bagong damit ng bata.

"Sorry na." Lumapit pa sa akin si Bullet at halos iduldol sa mukha ko ang mga hawak na bulaklak.

"Hindi ko kailangan ang mga bulaklak mo." Inis na sagot ko.

"Fine." Mabilis niyang itinapon sa basurahan ang hawak na bulaklak kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Bakit mo itinapon? Sayang ang bulaklak!"

Parang naguluhan ang mukha ni Bullet sa sinabi ko.

"Sabi mo hindi mo kailangan ng bulaklak."

"Hindi ko nga kailangan pero hindi mo naman dapat na itinapon." Tinungo ko ang basurahan at kinuha ang mga bulaklak. Ang gaganda pa naman ng mga orchids.  "Sana nilagay mo na lang sa altar."

"'Di ikaw na maglagay. So, peace na tayo?" Ngumiti pa ng pilit sa akin si Bullet.

Gusto kong tanggalin ang nakakainis na ngiti ni Bullet sa mukha niya. Ganito talaga siya? Nanghihingi siya ng ng sorry pero naiinis ako sa mukha niya. Nakakairita! Sa totoo lang, mas gusto ko pa noong lagi siyang masungit. 'Yung lagi siyang nakasimangot at parang galit. Ngayon kasi parang palagay na siyang ipakita ang totoo niyang pagkatao sa akin. 'Yung joker at jolly na Bullet.

"Kung napipilitan ka lang humingi ng sorry, huwag ka ng mag-effort. Okay na ako." Sagot ko sa kanya at binuksan ko ang kahon ng wooden crib na binili ni Mrs. Acosta para sa anak ko. Nakita kong galing pa itong Amerika at pina-ship lang dito.

Sumeryoso ang mukha ni Bullet.

"Hey, I'm sorry okay? I thought it was a good joke. I didn't mean to hurt your feelings. I'll be more sensitive next time."

Tingin ko naman ay talagang sincere si Bullet sa paghingi ng sorry. Saka aarte pa ba ako samantalang si Bullet ang tumutulong sa akin para hindi lumitaw ang totoong pagkatao ko.

"Pasensiya na din. Masyado lang akong naging sensitive. It's because of the hormones." Sagot ko at inabala ang sarili sa pagbubukas ng kahon. Lumapit sa akin si Bullet at tinulungan ako sa ginagawa ko.

"Are you really going to do that?"

Napatingin ako kay Bullet at talagang ang seryoso ng mukha niyang nakatingin sa akin.

"Ang alin?" Kunot-noong tanong ko.

"What you said to your baby." Hindi siya nakatingin sa akin dahil ang atensyon niya ay nasa pagbubukas ng kahon pero alam kong naghihintay siya ng sagot sa akin.

"Anong sinabi ko?" Ano ba sa mga sinabi ko sa anak ko and tinutukoy ni Bullet? Napahinga siya ng malalim at tumingin sa akin.

"You said you're going back to his dad." Malakas na hinila ni Bullet ang makapal na tape ng kahon. Kulang na lang pati ang kahon ay mawasak din. Tama ba ang nararamdaman ko? Bakit parang naiinis siya? Naiinis si Bullet?

"H-hindi naman-"

"Guess what?"

Napatingin kami ni Bullet sa pinto ng silid at nakita namin na nakatayo doon si Mrs. Acosta at nakatingin sa cellphone niya. Nakataas ang kilay nito na parang hindi natutuwa sa nalaman niya.

"What is it, 'ma?" Sumulyap sa akin si Bullet tapos ay muling inabala ang sarili sa pagbubukas ng kahon. This time ay siya na lang ang gumagawa noon. Itinuro niya sa akin na maupo sa kama.

"Sonia Santos is going to be a grandmother too. Kahit kailan napaka-inggitera talaga."

Napatingin ako kay Mrs. Acosta. Tama ba ang narinig ko? Sonia Santos? Nanay iyon ni Carlo. Grandmother? Magiging lola na? Buntis si Charlotte? Halo-halo ang mga tanong na iyon sa isip ko.

"And she is going to have a baby shower party too. Gaya-gaya talaga. Palibhasa nalaman niyang binigyan ko ng baby shower si Aria."

"Just leave it, 'ma. Magpahinga ka na muna. Let me finish this crib." Ewan ko pero feeling ko ay itinataboy ni Bullet palabas ng kuwarto ang nanay niya.

Pero hindi sumunod ang matanda. Lumapit pa ito sa akin at ipinakita ang hawak na cellphone. Naka-open sa Instagram.

Nakita kong account ni Charlotte Ling-Santos ang naka-open.

"Look. Hindi mawala ang saya sa mukha ng manugang ni Sonia dahil buntis na. But I am happy for Charlotte. I thought she can't have a child anymore. They are blessed with a miracle," komento pa ni Mrs. Acosta.

Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga habang nakatingin sa litratong naka-post doon.

Magkatabi si Charlotte at si Carlo. Parehong nakangiti tapos ay magkadikit ang kamay nilang dalawa sa tapat ng tiyan ni Charlotte at naka-korteng puso ang pinagdikit na kamay. Ang caption pa ng litrato ay: 'Excited to see you, our miracle baby.'

Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. Ngayon talaga, totoong naaawa ako sa anak ko.

Napatingin ako sa gawi ni Bullet at seryosong nakatingin lang siya sa akin na parang binabasa ang reaksyon ng mukha ko.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

126K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
1.6K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
331K 5.3K 53
Sydney Thenesis Galvez is a registered nurse and she's happy with her job because it has been her dream ever since she was a kid. One day she was ask...