Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Twenty-three

55.6K 1.4K 80
By helene_mendoza




Amy's POV

Almost two weeks ng hindi umuuwi dito si Bullet. Nag-aalala ako kasi hindi ko alam kung anong plano niya sa akin ngayong alam na niya ang totoong pagkatao ko. Hindi man lang namin napagusapan. Wala talaga siyang paramdam kahit sa nanay niya kaya lalo akong kinakabahan. Mas nakakatakot kasi 'yung bigla siyang darating dito at may pasabog siya.

Malay ko bang alam na niya mula pa umpisa na nagpapanggap lang ako. Kaya pala ang dami-dami niyang tanong. Kaya pala lahat ng mga sinasabi ko meron siyang sagot at ipinaparamdam niya sa akin na nagsisinungaling ako.

Tumihaya ako ng higa sa kama at pinakiramdaman ko ang tiyan ko. Umbok na umbok na talaga at hindi na maitatago. 30 weeks na ang tiyan ko kaya hirap na rin akong magkikilos. Sobrang likot pa ng baby ko kaya madalas, puyat ako. Ang hirap humanap ng puwesto matulog at ang hirap kumuha ng tulog kung every thirty minutes ay gusto kong magbanyo.

Napangiti ako ng maramdaman kong kumislot ang tiyan ko. Napakagat-labi ako sa sobrang likot at napapakislot din ako sa tuwing parang aalon ang tiyan ko. Nakakatuwa talaga. Ramdam na ramdam kong buhay na buhay ang anak ko sa tiyan ko.

Bumangon ako at tumayo tapos ay sumilip sa bintana. Sa ilang buwan kong pag-stay dito, minahal ko na ang lugar na ito. Ang tahimik. Parang walang problemang iintidihin. Maaliwalas ang kapaligiran hindi katulad ng nakalakihan kong lugar na dikit-dikit ang bahay at puro chismosang kapit-bahay. Sigurado akong kung doon ako naglagi at ganito ang sitwasyon ko, araw-araw akong tampulan ng chismis ng mga kapit-bahay kong mas matindi pa sa cctv magbantay ng bawat ganap sa paligid. Siguradong marami na silang haka-haka sa tunay na pagkatao ng nakabuntis sa akin.

Samantalang dito, kahit estranghero ako sa buhay ng mga Acosta, talagang ipinaramdam sa akin ni Mrs. Acosta na parte ako ng buhay niya. Mahal na mahal niya ang anak ko kahit hindi pa lumalabas kaya hindi ko alam kung paano ko i-explain ang katotohanan sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at marahan kong hininamas ang tiyan ko.

"Gutom ka na naman, baby?"

Naramdaman ko kasing kumalam ang sikmura ko. Kumain naman ako ng hapunan pero lagi-lagi na lang parang pakiramdam ko gutom ako kaya kumakain ako ng kahit na ano.

Gumalaw ang tiyan ko na parang sumagot ang anak ko sa tanong ko.

"Sige. Kakain tayo. Pero konti lang ha? Hindi puwedeng kumain ng marami si nanay kasi mahirap na at baka tumaba ako. Mahihirapan akong ilabas ka," sabi ko sa anak ko habang palabas kami ng kuwarto.

Walang tigil sa kakagalaw ang baby ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Pasado alas-onse na rin naman at sigurado akong tulog na ang mga tao dito.

"Ang hilig mo sa midnight snack, baby." Sabi ko at nagbukas ako ref para maghanap ng kung anong pagkain na puwedeng makain doon. Maraming prutas. May mga ulam pero parang ayokong kainin. Kumuha lang ako ng grapes tapos ay nagsalin ako ng juice. Kumuha din ako ng crackers sa cupboard at naupo sa isang dulo ng mesa at tahimik na kumain.

Alam kong ako lang ang gising ng mga oras na ito kaya nakaramdam ako ng takot ng makarinig ako ng mga kaluskos at parang mga yabag na papalapit sa kusina. Napahinto ako sa pagnguya at nakiramdam akong maige. Patay pa naman ang lahat ng mga ilaw at ilang mga pin lights lang ang nakabukas.

Napalunok ako ng makakita ako ng anino ng isang lalaki na papalapit sa kusina. Sino ito? Si Manong Karding lang ang lalaking kasama namin ngayon at alam ko, umuwi siya sa bahay nila kaya ako, si Mrs. Acosta at si Manang Ester lang ang tao dito sa bahay.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang tinitingnan ang anino na papalapit sa kusina. Pakiramdam ko ay nagtatayuan ang mga balahibo sa buong katawan ko dahil sa takot lalo na ng isang bulto ng lalaki ang huminto sa bukana ng kusina.

Ang laking lalaki! Parang bulto ni Hunter!

Minumulto na niya ako dahil sa ginagawa kong pagsisinungaling sa nanay niya. Parang bumara yata ang kinakain ko sa lalamunan ko dahil sa kaba.

"S-sorry. Sorry talaga. H-hindi ko naman gustong mangyari ito. P-patawarin mo ako, Hunter. Hindi ko sinasadyang gamitin ka." Tuluyan na akong napaiyak at dahil sa takot. Aalis na talaga ako dito. Hindi ko na kayang lokohin si Mrs. Acosta.

"Anong sinasabi mo?"

Napatigil ako sa pag-iyak. Nagsasalita ang multo? Teka, kailan pa nakakapagsalita ang isang multo? Saka bakit mabango? Puwede na bang gumamit ng pabango sa after life?

Parang nasagot ang tanong ko ng tuluyang pumasok sa kusina ang anino na kanina lang ay tinitingnan ko.

"Bullet?" Paniniguro ko. Nandito si Bullet? Bakit hindi ko nakita ang kotse niya sa garahe? Kung naka-chopper man ito, gagamit pa rin ito ng kotse para makarating dito dahil medyo malayo-layo ang helipad sa bahay.

"Gabing-gabi na anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin at dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig.

Naka-suit pa si Bullet. Halatang galing pa sa trabaho. Bakas sa itsura ang pagod.

"Kumakain ako." Sagot ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin habang umiinom ng tubig kaya ako na ang nagbawi ng tingin. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya.

"Gabi na. Hindi ka kumakain sa oras. Baka mapaano ang anak mo," sagot niya sa akin at humatak siya ng silya sa tapat ko at naupo doon. "What are you eating? Grapes? Milk? Hindi ba magre-rebolusyon ang tiyan mo sa pairing na ito?" Tanong pa niya at pumitas siya sa grapes na nasa harap ko at kinain iyon.

Naaasiwa ako sa presensiya niya pero parang kaswal lang naman siya. Pakiramdam ko nga parang mas naging magaang ang pakikitungo ngayon sa akin ni Bullet ng malaman niyang hindi ako tunay na asawa ni Hunter.

"P-puwede ba tayong mag-usap?" Ako na ang mag-uumpisa para mapag-usapan namin ang sitwasyon ko.

"About what?" Patuloy siya sa pagkain ng grapes. Sumandal pa siya sa kinauupuan niya at niluwagan ang kurbata habang nakapikit.

Napabuga ako ng hangin sa nakita kong itsura ni Bullet. Nang-aakit ba 'to? Ang sexy kasi ng itsura niya habang niluluwagan niya ang kurbata niya at itsurang pagod siya. Parang naghahanap ng kalinga matapos ang isang buong araw na pagta-trabaho.

Umayos ka, Amelia. Malaki na ang problema mo pero kung ano-ano pa ang pumapasok sa utak mo.

Nagmulat ng mata si Bullet at tumingin sa akin. Nagtatanong ang tingin.

"May dapat ba tayong pag-usapan?" Sabi pa niya.

"Nakalimutan mo na ba? 'Di ba hindi naman ako asawa ng kapatid mo? So wala akong karapatan mag-stay sa bahay na 'to. Wala akong karapatan sa kahit na ano. So anong plano mo? Paano natin sasabihin kay Mrs. Acosta ang totoo?"

Napa-ah lang si Bullet na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.

"'Yun ba? I totally forgot about it." Ngumiti siya ng pilit sa akin. "Sobrang dami kong trinabaho kaya baka puwedeng saka na natin pag-usapan 'yan? I'll keep my mouth shut as long as you don't do anything stupid." Sagot niya sa akin. Itinaas pa niya ang paa niya sa katapat na silya.

"Ano namang stupidity ang gagawin ko sa kalagayan ko ngayon?"

Nagkibit siya ng balikat.

"Well, baka maisip mong bumalik na sa inyo. Umuwi or balikan ang rich ex mo."

Napailing ako at uminom sa kaharap kong gatas.

"Hindi na ako babalik sa rich ex ko. Hindi ako tanga para maging other woman. Alam kong may asawa na siya. Tama ng minsan akong naging tanga."

Tumingin sa akin si Bullet na parang inaaral ang mukha ko.

"For real?"

Napalunok ako. "Oo."

"What if you will learn that your rich ex is still in love with you and he is doing everything just to find you?"

Hindi agad ako nakasagot.

"I mean, what if one day magkita kayo and sabihin niyang kaya niyang iwan ang lahat para sa iyo. What would you do?"

Seryosong-seryoso ang mukha ni Bullet habang hinihintay niya ang sagot ko.

Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"Hindi na siguro. Importante na lang sa akin ang anak ko. Pumili na siya at hindi ako ang pinili kaya alam ko kung saan ako lulugar."

Napa-hmm si Bullet at huminga ng malalim tapos ay ngumiti sa akin.

"Fine then. So wala kang dapat baguhin. Keep pretending that you are my brother's wife. Wala namang nakakaalam ng totoo kundi ako and don't worry, your secret is safe with me."

Parang hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Bakit mo ito ginagawa?"

Napatigil si Bullet sa pagsubo ng grapes sa narinig na tanong ko.

"Ang alin?" Taka niya.

"Ito. Bakit mo ako tinutulungan?"

Tumaas ang kilay niya sa akin at parang hindi makapaniwala sa tanong ko.

"At sino ang tutulong sa 'yo? Hindi naman makakaya ng kunsensiya ko na itapon kayong mag-ina sa kalsada matapos ang nalaman ko. Hindi naman ako ganoon kasama and besides, my mother is so fond of you. Hindi ko siya kayang saktan and I don't know what might happen kapag nalaman niya ang totoo."

So that's it. That's the reason.

At bakit, Amelia? May iba ka pang gustong rason bakit ka tinutulungan ni Bullet? Huwag kang assumera! Kaya ka nabubuntis dahil diyan sa pagiging assumera mo!

Parang nahiya ako sa sarili ko sa pag-aakalang may iba pang dahilan si Bullet sa pagtulong niya sa akin.

Muli siyang dumampot ng grapes at isinubo iyon tapos ay tumayo na.

"Matulog ka na. Masama daw sa buntis ang nagpupuyat." Sabi ni Bullet at lumakad na paalis doon tapos ay huminto din ng parang may nakalimutan.

"Umakyat ka na sa kuwarto mo kasi baka mamaya, hindi na ako ang makita mong nakatayo sa harap mo. Baka si Hunter na talaga ang makikain sa iyo."

Sinamaan ko siya ng tingin lalo na ng makita kong parang pinipigil ni Bullet ang pagtawa niya habang paalis doon.

Siraulong lalaki ito! Tinakot pa ako!

Pero nakiramdam din akong maige at tumingin sa paligid ko. Hindi nga kaya may multo dito sa hacienda na 'to? Sobrang laki naman talaga kasi ng bahay at minsan talaga nakakaramdam din ako ng takot.

Nakarinig ako ng parang may kumaluskos sa labas kay dali-dali akong tumayo at nagmamadaling umakyat pabalik sa kuwarto ko. Nasa itaas na ako ng hagdan ng biglang may sumalubong sa akin kaya napasigaw ako at na-miss step ako sa hagdan.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako para hindi ako mahulog sa hagdan kaya automatic na kumapit ako sa katawan ng humawak sa akin.

Napapikit ako sa sobrang kaba at nanatili akong nakayakap sa kung sino man na humawak sa akin. Pero agad din akong nagmulat ng maramdaman ko ang matitigas na dibdib na yakap ko at maamoy ko ang pamilyar na pabango. Parang napapasong lumayo ako at nakita kong nakatingin lang sa akin si Bullet.

"Bakit ka ba nanggugulat? Nakita mo na? Muntik na akong mahulog sa hagdan?" Inis kong sabi sa kanya.

"Nanggulat? Pababa ako kasi naiwan ko ang phone ko sa sala tamang-tama bigla ka namang paakyat." Maya-maya ay bigla siyang napangiti. "Natakot ka 'no? Akala mo may multo talaga?" Itsurang nang-aasar si Bullet.

Gusto kong mainis sa kanya pero kahit alam kong nang-aasar siya ay natutuwa ako sa ekspresyon ng mukha niya. This is the first time that I saw him like this. Hindi stiff, hindi suplado. Siguro ito ang sinasabi ni Mrs. Acosta na totoong pagkatao ni Bullet. Pranskter and jolly.

Inirapan ko na lang siya at iniwan doon. Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at napasandal ako sa isinara kong pinto.

Grabe ang kaba ng dibdib ko pero hindi ito dahil sa takot. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa presensiya ni Bullet at naramdaman ko ang ganito ng una kong makita si Carlo.

Continue Reading

You'll Also Like

244K 14.6K 39
Napakadaldal na babae ni Chancey kaya kataka-taka kung bakit siya ang napiling sekretarya ni Mr. Donovan Phillips sa gitna ng napakatahimik na lugar...
1.6K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
266K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...