Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.1K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Twenty

57K 1.4K 50
By helene_mendoza

Amy's POV

"What else do you want? And are you allowed to eat sweet foods? Wala ka bang pregnancy induced diabetes?"

Nakatingin lang ako kay Bullet habang inilalapag niya ang mga pinabili kong chocolate sundae and fries. Napangiwi ako ng maamoy ko ang chocolate sundae. Sa totoo lang, ayoko naman talaga nito. Wala na lang akong masabi kanina dahil nadulas na naman ang bibig ko. Nakakainis. Sa tuwing kaharap ko kasi ang lalaking ito, hindi ko talaga maiwasan ang magsabi ng totoo.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa pregnancy induced diabetes? Nagbuntis ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Bullet. Ang ganda talaga niyang ngumiti lalo na 'yung paraan ng pagngiti niya na parang pinipigil pero halatang-halata na nakangiti siya. Parang ang mischievous ng itsura. Parang bata na may naiisip na kalokohan na gawin.

"I just read it. The moment I heard that my brother's wife is pregnant I started to read articles about pregnancy. Masama ba iyon?" Balik-tanong niya sa akin at tumingin ng diretso sa akin.

Parang naasiwa ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin kaya itinuon ko ang pansin ko sa kaharap na chocolate sundae.

"Do you have any plans after you give birth?" Tanong pa niya. Nagsimula din siyang kumain ng sundae niya. Caramel ang flavor noon. Kumutsara siya sa sundae at walang anumang isinubo iyon. Wala sa loob na napalunok ako sa paraan ng pagkutsara niya at pagkain ng sundae. Ninanamnam niya ang bawat pagsubo. Parang slow motion na parang scene sa isang commercial. Napatitig pa ako sa pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya. Ang sexy ng leeg ni Bullet.

Agad kong iniiba ang tingin ko at bahagyang umiling-iling para mawala ang atensyon ko kay Bullet. Ano ba naman ako? Buntis na ako't lahat napapansin ko pa ang kung anong mga detalye sa opposite sex. Mahina akong bumuga ng hangin. Hormones lang ito. Nabasa ko noon na normal lang daw sa mga buntis na babae na makaramdam ng ganitong pag-iinit dahil sa raging hormones.

"Any plans?" Ulit ni Bullet.

"Ano?" May itinatanong ba siya?

Umayos ng upo si Bullet at humalukipkip sa harap ko.

"I said what are your plans after you give birth?"

Napalunok ako. Ano nga ba ang plano ko pagkapanganak ko?

"'Yung totoo? Hindi ko alam," napahinga ako ng malalim at itinutok ang tingin ko sa nalulusaw na chocolate sundae.

"Hindi ka naman pinapaalis ni mama so you can stay as long as you want."

Oo nga. Hindi nga ako pinapaalis ni Mrs. Acosta pero ramdam ko naman na ayaw ni Bullet na naroon ako at sumisiksik sa buhay nila.

"Besides, you're the widow of Hunter so may karapatan ka sa lahat ng kung anong naiwan niya." Dugtong pa ni Bullet.

"Hindi ko naman kailangan 'yon."

"What happened to the guy?" Tanong pa niya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Sino?"

"The rich ex? What happened to him?"

"Kailangan ko pa bang ikuwento ang tungkol sa lalaking iyon? Si Hunter ang pinakasalan so hindi na siguro importante 'yung mayaman kong ex."

"I just want to know that Hunter is not your rebound. Na talagang nagmamahalan kayong dalawa 'di ba? Pinakasalan ka lang ba ni Hunter dahil nabuntis ka?"

Napatiim-bagang ako at tumingin sa malayo. Hindi talaga tumitigil si Bullet.

"Pinakasalan ako ni Hunter dahil nagmamahalan kami hindi dahil sa iniwan ako ng isang gagong lalaki. Hindi ko din naman alam na may iniwan din siyang girlfriend dito," tumigas na ang tinig ko dahil naiinis na talaga ako sa mga tanong ni Bullet.

Napatango-tango siya.

"Sorry. Wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko. I just want to know about the guy."

"Bakit? Ano ang mapapala mo kung malaman ang tungkol sa ex ko?" Sumama ang tingin ko kay Bullet. "Iniisip mo bang hindi anak ni Hunter ang ipinagbubuntis ko?"

Nagkibit-balikat si Bullet. "Hindi ako ang maysabi niyan."

Inis kong tinabig sa harap ko ang chocolate sundae at tumayo.

"Asshole." Mahina kong sabi pero alam kong narinig ni Bullet ang sinabi ko.

Kahit nararamdaman kong naninigas ang tiyan ko at pinilit kong umalis doon at lumabas ng establishment. Bahala siya sa buhay niya. Ayaw talaga niya akong tigilan. Gusto talaga niyang malaman ang totoo sa pagkatao ko.

"Hey. Hey stop." Narinig kong tawag ni Bullet pero hindi ko siya pinansin. Iiwanan ko talaga siya. Aalis na talaga ako sa kanila.

Hindi ko nililingon si Bullet kahit panay ang tawag niya sa akin. Palinga-linga ako habang patawid. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napansin ang paparating na isang humagibis na sasakyan.

"Amy!"

Naramdaman kong mabilis akong hinila ni Bullet para hindi mahagip ng humagibis na sasakyan at niyakap ng mahigpit.

------------------

Carlo's POV

"Mr. Santos, we did everything that you asked. My team investigated the bus company. We got the list of all the fatalities of the accident and yes, possible nga na kasama doon si Miss Amelia Solomon."

Inilalatag ng kausap kong private investigators ang mga litrato at mga articles at files ng tungkol sa nangyaring aksidente.

"Hindi ako naniniwalang kasama siya sa aksidente na iyan." Sagot ko sa kanila.

"We also double checked the DNA report that you provided us and tama ang nakuha ninyong resulta. Ibang tao ang nakalibing sa libingan ni Miss Solomon."

Nakita kong may kinuhang folder sa bag niyang dala ang kaharap ko at ibinigay sa akin.

"Ariana Sarmiento ang pangalan ng babaeng nakalibing doon. Ito ang details niya."

Binuklat ko ang folder at nakita ko ang detalye ng tungkol sa babae. Ariana Sarmiento. Twenty-seven years old. Nag-iisa na lang sa buhay. Dating nagta-trabaho bilang volunteer sa isang ampunan tapos ay naging active volunteer sa isang mountaineering group at madalas ng umaakyat ng bundok.

"Who is this? Bakit siya ang nakalibing sa libingan ni Amy?"

Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil sa excitement sa nalaman kong talagang buhay nga si Amy.

"I think nagkaroon ng mixed up and the bus company doesn't want any more proceedings and investigation kaya hindi na nila inayos iyan. You saw the photos of that woman. Sunog na sunog ang bangkay niyan. She really fits sa description ni Amelia Solomon. They are both pregnant, same built, same height kaya talagang iisipin na si Amelia ang bangkay na iyan." Paliwanag pa ng P.I.

Para akong nakahinga ng maluwag sa nalaman ko.

"Any news about her? Wala pa kayong information na nakukuha tungkol kay Amy?"

"Unfortunately, wala pa. But we are doing our very best to look for her since may lead na rin kung saang mga ospital dinala ang mga surviving passengers. Iyon ang aasikasuhin namin ng team ko," sagot ng P.I.

Kinuha ko ang nakasobreng pera mula sa bag ko at iniabot ko sa kanila.

"Keep me posted." Sabi ko at tiningnan ko lang ang dalawang P.I. na tumayo at umalis na.

Sobra ang tuwa ko sa nalaman ko pero naisip kong mula ngayon ay itatago ko na lang muna ito sa sarili ko. Wala akong pagsasabihan dahil baka sabihin na naman nila na nababaliw na ako sa kakaasa na buhay si Amy.

Hindi ko na inasahan ang private investigator na nire-refer ni Travis. That Jacob Ramirez is so snob. Hindi nga ako binalikan ng gagong iyon. Ilang beses akong nakipag-set ng appointment pero lagi daw busy so I look for my own private investigator. Hindi naman mahirap maghanap. I found them online at mukhang magaling nga trumabaho. Two weeks pa lang, may maganda na agad silang balita sa akin.

Tumunog ang telepono ko at si mommy ang nakita kong naka-register na tumatawag. Ngumiwi ako at ayoko sanang sagutin ang tawag niya dahil siguradong sermon na naman ang aabutin ko sa kanya. Issue na naman tungkol sa pagsasama namin ni Charlotte ang siguradong ibo-brought up niya.

The call stopped but she sent me a message.

Go home. Your wife is sick. I think she is pregnant.

Hindi man lang ako nakaramdam ng excitement sa sinabi ni mommy. Pregnant? Alam kong impossibleng mangyari iyon. We've been married for two months pero iisang beses pa lang may nangyari sa amin ni Charlotte and that happened when I was so drunk because I thought Amy was dead. Sinamantala niya ang pagkakataon na lasing na lasing ako and she pretended to be Amy. Diring-diri ako sa sarili ko noon ng magising akong katabi siya at pareho kaming hubad sa kama. Magmula noon ay halos hindi na ako umuwi sa bahay namin. Kung uuwi man ako ay sinisiguro kong hindi ako natutulog sa kuwarto naming mag-asawa.

Intindihin mo naman ang asawa mo.

Iyon ang follow-up na text ni mommy pero binura ko lang at kumaway ako sa isang waiter na nakita ko at umorder ng beer.

Tonight is a good night for a celebration.

-------------------------

Bullet's POV

Nanlalaki ang mata ni Amy habang nakatingin sa akin at yakap-yakap ko siya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya at pangangatal ng katawan.

Kahit ako naman ay kinakabahan din. Hindi dahil sa muntik na siyang masagasaan kundi dahil sa naitawag kong pangalan sa kanya.

I called her Amy.

Shit. Damn it. Masisira pa yata ang plano ko.

"Are you alright?" Iyon na lang ang nasabi ko habang nanatili akong nakayakap sa kanya.

Halata pa rin ang kaba sa mukha niya ng tumango.

"P-puwede mo na akong bitiwan." Nakita kong napalunok pa siya ng sabihin iyon.

Marahan akong bimitaw sa kanya pero nanatili akong naka-antabay kung sakali man na matumba siya o mahilo.

"Bakit bigla ka kasing lumabas?" Nagkunwa akong naiinis sa kanya.

"Anong itinawag mo sa akin?" Balik-tanong niya. Hindi pinansin ang sinabi ko.

"Anong itinawag?" Kunwari ay wala akong alam sa itinatanong niya.

"'Yung pangalan ko. Anong sinabi mo?" Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya.

Did she really hear me say her true name? Hindi pa dapat. Hindi pa ngayon.

"Wala akong sinabi. Hinila lang kita dahil muntik ka ng mahagip ng sasakyan." Ipipilit ko talagang wala akong sinabi. "Maybe it was just your imagination that you heard something. You've been under stress because of the accident then Hunter's death and you are also pregnant. Maraming factors kaya baka kung ano-ano ang naririnig mo." Pasimple akong bumuga ng hangin para hindi niya mapansin na kinakabahan din ako.

Tumango lang si Amy at napayuko tapos ay nakita kong umaalog na ang balikat niya. She's crying?

"H-hey. Hey, why are you crying?" Mabilis akong lumapit sa kanya at inalalayan siya. "If this is about what I said about your baby, I am so sorry. Wala naman ibig sabihin iyon. I am not thinking that your baby is not Hunter's baby."

"Gusto ko na lang sanang umuwi na lang," sa kabila ng pagsinghot ay nasabi ni Amy.

"Fine, let's go." Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa jeep ko.

Ayaw na talaga ni Amy na pumunta pa sa bayan para mamasyal o mamili ng gamit. Pilit siyang nagpapahatid pauwi. Alam kong nag-aalala siya pero nanatili siyang tahimik.

"I didn't mean anything, Aria. Huwag mo naman masamain ang sinabi ko," hingi ko pa rin ng paumanhin sa kanya. Gusto kong makuha ang tiwala ni Amy para malaman ko ang totoong pagkatao niya.

"Gusto mong malaman ang tungkol sa ex ko 'di ba?" Sagot niya sa akin.

"If you don't want to tell me it's fine. Okay lang."

Napalunok siya at huminga ng malalim. Parang bumubuwelo sa kung anong gusto niyang sabihin. Is she going to spill the beans?

"Nalaman niyang buntis ako. K-kaya kami namundok ni Hunter ay para lumayo. Para makatakas ako sa kanya at sa pamilya ng ex ko." Ngumiti ng mapakla si Amy.

Napa-hmm lang ako. She's making up stories again but at least I know the reason why she is running away. 

"Why run kung kasama mo naman si Hunter and that is your baby?" Sagot ko.

Nakita kong bahagyang lumikot ang mga mata ni Amy. Halatang nag-iisip ng dahilan.

"Hindi niya matanggap na nag-asawa ako ng iba. Gustong kunin ng pamilya niya ang anak ko at pinipilit nilang anak ito ni Ca-" kinakabahang napatingin siya sa akin at tuluyang napaiyak tapos ay umiiling-iling. "I am so sorry." Napasubsob si Amy sa mga palad niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

"Mr. Acosta, patawarin mo ako. Humihingi ako ng tawad sa iyo at sa namatay mong kapatid. Hindi ako masamang tao pero wala lang talaga akong matakbuhan. Ayokong mawala ang anak ko." Punong-puno ng luha ang mukha ni Amy.

Napatiim-bagang ako. I think she is ready to tell me everything.

"Just tell me the truth, Amy." Sabi ko sa kanya at tumingin ako sa gawi niya.

Nakita kong nanlaki ang mata niya at nawalan ng kulay ang mukha niya sa narinig na sinabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 32.4K 45
Xenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the...
8M 196K 70
Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina
266K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...