MY HANDSOME LITTLE DEVON (PUB...

By iamcranberry

51.9K 2.2K 134

The story is about Mayet-a girl with mission and clear vision- and Devon-a spoiled brat-who fell in love with... More

TEASER
1. LITTLE DEVON
2. HU U
3. THE LITTLE DEVIL
4. PUPPY LOVE
5. SPOILED
6. HELLO, CRUSH
7. SWEET <3
8. WALK OUT
9. LETTER TO MAYET
10. STOP STARING
11. A MOMENT WITH YOU
12. HEART THAT UNDERSTANDS
13. DEVON'S THOUGHT
14. PRESSURED
15. OH MY GOD
16. GO!
18. WHO ARE YOU?
19. I CARE
20. THE THREATS
21. SLOWLY BREAKING
22. CONCERN
23. SHATTERED
24. HIS THOUGHTS
25. HIS PAINS
26. HIS LOVE
27. HER PAIN
28. IT HURTS HER STILL
29. ONCE A UPON A TIME
30. WHERE ARE YOU, DEVON?
31. HE'S BACK
32. LUCKY (FINALE)
AUTHOR'S NOTE

17. GOING BACK

1.2K 65 1
By iamcranberry

Present day...

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Mayet nang maalala ang lahat. Nang mag-berde na ang sign ay pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi niya lubos akalaing makakita lang ng lobo ay dadagsain siya ng alaala ng kanilang kabataan ni Devon.



Hanggang ngayon ay nakatago pa rin iyon. Nakasilid sa isang kahon ang lahat ng bigay nito. The box was sealed she let her happy memories stay there. Batid niyang iyon ang nararapat doon: itago at huwag ng kalkalin pa kahit kailan.



Ngunit kahit pala iselyo niya iyon sa isang matibay na uri ng kahon ay maaari pa rin pala iyong lumabas sa natural na paraan. Nasa puso pa rin pala niya iyon. Inalagaan... at iniyakan...



"Can we just eat somewhere? I am really starving," suhestyon ni Devon at agad na tumango si Rosie. Tumango rin siya at huminto sa isang malapit na restaurant. Agad na niyang ipinarada ang sasakyan at sumunod siya pagkalabas ng dalawa.



Agad silang nakahanap ng mesa at nag-order. Halos mapanganga na siya sa dami ng in-order ni Devon. Natawa tuloy si Rosie.



"Parang isang buong taon kang hindi kumain," sita nito sa kapatid.



Natawa si Devon. "I missed the food here,"



"Ikaw naman kasi. Bakit ka kasi hindi man lang nadalaw dito?"



"It's because I made a promise,"



Napatingin si Mayet kay Devon at parang may dumagan sa dibdib niya. Hindi man ito nakatingin sa kanya, batid niyang siya ang pinariringgan. Ang masama, parang balewala nitong ipinarinig iyon sa kanya. Abala ito sa pagkuha ng pagkain na tila walang pakialam kung tatamaan ba siya o hindi.



"Promise? May pinangakuan kang girlfriend sa New Jersey na hindi iiwanan?" Usisa ni Rosie. Mukhang hindi nito pansin ang pagpapahaging ni Devon sa kanya.



Natawa si Devon at hindi niya mapigilang pagmasdan ito. Napakaguwapo na nito ngayon talaga. Maging ang tawa nito ay nagkaroon na ng sopistikasyon. Lalong sumarap panoorin at pakinggan.



"Wala akong girlfriend. But I have a fiancée,"



Nagkandasamid-samid si Rosie samantalang siya ay tila nabingi sa narinig. Ilang beses siyang napakurapkurap sa pagkabigla hanggang sa tila nilamukos ang dibdib niya ng saglit lang siyang tiningnan ni Devon saka muling hinarap ang kapatid.



"Ate..." natatawang saad nito saka inabutan ito ng tubig. "I'm not a kid anymore. Whether you like it or not, I will get married. I'm sure. You will like Laize. She's beautiful and kind,"



Tuluyan na niyang hindi nagalaw ang pagkain dahil sa sobrang inis sa sarili. Bakit ba siya nakakaramdam ng sama ng loob ng oras na iyon? Normal lang na makahanap ng babae si Devon. Sa guwapo ba naman nito? Good catch ito at siguradong hindi ito pakakawalan ng isang babaeng pagtutuunan nito ng pansin.


Ah, maybe because she was still expecting to see the handsome little Devon in him.

Hindi man isandaang porsyento dahil batid niyang magbabago din ito, umasa siyang mayroon pa ring bakas ito kahit sampung porsyento man lang.

Pero sa nakikita niya ay wala na. Kung may naiwan man damdamin ito sa kanya, mananatiling inis iyon o galit.

She deserved his anger. She knew that. Bagay lamang iyon sa ginawa niyang panghihiya noon dito.



Dahil matapos ang insidente noon sa eskwelahan ay nabalitaan niyang naging tampulan si Devon ng tukso kaya muli itong kinuha ng ama.

Siya naman ay natuloy magaral sa isang state university sa Maynila ngunit hindi niya nakuha ang pinapangarap na kurso.

Hindi na siya nakapasok pa sa ibang scholarship dahil natapos na ang termino ng pagsusulit noon. Gayunman, she graduated Marketing with flying colors. Gayunman, hindi satisfied ang mommy niya.



Naging dahilan iyon para lalong lumalim ang gap nila at nauwi iyon sa madalang niyang paguwi. Sa tuwing papasyalan niya ang ina ay sinisisi siya nito sa kapabayaan niyang matagal na niyang pinagsisihan. Maging ang panghihiya niya kay Devon ay pinagsisihan niya. Naging dahilan din iyon kung bakit hindi siya kinausap ni Rosie. Ikinasama din nito ng loob ang mga ginawa niya. Nagkaayos lang sila nitong umuwi siya. Tinanggap na nito ang sorry niya at naging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa.



Sa kabilang dako, nagkahiwalay silang magkaibigan noon at nagaral ito sa unibersidad nila sa San Antonio. Siya naman ay tuluyang nanatili sa Maynila at pinalad na makapasok sa isang maliit na pharmaceutical company. Nang magkaroon ng opening sa ibang kumpanya ay lumipat siya at umasang magtatagumpay.



Pero mas matindi ang kompetisyon doon at natatabunan siya. Uso din ang sipsipan at hindi naman niya masikmura ang ganoon. Sa huli ay lumipat din siya at nauwi sa RPG Laboratories.



Napahinga siya nang malalim. Ni wala pa siyang masasabing pundar dahil sa liit ng sahod niya. Binabayaran pa niya hanggang ngayon ang ilang naiwang utang ng ina niya. Nang mamatay kasi ito ay doon niya nalamang nakasanla sa isang tao ang bahay nila at hanggang ngayon ay binabayaran pa rin niya. Napagalaman niyang doon nito kinuha ang pampaaral sa kanya.



Sa kabilang dako ay naawa siya sa ina. Ni hindi nito natikman ang rangyang nais niyang ibigay dito. Namatay itong disappointed. Inatake ito sa puso at hindi na umabot pang buhay sa ospital limang taon ng nakararaan. Ang mga iyon marahil ang naging karma niya, ang naging kayabangan noon para hangaring lampasan ang katayuan ng kanyang ama.



Sa ngayon ay tanggap na niyang hindi sila minahal ng ama. Napagaralan na rin niya itong patawarin sa lahat ng pagpapabaya nito at napagisip niyang hindi niya dapat iaasa sa iba ang kanyang kapalaran. Sariling buhay niya iyon at walang ibang taong dapat na magmaniobra noon kundi siya lamang.



Napatingin na lang siya kay Rosie ng mag-ring ang cellphone nito. Tumango siya ng sumenyas itong sasagutin iyon saka ito lumabas. Naiwan sila ni Devon sa mesa. Magana itong kumain ngunit siya ay halos hindi makainom ng tubig. Natetensyon siya na hindi niya mawari. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya alam kung saan magsisimula.



"You don't like the food?" untag ni Devon kay Mayet.



Agad siyang umiling saka ngumiti. "Ikaw ang dapat na kumain. Sige na," udyok niya rito saka uminom ng tubig. Pilit niyang kinalma ang sarili at umastang normal sa harap nito.



"Okay then," simpleng sagot nito saka tumalima. Nagkasya na lamang siya sa panonood dito. Gayunman, nangangati na siyang usisain ito. Hindi na ito nagawang tanungin ni Rosie dahil may kausap na ito sa labas kaya siya naman ay hindi na mapakali.



"You want to say something?" tanong ni Devon matapos uminom ng tubig.



Napakurapkurap si Mayet at kinalma ang sarili. Saglit siyang naturete at hindi mapigilang mamangha sa katalasan nito. Naging matunog na ang kolokoy ngayon. Napahinga siya nang malalim. Wala naman siyang nakikitang masama kung tatanungin ito.



"Congratulations. K-Kailan mo naman balak ipakilala ang fiancée mo sa ate mo?"

Bahagya itong natawa saka nailing. Marahan nitong nahagod ang baba saka siya pinakatitigan. Bigla siyang nailang. Tila binabasa maging ang laman ng utak niya. Napatikhim siya para kalmahin ang sarili.



Continue Reading

You'll Also Like

51.1K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
407K 12.1K 54
VALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
34.1K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...