Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Eighteen

55.1K 1.3K 59
By helene_mendoza

Carlo's POV

"Where is your boss?"

Gusto ko ng magwala dito sa opisina ni Bullet Acosta dahil isang linggo na akong pabalik-balik dito pero hindi pa rin kami nagkikita. Isang linggo na siyang wala dito at wala akong makausap ng matino para sa problema ng mga shipments ng kumpanya namin.

"Sir Carlo, naka-indefinite leave po kasi si Sir Bullet." Sagot ng sekretarya sa akin.

"Indefinite leave? In this time of crisis? Alam ba niya ang ginagawa niya? MIA siya samantalang ang daming problema ng mga shipments namin? What kind of a CEO is he?" Pabagsak kong inilapag sa mesa ang mga bitbit kong folders.

"Sir, nagbilin naman si Sir Bullet na puwede 'nyong kausapin ang head ng transport. I can call him para makausap 'nyo na po." Malumanay na sagot ng babae.

"And then what? Kakausapin lang ako pero wala din namang magagawa? And ending, hihintayin pa rin ang advice ng amo mong laging nawawala. This is bullshit," painis kong binitbit ang mga folders na binitiwan ko kanina at padabog na umalis doon. Kinuha ko ang telepono ko sa bulsa at tinawagan ko si Charlotte.

"If you want me to continue doing my job in your company, you better fix this."

"What? Why? What's wrong, Carlo?" Ramdam ko agad ang pag-aalala sa boses ni Charlotte.

"This fucking Bullet Acosta is not here. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa opisina niya para makausap siya ng harapan at maayos ang mga shipments 'nyong nawawala pero wala siya dito. What do you want me to do?"

"Calm down please? I'll try to call him. Hindi mo ba siya tinawagan?"

"Are you crazy? Kung ang mga tao nga niya dito sa opisina niya hindi alam kung saang lungga nagsuot ang gago na iyon, aasahan mo pa bang sasagutin niya ang tawag ko?" Padaskol kong binuksan ang kotse ko at itinapon ko sa loo bang lahat ng dala kong folders. Napipikon talaga ako. Naiinis talaga ako sa Bullet Acosta na iyon kahit iisang beses pa lang kaming nagkita.

"Alright. Sige. I'll try to fix this. I'll talk to dad and I'll try to call Bullet and I'll tell him to call you. Huwag ka namang magalit." Napakababa ng tono ni Charlotte.

"Whatever."

"Can you go home early? I cooked dinner for us."

"May lakad kami nila Travis. Don't wait for me." Alam kong may sasabihin pa si Charlotte pero pinatayan ko na siya ng telepono. I don't want to hear her voice pero wala lang talaga akong magawa.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko at napabuga ng hangin. It's been two months since the accident that took the life of Amy pero ayoko pa ring maniwala. Kahit lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng mga kakilala ko sinasabing umaasa lang ako sa wala. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ramdam kong buhay pa rin si Amy at magkikita kami uli. Magsasama kami uli.

I dialed Travis number and medyo matagal bago siya sumagot.

"Are you busy?" Bungad ko sa kanya ng sagutin ang tawag ko.

"Kinda. Inaayos kasi namin ni Liv 'yung museleo ni Amy. Liv wanted to fix it properly."

Parang naipit yata ang paglunok ko sa narinig kong sinabi niya.

"Naniniwala ba talaga si Liv na si Amy ang nakalibing diyan? Ayaw pa rin ba niyang pumayag na – " ibinitin ko ang sasabihin ko kasi ayokong magtalo na naman kami ni Travis.

"Carlo, nag-usap na tayo 'di ba? We will drop that issue. Hindi papayag si Liv na ipahukay uli ang bangkay ng kapatid niya. Igalang natin ang desisyon ni Liv at igalang natin ang patay na. We need to move on."

Napahinga ako ng malalim.

"I don't know, Trav. I am sorry if I cannot just drop this issue. Iba talaga ang pakiramdam ko, eh. I can feel that she is alive and she is coming back."

"Alright. Sige. I'll give you a scenario. Let's say that Amy is alive and she really did come back. What are you going to do?" Seryosong-seryoso ang timbre ng boses ni Travis.

"I'll get her and we will runaway together just like our old plan."

"You think ganoon lang kadali iyon? Did you forget that you are married? Hindi lang sa bastang kung sinong babae. You are married to Charlotte Ling."

Hindi ako nakakibo at napailing lang ako. Inis kong hinampas ang kaharap kong manibela.

"Bro, lagi kong sinasabi iyo, move on. Amy is dead and she is not coming back."

Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko.

"Okay. See you soon." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Travis at pinatayan ko na rin siya ng telepono.

Move on? I can never do that. I opened my phone again and searched for the accident that took away Amy. Tapos ay nag-search din ako ng mga the best private investigators. Hindi ko na kailangang hintayin pa ang Jacob Ramirez na iyon. Lagi naman siyang walang time. I can find my own private investigator.

At isasampal ko sa kanilang lahat kapag bumalik na sa akin si Amy.

--------------------à>>>>>>

Amy's POV

Hindi mapatid-patid ang pag-iyak ko habang inaalala ko ang mga sinasabi ni Mrs. Acosta kanina. Sobrang liit ng mundo. Aakalain ko bang kilala pa niya ang nanay ni Carlo. Ang matandang iyon na akalang mabibili ang pagkatao ko. Gusto ko na silang kalimutan. Lumayo na ako para lang matakasan ang mapait na nakaraan namin ni Carlo pero bakit parang pilit siyang bumabalik? Naalala ko tuloy ang unang beses na nagkausap kami.

"Hindi mo ba napapansin na halos araw-araw na dito kumakain ang lalaking iyan?"

Kumunot ang noo ko sa kasamahan kong si Sheng dahil sa sinabi niya.

"Sino?"

Lumapit pa siya sa akin at inginuso sa akin ang isang lalaki na nakaupo sa isang sulok.

"'Yang lalaking iyan. Tanghalian o kaya minsan hapunan nandito 'yan. Hindi ba siya bulatihin kakakain ng sushi? Saka hindi ba siya maha-highblood kakain ng tempura?" Sabi pa nito.

Hindi ako sumagot at tiningnan ko ulit ang lalaking itinuro niya. Sabagay, may punto si Sheng. Pansin ko nga din na halos araw-araw namin customer ang lalaking ito. Minsan may mga kasama siyang lalaki pero madalas nga, mag-isa lang siya.

Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa lalaki. Ako naman ang supervisor dito kaya aalamin ko ang dahilan niya kung bakit siya pabalik-balik dito. Alam kong masarap ang pagkain na ino-offer ng restaurant namin pero siya lang ang nakita kong customer na araw-araw na bumabalik dito.

"Good morning, Sir." Ipinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti ng makalapit ako sa mesa ng lalaki. Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin. Hala! Bakit biglang kumabog ang dibdib ko? Araw-araw akong humaharap sa iba't-ibang tao at madalas nga mga CEO's at executive pa pero never akong nakaramdam ng ganito.

Lalo ng parang may nagtakbuhang daga sa dibdib ko ng ngumiti siya sa akin.

"Good morning." Ganting bati niya.

"How's your food, Sir?" Ipinakita kong kalmado ako kahit pakiramdam ko ay tumatagas na ang pawis sa mga palad ko at sa kili-kili ko dahil sa kaba.

"The food is nice. I like it even the service. I love the way you treat your customers." Nakangiti pa ring sabi niya.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Gusto kong sawayin ang sarili ko kasi parang iba ang pakiramdam ko 'nung sinabi niyang 'I love the way you treat your customers.' O assumera lang ako?

"Thank you. Do you still need anything?"

Ngumiti ang lalaki sa akin at tumingin ng makahulugan.

"Your name?"

Nawala ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Aatakihin na yata ako sa puso.

"Po?" Gusto kong masiguro na tama ang narinig ko.

Natawa siya. "Actually I just got your name Amy and you are the supervisor in this restaurant."

Hala! Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"You love to introduce yourself to your customers. Maybe you already forgot my friends." Patuloy pa ng lalaki. "I forgot to tell my name."

Napalunok ako at lumingon ako sa gawi ni Sheng at nakita kong nakakunot ang noo sa akin. Halatang nagtataka kung bakit nagtatagal ako doon.

"I am Carlo Santos and I would like to ask if it's possible to ask you out after your shift?"

Ano daw? Ask out? Ako?

"S-sir, uum- 'kasi-"

"Please call me Carlo. And please say yes. I already talked to Pablo and he told me that I can ask you out."Putol niya sa sinasabi ko.

Nag-namedrop pa siya. Pangalan ng boss ko 'yun.

"Sir- puwedeng-"

"I'll pick you up at seven. I'll see you, Amy." Nakangiti pa rin niyang sabi sa akin tapos ay nag-iwan ng pera sa mesa pambayad sa kinain niya at tuloy-tuloy na umalis doon.

Naiwan lang akong nakatanga at sinusundan siya ng tingin palabas.

"Bru, anong nangyari? Bakit biglang nag-walkout si Sir? Tinarayan mo?" Nag-aalalang tanong ni Sheng at sinusundan din ng tingin ang papalayong lalaki.

"Ha? Hindi, eh. Susunduin daw niya ako mamaya at lalabas kami." Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kong sinabi ng lalaki.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Sheng at mabilis akong hinila papasok sa opisina ko.

"Bru! Ang guwapo 'nun. Anong pangalan? Dali search natin," excited na sabi niya.

Pinipigil ko ang kilig ko pero hindi ko mapigil ang ngiti sa labi ko.

"Carlo Santos."

Mabilis na kinuha ni Sheng ang cellphone niya at nagpipindot doon. Nag-search sa FB at lalong lumiwanag ang mukha ng makita ang hinahanap.

"Amy, ang guwapo talaga. Sumama ka na mamaya. Mukhang good catch si Sir. Excited naman ako."May papadyak-padyak pa si Sheng.

Hindi ako nakasagot. Tumunog ang telepono ko at nakita kong ang boss ko ang tumatawag sa akin.

"Sir?" Agad kong bungad sa kanya.

"Miss Solomon, nagsabi na sa akin si Carlo Santos na he wanted to pick you up later. Please don't get it wrong alright? It will be all about business. He is planning to put up a franchise of our restaurant and he wanted to learn everything from it and I told him to talk to you since you are the pioneer in our resto." Sabi ng boss ko.

Parang biglang nawala ang kilig na naramdaman ko. Akala ko pa naman interesado sa akin ang lalaking iyon. Sa franchise pala mas interesado.

"Okay, Sir. Got it." Matamlay na sagot ko.

"Thanks, Amy. Goodluck later."

Paulit-ulit ang pagpahid ko ng mga luha sa mata ko. Ayoko ng maalala iyon. Ayoko ng maalala kung paano kami nagkakilala. Ayoko ng maalala kung paano kami kumain, kung paano niya ako hinalikan ng unang date namin na iyon. Gaga ako. Napakagaga ko dahil unang beses pa lang namin na mag-date, nagpahalik na ako sa kanya. Umasa kasi ako na pareho kami ng nararamdaman. Umasa ako kahit na konti kahit alam kong napakalayo ng agwat namin.

"Aria?"

Agad kong inayos ang sarili ko ng marinig ko ang boses ni Mrs. Acosta mula sa labas ng kuwarto ko.

"Aria, iha? Okay ka lang ba?" Tanong pa niya.

"O-okay lang ho, ako." Sinikap kong maging normal ang pagsasalita ko.

"Papasok na ako, ha?"

Kahit gusto ko siyang pigilan ay wala naman akong magagawa. Hindi kumibo si Mrs. Acosta ng makita ang itsura ko. Kahit hindi ko naman sabihin, alam kong halata niyang umiiyak ako.

"If you want to talk about it, I am here to listen." Seryosong sabi ng matanda at naupo sa gilid ng kama ko.

Ngumiti ako ng mapakla.

"Nami-miss ko lang po si H-Hunter." Pagsisinungaling ko.

Agad din na lumungkot ang mukha ng matanda at napahinga ng malalim.

"I am missing him every single day." Humarap siya sa akin at pinahid ang luhang biglang naglandas sa pisngi ko. "But I am okay every time I am seeing you. You remind me of my son because you are the last person that saw him alive."

Grabe naman 'to. Patong-patong na hirap na nararamdaman ko.

"Are you still okay to go out? Bullet is waiting downstairs."

Parang ayoko na ngang umalis dito. Parang mas gusto ko pang magmukmok na lang pero hindi ko naman kayang magsinungaling ng magsinungaling kay Mrs. Acosta.

"Okay na po ako. Sige po. Bababa na ako."

Nagliwanag ang mukha ni Mrs. Acosta at ngumiti sa akin.

"Hindi ka pababayaan ni Bullet." Sabi niya sa akin.

Alam ko. Hindi niya ako pababayaan na lokohin kayo.

Gusto ko iyong isagot sa matanda.

Continue Reading

You'll Also Like

168K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.6K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
1.7M 32.4K 45
Xenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the...
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...