Her Secret (COMPLETED)

Por theservantqueen

4.6M 126K 14.8K

Highest Rank in Romance as of January 2021 Más

Disclaimer
Her Secret
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Wakas

Kabanata 15

84K 2.5K 109
Por theservantqueen

Pipiliin ko ulit ang sarili ko. Wala na akong pakialam. Parang sinampal ulit sa akin ang katotohanan. Sinampal sa akin na hindi talaga kami puwede ni Zachary. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba ang kasalanan ko kung bakit patuloy pa rin akong pinarurusahan? Wala na akong paki kung ano ang gagawin ni Zachary sa islang ito. Konsensya na niya iyon at hindi sa akin. Napakasama niyang tao. Wala siyang iniisip kundi ang sarili niya. Bakit ko nga ba siya minahal? At nagkaanak pala sila? Pero sinabi niya sa akin na hindi nila ginagawa ang bagay na iyon sa asawa niya. Nagsisinungaling ba siya sa akin?

Hindi ko na kaya. I am going to back out. Bangungot na sa akin ang makita ang asawa niya. Totoong natakot ako at mas lalong na-guilty nang nakita siya ulit. Ayoko na. Titigilan ko na itong katangahan ko. Kailangan pa yata iharap sa akin ang katotohanan bago ako matauhan.

“Hija, bakit naman biglaan?” malungkot na tanong sa akin ni Tiya Merna. “May nangyari ba? May problema ka ba?”

Umiling ako at naiiyak na. “Tiya, salamat talaga sa pag-aalaga sa anak ko. Pero kailangan ko na pong umalis. Na-realize ko na hindi para sa amin ang lugar na ito. Sobrang saya ko po na itinuring niyo po ako na pamilya niyo, pero may problema po ako na hindi masabi-sabi sa inyo. Pasensya na po talaga, Tiya Merna.”

Nagmamadali kong inilagay sa bag ang mga damit namin at iba pang mga gamit. Tinawagan ko rin si Sarah kahit ilang taon ko na siyang hindi kinausap. Sinalubong niya ako ng mahabang litanya at sobrang tampo niya dahil hindi ko raw siya kinontak. Nakiusap ako na makitira muna sa apartment nila since wala naman siyang kasama. Pumayag agad siya sa gusto ko.

“Hija…” Umupo si Tiya Merna sa kama at tiningnan ako. “Titigil ka na ba talaga sa trabaho? Sayang lang talaga, hija! Kung may problema ka naman sa pera, puwede ka namang umutang sa akin.”

Umiling ako at nagpatuloy sa paglalagay. “Hindi po pera ang problema ko, Tiya Merna.” Sinara ko ang zipper sabay baling sa kanya. “Kailangan ko lang po talagang umalis. Pasensya na po talaga.”

Mabuti at tulog pa ang anak ko kaya malaya akong nakagalaw. Hindi ito ang totoong plano ko. Pero mas mabuting umalis na lang ako sa islang ito para hindi na ako guguluhin ni Zachary ulit. Ayoko na siyang makita pa. Sana naman ay may puso pa siya kung talagang may pakialam pa siya sa akin. Sana hindi niya paalisin ang mga tao rito kung may konsensya pa siya.

“Sige, hija, naiintindihan ko ang desisyon mo. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Napamahal na rin sa akin ang anak mo at mami-miss ko siya.”

Umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay ni Tiya Merna. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya at nakita ko na nanubig na ang kanyang mga mata.

“Tiya Merna, hindi naman po ako lalayo. Puwede niyo pong bisitahin si Zellor kapag may oras po kayo.” Nginitian ko siya at saka niyakap.

Kinaumagahan ay nagtungo ako sa opisina ni Ma’am Emma dala-dala ang resignation letter. Nakita ko pa na napatingin sa damit ko ang ibang kasamahan ko. Si Jamaica naman ay nagtaas ng kilay sa akin sabay pasada ng tingin sa akin.

I sighed. Today, I wore a black tank top and a skinny jeans. Nakalugay ang aking medyo kulot na buhok at nakasuot ng flip flops.

Lumapit siya sa akin habang may walis siyang dala. “May asawa pala si Mr. Villacorta.” Humalakhak siya. “Hindi pala siya puwede malandi.”

Hindi ko siya pinansin at umupo na lamang sa upuan malapit sa pintuan ng opisina ni Ma’am Emma. Hindi pa kasi siya dumating dahil may nilalakad pa. Dala ko ang tote bag ko na naglalaman ng envelope.

"Bakit ka nga pala hindi naka-uniform? Feeling guest ka na rin dito?” Umirap siya sa akin.

Tiningnan ko siya. “Ano naman sa iyo? Surely, you will be happy about what I am about to do today.” Peke akong ngumiti sa kanya at nang nakita si Ma’am ay sinalubong ko agad ito.

Nagulat pa siya nang makita niya akong hindi naka-uniform.

“Good Morning, Ma’am!” bati ko.

Kumunot ang noo niya at saka kinuha ang susi sa kanyang bag. “Good Morning, Hazel.”

“Can we talk po?” magalang na tanong ko. “Sa opisina niyo po sana.”

Tumango siya at binuksan ang pinto. Napayakap ako sa aking sarili nang makaramdam ako ng lamig pagpasok namin sa opisina niya. Binuksan niya ang ilaw at binalingan ako. Sinara niya ang pinto.

“Halika, maupo ka,” aya niya sabay turo sa upuan malapit sa desk.

Tumango ako at humugot ng malalim na hininga.

“Hazel, seryoso ka ba rito?” gulat na tanong ni Ma’am Emma habang hawak-hawak ang resignation letter ko.

Tumango ako at napayuko. “I’m sorry, Ma’am Emma. Aalis na kas ako sa isla. Hindi po kayo ang rason o kung sino man po rito. May malalim na dahilan po ako.”

Siguro para sa iba, mababaw ang desisyon ko. Pero para sa akin, malalim na dahilan ang dahilan ko. Ayaw ko na ulit makita si Zachary. Kasalanan niya na kung papaalisin niya mga tao roon. Habang buhay ko siyang kamumuhian kapag gano’n nga ang mangyayari. Binalik ni Ma’am Emma ang letter ko sa sobre at bumuntonghininga. Kitang-kita ko sa reaksyon niya ang paghihinayang.

“Okay, mukhang hindi na yata kita mapipigilan. Isa ka sa mga magagaling na workers dito. Hindi kita makakalimutan, Hazel.” Naglahad siya ng kamay sa akin para mag-shake hands. Tinanggap ko ito at nginitian siya ng tipid.

“Maraming salamat po sa lahat, Ma’am Emma.”

Mabigat ang dibdib ko nang lumabas ako sa opisina. Ang hirap ding bitiwan ang trabaho na ito pero kung mananatili ako rito, hindi uusad ang buhay ko.

“Gaga!” sigaw ni Joel mula sa malayo at nagmamadaling lumapit sa akin. “Grabe, aalis ka na talaga?”

Lumuluha niya akong tiningnan at pinalo pa ang balikat ko. Si Leah ay nakasimangot na sa akin. Napakagat ako sa aking labi dahil na-guilty ako. Iiwan ko na ang isla at iiwan ko na rin sila.

“Bakit ka nag-resign?” Pinahiran niya ang luha niya sa mata at sinamaan ako ng tingin. “Ang daya-daya mo! Iiwan mo na kami?”

Niyakap ko silang dalawa at napangiti. Tinapik ko ang likuran nila at humiwalay. Nagtatampo pa rin ang mukha ni Leah samantalang umiiyak naman si Joel. Ang OA ng mga ito, hindi naman ako mamamatay.

“Uy, grabe kayo! Hindi naman ako mawawala. Puwede niyo pa rin naman ako bisitahin o hindi kaya tawagan.” Ngumiti ako at kinurot ang tagiliran nilang dalawa. “At saka, invited kayo sa birthday ng anak ko. Hindi kayo mawawala.”

“Sabi mo iyan girl, ah!” Ngumuso si Joel. “Ikaw na nga lang mapagchikahan ko ng chismis, eh!”

“Mami-miss namin si Zellor, Haze,” si Leah sabay hawak sa braso ko. “Kapag may oras kami, bibisita kami.”

Tumango ako at ngumiti muli sa kanila. Bago ako umuwi ay naglibot-libot muna ako sa buong resort. Hindi ko kasi nalibot lahat at tingin ko huling pagkakataon ko na umapak dito. Napangiti ako nang maalala ko ang mga memories namin nila Joel at Leah. Noong first time kong dinala ang anak ko sa resort ay pinagkaguluhan ang anak ko. Halos hindi na nga siya ibigay sa akin ng mga katrabaho ko dahil super cute raw ng anak ko.

Nang nakita ko ang pool area ay pupunta na sana ako roon ngunit natigilan ako sa nakita. Parang tinusok ng karayom ang puso ko nang nakita ko silang dalawa na naliligo sa pool, magkayakap.

Para akong nabunutan ng tinik sa nakita. Sumikip ang dibdib ko at napaatras. Nagsimulang nanubig ang mata ko at nanginig ang kamay ko. Kapag ibubuka ko ang bibig ko ay walang lumalabas na salita. Nagkabalikan na ba sila? Natauhan ba si Zachary?

Tumulo ang luha ko at mas lalong napaatras. Ito ang gusto mo, Hazel, hindi ba? Ito naman talaga ang gusto ko noong una pa lang. Kaya wala akong karapatan na umiyak. Dala ang bigat sa aking dibdib ay tuluyan ko na silang tinalikuran.

Seguir leyendo

También te gustarán

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 46.4K 98
WARNING: FOR MATURE READERS ONLY. Contains scenes, language, violence and graphic depiction of s3x not suitable for minors, sensitive minds, and fain...
10.6M 229K 62
R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young rea...
3.3K 115 34
Madrigal Brothers #3 Ralphmond - Perfect and simple, that's what describes Ralphmond Madrigal and Aryanah Olivas' relationship. Just the mere presenc...