Pretending Mrs. Acosta (COMPL...

By helene_mendoza

3.2M 73.2K 6.8K

Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kan... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty - Eight
EPILOGUE

Chapter Eight

61.4K 1.3K 68
By helene_mendoza

Bullet's POV

            I didn't sleep at all last night.  Magdamag lang akong paikot-ikot sa kama ko.  Nang alam kong hindi naman na ako dadalawin ng antok, I decided to check my mails, check my business schedule.  I should be travelling back to Manila to attend an early breakfast meeting with our new suppliers but instead, nandito ako sa Quezon at walang konkretong plano kung anong gagawin ko ngayon.

            I want to talk to my mother.  Gusto kong ipaliwanag sa kanya na baka ang nararamdaman niya kay Aria ay para mapagtakpan lang ang guilt feeling niya.  I know my mom feels bad about what happened to Hunter.  She thinks she was a bad mother for burying his son.  No parent wanted to see burying their kid.  Kahit ako siguro kung mangyayari sa akin ang ganoon, hindi ko rin kakayanin na makitang nasa ataul at inililibing ang magiging anak ko.

            But what was happening to us was really fast paced.  Hunter died then a stranger came along.  Tama nga naman si Jacob.  I should be happy for Hunter.  He got happy with someone pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may mali.  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na parang hindi si Aria ang babaeng minahal ni Hunter.

            Ang daming butas ng mga sinasabi ni Aria.  If she loves my brother dapat kilala niya kung anong klaseng pagkatao meron si Hunter.  Pero ako na rin ang kumontra sa naisip ko.  Puwedeng ibang pagkatao ang ipinakilala ni Hunter sa kanya.  Puwedeng 'yung totoong pagkatao ng kapatid ko ang ipinakita nito sa mahal niya.  Hindi katulad dito sa amin.  We were followers especially kay Papa.  Si Papa.  Napahinga ako ng malalim.  I love him but when he passed away parang mas nakahinga ako ng maluwag. 

            Hunter and I were trained to be businessmen even when we were small.  Lalo na si Hunter.  Siya talaga ang tini-train ni papa para pumalit sa posisyon niya.  Bata pa lang kami lagi lang akong nakasunod sa anino ni Hunter and I don't see anything wrong with it.  Idol ko si Hunter kasi ang galing niya sa lahat ng bagay.  Magaling siyang mangatwiran, magaling siyang lumusot sa mga problema, tagapagtanggol ko siya lalo na kay papa.  Me?  I was the clown in the family.  I thought everything about life was a joke.  Chill lang ako sa lahat.  Walang problema akong inintindi. 

            I always play prank with everyone and Hunter was okay with that.  Gusto nga niya iyon kasi talagang natatawa siya sa mga practical jokes ko but one day, it just stopped because of one incident that changed everything.

            I gripped the pendant of the necklace that I am wearing.  I can still feel the rugged edges.  Hindi normal na pendant.  Kung makikita ng kung sino ay sasabihing sira.  But this pendant saved my life.  I felt the big scar tissue on my chest and stroked the reminder of my stupidity during my younger years.

            I browsed my phone and searched for the accident that killed my brother. It was still the same news, the same articles that I read over and over.  Same names of the fatalities and I shook my head when I read the name of my brother.  I let out a sigh.  Nanghihinayang din talaga ako sa pagkawala ni Hunter.

            Sumisikip lang ang dibdib ko habang tinitingnan ang mga litrato ng aksidente kaya pinatay ko na ang phone ko.  I took a shower and donned a short and a tshirt.  Mamayang tanghali na ako babalik ng Maynila.

            Napakunot ang noo ng maabutan ko si mama na mag-isang nakaupo sa mesa.  Tahimik siyang nagbabasa ng broadsheet.  Walang pagkain na nakahain sa mesa para sa almusal.  Tumingin ako sa relo.  Past seven am na bakit wala pang almusal?

            "'Ma.  Good morning," bati ko sa kanya.  Agad na lumiwanag ang mukha ni mama ng makita ako at tiniklop ang hawak na broadsheet.  Ang ganda ng ngiti ni mama.

            "Iho, akala ko bumalik ka na ng Manila.  I didn't know you spend the night here.  Sit down.  Let's eat breakfast," sabi niya.

            Kumunot ang noo ko.

            "And where is the breakfast, 'ma?  Mukhang tinanghali ng gising si Manang Ester," komento ko.  Nagsalin ako ng kape sa puswelo.

            "Oh, it'll be ready in a while." Sagot ni mama tapos ay napatingin sa pinto ng kusina.  "And there it is," nakangiting sabi niya kaya tumingin din ako sa tiningnan niya.  Nakita kong palabas doon si Aria bitbit ang plato na may lamang pagkain.  Kasunod nito si Manang Ester na may mga dala ding umuusok na almusal.

            Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Aria ng makita ako.  Parang gusto pa nga niyang bumalik na lang sa kusina at atubili kung lalapit pa sa mesa.

            "Halika, iha.  Gusto kong matikman ang niluto mo," ang ganda-ganda ng ngiti ni mama.

            Bantulot na lumapit sa amin si Aria at inilapag sa mesa ang mga dalang almusal.  Inihain doon ang tortang talong, dinaing na bangus, Vigan longganisa, kesong puti.  Ang bango ng amoy ng sinangag na kanin.  Nakakagutom.  Meron pang freshly squeezed orange juice at fresh fruits.

            "She volunteered to cook breakfast.  And look at those mukhang masarap 'di ba?  Nagugutom na ako.  Let say grace then let's eat," ang gaan-gaan ng pakiramdam ni mama.

            Nanatiling nakatayo lang sa gilid si Aria at hindi alam kung anong gagawin niya.

            "Aren't you going to join us?" Tanong ko sa kanya.

            "Puwede naman akong sa kusina na lang kumain kasama sila Manang Ester.  Enjoy your breakfast," sabi niya at tinalikuran na kami.

            "Aria!  No.  Sit down.  Dito ka kakain kasama namin. Huwag mo ngang i-trato ang sarili mo na iba.  Huwag mong pansinin si Bullet," sinamaan na ako ng tingin ni mama.

            What the fuck?  What did I do this time?  Hindi na lang ako sumagot at umiling na lang.

            Tahimik na naupo si Aria sa tapat ko at naghawak-hawak kami ng kamay habang nagdadasal si mama.  Nang matapos ay agad na sumandok na pagkain si mama.  Parang excited na excited kumain.  Ganoon na rin ang ginawa ko kasi nakakatakam naman talaga ang iniluto niya.

            "Oh my god.  This is so good, Aria.  You really cook well.  How did you learn this?" Ang saya ng mukha ni mama.

            Tipid siyang ngumiti.  "Mahilig lang po talaga akong magluto." Sabi niya at sumandok ng kanin.

            "How do you cook in the mountains?  Hindi ba mahirap?  Palipat-lipat kayo ng bundok?  Walang mga gamit?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng tortang talong.  Sumubo ako at saglit akong napahinto.  Fuck me.  This is the best tortang talong that I've tasted.  Pero hindi ako nagpahalata.  Hindi ko pinansin ang nagbabantang tingin sa akin ni mama.  Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

            "Kapag tulong-tulong naman nagiging madali ang lahat. And madadali lang naman ang mga pagkaing gusto ni Hunter.  Tulad ng tortang talong.  Favorite niya iyon." Sabi niya.

            "Simple lang naman ang mga pagkaing gusto niya kaya madaling pakisamahan si Hunter," sabi ni mama at nakangiti siya kay Aria.

            "Maybe you forgot, 'ma.  Hunter hates eggplant.  Ako ang may paborito ng tortang talong," walang gatol na sabi ko.

            Nakita kong napahinto sa pagsubo si Aria ng pagkain at saglit na napatitig sa akin.

--------------------à>>>>>>>>

Amy's POV

            Shit.

            Mali na naman ako?  Kailan ba ako tatama sa mga dapat kong sabihin tungkol kay Hunter?  Alam ko naman na talagang hinuhuli lang ako ng lalaking ito.

            Pinigil ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba.  Nagpaka-kaswal lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

            "Ayaw nga niya ng talong pero natuto siyang kumain dahil sa akin.  Sabi ko mahirap ang namumundok.  Hindi namin kailangan mamili ng pagkain.  Kung anong nakahain iyon lang ang dapat.  Marunong mag-adjust si Hunter at marunong siyang makibagay sa mga taong nakakasalumuha niya."

            Sana mabiyak ang lupa at kainin na lang ako.  Hindi ko alam kung kapani-paniwala ba ang sinasabi ko.  Hindi ko magawang tumingin kay Bullet.

            "Iha, huwag mo ng pansinin ang sinabi ni Bullet.  You were right.  Hunter can adapt in everything.  Sigurado akong nagustuhan niya ang mga iniluluto mo sa kanya kahit na nga sa bundok pa kayo nakatira," nakita kong ang sama ng tingin ni Mrs. Acosta sa anak niya.

            Napahinga lang ng malalim si Bullet at napailing bago nagpatuloy sa pagkain.

            "Kamusta naman si Hunter bilang asawa?" Tanong ni Mrs. Acosta sa akin.

            Kung wala siguro sa harap ko si Bullet ay magagawa kong magtahi ng kuwento ng hindi ako mabubulol.  Pero sa paraan pa lang ng tingin niya sa akin ay para na niya akong sinasabihan na nagsisinungaling na naman ako. 

            "M-mabait si Hunter.  Maalaga.  Maalahanin.  Wala siyang pakielam sa nakaraan ko.  Tinanggap niya ako ng buo," mahina akong napabuga ng hangin.  Sa isip ko ay paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa namatay na lalaki.  Alam kong naiintindihan niya kung bakit ko ito ginagawa.

            "Hunter was like that.  He loves unconditionally," mahinang sabi ni Bullet.  This time ay walang halong pagdududa ang sinasabi niya.  Tingin ko pa nga ay talagang nalulungkot siya.

            "Do you know the gender of your baby, Aria?" Tanong ni Mrs. Acosta sa akin.

            Umiling ako.  Oo nga pala.  Hindi pa ako nagpapa-check-up.  Magsi-six months na ang tiyan ko.

            "When was your last check up?  I think they checked on you when you were in the hospital.  Do you have your own OB?  Do you want to go back to Manila to see her?" Sabi pa ng matanda.

            Bigla akong nataranta sa tanong niya.  Ayokong bumalik ng Maynila.  Wala na akong babalikan doon.  Tinalikuran ko na kung anong buhay ang mayroon ako doon.

            "Okay na ho ako dito.  May clinic or center naman siguro sa bayan. Puwede na ako doon magpa-check-up," sagot ko sa kanya.  Tinapunan ko ng tingin si Bullet at nakatingin lang siya sa akin.  Parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko.

            "Why you don't want to go back to Manila?  Mas magagaling ang doctor doon.  Does your family know that you are here?  Well, we want to meet your family para maipakilala naman namin ang pamilya namin," sabat ni Bullet.

            Alanganin akong ngumiti.  "Ulila na ako.  Wala na akong pamilya."  Sorry, Liv.  Kailangan ko lang talagang gawin 'to.

            Tumaas ang kilay ni Bullet.  Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

            "How about relatives?  Imposibleng wala ka ng relatives 'di ba?"

            Gusto kong saksakin ng tinidor sa dila si Bullet.  Hindi na ba siya titigil sa pagtatanong?

            "Sa probinsya ang mga kamag-anak ko and alam ni Hunter na hindi ako in good terms sa kanila.  Kung hindi ako puwede dito puwede naman akong umalis," talagang aalis na ako dito kung hindi pa siya titigil.

            "No!  You don't need to go, Aria.  Walang nagpapaalis sa iyo dito.  I told you this is your home now."  Pinandilatan ng mata ni Mrs. Acosta ang anak niya.  "I can call Dr. Dela Cruz and he can refer you to a good OB-GYNE in town."

            Nakita kong naiiling na yumuko si Bullet at nagpatuloy na lang sa pagkain.

            "Bullet, bring her to Dr. Dela Cruz's clinic after we eat.  I want my daughter in law and my grandchild to be okay," baling ni Mrs. Acosta sa anak niya.

            "'Ma, I need to go back to Manila today and –"

            "I want you to bring her to Dr. Dela Cruz's clinic.  Ano ang hindi mo maintindihan doon?" Nanlalaki na ang mata ni Mrs. Acosta.

            "Fine.  Whatever," itsurang natalo sa lotto ang mukha ni Bullet.  Halatang ayaw niyang makasama ako.

            Ganoon din naman ako 'no.  If I have a choice, lumayas na ako dito.  Pero parang hindi ko kayang iwan si Mrs. Acosta.  Napakabait niya at nakukunsensiya ako sa panlolokong ginagawa sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

266K 8.8K 49
She is Aurora Sandoval but this man named Alted Dela Fuente insisted that she is Candice Entrata-Dela Fuente, his wife. There's no way that she got m...
19.1K 654 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
176K 7.4K 24
PETER SEBASTIAN - Peter raised himself as a kind of man who can chase away bullets and death's sworn enemy. He's one of the best secret agent of Stra...
8M 196K 70
Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina