Guardian

By ShanHira

80K 2.9K 419

Ang storyang 'to ay hindi tungkol sa isang nawawalang Prinsesa. Hindi tungkol sa "pinili", "savior" ng mundo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32

Kabanata 21

1.7K 81 4
By ShanHira

Kabanta 21


Luci



"Bitawan mo nga 'ko, babae!"


Malakas na iwinawiwas ni Lior ang pagkakahawak 'ko sa wrist niya kaya napatigil ako sa paglalakad pati na rin sina Lyn. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko ng mahigpit ngunit hindi sapat para masaktan ako.


"What the fuck are you doing? We need to get that gem! What are we going to do of the rebels--!" Quiet. Bago pa matapos ni Lior ang isinisigaw niya ay bigla nalang siyang napasara ng bibig na ikinalaki ng mga mata niya. Napatingin naman ako sa mga kamay niya sabay balik tingin sa mga mata niya.


"Bitaw." Kaagad naman niya akong binitawan. Ang nanlalaking mga mata nito kanina ay napalitan ng isang nanlilisik na tingin--sa akin. Itinaas nito ang kaliwang kamay niya ay akmang ilalapit sa mukha ko nang mahawakan 'ko yon.


"Nananakit pala ng isang babae ang isang Arius Lior. So immature." Sabi ko at binulong yung huli pero sapat lang para marinig niya. Mas lalong nagdikit ang kilay nito. Akmang magsasalita na'to nang pumagitna na sa amin si Grey.


"Kalma! Chill lang tayo girls and boys, para naman kayong may dalaw." Natatawang sabi nito. Binigyan naman siya ng masamang tingin ni Lior na ikinaatras niya.


"What the hell? Lalake ako, hindi ako nagkaka ganon!" Inis na singhal ni Lior.


"Oo nga naman!" Sabi naman ni Lyn. Napabuntonh hininga nalang ako. Hindi ko pinansin ang bangayan nila daka bahagyang lumayo sa kanila. Itinaas ko ang mga kamay ko saka nag concentrate.


No, you dont. You shouldn't. Masyado nang madami ang ipinapakita mong vien. Singit ni Renz sa isipan ko na hindi ko naman pinansin. Itinapat ko ang kamay ko sa harapan at maya maya lang ay may itim na lumabas sa kamay 'ko. Ang itsura nito ay parang alikabok pero nang nagsama sama ito ay bumuo ito ng malaking bilog.


"Is that.." Napatingin ako kay Lior nang magsalita siya. Bahagyang nakaawang ang mga bibig niya habang nakatingin sa itim na portal. Sina Grey at Lyn naman ay nakanganga na talaga.


"A high level portal!" magkasabay na sigaw nina Grey at Lyn. Mabilis pa sa alas kwatrong nakapunta sa harapan ko si Lyn. Dinampot nito ang mga kamay ko.


"Ikaw ba gumawa niyan--paano mo nagawa yan? Diba wala na daw may kayang gumawa ng black portal? Paano?" Dahan dahan ko namang inalis ang kamay ko sa pagkalahawak niya saka bahagyang lumaya sa kanya. Too close.


"Pede isa isa lang yung tanong?" Nakangiwi kong tanong.


"Paano mo nagawa--"


"Akala ko ba wala nang may kayang gumawa ng black portal?" Napanguso nalang si Lyn nang maunahan siya ni Grey mula sa pagtatanong. Si Lior naman ay nakatingin lang sa akin. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.


"Saka 'ko ipapaliwanag. Pumasok nalang muna kayo sa portal, kailangan nating magmadali." Haharap na sana ako sa portal para pumasok nang hawakan ni Lior ang wrist ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.


"How the hell could we trust you? Baka mamaya spy ka pala ng mga rebels." Madiin at mapanghusgang sabi nito. Napabuntong hininga nalang naman ako. We have no time for chatting.


Gamit ang kaliwang kamay ko ay hinawakan ko rin ang wrist niya saka siya hinila papalapit sa portal kaya napabitaw siya sa'kin.


"Bitawan mo nga ako! Kapag di mo ako binitiwan ay gagawin kitang ice--" Bago pa niya matapos ang sinasabi ay mabilis ko siyang itinulak papasok ng portal. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa 'ko. Sa gulat niya ata ay wala siyang nagawa kundi hayaan ang sariling malaglag sa loob ng portal. Napatingin naman ako kayna Grey at Lyn.


"P-papasok na kami." sabi ni Lyn. Kinakabahan itong tumawa bago kumaripas ng takbo papasok ng portal.


"Wag mo 'kong iwan!" sigaw naman ni Grey at sinundan si Lyn papasok ng portal. Napailing iling nalang naman ako saka pumasok na din ng portal. Nang lumingon ako ay nakita ko kung paano unti unting maglaho ang view mg kinalalagyan naming lugar kanina.


Your really stubborn. Hard headed. So.. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Renz sa isip ko. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong napapasabunot na siya ng buhok niya.


It'll be fine. Sabi 'ko.


Anong it'll be fine? Last time na sinabi ko yan sa akin ay di maganda ang kinalabasan. Sabi nito kaya hindi ko napigilan ang sarili mula sa paghagilhik. Marami pa itonh isinermon sa akin pero dahil nakarating na kami sa pupuntahan ay hindi ko na siya pinansin.


"Lyn?" pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko ay boses kaagad ni Eris ang narinig ko. Nang ilibot 'ko ang paningin ay nakita ko naman agad sina Mae.


"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig pero nagtatakang tanong naman ni Lance. Napatingin naman ako sa tatlong maliit na nilalang na kasama namin. Nakaagaw din agad ng pansin ko ang malaking puno na may magagandang kulay. Ang isa sa mga maliliit na nilalang ay may suot suot pang korona. Fairies.


"Tanong mo sa kanya." Pabalang na sagot naman ni Lior sabay turo sa akin gamit ang hintuturo niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa tatlong fairies na titig na titig sa'kin. Muli kong ibinalik ang atensyon kayna Eris.


"Were going." Sabay sabay na nangunot ang noo nila sa sinabi ko.


"Anong were going? Hindi ba't kailangan natin makuha ang gem? Nakuha niyo ba yung Laphus gem?" Sunod sunod na tanong ni Leo.


"No," Sagot ko na ikinalaki ng mga maga ni Leo at Mae, "But i have plan. Kailangan muna nating bumalik sa Academy." Dugtong ko. Nagkatingin naman sina Eris at Lance habang si Lior ay napamura nalang.


"Are you sure about this?" Malamig na tanong ni Eris. Tumango naman ako habang nakikipagtitigan sa kanyam bumuntong hininga ito saka tumango din. Itinaas ko namang muli ang kamay 'ko saka gumawa ng isa pang black portal papuntang Academy.


"Pagkakatiwalaan niyo talaga yang babaeng yan? Are you guys fucking out of your minds?" Inis na sabi ni Lior nang lumapit sa portal sina Mae habang ang tatlong fairies naman ay nagtatakang nakatingin lang sa amin.


"Choose. Sasama ka o maiiwan ka dito." Madiin kong sabi. Nanlilisik naman ang mga mata nitong tiningnan ako ngunit hindi ako umiwas ng tingin. Umirap ito saka padabog na naglakad papalapit ng portal. Napabuntong hininga nalang naman ako. Nang makapasok silang lahat ay pumasok na rin ako.


Nang idilat 'ko ang mga mata ko ay nasa loob na agad kami ng Headmistress office.


"Goddess! Wag kayong bigla bigla nalang susulpot," gulat na sabi ni Headmistress Lucelle. Napatigil siya nang makita ang portal na nasa bandnag likuran naming lahat. Nanlaki ang mga mata niya saka tinuro ang portal gamit ang hintuturo.


"Is that.. a high level portal?" Alanganin nitong tanong.


"Yes." simpleng sagot ko naman na ikinatingin niya sa akin.


"H-how--?"


"Bago yan, kailangan mong ipakulong ang babaeng yan! Hindi pa namin nakukuha ang mga gem!" Inis na sabi ni Lior na talagang dinuro duro pa ako. Napalitan naman ng kunot ng noo ang ekspresyon ni Headmistress. Nagtataka ako nitong tiningnan na para bang tinatanong kung anong nangyari.


"The fairies and elf's wont give us the gem." casual at maiski kong sagot na mas ikinakunot ng noo nito. Pati sina Eris ay may naguguluhan at nagtataka ding ekspresyon. Napabuntong hininga ulit ako. Speaking too much is tiring.


"Hawak ng mga rebels ang hari ng elf's. Nasa kanila din ang anak ng reyna ng mga fairies." Nanlaki ang mga mata ni Headmistress sa sinabi ko. Nangunot naman ang noo nina Eris at Lance habang sina Grey at Lyn ay nakanganga talaga.


"Ang dudumi talaga ng mga rebels na yan." Inis na sabi ni Lyn. Nang makabawi ay kunot noo akong tiningnan ni Headmistress.


"Paano mo naman nalaman na hawak nila sila?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagkibit balikat nalang ako. Napapalatak naman ng dila sa Lior. Lumapit ito kay Headmistress saka ako sinamaan ng tingin.


"Hindi pa ba obvious, tanda? Spy ang babaeng yan. Kakampi siya ng mga rebels." nang aakusang sabi nito.


"Gusto ng mga rebels na ibigay ng elf's at fairies ang gems sa kanila. Magkikita sila mamayang gabi sa Erea Cave." Sabi ko at hindi pinansin ang sinabi ni Lior na mas ikinainis nito. Kulang nalang ay umusok ang ilong nito at magmumukha na talaga siyang dragon.


"Kailangan niyo silang pigilan." Sabi naman ni Headmistress na ikinatango nalang naman nina Eris at Lance.


"Hindi naman kami mamamatay dito diba? Di ko pa tapoa panuorin yung spongebob!" sabi naman ni Lyn habang si Grey ay nakadekwatro pa sa sofa na nandito.


"Hays. Masasabak nanaman sa labanan ang aking kagandahang pang kalawakan." buntong hiningang sabi naman ni Leo saka ini-flip ang kanyang invisible long hair. Si Mae naman ay mahinhin na tumango lang.


"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Inis na tanong ni Lior. Napabuntong hininga nalang ulit ako.














Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.6M 64.2K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
432K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...