Fearless flowers (Mafia S1)

By Erhaneya

3.4K 926 1.8K

Hindi lang sila basta estudyante. Hindi lang sila basta guro . Hindi mga tau-tauhan ng paaralang ang lihim a... More

NOTICE
Cast
FF#1: Mirai University
FF#2: School of scumbags (KELY)
FF#3: World full of shades (Sofia)
FF#4: Crimes : unknown (Zae)
FF#5: Extra (Marc side story)
FF#6: Side Mission (Clyde)
FF#7: Rape case (CLYDE)
FF#8: Rape case: unresolved
FF#9: Rape Case & Mission (CLYDE)
FF#10: No more badang!
FF#11: Lavender's aching heart.
FF#12: Encounter (Sofia)
FF#13: Hidden enemy (extra chapter)
FF#14: Savior (Zae)
FF#15: That man... (CLYDE)
FF#16: She's in my dreams (Sofia)
FF#17: Zae in danger
FF#18: Lies and truth
FF#19: Piece from Sophie's case
FF#20: Childhood buddy (K x A)
FF#21: Who's the culprit?
FF#23: 하지마
FF#24: A guy named Gian (SOF)
FF#25: Back to operation
FF#26: Who is Mr. black?
FF#27: Who's the real Mr. black?
FF#28: Between two parties
FF#29: Saving clyde
FF#30: His everything (extra chaptie)
FF#31: Suspicious young man
FF#32: Sophie's Life
FF#33: Dirty money
FF#34: Dirty Money II
FF#35: What on earth is happening?!
FF#36: Kely in danger
FF#37: Kely in danger II
FF#38: There's something wrong with Zae
FF#39: Friends matters more than anything
FF#40: Is it over?
FF#41: Way back home (Zae)
FF#42: Confused (Sof)
FF#43: Truth is nowhere near
FF#44: Life and death (SOF)
FF#45: Life and Death II (SOF)
FF#46: Comfort
FF#47: Zae making new friends
FF#48: Team Building (Zae)
FF#49: Getting used to it (Zae)
FF#50: Haunted
FF#51: Reminisce
FF#52: What happened that day?
FF#53: Kyohei's life (Explanation)
FF#54: Memory rewind
FF#55: Intuition
FF#56:Tragic party
FF#57: Claudette's reason (explanation)
FF#58: What happened to Lavender?
FF#59: Powerless
FF#60: Love n' hate
FF#61: Goodbye
FF#62:Ill-fated lovers
FF#63: Almost the end
FF#64: Finale

FF#22: Let's solve (LAVxFLAME)

57 17 33
By Erhaneya

3rd Person's POV

Pagkatapos ng klase ay agad na lumabas si Lavender upang hintayin ang kaibigan na si Zae, siguradong kailangan nito ng kasama. Sa lagay ng kaibigan niya ngayon hindi nito kayang manlaban mag-isa kung may darating man na kalaban o taong may masamang intensyon.

Napaaga siya ng dating kaya naman sa labas ng gusali na lamang siya naghintay. Kasalukuyan siyang nakaupo sa bench na gawa sa puno ng Acacia.

Sinandal niya ang ulo at ipinikit ang mata bigla na lamang may bagay na tumama sa bandang dibdib niya.

biyaya mula sa langit?

Idinilat niya ang kanyang mata mula sa 'di kalayuan ay nakita niya ang professor niya sa Political Science, nakasenyas ito na kumain siya. Sumenyas naman siya pabalik (thumbs-up) na sinabayan pa niya ng tango.

Mamaya pa ay nag beep ang kanyang cellphone...

Sender: FLAME TOPAK

'I have something to tell you...it's about Kyo. I'll send you the the place and time see yah later'

Tumibok nang mabilis ang kanyang puso sa kaba. Lahat ng bagay na kaugnay sa kanyang bf na pumanaw ay nagdudulot sa kanya ng halo-halong emosyon. Umaasa pa rin siya hanggang ngayon na sana mabuksan ang kaso tungkol sa pagkamatay ng binata.

Tila walang ginagawang aksyon ang awtoridad gayundin ang mismong pamilya ng binata.

Matapos magreply ay itinago na ulit ng dalaga ang cellphone sa bulsa. Akmang bubuksan na niya ang balot ng goldilocks marble slice ay siya namang pagdating ni Zae kaya hindi na niya itinuloy at itinago na lamang niya ito sa bag.

"Uuwi na ba tayo agad? or baka may pupuntahan ka? Pwede kita samahan," presenta ni Lavender.

Umiling lamang ang dalaga sanay naman sila sa asal ni Zae, katunayan ay ito ang hindi masyadong umiimik sa kanila at bihira lamang kikitaan ng emosyon kaya naman mahirap hulaan kung ano ang nararamdaman ng dalaga o kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito.

Habang naglalakad patungo sa parking lot ay nabigla si Lav ng magsalita ang kaibigan hindi niya inaasahan ang salitang namutawi sa labi nito.

"Anong gagawin mo kung sakaling may nagtraydor sa iyo?"

"Ah... hmmm... syempre aalamin ko muna ang side niya atsaka ko huhusgahan, kung sakali man ay sisiguraduhin ko na babaon sa maiitim niyang buto ang bala ng aking calibre."

Napaisip naman si Lav kung bakit bigla na lang na tungkol sa pagtatraydor ang tanong nito.

Dalawa lang ang posibleng teyorya niya una ay possibleng may trumaydor kay Zae at ang pangalawa ay ito mismo ang nagiisip ng pagtatraydor sa grupo. Sa huli ay nasisigurado naman niya na imposible ang pangalawa, malaki ang tiwala niya sa kaibigan.

Pilit niyang aalisin ang mga alalahanin sapagkat dapat sa daan matuon ang kanyang atensyon. Madidisgrasya siya sa kalsada dahil sa kawalan ng pokus sa pagmamaneho. Ligtas naman silang nakauwi sa Marui, binati agad sila ni Sofia na una nilang nadatnan, busy ito sa paggamit ng laptop. Sumunod naman na bumati ng magandang hapon ay si Clyde na hindi man lang kinukurap ang mata sa panonood ng palabas sa telebisyon.

"Si Kely?"

"Hindi raw uuwi dito, doon daw muna siya sa mommy niya."

"Ah... okie, nga pala aalis ako ah baka gabihin ako," paalam ni Lav.

"Sige na kami bahala rito pati na rin kay Zae, mag-iingat ka marami pa rin ang kaso ng nawawalang mga kababaihan," babala ni Sofia.

"Kaya ko naman sarili ko," ani Lav.

"Maganda na maging maingat," bawi ni Sofia.

"Sige na akyat muna ako nang makapagpalit na ako ng damit."

Bago magbihis ay nagpadala muna si Lav ng mensahe sa professor. Agad namang nagreply ang binata. Sinabi niya na sa coffee shop na lang sa Maginhawa street sila magkita kaunti lamang ang tao roon.

Samantala hindi naman pumayag ang binata at sinabing sa condo na lamang  sila magusap dahil confidential ang sasabihin nito. Napaangat ng kilay ni Lav, nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba o hindi... sa huli mas nanaig sa kanya ang koryosidad kaya naman isinantabi niya ang pagdududa sa motibo ng guro.

Isa pa kahit papaano ay half-brothers ang dalawa kaya impossibleng may gawing masama sa kanya si Flame. Hindi agad nakapagreply ang dalaga kaya naman napagdesisyunan ng binata na tawagan na ito. Nabigla naman si Lav kaya halos maibato niya ang cellphone.

"Hello, Paris."

"Wtf! Bakit ka pa tumawag ito na nga nagbibihis na nga eh."

"Sunduin pa ba kita?"

'as if naman alam mo papunta dito ni hindi mo nga alam unit ko,' aniya Lavender sa kanyang sarili.

"NO! Just send me your address." Napalakas ang pagsagot ng dalaga paano ba naman ay hindi talaga siya sang-ayon sa pagsundo ng guro.

Ano na lamang ang iisipin ng mga kaibigan niya kapag nakita ng mga ito ang guro niya. Hindi naman alam ng mga ito na half-brother ito ni Kyohei.

Ang alam nila ay isa ito sa masungit na guro sa Mirai at naikuwento pa niya noon kay Clyde na ayaw niyang mapalapit sa guro na iyon.

"Okay, I'll hang-up now."

Si Lav na mismo ang naunang magbaba ng telepono. Binilisan niya ang pagbibihis upang makapunta agad. Mahirap na baka magbago ang ihip ng hangin at kusang magpakita sa labas ng unit niya ang binata at kung mamalasin ay isa pa sa kaibigan niya ang magbubukas.

"Alis na ako may gusto ba kayo ipabili pagbalik ko?" Paalam ni Lav sa mga kaibigan.

"Ibili mo ko nang laging binibili ni Jus—" Sa sobrang busy ni Clyde sa panonood ay wala nasa wisyo ang sinasabi nito. Bilang pantapal sa mali-mali niyang dila ay agad siya bumwelta bago pa magtanong si Lav.

" I mean cheesecake sa may mbc, tnx in advance."

"O-okie," gusto pa sana magtanong ni Lav kung sino si Jus naalala niyang nagmamadali nga pala siya.

Samantalang wala namang narinig si Sofia dahil busy ito sa kakatipa sa laptop nito.

"Sofia?"

"Huh? Anong ako?" Takang tanong ni Sofia.

"Kako may ipapabili ka ba?"

" Wala naman."

"Alis na ako." Paalam ni Lav bago tuluyang lumabas.

Kasalukuyan siyang naglalakad palabas ng condo. Hindi niya magagamit ang motor niya nalimutan niya itong bilhan ng gasolina at kailangan na rin niya itong palitan ng langis.

No choice siya kundi ang mag-abang ng taxi kesa naman maglakad siya. Napipikon na si Lav dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakasakay. Ngawit na siya sa kakapara ng taxi puros may sakay ang nadaan. Biglang naalala niya na tumawag na lang ng grab. Nanghinyang siya sa oras na nasayang kung 'di ba naman siya nuknukan ng tanga bakit ngayon lang niya naisipang mag grab na lang.

"Saan po tayo? Ma'am."

"Sa Elfein towers po."

Agad namang tumalima ang driver mabuti na lang at walang traffic banda sa dinaanan nila kaya naman ay nakarating agad sila sa destinasyon.

"Sigurado ho kayo ma'am? Dito na lang po?"

"Oo, tatawid na lang ako sa pedestrian lane." Ang inaalala niya ay kapag umikot pa sila ay baka matraffic na. Pinahinto na lang niya sa tapat ng building ang sinasakyan. Gamit ang lane ay makakrating siya sa kabilang parte ng daan, mas madali ito kaysa paiikutin pa ang sasakyan.

Sa kanyang pagtawid ay may nakabunggo siyang balikat. Humarap ito at nagsorry ngunit tila nakakita ito ng multo ng magtama ang kanilang mata. Maging ang dalaga ay nagulat sa naging reaksyon ng binatang estranghero ngunit isinantabi niya ang gulat na iyon. Bahagya na lamang siyang tumango sa nakabunggo sa kanya at tuluyan na siyang tumawid.

Habang papasok ng gusali ay tinawagan niya muna ang guro.

"Hello! Sunduin mo ko sa lobby bilisan mo!" Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng binata pintayan niya ito ng telepono.

Sa kabilang banda naman ay napailing na lang si Flame sa asal ng dalaga. Nagsuot siya ng kulay asul na coat upang itakip lang sa suot niyang sando.

Wala pa ring pinagbago napakaamazona ng dating kaya naman hindi nakakapagtakang tiklo ang kanyang half-brother.

Bigla na naman siyang nalungkot ng maalala ang sinapit ng kapatid. Inaamin niya may galit siya noon sa dalaga pero sa tingin niya unti-unti nang nawala iyon. Sa paglipas ng panahon ay natutuhan na niyang tanggapin na baka nga mali siya ng paghusga sa dalaga.

Na baka nga totoo talagang minahal ng dalaga ang kanyang kapatid hindi lang dahil sa pinakikinabangan ito ni Lav.

"Let's go siya nga pala pwede bang huwag mo ako kausapin ayon sa paraan na gusto mo. Guro mo pa rin ako."

Sa tuwing nakikipag-usap siya ay nakasanayan na niya ang maging mautoridad kaya nga nagkaroon na siya ng iba't - ibang bansag kesyo terror, masungit at tupakin daw siya hindi lang bilang guro kundi iyon daw talaga ang personality niya.

"Fine pero kapag nasa school vicinity lang iyon." Sabay naglakad na si Lav at nauna pang pumasok sa elevator.

"Next time iwasan mo ang magsuot ng spaghetti strap sa labas."

"Bakit naman?"

"Hindi bagay sa'yo wala ka namang boobs," wika ni Flame.

Upang iiwas ang dalaga sa posibleng mambastos ay idinaan na lang niya sa pagsasabi na wala itong boobs kahit ang totoo ay mayroon naman hindi nga lang kalakihan. Para sa kanya ay wala namang mali sa pagsusuot nang ganoong klase ng damit ang mali ay ang taong hindi maiwasan ang mambastos sa kababaihan. Mga taong walang pagpipigil at mas lalong walang pagpapahalaga sa babae bilang tao at hindi materyal na bagay.

"Pag-uusapan ba natin ang boobs? kasi hindi iyon ang pinunta ko." Sabay irap ni Lav.

Natawa naman ang binata sa hindi malamang dahilan alam niyang wala namang nakakatawa dahil seryoso ang mukha ng dalaga. Nilihis na lang ni Flame ang tingin sa gilid tsaka lamang siya humarap nang masigurado na hindi na siya natatawa, sakto namang nagbukas ang elevator.

"I know and hindi rin naman iyan ang dahilan ng pagpapapunta ko sayo," wika ng binata na sinabayan niya ng seryosong mukha.

"Ano ba 'yun?"

"Sit down, tungkol ito kay Kyo."

Huminga muna ng tatlong beses si Lav at hindi lang ito basta hinga kundi hingang may malalim na pinaghugutan.

"Spill it."

"I've been working with my brother's assasination but I kept it from our parents since they are against it. They don't want to dig up past"

"Can you get straight to the point?"

"I want you to help me investigate it, let's solve it together."

Napakurap ng tatlong beses ang dalaga tama ba ang naririnig niya?

"Paano ako nakakasiguro na wala kang ibang agenda?"

"For petes sake kapatid ko si Kyo wala akong hihilingin kundi ang mahuli ang may sala."

Hindi maintindihan ni Lav kung bakit hindi niya magawang magtiwala ng buo. Pakiramdam niya ay may mali, may ibang balak pa ang binata.

"Being family does not guarantee loyalty hindi bat' hindi kayo magkasundo magkapatid?"

Natahimik si Flame at hindi agad ito nakaimik. Matalin naman na tingin ang pinukol ni Lav.

"Pag-isipan mong mabuti kung wala kang tiwala sa akin, nasa iyo na iyon," pikon na sagot na Flame.

Nakatingin lamang si Lav sa mga mata ng binata. Sinusubukan niyang alamin ang totoo, dahil ang sabi ay sa mata makikita ang salamin ng totoong nararamdaman ng tao, na ang mata ang kaluluwa ng tao.

"May kondisyon ako simple lang naman and pareho tayong makikinabang."

"Name it," sagot agad ni Flame.

"Let's be professional, around university we're just student and professor while outside let's treat each other as accompany."

"Sure. Nice to hear it from you, akala ko ako pa ang magsasabi niyan. Don't worry aside from being my half-brother's girlfriend wala na akong nakikitang iba pa."

"Then let's call it a deal, muntik ko na malimutan if ever na magtagumpay tayo kalimutan na natin ang isa't- isa. Wala na akong kaugnayan pa sa iyo, sa inyo ng pamilya mo."

"If that's what you want I really don't care about that stuff since hindi rin naman tayo close," ani Flame.

"Kung gayon ay hindi na ako magtatagal pa."

"Sige mag-ingat ka at siya nga pala iwasan mo ang maging lutang sa klase ko."

"yah...yah..." walang emosyong wika ni Lav.

"Anong lutang? lagi? kapalmuks kaya pala kapag nagpaparecite ka nasasagot ko."

Ipinagbukas lamang ng pinto ni Flame si Lav, hindi naman niya ugali ang maghatid ng bisita. Sa totoo nga ay ito pa lang ang unang nakakaapak sa unit niya. Ilang sandali pa lang ang lumipas hindi mapakali ang binata ibig niyang masigurado kung nakauwi nang ligtas ang kanyang estudyante, gabi na kasi at madilim na sa daan.

Tinawagan niya ito.

'punyeta naman sino ba ang tawag ng tawag na ito? napakaistorbo, asar.'

"What?! may nakalimutan ka bang sabihin?" Singhal ni Lav.

"Sinisigurado ko lang na nakauwi ka na mahirap na obligasyon ko pa kung sakali."

"Tss!! 'yun lang pala, don't worry prof kaya ko sarili ko."

'Tingin niya sa akin? Weak? Mahina? Porke babae lang ako?'

Binabaan niya ng telepono ang guro. Ganito talaga siya minsan iritable at masungit. Alam naman niya na mali ang paguugali na iyon. Wala siyang babaguhin sa sarili para lang magustuhan siya ng mga tao. Kung hindi nila gusto ang worst side nila, hindi nila deserve na makilala ang best side.

"Ma'am nandito na po tayo," wika ng driver.

Sumilip muna siya sa kanang parte ng bintana upang siguruhing nasa tapat na nga siya ng tinutuluyang condo.

"Bayad ho," iniabot niya ang 500 at hindi na kinuha pa ang sukli na 68 pesos.

Nasa entrance na siya ng condo pero parang may nakalimutan siya. Shoot! may pinabibili nga pala sa kanya si Clyde. Makapunta nga ng Mbc, ang paboritong spot ng mga taga Maui. Masarap at mabango ang kape, nakakatakam din ang mga dessert at perfect ng ambience para sa alone time. Mabuti na lang at hindi nalulugi ang coffee shop na ito dahil kakaunti lang madalas ang tao. Kunsabagay ay marami naman ang take-out orders at deliveries kaya imposible na malugi ito.

"Miss 6pcs nga ng classic cheesecake, one oreo cheesecake, Tatlong traditional cheesecake. Samahan mo na rin ng pistachio luzon size."

"Pangalan na lang po? ma'am," wika ng barista.

"Lavender."

Naupo muna siya sa sofa habang hinihintay na maserve ang order. Pinapanood niya ang mga tao sa labas na kitang-kita dahil salamin ang pader ng coffee shop.

"Ma'am Lavender!"

Nagpasalamat muna siya sa barista bago umalis. Habang pabalik ng condo ay may nararamdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya ay mga matang nakasubaybay sa bawat kilos niya. Pasimple niya na nilibot ang aking paningin sa paligid, upang subukin kung may kahina-hinalang tao.

Gabi na dilikado ang syudad lalo na't sa dilim naglilipana ang mga matang nagmamasid ng mabibiktima. Nariyan ang mga pangil na handang manakit. Kung may magtatangka man sa kanya ay sorry na lang, dahil hindi niya hahayaang madapuan ang kanyang maputi at makinis na katawan.

Parang may tao talaga sa kanyang likod, bigla siyang lumingon at halos atakihin sa gulat. Akala niya ay kalaban na, iyon pala...

"Taena ka naman Zae, pinapakaba mo ko kanina ka pa nakasunod?"

"Pambihira 'bat lumabas ka ng mag-isa? alam mo naman na sariwa pa yang mga pasa mo."

Imbes na sagutin ang tanong, ipinakita lamang ni Zae ang dalang cup noodles.

"Hay naku, don't tell me hindi man lang nagluto ng ulam ang mga iyon? halika na nga bilisan na natin."

Ang mga loka na iyon, sabi nila sila na ang bahala kay Zae.

Kahit pa alam niyang si Zae lang pala iyon bakit ganoon? pakiramdam ni Lav ay may mali.

Hindi kaya napaparanoid lang siya? pakiramdam niya ay may mga mata pa ring matamang nakamasid sa kanyang kilos.

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
13.9K 155 30
Draco vladimere is my name. 21years of age. Gwapo,matalino, may say sa buhay,di na virgin (haha) at my 6inches na burat kaya naman girls na ang lumal...
49.4K 1.2K 17
"Do you need anything from me?" tanong nito sakin ng makalapit ako. Tinanggal ko muna ang lollipop ko. Bumuntong hininga at sinabing, "I want to be y...
4.6K 182 52
Storya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo...