Fleeting Skies

By aetheryl

15.4K 794 222

PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING Sych Sebastian lived an ordinary life-he had normal friends... More

FLEETING SKIES
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
BOOK

Chapter 15

222 10 0
By aetheryl

CHAPTER 15

The most awaited day of the pageant had come. Punong-puno ang auditorium ng mga tao para manuod sa mga contestants. Hindi na lamang ito exclusive for the campus but the relatives were invited as well. Kaya naman present ang buong pamilya ko para suportahan si Alyana, more surprisingly my dad, who really cleared his schedule for this event.

"What's with the face, kuya? Natatae ka ba?" anang kapatid ko. Hindi ko ito pinansin at luminga sa paligid.

Manunuod raw kasi sila Rover at Zach ngayon pero hindi ko pa nakikita miski anino nila parehas. Kahit si Cryd, hindi ko mahagilap.

Naghiyawan ang mga tao nang lumabas na ang emcee, senyales na mag-uumpisa na ang event. Hindi na rin ito pinatagal pa at tinawag na ang mga contestants sa harap. Hinanap ko kaagad si Alyana. Naka-uniformed shirt sila at jeans para sa unang segment. Si kuya Mike ang nag-ayos kay Alyana at ang siyang kasama nito sa dressing room.

"Grabe, sobrang ganda talaga ni ate Aly!" bulalas ni KL. May dala itong banner para sa ate niya at si mama naman ay todo kung makahiyaw na akala mo finals na.

Pagkatapos ng introduction nila, iginawad na sa mga contestants ang minor awards. Nakakuha ng tatlong awards si Xy. Nagwala naman ang mga HUMSS nang masungkit ni Alyana ang Miss Congeniality at Miss Photogenic award. Todo kuha naman ng litrato si mama kaya hindi na ito halos makaupo.

While she was receiving her awards, I couldn't help but to be proud of her. I mean, it just hits differently when you were there, seeing how she struggled gaining her confidence. Maybe because she's surrounded by supportive women at home who always hypes her up. She may be joining more prestigious pageants in the future... and I'll be the proudest.

Iginala ko muli ang paningin ko upang hanapin ang kahit sino sa mga kaibigan ko pero wala pa rin sila sa venue. Hindi rin naman sila nag-rereply.

Sumayaw muna ang dance troupe upang makapaghanda ang mga kandidata sa creative gown competition na siyang susunod. Noong pre-pageant,nagbunutan sila ng bansang ire-represent nila at kailangang mai-showcase sa long gowns nila ang uniqueness ng mga bansang napili nila.

"Ano? Paanong nangyari 'yon?" Napalingon ako kay mama na mukhang nagpapanic. Pinatay nito ang cellphone at nagmamadaling inilapag ang bag sa upuan.

"Nasira raw ang gown ni Alyana. Pupuntahan ko muna." Nagmamadali itong tumayo kaya sumunod na ako kahit bawal ako sa dressing room.

Nagkakagulo sila doon nang maabutan namin, lalong-lalo na si kuya Mike na parang makakapatay na ng tao sa sobrang inis niya. Suot na ni Alyana ang gown sa isang gilid. Nakangiti lamang ito ngunit mahahalata mo na medyo balisa.

"I swear, sabotage 'to, mare!" ani kuya Mike habang tinatastas ang mga sinulid sa gilid ng napunit na gown.

Mukhang nadiskubre lamang nila ang sira nang maisuot na ito ni Alyana. Ang laki ng punit nito kaya naman mahahalata mo na may sumadya dahil sa paraan ng pagkakapunit nito. Paano na lang kung hindi pa ito agad nakita at rumampa na siya sa stage?

Napamura ako sa inis. Kung sabotage nga ito, ang laki ng galit ng gumawa nito kay Alyana.

"Teka," Hinawi kami ni mama at nagulat na lang kami nang maglabas ito ng gunting. Tinitigan nito nang mabuti ang gown at halos mapasigaw si kuya Mike nang punitin ito lalo ni mama.

Only then did we realize what she was doing. Nireremedyuhan nito ang gown ni Alyana.

Pinalabas na ako doon dahil hindi naman na raw ako kailangan. Sinigurado ni kuya Mike na magiging okay na ang lahat kaya naman sumunod na ako dahil andon naman si mama. Alam kong hindi niya pababayaan si Alyana.

Kumakanta na ang choir para mabigyan ng sapat na oras ng preparation ang mga contestants kaya dumiretso muna ako sa canteen upang bumili ng makakain namin. May nadaanan akong stall na nagbebenta ng mga bulaklak. Tuwing may event kasi dito sa school namin, may mga dumadayo na outside vendors. Napansin ko 'yong LED rose bouquet na kulay pink. Magugustuhan kaya ni Alyana 'to?

"Alam ninyo sir, magandang instrumento ang mga bulaklak upang magpahayag ng pagmamahal sa isang tao." anang matandang nagbebenta nang mapansing nagtitingin-tingin ako.

"Po? Wala naman po akong mahal sa ngayon." Pineke ko ang tawa ko.

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo, oh." Tapos binigyan niya ako ng makahulugang titig.

Ang ending tuloy, naglakad ako papasok ng auditorium na dala-dala ang bouquet sa kanang kamay ko at ang plastic ng pagkain sa kaliwa. Grabeng marketing strategy 'yon, nabudol ako.

"Wow, flowers?" puna ni KL sa hawak ko. Andon na sa mama sa upuan niya at mukhang may tinatawagan sa telepono. Si papa naman ay nakikinig sa usapan nila.

"Ito 'yong sa'yo. Mag-thank you ka na lang." Sabay lapag ko ng plastic ng pagkain sa kandungan niya.

"I know. At alam ko rin kung para kanino ang flowers." Inirapan niya lang ako at nagsimulang kumain. "Ayan na, Q&A!"

Bumaling ako sa nakangiting si Xyzereanne na nasa stage. Her sash represented the country Spain and her earrings shone brighter as the spotlight hit her.

Sa tindig at projection niya pa lang, halatang-halata mo na sanay na sanay na siyang sumasali sa mga ganitong patimpalak. Kaya siguro marami ang humihiyaw para sa kaniya dahil siya ang manok nila.

"You look dashing tonight, Miss Spain!"

"Thank you, Mr. Sorio. As you are extremely handsome tonight, too." Nagtawanan sila ng emcee. Halatang sanay na sanay ito sa ginagawa dahil kayang-kaya nitong kausapin ang emcee ng walang halong kaba.

"Well, to be complimented like that by you, I am honored! Now, are you ready for your question?" Tumango si Xy. "If you were to be President for a day, what would you do to help this country?"

Hindi na ako nakapakinig sa sagot niya dahil nakita ko si Cryd na lumabas sa gilid ng stage kung nasaan ang mga technical staff. May camera sa leeg nito at mukhang kumukuha ito ng magandang pwesto. Matapos sumagot ni Xy, naghiyawan ang mga tao. Lalo naman itong lumakas nang tawagin ang sumunod na contestant.

"Ma, asaan diya'n 'yong sira ng gown? Ang ganda ni Ate Aly!" bulalas ni KL na manghang-mangha sa entrance ng ate niya. She cheered loudly while she raised her banner even more. I

I just sat there looking at her while she flashed her perfect smile towards the crowd. I know I have always said she's beautiful in every metaphor I could, but let me say it again–Alyana looks ethereal. Light lamang ang make-up niya kanina, pero talagang ginalingan ni kuya Mike ang page-emphasize sa features niya ngayon. She was on fire tonight and I swear, I'd let her burn me without any complaints.

"Wow, Miss Brazil! I wondered why it suddenly felt hot out here. It was you all along!" anang host na niluluwagan pa ang necktie. "Are you perhaps Katniss Everdeen's successor? The girl on fire?"

"Thank you for that, but I'm nobody's successor. I create my own flame." Lalong umingay ang crowd. Get it!

Bumaba ang tingin ko sa gown niya at nanlaki ang mata ko nang ngayon ko lang mapansin ang malaking slit na nage-expose sa binti nito. I was too focused at her face that I didn't notice how much skin she was showing!

"Ma! Bakit ang laki naman?" Baling ko kay mama na sinimangutan lang ako.

"Tama lang kaya 'yan. Tignan mo naman, lumitaw lalo ang seductive side nitong si Alyana. Siya lang ang may ganiyang daring look ngayon, oh!" Proud na proud si mama sa tono nito.

"Mom's right. Look at the crowd going wild, kuya." I surveyed the noisy crowd.

I am hearing random boys screaming her name at the back! Does she even realize how she makes everyone so crazy about her effortlessly?

"So here's your question. If you were to be President for a day, what is an underrated issue you would like to address?" Nanahimik ang crowd sa katanungang binanggit ng emcee.

"If I were to be President for one day, I would like to talk about mental health awareness. Society tends to criticize people whom they do not understand just because they think these people who are emotionally unstable are faking their condition. I say, let's not invalidate people, rather let's be more understanding and extend a helping hand to those who are need of help. Let's check on our friends, let's save lives. That's all, thank you." Halos mabingi ako nang umingay lalo ang crowd. Mukhang mas maingay pa 'to kaysa nung si Xy ang sumasagot.

I looked at Cryd again who's passionately taking pictures. I looked at Alyana, then at the bouquet I was holding. Should I just back-off and let them be?

Huli na siyang sumagot kaya naman pinabalik na ang mga contestants at pinahilera sa stage. May mga kung ano pang sinabi ang emcee tungkol sa mga sponsorships bago nag-proceed sa announcement ng winners. Nang tawagin naman ang runner-ups, tumindi ang tension mula sa audience. Lalong umingay ang mga tao nang tinawag si Alyana at Xy para sa dalawang natitirang posisyon. Pumunta sila sa harapan para magharapan at mag-holding hands. They looked at each other and smiled.

The woman I once loved and the woman I love, in one stage, fighting over the crown.

"For our Miss United Nations, who would it be? Miss Spain or Miss Brazil?" Mariing wika ng emcee na lalong nagpalakas ng hiyawan sa crowd.

All I could hear were names. Everyone was going wild and the adrenaline was just so high. Both of them were definitely the crowd favorite. Nakatayo na rin sina mama sa sobrang kaba habang masugid na nag-aabang ng resulta. KL was jumping on her seat while I held on to my pockets like my own life was on the line.

"Go, Alyana! You deserve it!"

"Xyzereanne, bring home the crown!"

"Parehas kayong maganda, akin na lang kayo!" sigaw ng isa sa likod.

"The name I am going to call is our Miss United Nations 2020. So that automatically means that the name not called is our Miss United Nations First Runner up..." Binuksan ng emcee ang card. "So, without further ado, our Miss United Nations 2020 is..."

I looked at Alyana and my heart just feels really happy. I'm no prize, but all I know is that she already won my heart... though I can never win hers from the start.

Continue Reading

You'll Also Like

301K 4.3K 101
Juan Gomez de Liaรฑo fan fiction. [completed]
10.8K 173 89
an epistolary [semi-colon series II] completed Losing "her" was blue, like I'd never known Missing "her" was dark gray, all alone Forgetting "her" wa...
435K 10.6K 121
Ang kwento ng isang babaeng bored at tumatakas sa isang nangyaring pagkakamali sa nakaraan, at ng isang lalaking sawi mula sa apat na taong relasyon...
18.6K 708 55
HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned...