How Many Heartbreaks?

By jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
💖👋

Kabanata 6

408 20 6
By jiny0vng

Marie's POV

''Hi Marie! Ganda natin ngayon ah.''

''Hey, I just met you and this is crazy but here's my number. So, call me maybe?''

Badtrip. Ugh. Umagang umaga eh. Tss.

''Hi Mars ;)''

Seriously? Don't even call me 'Mars' if we are not close. Ugh. Nakakabanas mga lalaki dito sa school. Masyadong papansin.

''Hey! Baby girl! Snob eh?''

Ako napupuno na ako ha. Bwiset. Sino ba yang walang modong lalaking yan at tinatawag akong baby girl? Ugh. Malingon nga..

''Lechugas barabas. Ano bang problema niyo? Umagang umaga eh!!! Tabi nga!! Landiin niyo na lahat ng babae dito sa campus, huwag lang ako kasi utang na loob.. daig niyo pa ang kidnapper slash rapist slash ex- convict sa itsura niyo eh!! Saka sino ba yang tatawag- tawag sa akin ng 'baby girl' ha? Nakakabastos!''

And now I'm pissed. Grabeng hugot ko dun ah. Salamat at nalabas ko na yung inis ko. Ugh.

Hindi ko namalayang lahat ng estudyante nakatingin na pala sa akin. Oh my. Nakakahiya. But who cares?

''Excuse me? Huwag ka ngang feeling. Yung girlfriend ko lang naman ang tinatawag kong baby girl.'' Sabi nung lalaking hindi ko naman kilala sabay akbay sa girlfriend niyang hindi naman kagandahan. Ew.

Oh great! At napahiya ko pa ang sarili ko dito sa hallway. Damn it. Nagtatawanan at nagbubulungan na sila pero dahil matapang ako.. Aba!! Hindi pwede sa akin na ganyanin lang ako no.

''Shut the f up people. And you! (sabay turo ko dun sa lalaki) I don't give a damn about your bullshits. And fyi, hindi ako ang feeling. Ikaw ang feeling! Feeling gwapo. Letse. Tabi nga!'' And by that, lahat sila natahimik. Pati si gago. Naglakad na ako papunta sa classroom kasi baka masipa ko pa yung mga lalaki na yun sa mga ano nila.

Fierce. By the way, hello! I'm Marie Antonette Pontejos. Only my close friends are allowed to call me Mars. Kapag hindi tayo close, shut up. Okay? Haha. Mataray ako. Maingay. Loud akong tao. Seryoso. May megaphone daw ako sa lalamunan sabi ni Drea. Haha. Sorry naman. Yung nakita niyo kanina? Ganon lang ako kapag badtrip ako. Mabait naman talaga ako. Friendly kaya ako!! Hindi lang halata? Haha. Tomboy daw ako sabi ng iba. Wth? Ganda ko nga eh.

''Maaaaars!!!!!!'' That's Drea. She hugged me tight. Alam ko may drama nanaman sa buhay 'to. For sure.

''Kalma. Parang ngayon lang tayo nagkita ah? Lagay ko muna bag ko sa upuan ko pwede?'' Sabay alis ko ng yakap niya. Daig pa ahas kung makapulupot sa akin eh. Pero mahal ko yan.

''Okay okay. Ikaw ang kumalma teh. May nakasigawan ka nanaman ba dun sa hallway? Lol.'' Tanong ni Drea. Haha. Siguro malapit na magkadikit ang kilay ko kaya niya napansin.

''Meron. Bwiset. Lalandi ng mga lalaki dito sa school. Hindi naman mga gwapo!! Ugh.'' I'm just stating the fact.. Pero may gwapo din naman na isa. Um oh well. Nevermind.

''Uyyyyy hindi ah!!!! Gwapo kaya si Zico. Hihihi.'' Sabi na eh! Sasabihin niya nanaman si Zico. -__- HashtagInlovenaInlove. Tss.

''Hoy!!! Speaking of Zico! May kwento ka pa. Hindi mo pa nasasabi sa akin. Sorry hindi ako nakapunta :( Si lola kasi eh.'' I smiled apologetically at her.

''Yun na nga. May nakita akong kahalikan niya. At first galit ako syempre pero may nagsabi sa akin na pakinggan muna yung side niya so yun.. Okay na. Tanungin ko siya mamaya.'' Mukhang okay naman na talaga siya. Good to know.

''At sino naman yung nagsabi sa'yo nun?'' I asked.

''Alam ko ang hirap paniwalaan neto pero.. Si Blake. He comforted me. Can you believe it?'' Sabi ni Drea ng pabulong.

Oh. Kilig naman yung lalaki na yun for sure. Nice. Sigurado ako nag- damoves na yun.

''Weh?? Ano pang sinabi?'' Tanong ko ulit. Gusto ko malaman kung anong ginawa niya. Gusto kong malaman kung gumawa ba siya ng paraan para mapalapit na kay Drea. Aba dapat lang. Yun ang gusto niya diba?

''Actually, kung iisipin.. Ang layo niya sa Blake na kilala natin kapag nasa school. Hindi ko alam kung nakahithit ng droga yun kasi yung Blake na kausap ko sa gabi.. Masyadong carefree. Madaldal masyado. Palabiro. Masaya siya kasama sa totoo lang.''

Tumango- tango na lang ako kay Drea. Gusto ko nang sabihin na ganon naman talaga yung totoong Blake eh. Yung hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Pero kapag nasa loob siya ng school, masyadong opposite nung mga ugali na sinabi ni Drea yung attitude niya. Hayst.

''And girl!!!! May nakita kaming shooting star. Nag- wish kami. Hahaha.'' Alam ko wish nung lalaki na yun. Na sana.. magustuhan na siya ng babaeng gusto niya. Tss. Predictable masyado diba? Haha.

''Oh ano naman wish mo?'' Tanong ko kay Drea. Kunyari interesado ang dating ko. Haha. Eh alam ko wish nito eh, na sana magtagal pa sila ni Zico tapos sana siya na ang one true love niya. Blah blah blah. Hayst. Weird bestfriend. Hahaha.

''Na sana.. magustuhan si Blake ng babaeng gusto niya. Perfect wish right? Hihi. Nag- open up siya sa akin eh. Kawawa naman pala si Blake. Ang hirap kaya magka- gusto sa taong iba ang gusto. Hay. Sana matupad wish ko kasi mabait naman siyang tao diba?''

Low gets talaga 'tong babae na 'to. Yun ang wish niya? Okay. Tupadin niya sarili niyang wish para kay Blake. Ang gulo. Ewan. Eh ano naman kayang wish ni Blake? Tama kaya yung sabi ko kanina?

''Diba Mars? Hirap diba? Iba yung gusto ng taong gusto mo? Huuuuy! Lalim ng iniisip mo ah.''

Ay nako. Nagulat naman ako dun bigla. Mahirap ba? Oo. Sobra.

''Malay ko. Hindi ko pa naman yan nararanasan. Hahaha. Eh ano wish ni Blake?'' Sabi ko na lang kay Drea.

''Ang wish niya.. Sana daw maging okay na kami ni Zico.'' Napa- facepalm ako sa isip ko eh. Sinayang niya nanaman ang chance. Tsk.

Magsasalita na sana ako pero biglang...

''Good Morning, Ma'am De Leon!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Okay nandyan na si Ma'am.

Sunod- sunod na pumasok yung mga kaklase kong late.. Nahuli si Zico na pumasok kasabay si Blake.

Nakita kong nagnakaw pa ng tingin si Blake kay Drea. Inlove na inlove. Tss.

Pero ang tanga niya. Binigyan na nga siya ng chance, sinayang niya pa. Ano bang nakain ng lalaki na 'to? Ah alam ko na. Inisip niya nanaman yung kasiyahan ni Drea. Okay. Inisip niya nanaman ang kapakanan ng iba. Talagang pinagmukha niya pang inosente yung lalaking kinamumuhian niya? Gago ba talaga si Blake o sadyang tanga lang dahil nagmamahal din siya?

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana. Nasa pinakagilid kasi ang pwesto ko dito sa room. Ayoko sa unahan eh. Masyadong nakakaantok. Naisip ko nanaman tuloy yung mga bagay na bumabagabag sa isipin ko.

Hanggang kailan kaya namin iisipin ang kasiyahan ng iba bago yung sa amin? Ramdam na ramdam ko yung pinagdaraanan niya. Siguro kaya niya ginawa yun kasi alam niyang kahit sabihin niya ang totoo kay Drea, hindi pa rin ito sasaya. Kahit ano pa ang sabihin niya, wala pa ring magbabago. Ang hirap kayang baguhin ng feelings ng isang tao. Sa sobrang hirap, hindi mo alam kung susuko ka na ba. Pero kahit alam naming pareho na talo na kami sa laban simula pa lang, eto kami ngayon.. nagbabakasakali na baka kahit minsan, magkaroon din kami ng .000017291% chance na manalo sa isang sugal na obvious na obvious naman na talo na kami. Pero sa kaso ni Blake, may chance pa siya. Mga 10%. Sa kaso ko? Kahit ata .1% wala eh.

Pero naiinis ako sa kanya kasi sinayang niya kang yung chance na binigay ko sa kanya. Curious kayo kung ano yung chance na binigay ko sa kanya? Eto..

*flashback*

''Manong! Pa ready naman po nung sasakyan.. Pupunta tayo sa park.'' Sabi ko kay manong na nagmamadali. Si Drea kasi nagtext. Alam kong kailangan ako nung babae na yun. Ugh.

Teka nasaan na ba yung bag ko. Ano ba yan. Nagmamadali ako eh. Bakit ngayon pa nagpahanap yung bag na 'yun. Aagghhh. Huwag na nga.

Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan kasi maggagabi na. Muntik na nga akong matapilok eh. Haha. Clumsy. Tsk.

''Manong! Tara na po. Sa park po. Bilis.'' Agad namang pinaandar ni Manong yung sasakyan. Medyo malayo din yung park sa bahay namin. Mabuti na lang at may kotse kami kaya easy lang ang pumunta kahit saan.

Walanghiya talagang Zico na yun. Tss. Ano nanamang kabulastugan ang ginawa ng lalaki na yun sa kaibigan ko? Nakakainis. Ang sarap bungalan eh.

"Pakisabi na lang na mahal ko siya, hindi na baleng may mahal siyang iba.. Pakisabing huwag siyang mag- alala, hindi ako umaasa.''

Utut. Kaumay. Ano ba naman yang kinakanta ni Manong. Nakakapeste. Haha. Ugh. Sagad sa puso eh. Charot lang.

Hindi ko namalayan nandito na kami sa park. Bumaba na ako tapos sinabihan ko si Manong na maghintay muna kasi baka gabihin kami ng uwi at saka para mahatid na rin namin si Drea kung sakali.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Nasaan na ba yung babae na yun? -__- Saang lupalop na ba yun napadpad? Baka binaon na yung sarili niya sa lupa. Tss.

Ah!!! Sa swing! Kung saan madalas siya tumambay kapag malungkot siya. Btw, dun kami nagkakilala nung mga bata pa kami. Umiiyak siya noon. Binigyan ko siya ng Ice Cream. See? Kahit bata pa lang siya.. Ang hilig niya na sa Ice Cream. Hayst.

Tinakbo ko na papunta sa swing. Medyo malayo kasi yung pinaradahan ni Manong eh. Napahinto ako bigla kasi nakita ko na si Drea.. magkayakap sila ni Blake. Umiiyak si Drea. Sobra. Lalapit sana ako kaso naisip ko yung sinabi ko kay Blake dun sa hideout thingy..

''Huwag kang mag- alala.. Tutulungan kitang mapalapit kay Drea.''

Umatras na lang ako. Tumakbo ulit ako pabalik sa kotse.

''Oh! Ang bilis mo naman nakabalik, Mars.'' Sabi ni Manong.

''Ahh.. Nakaalis na po si Drea eh. Nagtext bigla.'' Sabi ko na lang kay Manong at tumango naman siya saka pinaandar yung kotse.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko na lang si Drea na hindi ako makakapunta kasi si Lola. Nagsinungaling nanaman ako.

Hindi ko namamalayan.. Tumutulo na pala yung luha ko. Ang sakit. Bakit ganito? Iba talaga epekto sa akin ng lalako na yun. Weird. Wala naman siyang ginagawa pero bakit ang sakit sakit. Ganito ba talaga ang feeling? Literal na parang may gumugusot sa puso ko. Pero kailangan kong maging masaya kasi alam kong sa oras na 'to.. Yung taong mahal ko ay masaya kasama yung babaeng mahal niya. Tama tama. Marie, be happy for Blake.

Oo. Tama kayo. Gusto ko si Blake. Simula pa lang nung first year highschool kami. Doon sa secret hideout ko siya nakita nun. Ang peaceful ng itsura niya eh. Kaya simula nun, madalas na ako nagpupunta dun. Nagbabakasali na nandon siya pero hindi kami nagkakatagpo. Noong isang araw lang ulit kami nagkita dun. Ang saya ko nang magkita kami doon. Pero it turns out na, iba pinagusapan namin. Nilabas ko sa kanya yung sama ng loob ko. Sinabihan ko pa nga siya na 'be my boyfriend' eh. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nun.

Siguro sa mga oras na yun, nagbabakasakali ako na baka pumayag siya kahit trip lang para naman maranasan kong mahalin niya ako kahit.. trip trip lang. Pero hindi eh, he turned down my offer. Pero dahil bright ako, sabi ko na lang.. Hindi ko siya type. Hay. Tanga.

Naiinis ako. Yung binigay kong chance sa kanya kahapon.. Itinapon niya nanaman. Nag- wish pa siya ng napaka- walang kwenta. Pero dyahe, alam ko naman na sumaya siya kahapon. Mabuti naman na hindi na ako sumabat sa kanila kasi alam ko naman na matagal ng gusto ni Blake makasama si Drea. Alam kong matagal niya nang gustong i- comfort si Drea tuwing nakikita 'tong umiiyak. Sabagay, sabi ko nga.. Hangad ko ang kaligayahan ng taong gusto ko.

Ganon naman yun diba? Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Hay. Martyr. Ha ha ha.

Pero okay lang ulit, kasi makita ko lang siyang masaya.. Masaya na rin ako. Tutulungan ko siya para maabot si Drea kahit na ang katumbas noon ay ang katotohanan na..

Hinding hindi ko siya maaabot.

xxx

A/N :

Short update. Haha. Gusto ko lang ilabas ang POV ni Mars. :D

</3 Nasasaktan po ako para sa mga characters ko. Skl. Haha :(

Vote. Comment. Share.

Salamat po! x

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...