My High School Life (Complete...

By Eyesmile_Girl18

7.4K 4.1K 742

Title: My High School Life written by @eyesmile_girl18 More

MHSL Prologue
MHSL:1
MHSL 2
MHSL 3
MHSL 4
MHSL 5
MHSL 6
MHSL 7
MHSL 8
MHSL 9
MHSL 10
MHSL 11
MHSL 12
MHSL 13
MHSL 14
MHSL 15
MHSL 16
MHSL 17
MHSL 18
MHSL 19
MHSL 20
MHSL 21
MHSL 22
MHSL 23
MHSL 24
MHSL 25
MHSL 26
MHSL 27
MHSL 28
MHSL 29
MHSL 30
MHSL 31
MHSL 32
MHSL 33
MHSL 34
MHSL 35
MHSL 36
MHSL 37
MHSL 38
MHSL 39:
MHSL 40:
MHSL 41
MHSL 43
MHSL 44
MHSL 45
MHSL 46
MHSL 47
MHSL 48
MHSL 49
MHSL 50
MHSL 51
MHSL 52
MHSL 53
MHSL 54 Epilogue
Another Character

MHSL 42

78 50 5
By Eyesmile_Girl18


Ito yung araw na pinaka -ayaw ko na lahat ang Valentine's Day kahit na ka -buwan ko pa ito ng birthday ko.  Salitang Valentine's palang bes!  Alam mo na ang papasok dito, kaya hindi ko na ikwekwento kung bakit ko ayaw na iyon.  Kahit na may boyfriend ako who cares?  Basta ayoko pa din ang araw na ito. 

"Anong date ngayon?"

"15, ngayon diba? "

"Bobodi marunong tumingin sa kalendaryo teh!"

"Trick or treat! "

"Happy New Year! "

iilan lamang yan naririnig ko sa classroom ko, pagka pasok ko dito sa classroom.  Isipin ninyo kung gaano ka -bitter yung mga kaklase ko, kasama na ako doon. 

"Hmm...  Hello."

Nilingon ko naman kung sino nagsalita, at si Yamashita lang pala yung kaibigan ni Kristel, aaminin ko noong una galit ako babaeng ito dahil inagaw niya yung attention ni Kristel sa amin,  na muntik na kaming magkakahiwalay nun, pero di kalaunan din ay lumayo sa kanya si Kristel dahil napapansin niyang, ginagawa lang siyang utusan ni Yamashita, kaya naman lumayo na siyang tuluyan.

"Hmm....  Happy Valentine's Day."-nakangiting saad ni Yamashita saka ako binigyan ng Dalawang Malaking Toblerone. 

Hindi ko naman ito tinanggap, bagkus ay tinignan ko lang ito. Napansin yata niyang hindi ko kinukuha yung binibigay niya sa akin kaya naman kinuha niya isa kong kamay saka sa akin ipanahawak. 

"Pero, wala akong maiibigay sayo. "-saad ko sa kanya. 

"Hindi na bale, hindi ako humihingi ng kapalit, basta may maipasaya lang akong mga tao okay na ako doon. "-sabi niya.

"Ahh.... Salamat"-pagpapasalamat ko.

"Uhm..  Maria."-sabi niya

Tumingin naman ako sa kanya. 

"Hmm?"-tanong ko

"Nasaan pala yung Boyfriend mo? "-tanong nito sa akin

Nagtataka naman ako kung bakit niya hinahanap.

"Bakit? "-tanong ko pabalik sa kanya.

"Huwag kang magagalit ha...  Pinag-bake ko kasi siya ng cupcakes, balak ko sanang ibigay sa kanya e."-nakangiting saad niya.  Sabay pinapakita sa akin ang isang box ng cupcakes na binake niya, buti pa siya may ibibigay samantalang ako wala. 

"Ahhh...  Wala siya dito enakikita mo ba? "-sagot ko sa kanya. 

"Ahh hindihuwag ka naman sanang magalit, tinatanong ko lang kung sakaling nakita mo."-saad niya.

"Ahhh hindi ako nagagalit, at lalong hindi ko siya nakita. "-sagot ko.

Wala ng nagawa si Yamashita kundi umalis sa harapan ko mabuti naman noh!  At baka masabunutan ko pa siya, Sa harap-harapan ko pa talaga hinahanap si Clyde sinong hindi magagalit dun,  kung ako nga na mismong girlfriend niya walang regalo sa kanya, tapos siya meron.

Walang saysay ang araw ngayon, hindi naman ako umaasa na makikipag -date o may regalo sa akin si Clyde, dahil boyfriend dibale ako din naman walang plano, siya lang katangi -tanging tao na walang nai -bigay sa akin samantalang yung iba meron naman binigay, Si Kristel at Arianne yung plastic na rose, si  Eduardo explosion box, Si Nicole chocolate, Si Kyle Teddy bear, Si Daisy naman teddy bear din, lahat kaming magkakaibigan nag bigayan sa isa't-isa, isipin ninyo kung gaano kamahal namin yung isa't-isa.

Nicole Pov

"Hello Nicole! "-bati sa akin ni Dwight

"Ano na namanBwibwisiten mo na naman ba ako?! "-sigaw ko sa kanya, habang naghuhugas ako ng plato dito.

"Bwibwisiten grabe, ka -bwiset-bwiset ba yung pagmumukhang to? "-saad niya. 

Akala ko pa naman siya na yung lalaking ipapagpalit ko kay Blake yun pala panibagong gugulo sa aking buhay, walang araw talagang hindi ako nito guguluhin, kung sa labas ng bahay cool lang siya, pero kapag nasa bahay na mukhang isip bata at nang-gugulo pa ng buhay. 

"May ginagawa ka ba ngayon? "-nakangiting tanong nito sa akin. 

"Anong tawag mo dito? "sagot ko sa kanya at ipinakita sa kanya yung binabanlawan kong plato.

"I mean hindi ka naman buong araw mag -huhugas ng plato diba? "-saad niya.

"SoAnong pake mo. "-mataray na saad ko sa kanya. 

"Date sana tayo."-saad nito kaya kaagad ko itong nilingon at seryoso siyang tinignan. "I mean friendly date. "-nakangiting saad nito.

"Bakit Friend ba tayo?"-sagot ko sa kanya.

"Tinuring kita kaibigan tapos ako, hindi."-saad niya. 

"Kasalanan ko, kung tinuring mo kong kaibigan? Hindi naman kita inutusan na kaibiganin mo ko."-mataray na sagot ko sa kanya, matagal bago siya nakasagot. 

"Sungit mo naman, makikipag -date lang naman sayo e, kasi kaibigan kita, gusto lang kita pasayahin. "-saad nito.

Humarap naman ako dito saka siya sinagot.

"May kaibigan ka dibaDun ka makipag -date, saka nabanggit mo kung saan ako sasaya, sasaya lang ako kapag tinigilan mo na ako. "-mataray na sagot ko sa kanya. 

"Bakit ba ayaw mo makipag -date sa akinBakit sa ibang babae isang aya ko lang sa kanila papayag nayung mga iba pa nga sila pa ang nagyaya sa akintapos ikaw ito ako ng namimilit sayo ayaw mo pa."-sabi niya.

"Ibahin mo ko sa ibang babaeng nakakasalamuha mosaka hindi kita inuutusang pilitin mo ko para lang makipag date sayo."-sagot ko sa kanya. 

"Ahh... Ganito na lang magpapaalam ako sa Mama mo at kung pumayag yung mama mo mag -dadate tayo ano deal? "-pangungulit nito sa akin, hindi ko naman pinatulan yung idea niyang yun bahala siya sa buhay niya ang kulit niya. 

Maya -maya pa ay napadaan si Mama sa kusina para kumuha ng tubig sa refrigerator kaya naman ay kinausap na siya ni Dwight. 

"Tita.."-paninimula nito, oo tita talaga tawag niya kay Mama kapal ng mukha e, walang hiya, napatingin naman si Mama dito.

"ipapaalam ko lang po sana yung anak ninyo kung pwede po kaming lumabas. "-pagpapa-alam ni Dwight, nagtataka namang tumingin sa akin si Mama, saka umiiling-iling na huwag akong payagan. 

"Ahh, sa labas lang pala o sige lumabas na kayo. "-saad ni Mama, napapikit naman ako sa sinabi niya. 

"Ah..  I mean po ah... Mag dadate po kami... Friendly date po. "-pagtatama ni Dwight.

Muling tumingin sa akin si Mama at muli din akong umiling -iling sa kanya.

"Ahh... Iho... Kung ako yung tatanungin, papayag ako kasi Friendly date lang naman, pero tanungin mo din yung anak ko, kung papayag siya. "-mahinahon na sagot ni Mama kay Dwight. 

Minsan talaga hindi ko maintindihan utak ni Mama,  kung noon ayaw niya akong paalisin sa bahay mahigpit pa nga siya sa akin kung sakaling nagyaya ang mga kaibigan ko ng gala e tapos kay Dwight pumayag agad, pero nasa akin pa din yung huling halakhak.

"Ahh.... Madali na lang po yun, pero Maraming salamat po. "-magalang na sagot ni Dwight. 

Pagkaalis ni Mama ay kaagad naman siyang humarap sa akin.

"Paano ba yan pumayag, Mama mo."-nakangiting saad ni Dwight.

"Edi kayo yung mag -date."-mabilis na sagot ko sa kanya. Saka umalis sa kusina at iniwan siyang mag-isa doon.

"Hoy! "-malakas na sigaw nito sa akin, pero hindi ko iyon pinansin bahala siya buhay niya. 

Kristel Pov

"Sigurado ka bang dito tayo mag -dadate?"-nagtatakang tanong ni Sean.

"Oo naman, nandito na tayo o aalis pa ba tayo? "-sagot ko sa kanya. 

Ang swerte ko noh,  naka-date ko Crush ko, paano? Long story basta okay na nandito kami at nagdadate. 

"Okay mga couple it's time na para maglaro tayo, ang instructions ay papatayin namin ang ilaw at pagkapatay ng ilaw ay dapat hawak niyo na ang kamay niyo sa isa't -isa naintindihan ba?."-mahabang saad nung baklang mc dito.

"Epaano naman kapag hindi talaga hawak nila ang isa't-isa ang mga kamay nila, anong magiging consequence? "-tanong ng isang mc bakla din.

"Hahalikan nila ako, pero yung lalaki lang hahhahindi biro lang kagaya din natin sila!"-masiglang sigaw nung mc 1

"PstAyoko na dito lumabas na tayo, hindi ko gusto yung ideya nila. "-sabi sa akin ni Sean.

"Pero magsisimula na... "-pagrereklamo ko.

"Tara na."-matigas na saad ni Sean, wala naman na akong nagawa kundi tumayo, pero saktong pagkatayo namin ay bigla na lamang namatay yung ilaw kaya napaupo na lamang ako, pero wala akong naramdaman na upuan kaya naman dumiretso yung pwetan ko sa sahig.

(Putcha ang sakit nun bes!) 

"Kristel nasan ka? "-narinig kong tanong ni Sean, kaya kaagad akong umayos ng pagkaka-upo saka kumapa-kapa sa paligid, sorbrang dilim, wala man lang sinag dumadako dito. 

"Nandito lang ako."-sagot ko.

"Oh gotchaHawak ko na yung kamay mo."-saad ni Sean, nagtataka naman ako sa sinasabi niya e nandito nga kamay ko still hindi niya pa din hawak tapos sasabihin niya ngayon hawak niya kamay ko.

"Huh?"-nagtataka kong tanong sa kanya.

Bigla na lamang bumukas yung ilaw kaya, naman tumayo ako ng dahan -dahan at nakita ko na lamang na hawak hawak ni Sean yung kamay nung baklang mc 1,  yung mukha nung mc 1 kita sa kanyang pagtataka, at si Sean naman ay hindi mawari ang kanyang pagmumukha, pasekreto ko naman tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang malakas na pagtawa ko.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay kaagad ko siyang tinawan sa nangyari sa kanya kanina.

"Tawa pa."-seryosong sambit ni Sean sa akin. 

Pinigilan ko naman na huwag tumawa, pero hindi ko napigilan napatawa pa ako. Nakita ko namang naglakad ng mabilis si Sean kaya naman hinabol ko siya.

"Uy wait langSorry na."-sabi ko sa kanya,  pagkalapit ko sa kanya ay sakto namang siya bumaba na parang gusto niya ako ipasan sa likuran niya, syempre ako naman ay kinikilig na parang ewan dahil pagkatapos ko siyang pagtawanan, papasanin niya pa ako sa likuran niya, oh how romantic!.

Tumingin -tingin muna ako sa paligid, saka pumasan sa kanyang likuran, pero bigla na lamang nawala yung ngiti ko ng malaman kung bakit pala siya bumaba, para lang pala magsintas ng kanya kanyang sapatos, at tila ding nagulat si Sean sa ginawa ko, tingin ko ang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko pwede bang lamunin na ako ng lupa, as in ngayon na.

"Ah.... Nagsisintas ka lang pala ng sapatos akala ko..."-nahihiya kong saad, tatayo na sana ako upang makalayo sa kanya nang pigilan niya ako.

"Nakasakay ka nalang din naman, ituloy na lang natin. "-mahinang saad nito, saka tumayo. Kinilig din naman ako sa ginawa niyang iyon.

Maria Pov

"Mamay bulaklak na namang nagkalat dito!"-sigaw ko, paano ba naman kasi kawawalis ko lang kanina dito sa labas ng pintuan, ito na naman may naka-kalat na naman ng rose na petals, sinundan ko naman yung rose ng petals kung hanggang saan ito.

Napatigil na lang ako ng ito na yung last petals, kaya naman tumingin ako sa taong nakatayo ngayon na may dalang isang bouquet, lumapit naman ako dito.

"Saan ba tayo pupunta?"-tanong ko kay Clyde, kanina pa kasi nasa biyahe, ko pa din siya tinatanong kung saan kami pupunta pero hindi niya ako sinasagot.

"Malalaman mo din mamaya."-nakangiting sagot niya. 

Ilang minuto lang din ng huminto yung kotse, kaya naman lumabas na kami,  pa garden lang yung hitsura nito, nagulat pa ako ng umilaw ito, napa wow naman ako sa ganda ng mga iba't-ibang ilaw.

"Wow... "-masayang saad ko.

Ngumiti naman sa akin si Clyde.  Saka lumapit, tatakpan niya na sana yung mata ko gamit ang mga kamay niya, kaya pinigilan ko yun. 

"Anong gagawin mo? "-nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi pa ako tapos may surprise pa ako."-saad niya. 

"Ahh.. "-nakangiting saad ko,  kaya naman tinuloy na niya ng takpan ang aking mga mata, at inalalayan akong maglakad.

After ilang minutes. Wow!  As if naman malayo yung nilakaran namin, natagalan lang kami dahil sa mabagal akong maglakad, ikaw pa naman takpan yung kamay mo, wala kang makita. 

"Nandito na tayo... "-bulong sa akin ni Clyde kaya naman tinanggal niya na kanyang kamay sa aking mga mata, ako naman ay dahan -dahan kong minulat ang aking mga mata. At sumalubong sa akin ang mga nagkakalat na petals ng roses at iilang mga lobo sa sahig, at sa gitna naman ay may lamesa,  na may kasamang pagkain, pero nakatakip pa iyon at isang boteng wine, may pa candles pa, napansin ko din namang, may Polaroid pictures, at may pa Happy Valentine's Day pa na nakadikit sa ding ding. 

Kaagad ko naman pinunasan yung luha ko ng titila aagos sa aking pisnge.

"Ahh...  Ikaw gumawa nito?... "-masaya na iiyak na tanong ko kay Clyde.  Sa buong buhay ko siya lang katangi-tanging gumawa nito sa akin, kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko ngayon. 

"Hmm..  Yesand tinulungan din ako ng nakakabata kong kapatid, nagustuhan mo ba?"-tanong nito sa akin.  Tumango muna ako ng mabilis saka siya sinagot.

"Sobra... Hindi mo naman kailangan gawin ito, e."-saad ko, gusto ko naman yung ginawa niya pero mas gugustuhin ko din na simple lang ginawa niya. 

"Gusto ko langiparamdam at ipakita sayo kung gaano kita ka-mahal, my wife. "-saad nito sa akin,  napangiti naman ako sa sinabi niya at pagtawag niya sa akin. 

"Nagugutom ka na ba?"-biglang tanong nito sa akin.

"Kanina pa."-natatawang sagot ko sa kanya.

Tumawa lang din naman siya, sa naging sagot ko.

Pagkatapos naming kumain, ay kwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin.

"Gusto mong sumayaw?"-bigla niyang tanong sa akin.

"Pareho kaliwa paa ko."-natatawa kong sagot ko sa kanya.  Pero hindi siya nakinig sa akin bagkus pinatugtog niya lang yung CD na sasayawin namin saka lumapit sa akin.

"Tuturuan kita."-nakangiting saad niya sabay lahad ng kanyang kamay, tinanggap ko naman iyon saka tumayo.

Dahan-dahan namang inilagay ni Clyde yung mga kamay ko sa kanyang batok, habang nakatingin sa akin yung tingin niya na parang nang-aakit,  saka inilagay niya ang kanyang kamay sa aking bewang.  Saka mabagal kaming sumayaw.

Maya-maya pa ay, lumapit lalo saakin si Clyde, ipinagdikit ang mga noo naming dalawa.

"Ria, huwag na huwag kang sumukong mahalin ako. "-mahinang saad nito.

"Hindi ako susuko... "-nakangiting sagot ko.

Ngumiti naman siya, saka hinawakan ang isa kong pisnge at saka ako hinalikan sa aking labi, napapikit naman ako sa ginawa niya, matagal niya akong hinalikan, saka niya pinakawalan, tumingin muna ito sa aking mata bago mag-salita.

"I love you my wife. "-nakangiting saad niya, ngumiti muna ako sa kanya saka siya yinakap.

"I love you too. "-sagot ko sa kanya. 

Aaminin ko, nabitin ako dun sa paghalik sa akin ni Clyde, magaling siyang humalik pero siya yung first kiss ko.

Seaventh Pov

"HoySino ka bang nilalang ka! Huwag mo nga kaming guluhin nag-iinuman kami e!"-sigaw sa akin nitong kaibigan nila Arianne, nandito kami sa bar, Bar naman to nila Ice kaya okay lang kung sino pumunta dito mag inuman, wala namang age sinusunod dito e. 

Marami akong ka -date pero dahil nandito si Arianne saka yung kaibigan niya ginulo lang nila yung pagpapakasarap ko, nakita ko pa naman kanina itong babaeng to, nakikipag sayaw sa mga lalaki tapos ito namang kaibigan niya, tuwang -tuwa lang,  kanina ko pang pinipigilan sa pag -inom si Arianne pero wala e, ayaw magpa -pigil.

"Tara na, iuuwi na kita!"-sabi ko kay Arianne saka binawi yung boteng iniinom niya, puro hard pa naman iniinom nila.  

"Sabing wag ka mangengealam e! "-sigaw naman nung kaibigan niya saka hinila yung polo ko, kaya naman sinuntok ko ito ng malakas sa mukha, pinaka-ayoko sa lahat, hinihila yung mamahalin kong damit, lalo na parang hinuhubaran ako, napasigaw naman si Arianne nang gawin ko yun sa kaibigan niya.

"Anong ginawa moBakit mo sinuntok?!"-sigaw nito sa akin sabay hampas sa aking dibdib.

Pinagtitinginan naman na kami ng mga tao dito,kaya naman. Binuhat ko nalang  na parang bigas, palabas ng bar. Hinayaan ko na yung kaibigan niya dun kaya niya na siguro yung sarili niya. 

Tahimik akong nag dridrive, sa kotse ko hindi ko nga alam kung saan ko dadalhin itong babaeng to, bakit ko pa kasi kinuha -kuha samantalang hindi ko naman talaga alam kung saan bahay nito,  ayoko namang nababastos siya doon ng mga lalaki dun sa bar, kaibigan siya  ng girlfriend ni Clyde kaya ko lang to ginagawa.

Bigla na lamang akong nagulat ng bumangon siya ng pagkakahiga niya sa backseat doon ko kasi siya isinakay,  para namang maging komportable siya, yung pagmumukha niya kasi nakakatakot na ewan, samahan mo pang nakalugay ang kanyang buhok at medyo magulo pa. 

"Ginulat mo naman ako. "-sabi ko sa kanya, saka tuloy -tuloy lang sa pagmamaneho.

"Nasusuka ako."-bulong niya sa akin.  Kinilabutan naman ako sa ginawa niyang iyon, feeling ko lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitaasan sa ginawa niyang yun. Itinigil ko naman yung kotse, kaya kaagad ng lumabas si Arianne.

Bumaba din naman ako saka siya nilapitan kung saan siya sumusuka, hinampas-hampas ko naman yung likod niya saka hinimas-himasan. Mabilis namang tinaggal ni Arianne yung kamay ko sa likod niya. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Huwag mo na ulit yungagawin gumagawa ka lang ng paraan, para makahipo sa akin."-sabi nito sa akin. 

Natawa naman ako sa sinabi niya. 

"Ganun ba ako, ka manyak."-saad ko sa kanya. Saka tinuro yung hintuturo ko sa kanya.  "HoyTinutulungan na nga kita, ako na nga nagpapakabuti sayo, tapos iisipan mo pa ako ng masama. "sagot ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot, tinitigan niya lang ako. 

Nagulat naman ako ng akbayan niya ako saka sabay na naglakad papunta sa kotse.

"Diba ihahatid mo ko sa bahay taraAt ituturo ko sayo."-sabi nito sa akin.

Iisipin ko na talaga na may pagka baliw tong babaeng to e.

"Hoy! Nandito na tayo, bumababa ka na diyan."-sabi ko saka siya niyog-yog, paano ba naman kasi ayaw magising.

Kaya wala na akong nagawa kundi pasanin siya sa likod ko, nakakailang hakbang palang ako ng bigla siyang bumaba Kaya naman tinignan ko ito. 

(Ano bang problema ng babaeng to.)

Tinignan lang ako nito ng masama, kaya din ako tinignan ko lang din naman ng masama, akala niya siya lang marunong ha.

"Aray koOh sh*t!"-daing ko paano ba naman kasi bigla na lang niya akong sinuntok habang nagkakatinginan kami ng masama, hawak -hawak ko ngayon yung kanan kong mata kung saan niya sinuntok. 

"Masakit?!"-tanong na sigaw nito sa akin. 

May gana pa siyang magtanong sa akin kung masakit. 

"Bakit mo yun ginawa?!"-tanong ko sa kanya, basta -basta lang kasi nanununtok e.

"Para yan sa kaibigan ko, na sinuntok mo kanina. Bleehhh buti nga! "-saad niya saka dumila -dila at patakbong pumasok sa kanilang bahay. 

"OySalamat ha!...."-sigaw ko sakanya "salamat sa pananakit mo sa akin"-saad ko sa aking sarili.

"Walang anuman!"-sigaw niya pabalik sa akin. 

Sinipa ko nalang yung basurahan dito, dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 1.2K 78
Si Yesha Kim Gomez, ay isang leader ng Fraternity sa Korea, at doon niya nakilala ang 1st boyfriend niyang si Zoren Padilla, ngunit sa tagal ng pag s...
100K 3.8K 53
Sino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to l...
270K 5.8K 87
Krishia Legaspi is a highschool student who transferred to a public school with her sister Janet. Entering to her new school will make her life upsid...
908K 29.6K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...