How Many Heartbreaks?

Por jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... Más

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
💖👋

Kabanata 3

506 28 1
Por jiny0vng

Blake's POV

Hindi pa nagsisimula ang laban parang nasasabi kong talo na ako. Ang hirap pala sumali sa isang bakbakan na alam mong unang hakbang mo pa lang talo ka na.

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Pinairal ko nanaman ang katangahan ko. Hanggang kailan ko ba iisipin na unahin muna ang kasiyahan ng iba bago ang sa akin? Siguro kung hindi ko iniisip ang kasiyahan ni Dad about sa pag- sosoccer ko, siguro wala akong reputasyon na pinapangalagaan ngayon. Edi sana, nakakalapit ako freely kay Drea. Pero kapag naman ginawa ko yun, alam kong wala pa rin naman akong pag- asa kasi iba naman gusto niya.

Yung totoo? Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar. Ang komplikado ng buhay ko.

1. Ginagawa ang mga bagay na ayaw ko naman para sa kaligayahan ng iba.

2. Ang hirap magtago sa isang pagkatao na malayong malayo sa tunana ako.

3. Ang magkagusto sa isang taong hindi ako gusto.

Eh isa pa nga lang sa mga 'yan ang hirap nang harapin. Kaso tiningnan mo nga naman ang tadhana, masyadong mapaglaro. Ayan! Binigay sa akin lahat na 'yan. Masama ba akong nilalang sa una kong buhay para parusahan ako ng ganito ngayon?

''Mariano! 10 laps. Move! Focus! Ano nanaman bang iniisip mo dyan? Malapit na tournament!'' Sigaw ni Coach. @#%& kung minamalas ka nga naman. Patakbuhin ba naman ako ng sampung beses. Pinaglalaruan nga talaga ako ng tadhana. Bwiset.

Kasalukayan kaming nag- eensayo dito sa field kasi malapit na ang tournament. Hayaan niyo akong mag- kwento para hindi ko maramdaman ang pagod habang tumatakbo. Moving on mga pare, ayun na nga.. malapit na tournament kaya sabak kami sa matinding ensayo ngayon. Kakasimula pa lang ng pasukan, palaro agad. Kung pwede lang mag- quit matagal ko nang ginawa. Ay teka, hindi pala kasi alam kong hinding hindi ako sasali na varsity na 'to. Mas gugustuhin ko pang makipagbiruan sa mga barkada ko eh.

Dalawang laps na lang pwede na ako magpahinga. Nakakainis din naman si coach minsan kasi hindi pantay treatment niya sa amin. Dahil ba sa captain ako kailangan ko ng heavy exercise? Dfq. Asa kasi sila sa akin palagi eh. Nakakainis na din minsan. Mga dependent masyado. Tss.

''Go Zico!!!! Go go go baby!'' Okay kilala ko yung boses na 'yon. Ayaw ko na lumingon. Pero hindi ko matiis sayang ng opportunity eh.

Oo tama kayo nandito si Drea!!!! Mga tol nandito siya sa field. Supportive talaga ng babae na yan sa soccer varsity eh. Kilig.

Erase. Supportive kay Zico.

Pakyu. Minsan ang sarap din hugutin ng konsensya sa isipan eh. Kung pwede lang, matagal ko nang ginawa. Alam mo yung pampalubag loob ko na lang yun tapos biglang babarahin at ipagdidiinan na mali ang mga pinagsasasabi ko. Lintek.

Tapos na laps ko. Buti naman. Kinuha ko bag ko at naupo dito sa may bench. Medyo may shade ng puno dito kaya hindi masyadong mainit. Kinuha ko yung tubig at pagkain ko sa bag. Ang ganda ng view ko dito. Ang saya ng mga kapwa varsitarians ko.

Punyeta. Ge. Sila na may mga syota para paghandaan sila ng pagkain. Saya. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kabilang banda ng field, doon sa opposite bench. Nandoon si Drea...

With Zico. Sus. Nagtaka pa kayo. Nagsusubuan lang naman yung dalawa. Tapos nilagyan ni Drea ng towel sa likod si Zico. Ang saya nilang dalawa. Kahit haggard na si Drea, maganda pa rin.

Kung pwede lang siguro langgamin ang field, siguro kanina pa umaapaw mga langgam dito. Hindi ko alam kung bakit ang hilig natin tumingin sa mga bagay na nakakasakit sa atin. Nasasaktan na nga, titingin pa. Nakakainsulto lang eh. Minsan talaga hindi mo alam kung ano susundin mo. Kung yung puso mo na nagsasabing, 'huwag kang titingin masasaktan ka lang' o yung isip mo na nagsasabing 'tumingin ka na para huwag ka nang umasa pa'. Ang gulo. Tangina.

Mabuti pang umalis dito sa pwesto at makapunta na lang sa lugar kung saan ako madalas magpunta. Sa lugar na tahimik at ako lang madalas ang tao. Dito ko lang kasi nalalabas ang sama ng loob ko eh.

xxx

Nandito na ako sa secret hideout ko. Tahimik. Ang sarap matulog pero bago ako matulog, kakain muna ako!! Grabe ayaw ko man isipin pero parang naaawa ako sa sarili ko ngayon.

Loner. I hate this life. Sawang sawa na ako magpanggap. Tingnan niyo, ultimo tunay na kaibigan wala ako ngayon. Si Jones, na nag- iisang close friend ko.. andon sa field kasama girlfriend niya. Ge.

Tama na nga sa drama. Ang bakla ng dating eh. Nakakasagwa. Hindi ko namalayan na sa kakadaldal ko dito ubos na pala yung pagkain ko. Hanep hindi ko man lang naramdaman na dumaan sa lalamunan ko eh. Makatulog nga sandali. Hay.

Pipikit na sana ako nang biglang may nagsalita..

''Alam mo, halatang halata na may problema ka..'' Familiar ang boses. Lagi ko 'tong naririnig sa room. Matingnan nga..

Ah. Yung bestfriend ni Drea. Si Marie. Teka, bakit nandito 'to? Nyeta. Sabi ko akin lang 'tong secret hide out na ito eh. Tss.

''Ha? Problema? Hindi uso sakin 'yan.'' Sabi ko.

''Sino niloloko mo? Sarili mo? Sus. Alam ko kapag nagsisinungaling ang isang tao. Kay Drea pa lang, expert na expert na ako.'' Sabi ni Marie sabay upo sa katabi ko. Oo nga nakalimutan ko, madalas magsinungaling si Drea kay Marie ng tunay niyang nararamdaman. Malamang kung sa expert, expert na expert na expert na 'tong babae na 'to.

Mag- oopen ba ako sa kanya? Ayoko. Hindi ako magtitiwala sa kanya saka bestfriend niya kaya yung babaeng gusto ko. Mamaya nyan i- chismis niya pa eh.

''Wala nga sabi. Saka pwede ba? Huwag mo akong kausapin. Matutulog ako.'' Ang suplado ng dating ko dun ah. Nakonsensya ako bigla. Letse. Ang layo ng ugali ko sa tunay kong pagka- tao. Tsk.

''Oh sorry na. Edi kung wala, edi wala. Pero pwede ba akong maglabas ng sama ng loob sa'yo?'' Wow. For the first time in forever may ibang tao na ipagkakatiwala sa akin ang sikreto nila.

''Ahh.. Oo naman. Sige na. Hindi naman ako kasing sama tulad ng iniisip niyo.'' Sabi ko kay Marie. Nakaka- curious lang din kasi palagi 'tong masaya eh tapos out of the blue na lang may tinatago pala 'to kaya mabuti nang pakinggan.

''Ok. Secret lang 'to. Eh kasi ang hirap pala magkagusto sa isang tao na iba ang gusto ano?'' Sabi ni Marie habang nilalaro yung mga damo.

Boom. Tumpak. Ramdam kita. Seryoso. Kinakati akong tanungin kung sino ang tinutukoy niya. Hala! Hindi kaya si Zico ang gusto niya? Patay. Love triangle pa ata ang labas nila. Haha.

''Ahhhh. Oo nga pala. Hindi mo malalaman ang feeling kasi hindi ka pa naiinlove ni minsan. Ano ba naman yan.'' Nabigla ako sa biglang pagsasalita ni Marie. Naghintay pala siya sa isasagot ko doon. Pero ano nga ba ang isasagot ko? Magsisinungaling nanaman ba ako? Ano? Dali. Tulungan niyo ako mga pare.

''Ang clichè ng pag- ibig na yan eh. Pero, siguro masakit talaga 'yang nararamdaman mo.'' Gustong- gusto ko na ilabas hinanakit ko ngayon. Bwiset.

''Weeeeeh? Clichè daw. Ako pa niloko mo. Hahaha. If I know. Sus.'' Sabi ni Marie. Taena. May alam kaya 'tong babae na 'to? Shit.

''Dfq? Kung wala kang matinong sasabihin pwede bang umalis ka na dito?'' Labag man sa kalooban ko ang mag- suplado sa isang babae, kailangan ko itong gawin. Tss.

''Pag- aari mo tsong? May pangalan mo? Saka fyi, ako nauna dito. Pero dahil sabi mo, aalis ako pero sa isang kondisyon..'' Lintek. Tigas ng ulo ng babae na 'to. Paano kaya natatagalan ni Drea ugali nito?

''What?'' I said coldly.

''Be my boyfriend.'' WHAT THE FCVK? Anong nakain nito? Seriously? Gaguhan 'to. Letse. Walang kwenta. Maka- alis na nga.

''Hoy hoy mister mariano!!! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito!! Hindi pa ako tapos! Sagutin mo ako. Bwiset!'' Hindi ako tumigil sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Napatigil ako bigla nang sumigaw siya..

''Hoy!! Ano ba!! Kapag hindi ka bumalik dito, sasabihin ko kay Drea na gusto mo siya at ipagkakalat ko sa buong academy ang tunay mong pagkatao!!''

Shit.

Napabalik ako bigla sa pwesto kung nasaan siya. Paano at bakit niya nalaman 'yon? Manghuhula ba ang isang 'to?

''Lintek. Ano ba problema mo? Saka anong sinasabi mong gusto ko si Drea? Ayos ka lang?'' Sabi ko kay Marie. Nanlilisik na ata ang mata ko eh. Nakakainit ng ulo. Peste.

''Ha. Stop lying. Masyado akong mapagmasid sa mga galaw ng mga tao sa paligid ko. Oh ano? Be my boyfriend or I'll spill the beans?''

Shit. Shit. Shit. Kapag hindi ako pumayag, patay ako sa tatay ko. Paano na lang yung pangalan na pinapangalagaan ko? Saka napamahal na rin naman ako sa soccer. Ano na lang sasabihin ni Drea kapag nalaman niya na gusto ko siya? Ano na lang iisipin ng mga tao sa paligid ko? Na napaka- plastic ko? Tangina. Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa ang isang ito. Masisira plano ko na mapalapit kay Drea eh.

''Bakit ba gusto mo akong maging boyfriend? Umamin ka nga! May gusto ka ba sa akin?'' Oh fcvk. Ang kapal ng dating ko dun ah. Pero gwapo naman ako kaya posible yun. Hahaha.

''The fvck? Hindi ka lang pala plastic.. Conceited ka pa. Ugh. Pero dahil tinanong mo, it's because.. gusto ko lang?? Baka naman sakaling makatulong ako para makawala ka dyan sa hawla mo.'' Anong trip ng babae na 'to. Lechugas.

''Ayoko. Bye. Aalis na ako. Ge. Ako na lang bahala mag- resulba sa mga problema ko. Okay? So please, if you don't mind aalis na ako.'' Sabi ko sabay talikod sa kanya.

''HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Huli ka balbon!'' Bipolar ba 'tong babae na 'to? Kanina lang ang seryoso ng dating niya tapos ngayon kung makatawa daig pa ang mangkukulam eh. Tss.

''Weird.'' Sabi ko kay Marie habang nakataas ang kilay ko.

''Oy haaaaaaaaaaaa. Yeeeeeee. Ikaw ha. Ayan! Sabi na nga ba tama talaga hula ko na gusto mo si Drea eh. Naks. Naiinlove din naman pala ang isang Blake Nathaniel Mariano. At saka uy tsong! Joke lang yung boyfriend thingy. Hindi kita type. Hahahaha.''

Napahawak ako sa noo ko. Ano ba 'tong pinasok ko. Hala. May nakakaalam na. Bwiset. Ang daldal pa naman ng isang 'to. Paano ko ba masisigurado na ligtas ang mga sikreto ko sa kanya? Tsk.

''Kung iniisip mo kung anong gagawin mo kapag nalaman ni Drea ang sikreto mo, huwag kang mag- alala.. hindi ko sasabihin sa kanya. Safe yan sa akin. Relax ka lang dude.''

Hay salamat! May puso rin pala 'tong isang 'to.

''Lechugas barabas. Siguraduhin mo lang na hindi mo ipagkakalat yan kasi oras na malaman niya yan, sira na plano ko.'' Nawiwindang kong sabi kay Marie. Jusko mga tol! Ano na gagawin ko. Ang cool image ko, nawawala na. Tss.

''Relax! Gusto mo tulungan pa kitang makalapit kay Drea eh.'' Ohhhhh. May matino rin palang sinasabi 'tong babae na 'to.

''Ahhh. Saka na kapag kailangan ko na ng tulong. Kapag nakita ko pa talaga siyang umiiyak, kakalimutan ko na lahat ng bagay na masasagasaan ko kapag kinausap ko siya.''

Natahimik bigla si Marie sa sinabi ko. Parang ang lalim ng iniisip ng isang 'to eh. Bigla siyang nagsalita..

''Bakit ang hilig nating isipin ang kasiyahan ng gusto natin bago yung sa atin?'' Halatang halata ang lungkot sa mga mata niya. Parehas na parehas kami. Hay.

''Hindi ko rin alam.. basta ang alam ko, masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya. Ikaw ba? Ganun din ba nararamdaman mo? Yung sumasaya ka kapag nakikita siyang masaya? Tapos nalulungkot ka kapag malungkot din siya?'' Tanong ko. Curious ako eh. Saka bihira lang ang may malabasan ng bigat ng nararamdaman.

''Ah eh, oo? Hindi ko pa masasabi pero hangad ko rin naman ang kaligayahan ng tao na 'yun. Sana sooner or later, makamit niya na ang kasiyahan na hanap niya. Napaka- tanga naman natin. Hahaha. Kailan kaya ako sasaya? Ahhh.. Oo nga pala. Sasaya lang ako kapag nakita kong masaya na rin siya.'' Saad ni Marie habang pinaglalaruan yung mga damo sa inuupuan niya.

''Huwag kang mag- alala, Marie. Sasaya din tayo. Kailangan lang natin maghintay. May tamang oras para sa mga tamang bagay.'' Sabi ko sa kanya. Akala ko ako lang ang may pinagdadaanan na ganito. Akala ko nag- iisa lang ako. Yun pala hindi.

''Sana. Kailan kaya darating yang oras na yan? In my case, it's kind of impossible. Haha. Ang labo eh. Tadhana na ang bahala.''

''Tiwala lang.'' I said while tapping her shoulders.

''Maniwala ako dyan sa tiwala lang na yan. Para akong sumusugal sa isang pustahan na alam kong una pa lang talo na ako. Bakit pa ako pupusta kung obvious na obvious na talo na ako. Tss.'' Napaka- negative naman ng babae na 'to.

''Nega. Tss. Ewan ko sa'yo.'' Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.

''Ewan ko din sa'yo. Basta huwag kang mag- alala. Safe ang sikreto mo sa akin. Tutulungan kitang makamit ang kasiyahan na hangad mo 'tol.'' Sabay tayo niya at lumakad na papaalis.

''Tutulungan din kita kapag masaya na ako!! Hahaha. Huwag kang mag- alala, dadating din tayo doon.'' Sigaw ko.

''Huwag na. Imposible. Tanggap ko na. Ipinanganak ata akong unahin kasiyahan ng iba bago yung sa akin.'' Sabi ni Marie habang nakatalikod at nag- thumbs up.

Jusko. Hindi ko alam kung magpapa- salamat ako dahil hindi ako nag- iisa dito sa mundo o malulungkot ako kasi ang lungkot ng tadhana namin. Sabagay, everything happens for a reason.

Tss. Ang gulo. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kasi may nalabasan na ako. Grabe ang tagal ko na 'tong tinatago. Ang hirap kimkimin.

Napakagulo ng buhay. Ay ewan. Makabalik na nga sa field. Siguro naman wala nang naglalandian doon. Letse. Ang bitter ko. Eh sa masakit sa puso yung nakita ko eh. Pero okay lang ulit kasi nakita ko naman yung magaganda niyang ngiti.

Pero nasaktan ka pa din. Aruy. Laslas na 'tol.

Sa tingin ko walang mathematician ang makakasagot sa tanong kong ito..

How many heartbreaks do I still need to feel just to reach her?

xxx

A/N :

'How Many Heartbreaks?' is currently #87 in Teen Fiction (What's Hot?).

Salamat po! x

Seguir leyendo

También te gustarán

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...