I AM NINA: Saving Lives

By arjoan

141K 10.3K 2.6K

Book 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can ch... More

Author's Note
READ THIS
Prologue
CHAPTER 1: The Love I Have For Her
CHAPTER 2: She's Awake
CHAPTER 3: MISSING
CHAPTER 4:THIEF
CHAPTER 5: FINALLY!
CHAPTER 6: THE LOCKET
CHAPTER 7: THE ORDEAL
CHAPTER 8: SO DIFFERENT
CHAPTER 9: TEMPTED
CHAPTER 10:TELLING REYDEN THE TRUTH
CHAPTER 11: TURNED INTO A MAID
CHAPTER 12: ANNOYING EACH OTHER
CHAPTER 13: HEARTBREAK
CHAPTER 14: MOVING ON
CHAPTER 15: STARTING ALL OVER AGAIN
CHAPTER 16: PROMOTED
CHAPTER 17: THE BRIDGE
CHAPTER 18: AFTER US
CHAPTER 19: VIP
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: CRITICAL
CHAPTER 22: I SAW SOMEONE!
CHAPTER 23: FRIENDS OR LOVERS
CHAPTER 24: MOM
CHAPTER 25: Handkerchief
CHAPTER 26: AWAY
CHAPTER 27: THE STORY
CHAPTER 28: KNEEL
CHAPTER 29: RUN
CHAPTER 30: ACCEPTANCE
CHAPTER 31: BAD LUCK
CHAPTER 32: MIRROR
CHAPTER 33: WRATH
CHAPTER 34: ONE AFTER THE OTHER
CHAPTER 35: PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 36: JUST THE TWO OF US
CHAPTER 37: WHO IS HE REALLY?
CHAPTER 38: CONNECTION
CHAPTER 39: KILLER
CHAPTER 40: CLUE
CHAPTER 41: GOT YOU!
CHAPTER 42: REVENGE- LET THE GAME BEGIN
CHAPTER 43: QUIT
CHAPTER 44: FIGHT
CHAPTER 45: ERASE
CHAPTER 46: SET-UP
CHAPTER 47: Double-Crossed
CHAPTER 48: BETRAYAL
CHAPTER 49: DIE
Chapter 50: MISTAKE
CHAPTER 51: Read Between the Lines
CHAPTER 52: CHANCE
CHAPTER 53: PIECE BY PIECE
CHAPTER 54: GIFT
CHAPTER 55: CUT
DEDICATION
DED Part 1
DED Part 2
DED Part 3
CHAPTER 56: UNEXPECTED
CHAPTER 57: IDENTITY
CHAPTER 58: REUNITED
CHAPTER 59: CHANGE
CHAPTER 60: ONE STEP AT A TIME
CHAPTER 61: FEELINGS
CHAPTER 62: YES
CHAPTER 63: PAINED
CHAPTER 64: I LOVE HIM
CHAPTER 65: DARK BLUE
CHAPTER 66: CONFUSED
CHAPTER 67: FAINT
CHAPTER 68: SOMETHING MISSING
CHAPTER 69: CRASHED
CHAPTER 70: MONEY
CHAPTER 71: TAKEN
CHAPTER 72: NUMB
CHAPTER 73: NOT A PRINCE CHARMING
CHAPTER 74: Secretly In Danger
CHAPTER 75: MAKING SURE
CHAPTER 77: DROWNED
CHAPTER 78: CHANCE TO GO BACK
Short Message
EPILOGUE
DED Part 4
FINAl MESSAGE
BOOK 3

CHAPTER 76: FACE TO FACE

1.3K 105 38
By arjoan


Isinilid ko sa loob ng bulsa ng aking itim na hoodie ang sobreng naglalaman ng cheke. Sunod kong inilagay ang isang pocket knife na inabot ni Dave sa likurang bulsa ng aking pantalon. Itinali ko ang aking mahabang buhok; kulang na lang maglagay ako ng uling sa aking mukha para makita nilang lahat ng sasabak ako sa gera.

Ikinabit ni Dave sa loob ng aking tenga ang isang communication device.

"Be careful." Huli niyang bilin sabay yakap sa akin.

Sabay sabay kami kasama si Ate Bel at Mr. Liam na sumakay sa racing car ni Dave.

"Ready, Jane?" Tanong ni Mr. Liam sa akin.

"Ready!" Matapang kong sagot.

Ibinaba nila ako ilang metro ang layo sa isang lumang auto shop na nasa parehong syudad na kinaroroon ng lumang bahay namin.

"Just send us a signal; call for help if you feel threatened." Paalala ni Mr. Liam bago ako lumabas ng sasakyan.

Mahigpit na pinisil ni Dave ang kamay ko na parang ayaw niya akong paalisin. Nginitian ko siya para mabawasan ang kanyang pangamba; nangako akong babalik pagkatapos kong kausapin ang taong nasa loob ng auto shop.

Seryoso lang na nakatingin sa akin si Ate Bel habang paalis ako.

Naglakad ako patungo sa auto shop. Tumigil ako sa tapat ng nakabukas na gate at iginala ang aking paningin sa loob ng shop. Walang tao sa bungad.

Dahan-dahan akong naglakad sa isa pang pasukan. Tumambad sa akin ang mga hile-hilerang sasakyang nire-repair. Patuloy akong naglakad at lumibot hanggang sa lumabas mula sa loob ng isa pang silid ang isang lalaki.

Napatitig siya sa akin nang ilang segundo bago niya ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita kong muli ang kanyang brown na mata at mabalbas at mabigoteng mukha.

Hindi siya nagulat pero hindi niya rin maikukubli ang pagtataka kung bakit ako nasa kanyang harapan.

Umikot siya sa isang sasakyan at inilapag ang pyesang hawak niya sa tabi nito. Kinalikot niya ang mga parte sa loob nang nakabukas na hood. Hindi siya umiimik at hindi niya rin ako pinapansin.

"You really love cars." Ako ang unang nagsalita.

"Do you want to die? Why are you here?" Malalim ang boses na tanong niya.

Tinapunan niya ako ng tingin; mga tingin na katulad na katulad noong gabing pinagtangkaan niya ang buhay ko.

"Why did you do it? Why did you kill Mom and Kade?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Ibinaba niya ang hood ng sasakyang kanyang inaayos. Marahan siyang naglakad sa pagitan ng mga sasakyan. Naglakad din ako paikot para panatilihin ang distansiya naming dalawa.

Tumungo siya sa pasukan kung saan ako nanggaling kanina. Hinila niya paibaba ang roll up metal gate para sarahan ang labasan. Tuluyan niyang naibaba ang metal na gate at ikinando ito. Nakakakaba ang kanyang ikinikilos!

Muli siyang naglakad sa pagitan ng mga sasakyan.

"Why do you think I killed them?" Balik niyang tanong.

"I really cannot think of any reason why you killed everyone, DAD!" Sagot ko habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Ang tunay na killer ay ang tatay ko mismo. Hindi siya namatay katulad ng nalalaman ng lahat. Ang taong nasa harapan ko ay hindi si Uncle Shann. Si Uncle Shann ay matagal ng patay, namatay siya sa garahe ng bahay namin. Siya ang katawang sunog at hindi ang tatay ko.

Ang tattoo sa kanilang mga kamay, iyon ang patunay na tatay ko ang nasa aking harapan. Ang number 1 na tattoo sa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo ang nakita ko sa panaginip, ang taong kinamayan ni Dave sa burol at ang taong nasa aking harapan ay iisa.

Ang number 2 tattoo ay pagmamay-ari ni Uncle Shann; simbolo na siya ang mas nakababata sa kanilang magkapatid; at siya ang sunog na bangkay. Kaya hindi nagpakita si Uncle Shann sa burol ay dahil siya pala mismo ang pinaglalamayan.

Dahil sadyang magkamukha silang dalawa ay inagaw ng tatay ko ang katauhan ni Uncle Shann pagkatapos niya itong patayin.

Kaya hindi siya umuuwi sa mag-asawang nag-ampon sa kanya ay dahil malalaman ng mga ito na hindi siya ang ampon nilang anak. Kaya walang mga pictures sa bahay ay dahil parating kasama si Uncle Shann sa mga litrato at makikita roon ang pinagkaiba nilang dalawa.

Tumawa siya.

"You're smarter than I thought, baby!" Sabi niya habang naglalakad para makalapit sa akin.

"Don't call me baby, it's disgusting!" Nandidiri kong sumbat sa kanya.

Sumeryoso ang kanyang mukha pagkarinig sa sinabi ko.

"I'll make sure to shut your fucking mouth!" Bulyaw niya sabay takbo para abutan ako.

Mabilis akong tumakbo palayo at inikutan ang isang sasakyan para hindi niya ako mahuli.

"I'm not here to play tug; I'm here to negotiate!" Sigaw ko habang patuloy na tinatantya ang kanyang mga kilos.

"I just want to kill you!" Sigaw niya sabay ikot muli para habulin ako.

Muli akong umiwas.

Kinuha ko ang sobre sa aking bulsa. Inilapag ko ito sa hood ng sasakyan.

"The money is yours! You can have everything! You can live your life the way you want it to be! You can be Shann Rogers forever! No one knows about your secret except me! I just want you to leave me alone!" Pagsisinungaling ko.

Sumilay ang malademonyong ngisi sa kanyang labi. Lumayo ako sa hood at umikot sa kabilang direksyon. Tumungo siya kung saan ko ipinatong ang sobre. Binuksan niya ito at nang makita ang cheke sa loob ay muli siyang tumawa.

"Not enough, Jane!" Sigaw niya.

Napakunot ang noo ko. Ganoon ba talaga siya kaganid at inaayawan niya ang perang nasa kanyang harapan?

"You had enough. Mom already gave you everything she had!" Patuloy ko.

"Ah, ah, ah! I haven't got yours!" Nakakaloko niyang sabi sabay tapon sa cheke na pumailalim sa isang lumang suv.

"Then I'll give the money equivalent to my insurances!" Panggugulo ko sa isip niya.

"Tsk, tsk tsk, do you really think I'm after the money?" Nakangisi niyang tanong.

"Then what are you after at?" Lakas loob kong tanong.

"I just want you dead!" Nakamulagat niyang sigaw.

"Why? I am your daughter! Kade is your son and Mom is your wife!" Ganti kong sigaw.

"Don't be silly, Jane! I am not your father! Your father is dead! Shann is dead!" Muli niyang bulyaw sabay habol na naman sa akin.

Mabilis akong umikot at humihingal na tumigil nang makita kong tumigil din siya.

"What do you mean by that?" Gulat kong tanong.

Tumawa siya.

"I'll tell you; you're gonna be dead anyway!" Sagot niya.

Umupo siya sa hood ng isang sasakyan at nagsimulang magkwento.

He fell in love sa nanay ko nang makilala niya ito sa isang bar dito sa California. Kinasal sila at masayang nagsama.

"I never wanter to have kids, I only wanted your mother for myself!" Kwento niya.

Napangisi ako. Isa siyang possessive type na lalaki.

Sinabi niyang nagpa-vasectomy siya para hindi sila magkaanak. Hindi alam ng nanay ko na hindi talaga sila makakabuo. Okay na sana ang lahat nang biglang mabuntis ang nanay ko.

Doon siya nagsimulang maghinala. Nahuli niyang niloloko siya ng nanay ko, at ang lalaking nilalandi niya ay walang iba kundi si Uncle Shann.

Si Uncle Shann ang tatay namin ni Kade!

"Then why didn't you stop them from the very begining! Why did you let them do what they want for so many years?" Inis kong tanong.

Tumawa siya nang tumawa.

"I want a sweeter revenge, Jane!" Umaalingawngaw ang lakas ng boses niya sa loob ng saradong shop.

My god! Baliw ang lalaking ito!

"I planned everything from the very start. I want them to suffer. I want them to die in vain. I really wanted to kill Shann for banging my wife all those years, but just killing him won't be enough." Patuloy niya.

Dahil doon ay kumuha siya at nagbayad ng mga insurance sa iba't-ibang kumpanya. Binabayaran niya ito for more than 10 years para hindi siya pagdudahan kapag dumating ang panahong mamatay ang kanyang pamilya.

Inuna niyang patayin si Kade dahil malapit ang loob ni Uncle Shann sa bata. Tuwang-tuwa siya nang makitang nasasaktan ang mga manloloko.

"The next thing I did is kill your father. I told him everything before he died. He really suffered, Jane! I loved the way he wanted to curse me, but he cannot even speak nor move a bit!"

"I burned him alive, one body part at a time! After that I made it look like that I was the one who died." Patuloy niyang kwento.

Napalunok ako sabay atras sa aking kinatatayuan. Niyakap ko ang aking sarili; kanina pa nakatindig ang mga balahibo ko.

"How can you do such horrible things?" Gimbal kong tanong. Paano niya pa nagagawang ikwento lahat nang nangyari na parang wala lang?

Tumawa siyang muli!

"Thanks to my parents, I guess. They really taught me a lot of weird stuff! And oh, I also killed them in return for their kindness and love!" Sarcastic niyang sagot.

Shit! Pinatay niya rin ang lolo at lola ko!

Pagkatapos niyang itumba ang kanyang kapatid ay sinunod niya ako. Malas niya lang dahil sumapi ako sa katawan ni Jane, at hindi natuloy ang kanyang plano.

Umaaligid siya sa apartment at pinag-aaralan lahat ng kilos ko para muli akong patayin pero nahirapan siya ng dumating si Ate Bel na parati kong kasama. Mas lalo siyang nag-alinlangan nang maging boyfriend ko si Dave na parati ring nasa tabi ko.

Hindi sinasadyang nalaman ng nanay ko ang tunay niyang pagkatao pagkatapos matransfer ng pera sa bank account ni Shann. Niloko niya ang nanay ko na ii-invest ang pera para sa kinabukasan nilang dalawa.

"That bitch really thought I was her lover Shann! She hand over the money just like that. Accidentally, she saw me in this shop on her way to our old house. Never planned to kill her, but I need to. The plan was kill you first before your mother." Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nagsimulang maglakad muli.

"Then why did you try to kill me all of sudden, only two weeks after my mother?" Tanong ko habang sinasabayan ang lakad niya para dumistansya.

"Simple Jane, I don't want you to be happy! I don't want you to be with Dave! I stalked him and saw him buying a ring, so I need to end your life before he totally steps in my way! I don't want that guy ever since! He is a pain in the ass! Five years ago when I found out he likes you, I threatened him to stay away, but he never did. He even punched me in my face!" Patuloy niya sabay turo sa kanyang mukha.

"Sorry, but you can't break thay guy! He's much more of a man than you are!" Gigil kong sabi.

Tumawa siya.

"I know! That's why I changed my plan. Instead of breaking him, I broke you apart. Why do you think your mother acts that way? It's because I told her that you are in love with your Uncle Shann!" Nakangisi niyang sabi.

"Damn you!" Bulyaw ko. Nakakapanggigil ang mga pinagsasasabi niya!

"That's right, curse me Jane because that would be your last!" Pananakot niya.

Muli siyang tumakbo para abutan ako. Tumakbo rin ako at lumusot sa pagitan ng sasakyan para hindi niya ko mahabol.

Sumigaw siyang parang baliw sabay hampas sa mga hood ng sasakyang kanyang nadadaanan.

---------------to be continued-----------

LAST 2 Chapters!!! 2 days na lang, ending na. Abangan!!

Sino ang nakahula na hindi pala anak si Jane ng tatay niya!!! 😊



Continue Reading

You'll Also Like

48.3K 2.7K 77
Arden Costanzo is a mafia boss but what if he enters the magical dimension of 'Magica'? ©whitesnowywinter (Background photo not mine. Credits to pint...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
215K 17.4K 116
Magmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng...
8.1K 274 74
If turning 18 is a curse, Artemis Velasquez couldn't ask more. No debut celebration, being forced to have a vacation at her grandmother's, and remov...