Kumatok si Dave sa kwarto namin ni Ate Bel mga alas otso ng gabi.
"Everything okay?" Tanong niya pagbungad ng kanyang mukha sa pintuan.
"We're fine." Sagot ni Ate Bel na nag-leave na lang sa trabaho para may kasama kami in case may mangyari na naman.
Pumasok si Dave sa loob at umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.
"I just can't sleep." Puno nang pag-aalalang sabi niya.
Hindi ko siya masisisi kung nag-aalala siyang talaga. Kayang kayang pumasok ng killer kung gugustuhin niya. Kahit sabihing may apat na pulis na nagbabantay ay hindi pa rin kami nakasisigurong ligtas kami rito sa loob.
"Love, do you want to stay here?" Tanong ko sa kanya.
"My room is bigger." Sabi niya.
"Jane, you can sleep with Dave. I'll stay here." Sabi ni Ate Bel.
Tiningnan ko siya sabay mulagat ng aking mata.
Nginisian niya ako. "Just go. Hindi makakatulog yang si Dave kapag hindi niya nasigurong ligtas ka." Parang nang-aasar niyang sabi.
Nginisian ko rin siya sabay irap. Problema nitong si Ate Bel?
"Okay, I'll stay in your room." Sabi ko kay Dave.
Napangiti si Dave. Hinila niya ako patayo.
"Just keep it down and be quiet." Biro ni Ate Bel.
Natawa si Dave. Tinaasan ko ng nguso ang tatawa-tawang si Ate Bel sabay tapon ng unan sa kanya.
"Aww!" Sigaw niya nang malaglag sa kanyang mukha ang cellphone na kanina niya pa hawak.
Ako naman ang natawa. Buti nga sa kanya!
"You can also stay in my room; I can sleep on the couch." Yaya ni Dave.
"No, thanks!" Sagot ni Ate Bel habang hinihimas ang kanyang ilong na nabagsakan ng cellphone.
Naglakad na kami ni Dave palabas ng kwarto.
"Lock up!" Paalala ko kay Ate Bel.
Napanganga ako nang makita ang loob ng kwarto ni Dave. Halos triple ang laki nito sa kwarto namin ni Ate Bel, may sarili itong living room at mini theater.
"Wow!" Naibulalas ko sa sobrang pagkamangha.
Sunod kong nakita ang kama sa likod ng divider. King size ito at may mga mamahaling tables and furnitures sa gilid.
"Told 'ya, it's big." Nakangiting sabi niya sabay lock ng pinto.
"Ate Bel doesn't know what she is missing!" Biro ko.
Tumawa si Dave. "I should thank her; I can have you all night." Biro niya sabay yakap sa akin patalikod.
"We already talked about this, Love!" Ngingiti-ngiti kong saway sa kanya.
"Yeah, I know." Halata sa boses niya na tanggap na niyang walang mangyayari sa amin kahit magtabi pa kami sa kama.
Hinalikan niya ako sa leeg bago niya ako binitawan.
"Love, remember the pictures? You said you have some pictures of my family, right?" Tanong ko.
"Yeah, let me get my laptop. Meanwhile, you can hop on OUR BED." Sabi niya with emphasis sa mga salitang our bed.
Napangiti na lang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Tumungo ako sa kama at nagpatihulog dito. Ang lambot-lambot at ang bango-bango!
Hinawi ni Dave ang comforter at umupo sa kama sabay abot ng laptop.
Magkatabi kaming umupo. Binuksan niya ang isang folder at nag-browse ng mga pictures.
"Here look at this." Sabi niya sabay pakita ng isang larawan.
Nakita ko ang picture ko kasama ang isang lalaki.
"See, your Dad looks like your uncle." Sabi niya.
"Yeah, he really looks like my uncle." Sabi kong nakatitig sa larawan.
Hindi lang sila magkamukha, para silang iisa. Ang lalaking nasa picture, kamukhang kamukha niya ang lalaking nakaharap ko kaninang madaling araw.
"Any other pictures you have?" Tanong ko.
"Let's see." Sabi niya sabay browse muli.
"Here. This was taken during Kade's funeral." Pinakita niyang muli ang larawan.
Mas malinaw ang picture ng lalaki na nakikipagkamay sa isang bisita. Napakunot ang noo ko. Bakit parang may mali?
"That's not my Dad; that's Uncle Shann." Naguguluhan kong sambit.
"No, that's your Dad." Giit ni Dave.
"Are you sure that's my Dad?" Pangungumpira ko.
"Yeah, of course. I was the one who took the photo." Sigurado niyang sagot.
Napakamot ako ng ulo. May mali talaga, hindi pwedeng maging tatay ko ang nasa larawan! Naguguluhan na ako!
"I'll just get the profiles in my room." Paalam ko kay Dave sabay tayo.
Kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga larawan.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pintuan at marahan itong binuksan.
Pagsilip ko ay nakita ko si Ate Bel na nakabihis at pababa ng hagdan. Saan siya pupunta?
Tahimik akong naglakad at sinundan siya ng tingin. Nagpaalam siya sa isang police na nakaupo sa sofa. Sinabi niyang may night duty siya at kailangan niyang umalis para magtrabaho.
Anong sinasabi niya? Nagleave kaya siya ngayong gabi!
Nagitla ako nang biglang may kamay na pumatong sa aking balikat.
"Why?" Takang tanong ni Dave na lumabas din pala ng kwarto.
"Ate Bel went out." Bulong ko.
Nagsalubong ang kilay ni Dave. "She's actually acting strange today. I was really amazed that she exactly knows where you are." Dugtong niya.
"She was the one who found me?" Tanong ko.
Tumango siya.
Napaisip akong bigla. "I need to follow her!" Seryoso kong sabi.
"What are you talking about?" Halatang hindi siya papayag sa tono ng kanyang boses.
"I just need to make sure she's safe. She's my friend and I need to know where she's going." Giit ko.
"No, what if the killer is just around the corner waiting for you!" Matigas niyang sabi.
Tinitigan ko siya nang malalim. "I don't care! I care about Ate Bel more than myself! Don't argue with me on this, please." Pakiusap ko sa kanya.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang isang black na hoodie at ang pink na pares ng rubber shoes.
Paglabas ko ay hindi ko nakita si Dave sa hallway. Bababa na ako nang lumabas siya sa kanyang kwarto na nakasuot ng ternong jogging suit at rubber shoes.
"You win! I'll come with you." Sabi niya na halatang nawalan lang ng choice kundi ang samahan ako.
Nginitian ko siya at mabilis kaming bumaba ng hagdan. Sinabi ni Dave sa pulis na may bibilhin lang kami sa malapit na convenience store.
Paglabas namin ng gate ay agad naming natanaw si Ate bel na naglalakad sa kalsada mga ilang metro ang layo mula sa amin.
"Come on." Sabi ko kay Dave.
Pasimple naming sinundan si Ate Bel na hindi man lang lumilingon sa kanyang likuran. Tumigil kami sandali nang tumigil si Ate Bel at lumiko sa kalsada pakaliwa. Patakbo kaming naglakad at dumungaw nang makarating kami sa dulo ng pader.
Nakita namin siya na patuloy pa ring naglalakad.
"Isn't she scared of walking alone at the middle of the night?" Takang tanong ni Dave.
"Guess she's not." Pabulong kong sagot.
Muling kumanan si Ate Bel at tumayo sa tapat ng isang mababang bakod na gawa sa kahoy. Nakatitig lang siya sa mga punong kahoy. Itinukod niya ang kanyang kamay sa bakod na hanggang beywang ang taas at inihakbang ang kanyang paa para makaakyat rito.
Pagkaapak niya sa kahoy ay agad siyang lumundag papasok sa kakahuyan.
"What is she going to do there?" Takang-takang tanong ni Dave.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ginaya ko ang ginawa ni Ate Bel at lumundag din ako papasok sa loob. Ganoon din ang ginawa ni Dave.
Mas naging maingat kami ni Dave sa pagsunod sa kanya dahil gumagawa ng ingay ang mga tuyong dahon at sanga. Nakita namin siyang nag-squat sa gilid ng daluyan ng tubig na sa palagay ko ay isang malalim na creek.
Para siyang may sinisipat sa ilalim na hindi naman niya makita.
May narinig akong tuyong dahong naapakan sa hindi kalayuan. Imposibleng kay Ate Bel galing dahil hindi naman siya humahakbang. Imposible ring galing sa amin ni Dave dahil nakatayo lang naman kami sa likod ng puno.
Ipinaling ko ang aking ulo sa bandang kanan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang lalaking may dalang itak. Patungo siya sa kinaroroonan ni Ate Bel.
Tumindig lahat ng balahibo ko sa takot.
"Ate Bel!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.
Nagulat si Ate Bel at agad na lumingon. Nakita kong nagulat din ang lalaki na napatingin sa amin ni Dave bago niya sinugod si Ate Bel at inundayan ng taga.
Sa pagkabigla ni Ate Bel ay napaatras siya at dumulas ang paa niya sa gilid ng creek. Ang lakas ng sigaw niya nang tuluyan siyang malaglag.
"Ate Bel!" Muli kong sigaw sabay takbo papunta sa kanya.
Binalingan ako ng lalaki at ako naman ang kanyang sinugod. Bago pa niya ako malapitan ay dinamba na siya ni Dave at itinumba sa damuhan. Mabuti na lamang at mas matangkad at malaki si Dave sa kanya.
Agad akong dumungaw sa creek at nakita si Ate Bel na hirap na hirap na nakakapit sa gilid ng pader. Mabilis kong hinablot ang kanyang kamay at hinatak siya paakyat.
Hingal na hingal kaming napaupo nang tuluyan siyang makaakyat. Hindi niya lang alam kung gaano ako nagpapasalamat at hindi siya nahulog sa malalim na creek.
Nangangatog ang mga tuhod kong tumayo kasabay nang pagtayo rin ni Ate Bel.
Nakita namin si Dave na nakikipagbuno pa rin sa lalaki hanggang sa masuntok niya ito. Nabuwal ang lalaki sa damuhan at pagapang na inabot ang itak na nabitawan niya siguro kanina.
"Run! Run!" Nagpapanic na sigaw ni Dave.
Kumaripas kami ng takbo ni Ate Bel habang rinig na rinig ang desperadong sigaw ng lalaki na parang wala na sa kanyang sarili. Nang makatayong muli ang lalaki ay iwinasiwas nito ang itak sa iba't- ibang direksyon sabay habol sa amin.
Hindi ko ma-imagine na nagawa kong lundagin ang bakod na kahoy sa sobrang taranta at takot. Ito ang tinatawag nilang adrenaline rush! Maging si Ate Bel at Dave ay nalundag din ang bakod at sabay sabay kaming kumaripas ng takbo pabalik sa aming pinanggalingan.
Sumisigaw pa rin ang lalaki habang hinahabol kami ng taga.
Wala kaming nagawa kundi ang patuloy na tumakbo hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ni Dave kung saan may nakaparadang police car. Agad na humingi ng tulong si Dave sa dalawang pulis na nasa loob ng mobile at itinuro ang nagwawalang lalaki na ilang metro na lang ang layo sa amin.
Habang humihingi siya ng tulong ay agad kong hinila ang gate ng bahay; at nang makapasok na si Ate Bel at Dave ay mabilis ko itong isinara at ni-lock.
-----------to be continued-----------
Last 4 Chapters!!! Ready na ba kayo sa ending?
Para sa lahat ng hindi pa nakasama sa dedication, comment lang po ng name na gusto niyong maisama sa DED story. Magpopost ako ng part 2 ng dedication para sa mga avid readers ng I am Nina. Malay niyo gawin ko talagang libro ang DED. ahaha.
Thank you guys and good night!