Sino siya?
Tinanggal niya ang lubid sa aking leeg. Ikinawit niya ang magkabila niyang braso paikot sa aking kili-kili at hinatak ako palabas ng CR. Rinig ko ang paminsan-minsan niyang ungol sa tuwing hahatakin niya ako, mukhang nabibigatan siya sa akin.
Pakaladkad niya akong hinila palabas ng bahay. Sa back door kami dumaan.
Patuloy niya akong hinila hanggang sa mapadpad kami sa mapuno at mahalamang bahagi na ilang metro ang layo sa likod ng bahay.
Humihingal siyang tumigil sa tapat ng isang mayabong na puno at nagpahinga sandali. Muli niya akong hinila at pilit na pinagkasya sa pagitan ng malalaking ugat na nakaangat sa lupa.
Wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala siyang mga dahon-dahon. Ipinatong niya ito sa aking katawan para matakpan ako.
Napabuntong-hininga siyang umupo sa aking harapan.
Nakasuot siya ng hoodie na ang zipper ay hanggang bandang ilong. Tanging mga mata niya lang ang nakalabas. Unti-unti niyang ibinaba ang zipper at tinanggal ang kanyang hood.
Naaninag ko sa dilim ang brown-red niyang buhok. Napakaputi niya at napakaganda ng kanyang berdeng mga mata.
"Stay here. I'm sure you'll be safe." Bulong niya gamit ang maganda niyang boses.
Isa siyang babae! Kaya naman pala hirap na hirap siyang hatakin ako.
May kinuha siya sa bulsa ng kanyang hoodie.
"Wear this. Give it back the next time we see each other." Muli niyang bulong sabay suot ng isang bracelet sa aking kanang kamay.
"My name is Meridith and you owe me your life!" Mabait at nakangiti niyang sabi bago siya tuluyang tumayo at tumakbo palayo sa akin.
Walang ibang paraan para malaman ko pa kung saan siya nagpunta at kung ano ang nangyari kay Uncle Shann. Wala rin naman akong magagawa kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Ang tanging alam ko lang ngayon ay ligtas ako, iniligtas ako ng isang babae, iniligtas ako ni Meridith. Utang ko sa kanya ang buhay ko!
--------------------------------
Ate Bel
Tinatahak namin ni Dave ang daang itinuturo ng batang multo. Bakit pamilyar ang daang ito?
"Don't tell me we're going to Jane's old house?" Nagtatakang tanong ni Dave.
"Yeah, if the killer would kill her, it would be inside that house." Kunwari kong sagot kahit ngayon ko lang din napansin na papunta pala kami sa bahay ni Jane.
Napakapit ako sa hawakan nang mag-overtake si Dave. Ang bilis ng takbo namin gamit ang kanyang racing car.
Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong bumaba dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.
"Sorry Bel, I know you're scared." Hingi niya ng paumanhin.
Napalunok ako. "Yeah, I'm really scared right now, but it's even scarier to think about Jane." Sagot ko.
Siya naman ang napalunok nang malalim.
"Just hold on tight." Paalala niya.
Napapikit ako nang mas bumilis pa ang aming takbo. Grabe, pakiramdam ko masusuka ako ng wala sa oras! Halos minuto niya lang tinakbo ang dating mahigit isang oras na biyahe!
Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba at tumungo sa gilid ng mga halaman. Bumabaligtad ang sikmura ko at hindi ko na napigilang masuka.
Kainis! Sa lahat ng bagay sa mundo ang pinaka-ayoko talaga ay ang sumakay sa mabibilis na sasakyan. May motion sickness ako na mas pinalala pa simula nang mawalan kami ng preno ng bwisit na lalaking iyon sa Baguio!
''Bel!" Nag-aalalang sigaw ni Dave.
Itinaas ko ang aking kaliwang kamay para sabihing hindi ko kailangan ng tulong.
"Just find Jane!" Utos ko sabay sukang muli.
Hindi na nagdalawang isip si Dave at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.
Nang tuluyang maubos ang laman ng tiyan ko ay bumalik muna ako sa racing car at sumandal. Pinunasan ko ang aking bibig at nagpahinga ng ilang segundo.
Napatitig ako sa bahay. Nasaan ang mga multo? Bakit wala sila? Anong nangyari sa kanila?
Inihakbang ko ang nanginginig kong mga tuhod at patakbong pumasok sa loob. Nadatnan ko si Dave na nakatayo sa bukana ng pinto ng CR. Huwag niyang sabihing...
Lumapit ako sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala namang bangkay sa loob.
"They've been here." Sabi ni Dave na nakatingin sa patak ng mga dugo sa sahig at sa lubid na nakakalat.
Nasaan ka Nina?
Iniwan ko si Dave at umakyat sa second floor.
"No one's there, Bel!" Desperado niyang sigaw.
Hindi ko siya pinakinggan. Hindi naman tao ang hinahanap ko kundi multo.
Binuksan ko ang mga kwarto. Bakit ba wala sila? Dumungaw ako sa bintana. Nakita ko ang isang itim na anyo na nagkukubli sa likod-bahay.
Agad akong bumaba.
"Dave, try calling the police!" Utos ko para bigyan siya ng pagkakaabalahan.
Tumakbo ako palabas at nagtungo sa likod-bahay. Bakit parang natatakot ang multo; hindi ko naman kasama si Nina.
Lumapit ako sa kanya. Inilahad ko ang aking kamay. Inabot niya ito. Nagbago ang kanyang anyo. Bumungad sa akin ang isang binatilyo.
"Kade?" Hula kong tanong. Siya lang ang alam kong binatilyong namatay sa bahay na ito.
Bahagya siyang tumango.
"Where is your sister, where is Jane?" Tanong ko sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang kamay sabay turo sa mapunong lugar ilang metro ang layo sa bahay.
"Show me." Pakiusap ko.
"Bel!" Tawag ni Dave na papunta na sa aking kinaroroonan.
"Let's search around!" Sabi ko sa kanya sabay sunod sa multong si Kade.
Tumigil si Kade nang malapit na kami sa isang mayabong at mataas na puno. Itinuro niya lang ang puno at tuluyang naglaho sa aking harapan.
Huwag niyang sabihing nakabaon na si Nina! Ano bang pinag-iiisip ko! Alam kong buhay pa siya!
Hinawi ko ang mayayabong na halaman. Tinitigan ko ang puno at umikot sa palibot nito. Napansin ko ang sariwang mga dahon na waring kapipitas lang.
Aalis na sana ako nang maramdaman kong may malambot akong naapakan. Nang tingnan ko ang lapag ay nakita ko ang isang paa.
"Dave!" Gulat kong sigaw.
Nanginginig ang mga kamay kong hinawi ang mga dahong tumatakip sa katawan. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita si Nina na natutulog. Buhay siya!
Pagkalapit ni Dave ay agad siyang umupo at hinawakan ang pisngi ni Jane.
"Thank God!" Naiiyak niyang sambit nang maramdamang mainit ang katawan ni Jane.
Mabilis niya pang hinawi ang nalalabing mga dahon at agad na binuhat si Jane. Bumalik kami sa bahay.
Inilapag ni Dave si Jane sa sofa. Hinagod niya ang buhok ni Jane sabay halik sa noo at pisngi nito.
Talagang in-love ang mokong na 'to kay Jane.
Unti-unting iminulat ni Jane ang kanyang mga mata. Bumukas lang ang mga ito pero hindi siya kumikilos.
"Dave, inhalant." Sabi ko. Mukhang paralisado rin ang katawan ni Jane.
Biglang naalala ni Dave ang inilagay na inhalant sa kanyang chest pocket. Kinuha niya ito sabay tapat sa ilong ni Jane.
--------------------------------------
Nina
Nakita ko si Dave at Ate Bel nang muli kong imulat ang aking mga mata. Hindi ko pa rin maigalaw ang aking katawan. Kung nakikita lang nila ang mga ngiti na gusto kong ipakita, malalaman nilang sobrang nagpapasalamat ako at nakaligtas ako at nakabalik sa kanila.
May kung anong pinalanghap sa akin si Dave. Agad akong napasinghap. Lumalim ang aking paghinga at unti-unting nawala ang paninigas ng aking katawan. Napaungol ako sabay ubo.
Iniupo ako ni Dave at isinandal sa sofa.
"Jane." Buong pagmamahal na tawag ni Dave sa aking pangalan. Pinupog niya ako ng halik sa aking mukha sabay yakap sa akin nang mahigpit.
"Dave, are you okay?" Tanong ko sa kanya nang maalalang nakabulagta siya sa sahig nang huli ko siyang makita kanina.
"I'm fine. Don't worry about me. I was so scared thinking that I won't see you again." Bulong niya.
Napaiyak ako. "The killer is my uncle. His name is Shann." Sumbong ko.
"Okay Love, don't worry I already called the police; they'll be here soon. The blood in the bathroom is not yours, right?" Pagungumpirma niya.
Tango lang ang tangi kong naisagot.
----------------------------------------------
Pagdating ng mga pulis ay agad naming nirepeort ang nangyari. Sinabi nilang iimbestigahan nila ang kaso at hahanapin ang suspect na si Shann.
Hapon na nang makabalik kami sa bahay ni Dave. Nalinis na ang mga basag na salamin pero hindi pa rin ito napapalitan.
Pagkatapos kong magshower at magbihis ay muli kong kinuha ang bracelet. Gawa ito sa maliliit at iba't-ibang hugis na red crystal stones na pinagbuklod gamit ang gartered string. Mukha itong handmade. Naalala ko ang babaeng nagligtas ng buhay ko, si Meridith. Muli kong isinuot ang bracelet sabay ngiti. Ibabalik ko ito sa kanya sa muli naming pagkikita.
Pumasok sa kwarto si Ate Bel. "Nina, nandyan si Mr. Detective." Bungad niya.
Agad kaming bumaba sa living room.
"Sorry about what happened to you! I found out something." Nagmamadaling sabi ni Mr. Liam.
Umupo kami. Inilabas niya sa envelope ang isang profile.
"I searched his name when I read your diary. His name is Daniel Shann Rogers. He was adopted by Laine and Daniel Rogers in 1958. He is now 54 yrs old, 6'7" in height, muscular and big built." Tumigil siya sandali at inilabas ang isang larawan.
Siya nga, kamukha niya ang lalaking gustong pumatay sa akin. Kinuha ko ang close-up na larawan.
"Legally, he is not your uncle, but biologically he is. He is your father's younger brother. He was born with heart complications so your grandparents let him be adopted by a rich couple." Patuloy niya.
"He looks like your father." Side comment ni Dave.
"Why would he kill his biological family?" Takang-takang tanong ni Ate Bel.
"I still need to find that out, but definitely it's not because of money." Sagot niya.
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang profile ni Shann. Anong dahilan? Galit ba siya dahil pinaampon siya? Pero imposible. Base sa data, maganda ang naging buhay niya. Nakatapos siya ng kolehiyo sa isang magandang eskwelahan at nagkatrabaho bilang isang manager sa bangko.
Nakita ko ang profile ng pamilya ko na naiwan sa envelope. "Can I have all of these?" Tanong ko sabay kuha ng envelope.
"Yeah, sure." Sagot ni Mr. Liam.
"What else can we do right now?" Tanong ni Dave.
"Just stay put. I called a friend from the FBI and asked for their help. You will be under Police protection from now on." Sagot niya.
----to be continued-------
Last 5 Chapters na lang tapos na ang book 2!!!
Muli akong nagpapasalamat sa lahat ng mga readers na gabi-gabing nag-aabang, nagli-like, at nagco-comment.
Mamimiss ko kayong lahat pagkatapos ng book 2 😊😊
Monday na po ang next update