How Many Heartbreaks?

By jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... More

Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
💖👋

Kabanata 1

1.3K 40 10
By jiny0vng

Blake's POV

Umagang umaga umiiyak nanaman siya. Ano ba yan. Letseng syota niya yan.

Lalapitan ko ba? Huwag na nga. Tss.

Anak ng tinapa naman oh. Kung hindi lang dahil sa pesteng reputasyon na 'to matagal ko na siyang kinausap.

Eh paano ba naman.. Ano na lang iisipin ng mga tao kapag nakita nila na ang kilala nilang Blake Nathaniel Mariano ay lumalapit sa isang babae?

Oo. Tama ang ini- isip niyo. Kilalang- kilala ako dito sa Lego Academy. Ewan ko? Dahil sa looks? Dahil sa captain ako ng soccer varsity team dito sa school? I think not. Siguro dahil maraming babae ang gustong pansinin ko sila.

Ang alam kasi ng lahat, hindi pa ako na- iinlove. Ang alam nila, ayaw ko sa mga babae. Pero ang totoo niyan meron akong gusto. Matagal ko na siyang gusto.

Pero dahil sa lintek na pagkaka- kilala nila sa akin.. Hindi ko siya malapitan. Huwag niyong sabihing torpe ako. Sadyang, may pinapangalagaan lang akong reputasyon.

Alam niyo bang kahinaan ko makakita ng babaeng umiiyak? Eh sa ayaw kong ginagago mga babae eh. Kasi sabi ng tatay ko, kapag nang- gago daw ako ng mga babae para ko na ring ginawa 'yun sa nanay ko.

Sino ba yung babaeng matagal ko nang gusto? Si Savannah Andrea Corpus.

Pero, may boyfriend na siya. At sa kasamaang palad, lagi siyang gina- gago nito.

Kaklase ko siya pati yung syota niya. Pwe. Pinagmamasdan ko siya sa isang sulok pero syempre dapat hindi pahalata kasi nga dapat pa- cool ang mga galaw ko.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito ako. Ang hirap magtago sa isang pagkatao na hindi mo naman nakasanayan. Kabaligtaran ng pagkatao ko ang pinapakita ko sa kanila. Gusto ko lang maging proud ang mga magulang ko sa mga naa- achieve ko ngayon. Pangarap kasi ni Dad na makasali ako sa isang soccer team. So what do you expect? Sa tingin niyo ba tatanggapin ng mga taga- varsity ang hindi nila ka- uri? Ano pa nga ba ang ginawa ko? Ayun naging pa- cool ako kahit ayaw ko para sa lang sa kasiyahan ng tatay ko.

Ang bakla. Pwe. Siguro kung hindi ko ini- isip mga gusto ng magulang ko.. Petiks lang ako ngayon. Yung mga typical na lalaki sa isang paaralan na kasama ang tropa gumagawa ng mga kalokohan. Chix dito, chix doon. Yung mga palaging nasa detention.

Pero hoy mga tsong, sabi ko nga kanina ayaw ko mangloko ng babae kaya stick to Andrea lang ako. Olats. Ang bakla pakinggan eh.

Lalapit na sana ako kay Drea.. Buti na lang lumapit na yung bestfriend niya kaya napatigil ako.. Syempre, makikinig ako sa usapan nila.

''Hoy Andrea! Ano nanaman dina- drama mo dyan?'' Sabi ni.. Marie? Tae. Di ko alam pangalan niya pero marie ata. Ewan.

''Ah.. Marie. A- ano ba.. W- wala. Eto naman! Ha ha ha.'' Halatang pilit na pilit ang tawa ni Drea. Aw.

''Sus. Wala daw. Ano nga? Si Zico nanaman ba? Jusko naman teh! Kailan ka ba matututo? I- break mo na yan girl! Lagi ka na lang pinapa- iyak eh.'' Naka- pamaywang na sabi nung Marie.

Sarap lang talaga upakan nung Zico na 'yun eh. Kung hindi ko lang 'yun ka- varsity matagal ko nang binangasan ang ugok na 'yun.

''Ano ka ba, Marie. Okay lang sabi ako eh. Saka break? Huwag naman. Okay lang naman k- kahit n- nakalimutan niya yu- yung... birthday ko.''

@#&*@?! Nakalimutan ni Zico birthday ng syota niya? Gago talaga. Pero teka? Birthday niya? Okay lang naman siguro na nakalimutan ko diba? Atleast, hindi ko siya syota pero malapit na. Hahaha. Lul. Asa.

''Ahh.. Eh.. Ano ka ba, Drea! Baka naman may surprise or something? Pero sa itsura nung lalaking 'yun? Asa pa.'' Sarap din naman batukan nitong si Marie eh. Imbes na palubagin ang loob.. pinagdiinan pang walang surpresa si Zico sa kanya.

Lapitan ko na lang nga.

Asa kayo boy. Gustuhin ko man. Hindi pwede. Letse. Tss.

''Okay lang.. Baka busy lang si Zico mag- practice sa soccer. Magkaka- tournament daw kasi.'' Sabi ni Drea. Tang***. Ang pula na ng mata niya. Sina- sayang ni Zico ang ganda ni Drea eh.

''Shunga ka ba? Eh nandito nga si Blake eh. Meaning.. Wala silang practice!'' Sabay turo ni Marie sa akin.

@!#&#??! Ang bakla man pakinggan pero mga pre.. Nakatingin sa akin si Drea ngayon. Ito na ba 'yung mga paru- paro sa tiyan na sinasabi noong kapatid kong babae kapag tumingin sa'yo yung crush mo? Letse. Ang bakla.. Pero mga 'tol.. Ang ganda niya kaso umiiyak siya. Kung pwede lang sanang ako na lang ang magpasaya sa kanya, Eh di sana.. hindi siya iiyak ngayon. Nyeta.

''Huy Blake!!!'' Ay anak ng.. Ano ba? Teka, may tinatanong ba sila sa akin? Taena. Nawala ata pagka- cool ko 'dun ah. Wait. Ehem ehem.

Pa- cool effect : ON.

''Ah.. Bakit? Ano ulit?'' Sabi ko kay Marie sabay ayos ng buhok ko. Syea. Gwapo na ba ako? Hahahaha. De joke mga repapips.

''Ano bang iniisip mo? Kanina pa ako sigaw ng sigaw. May tinatanong sa'yo si drea kanina pa pero ang bingi mo. Maglinis ka nga ng tenga minsan.''

Letse. Ipahiya pa ako kay Drea. Pero okay lang atleast, nakita ko siyang tumawa dahil sa akin. Yeeeeeeee.

Naks tol. Ang bakla mo.

Ge. Ipaglaban mo yan. Taeng konsenya.

Pero teka.. Tama ba yung rinig ko? May gustong itanong sa akin si Drea? Letse. Ano kaya?

*lub dub lub dub lub dub*

May ischemic heart disease na ata ako eh. Tss. Biro lang. Sadyang ganon lang epekto sa akin ni Drea. He he.

Dfq?

''Ah.. Masakit kasi ulo ko eh. Init kahapon sa practice. Pero ano ba 'yun?'' Sabay tingin ko kay Drea. Syempre pa- cool lang. Mga tipong kunyari walang feelings pero deep inside.. kinakabahan na ako. Putek.

''Ah.. Ano b- blake? Nakita mo ba si Zico?'' Tanong ni Drea sa akin.

Oo. Nakita ko yung hampas lupa mong kasintahan sa labas ng Sta. Clara High nakikipaglandian sa ibang babae.

Pero syempre hindi ko sinabi yan.. Eh sa ayaw ko siyang masaktan pa lalo kaya ang sinabi ko na lang..

''Ah.. Nakita ko 'yun kanina. Kakatapos lang ata mag- warm up mag- isa nun eh. Saka ano, drea..''

*BLAAAAAAAAAG*

The fuck? Sino ba yang kumag na epal na walanghiya na yan daig pa ang bagyo kung makapagdabog ng pintuan eh? Babatiin ko sana si Drea ng Happy Birthday eh pero wala na. Epal. Tss.

''Tol! Pa- meeting daw sabi ni Coach!'' Sabi noong ka- varsity ko.

Lintek.

''Ge. Sunod na lang ako sa pre! Uso pala kumatok minsan? Ano?'' Sabi ko na lang sa kanya. Babatiin ko sana si Drea ng Happy Birthday kaso bigla siyang nagsalita..

''Blake, pwede favor? Pakisabi naman kay Zico na huwag siya magpapa- lipas ng gutom ha? Baka pagod na pagod yun sa practice.'' Sabay ni Drea na naka- ngiti. Kaya gusto ko 'to eh. Sa kabila ng kalungkutan niya nakukuha niya pang ngumiti. Tsk. Hay nako, ano bang meron sa Zico na 'yun? Ako na lang please.

Paanong ikaw na lang eh hindi ka nga nagpaparamdam? Hindi ka kumikilos. Torpe na pa- cool pa.

Bwiset. Ge.

''Ah.. Sige. Una na ako.'' Sabay talikod ko. Swerte rin naman ng ugok na Zico na 'yun eh. Sa kabila ng kalungkutan ni Drea ngayon dahil nakalimutan niya ang birthday nito.. Eh siya pa rin inaalala ni Drea. Sarap gawing bola ng soccer mukha ni Zico. Tss.

Kung ako si Zico, hindi ko gagawin kay Drea yan. Siguro, palagi siyang masaya tapos hindi ko yan padadapuan sa kahit sa isang langaw. Pwe. Mukhang nanay ang itsura ko pero di nga.. Seryoso, kung ako kaya si Zico, ganon din kaya ang pagbibigay ni Drea ng halaga sa akin?

Pero gaya ng sabi ko, hindi ako si Zico. Malayong malayo na magustuhan ako ni Drea dahil sigurado ako na.. arogante, mayabang at pa- cool na tingin sa akin ni Drea. Bwiset na buhay 'to. Makapunta na lang nga sa office ni Coach.

xxx

''Gago ka 'tol. Bilhan mo na lang ng Ice Cream. Sasaya 'yun for sure.''

''Ayaw ko nga. Tss. Gastos pa.''

''Ulol. Bahala ka nga. Hilig mo magpa- iyak ng mga babae eh. Kina- gwapo mo yan?''

''Letse. Oo na. Bibilhan ko na. Nagbibiro lang naman ako saka mahal ko kaya yun.''

Yan ang naabutan ko sa office. Kwentong pag- ibig ng mga co- varsity ko.

''Oy Blake! Tol! Nandyan ka na pala.'' Sabi ni Jones.

''Ay hindi. Picture ko lang 'to.'' Sarkastiko kong sabi sabay higa sa sofa sa office.

''Eto naman! Grabeng galit? Bakit nanaman ba?'' Usyoso ni Jones.

Eh kasi. Si zico ginagago nanaman yung babaeng gusto ko. Feeling gwapo din ng kupal na 'yun eh.

Grabe gustong- gusto ko na yan sabihin kay Jones pero ang tanging naisagot ko lang ay..

''La kang pake.'' Wow ha. Daig ko pa babaeng nag- memenopause. Hahahaha. Pwe.

''Ewan ko sa'yo Blake. Bilhan din kaya kita ng Ice Cream para hindi ka na magalit. Yeeee." Sabi ni Jones. Bwiset. Ano ako? Chix? -_-

''Ulol. Bakit ba? Ano bang meron sa Ice Cream na yan? Pampalubag loob ba yan?'' Sabi ko kay Jones.

''Ano ka ba pare! Kapag medyo moody mga chix bigyan mo ng Ice Cream! Tiyak sasaya ang mga 'yun.'' Sabi ni Jones. Ah. Ganon ba yun?

Teka. Moody si Drea ngayon. Bilhan ko kaya ng Ice Cream? Pero paano ko ibibigay? Damn it. Baka may maka- kita sa akin at gawaan pa ako ng kwento. Sigurado ako nasa headline agad yan ng school newspaper. Tss.

Ahhhh. Alam ko na. Iiwan ko na lang sa upuan niya kapag walang tao. Hahaha. Tumpak. Nice idea, blake.

''Ahhhh.. Tae. Aarte din ng mga babae no? Kasuka eh.'' Sabi ko na lang kay Jones. @#%& ayoko na magpanggap.

Ang tagal ni coach. Nakakabanas na ah. -___- Dali dali pa akong tinawag noong ka- team ko.. Wala pa naman pala si Coach. Hindi ko tuloy nabati si Drea. Bwiset.

After 1328101014362 years dumating na rin si Coach.. Kasabay si.....

Zico. Taena. Ge.

Meeting muna kami. Layas!

xxx

''Aaaaahhhhh! Si Blake. Omg!''

''Omg. Omg. Anong ginagawa niya dito?''

''Shocks. Ang gwapo niya talaga kapag naka pang- soccer ng jersey. Asdfghjkl!''

Fangirls. Dfq. Syempre, smile smile lang ako sa kanila pero sa loob- loob ko.. Seriously? Girls. Tsk. Ayaw ko talaga sa salitang ''popularity''. Tss. Kung sa iba feeling nila ang lawak na ng mundong ginagalawan nila dahil sikat sila, eh ako? Hindi. Pakiramdam ko ang liit ng mundong ginagawalan ko. Paano ba naman kasi, bawat galaw ko na lang may nakamasid? The fuck.

Nandito ako ngayon sa 7eleven. Ninja moves. Gyea. Bumibili kasi ako ng isang galon ng Ice Cream para kay Drea. Naks. Ako ba 'to? Hahaha.

''Blake! Para kanino yang Ice Cream?''

Chismosa. -__-

Pero syemps dahil plastic akong tao. Tsk. Plastic na ba talaga ako? Eh ginagawa ko lang naman 'to para maging proud si Dad eh. Lol.

''Ah.. Init kasi sa practice eh. Kaya naisipan ko mag- ice cream! ;)'' And I flashed her my seductive smile. Zzz.

Wooooooooo. Sinungaling.

Oo na. Alam ko. Tumahimik ka dyan.

''Bye, girls!'' Sabi ko sa mga babae sa loob ng 7eleven.

Grabe isang ganon ko lang, nagtiliaan na sila? Seriously? Girls. Ang babaw! Buti pa si Drea. Oo, si Drea na gusto ko na inlove na inlove kay Zico na manloloko. Ge.

Bitter tol? Bitter?

-____________________-

***

*Ninja moves*

Kinakabahan ako! Aaaaagggh. Gay. Fvck. -_-

Nandito ako ngayon sa classroom. Buti na lang wala pa yung mga kaklase ko!!! Nasa gym pa ata sila eh. P.E kasi namin ngayon. Eh excuse ako kasi malapit na ang tournament namin sa soccer.

Ano kayang magandang note para sa Ice Cream? Um..

Happy Birthday, Drea! - Blake

Erase erase. Ang ikli.

Hi, Drea. HBD! Ingat. :) - Blake

No. Bawal ang may ingat. Ang landi pakinggan.

Happy Birthday! Sana napasaya ka nito. Huwag ka na iiyak. Hehe. - B

Yan. Tumpak. Malagay na nga sa upu--

''Aw... Kitams! Sabi sa'yo eh. Hindi ka noon kakalimutan ni Zico. Yeeeee. Kilig much?''

Shit. Boses yun ni Marie ah. Dali dali kong kinuha yung Ice Cream at tumakbo ako sa upuan ko sabay bukas ng Ice Cream at sumubo nito.

''Oh Blake! Para kang nakakita ng multo ah.'' Sabi ni Marie.

Lintek. Buti na lang naka- balik agad ako sa upuan ko. Wrong timing. Dapat pala iniwan ko na agad yung Ice Cream eh. Zz. Bakit kasi nag- isip pa ako ng note na yan. Kalokohan. -_-

''Ahh.. Pagod lang ako sa practice. Stress lang.'' Sabi ko na lang sabay subo ng Ice Cream.

''Ahh.. Okay. Chill lang!'' Sabi ni Marie sabay pasok ng room. Kasunod niya si Drea, buti na lang masaya na ulit siya.

Alam mo yung feeling na masaya ka na nakikita siyang masaya pero at the same time masakit kasi hindi ikaw yung dahilan kung bakit? Ge.

Ngumiti siya sa akin sabay sabi..

''Hi Blake! Wow. Parehas tayong kumakain ng Ice Cream! Haha.''

''Oo nga eh.. Ibig sabihin meant to be tayo.''

The fvck. Nasabi ko ba yun? Eh nasa isip ko lang 'yun eh.

''Ha? May sinabi ka Blake?'' Sabi ni Drea habang umu- upo sa katabi ko.

''Ahh.. Wala wala sabi ko, Happy Birthday!'' Sabi ko sa kanya. Okay.

''Salamat. Galing kay Zico! Kala ko nakalimutan niya na eh. Narining niya daw kasi sa mga ka- varsity niya na isa ang Ice Cream sa nagpapasaya sa mga babae kaya binilhan niya ako. Awww ang sweet nga eh.''

Aaaaaaahhhh. Yung usapan siguro namin nila Jones kanina.

I smiled at her. Ang saya niya. Buti naman. Asa pa talaga akong magustuhan niya. Hay. Yung puso ko ngayon parang Ice Cream na pinabayaang nakatiwang- wang sa ilalim ng mainit na sinag ng araw. Tunaw na tunaw. Aw.

Okay. Useless din naman pla 'tong Ice Cream na binili ko para sa kanya kasi for sure.. mas sasaya siya kapag si Zico ang nagbigay. Okay lang kahit.. damn. Nahihiya akong sabihin pero..

Okay lang kahit masakit?

Oo. Sinabi na ni konsenya. Tao lang ako mga tol. Nagmamahal din. Hindi nga lang halata sa itsura ko.

Ganito ba talaga ang feeling? Literal na sakit eh. Pero dyahe, masaya siya. Yun lang naman gusto ko diba? Oo. Ang makita siyang masaya. Tama.

Okay lang ako ang masaktan, huwag lang siya. Kasi kapag siya ang nasasaktan mas triple pa yung sakit na nararamdaman ko eh.

Maka- kain na nga lang ng Ice Cream. Para sumaya ako. Hahaha. Chix ang peg. Tss.

Pero seryoso, Isa lang ang masasabi ko ngayong araw...

Sana sa sunod ako naman ang rason kung bakit masaya siya.

xxx

A/N :

Hi. Thank you. Medyo trip ko lang po. Hahaha.

Next chapter? Idk. :)

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...