I'm NBSB No More

By nayinK

1M 13.1K 1.2K

COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiw... More

Teaser/Intro
I'm 20 but still NBSB Fan-Made Teaser
I'm 20 but still NBSB Teaser by Nayin
First and Last Teaser by Nayin
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Epilogue
Special Chapter#1 - Case
Special Chapter#2 - Chat
Special Chapter#3 - Pinoy Henyo
Interview#1 - Geeo
Special Chapter #4 - Halloween
Special Chapter #5 - Wiggle
Special Chapter #6 - Pico
Ambush Interview with George
Special Chapter #7 - Gavin
Special Chapter #8 - 12 Days of Christmas
I Love View - Geeo and Alex's Story
Special Chapter #9 - TV5

Chapter 42

10.6K 198 32
By nayinK

#ImNBSBnomore

#ByeGGCouple



Chapter 42

Georgina



Bakit ang bilis ng oras? Ayoko pang umuwi. Super relaxing dito sa Zambales lalo na dito sa Anawangin. Hay.

"Tara na, mga anak," ani Papa na may dalang mga basket at paakyat na ng bangka.

Inalalayan ako ni George umakyat. Si Gia ay hawak ni Mama samantalang si Geeo naman ay nakasakay na rin. Ako ang huling sasakay.

"Bakit ka nakasimangot, Asawa ko?" tanong ni George nang makaupo na ako at nakapag-life vest na.

Bumaling lang ako sa dagat at hindi ko siya sinagot. Mamimiss ko talaga ang tanawin dito. Fresh air, sobrang linis na kapaligiran, ugh!

Naramdaman ko na lang ang yakap ni George mula sa likuran. Ipinatong niya rin ang baba niya sa balikat ko.

"Anong problema?"

"Mamimiss ko rito," mahina kong sagot.

"Babalik tayo rito, Asawa ko," sabi niya bago ako halikan sa pisngi.

Ngumiti ako. Umayos kami ng upo. Kinuha ko ang cellphone ko dahil naisipan kong mag-picture. May 3G naman ako sa phone. Huling post from Anawangin.

Pinangiti ko sina Mama sabay click ko. Pinost koi to sa instagram.

mrandmrsandrade: Bye Anawangin!

Nasundan pa iyon dahil nawili kami mag-picture ni George. C-in-ollage namin ang marami naming selfie.

mrandmrsandrade: First and Last <3

Syempre, hindi nakaligtas sa amin ni George sina Ronald at Ginny na magkatabi. Nag-uusap sila at nasa bandang unahan ng bangka katabi nina Athan at Matt. Sinabay na namin si Ronald since naiwan na siya ng unang bangka dahil sa pag-imbinta ko sa kanyang kumain ng tanghalian. Winelcome naman siya ng buong pamilya lalo na ni Ginny. Friends talaga sila. Hmm. Friends lang ba? Natawa ako sa iniisip ko.

Naalala ko kanina, lagi namin silang pinagtatabi ni Ginny. Tandem kami ni George sa Operation: Gawing couple sina Ronald at Ginny. Pinagtitinginan nga kami nina Mama kanina. Kinikilig kasi ako kahit nag-uusap lang sila. Si Ginny, iniirapan lang kami ni George. Si Ronald, hayun at pangiti-ngiti. Nako, darating din ang araw na mararamdaman nila ang kakaibang kabog ng dibdib.

Kinuhanan ko nan g picture ang dalawang couple.

mrandmrsandrade: Love is in the air. @matthew00 @athanandrade @gineaallie

Walang IG account si Ronald, e.

Sunud-sunod din ang post ko ng tanawin. Ang ganda-ganda kasi talaga. May instagram video rin ako ng alon ng dagat. Naninilamsik pa at nababasa kami paminsan-minsan.

Pinalipat ko si Geeo sa tabi ko at kinuha ni George si Gia saka ko ibinigay kay Athan ang cellphone ko para mapicture-an kami.

mrandmrsandrade: The Andrades' going home!

After thirty minutes, nakarating na kami sa pangpang at naglakad na papunta sa bayan. Natext na raw ni Ginny ang naghatid sa amin na sunduin na kami. Pagdating namin doon sa may bahay, nandun na ang sasakyan. Bumyahe kami pabalik sa Cabangan. Naligo at nag-ayos na kami para sa pag-uwi.

"Mamimiss ko ang mga batang ito," ani Auntie Lucy matapos hagkan sina Gia at George. Kinarga niya si Gia na panay katututo lang ng bagong salita.

"Tata-Ta-Ta."

Natuwa tuloy lalo sa kanya si Auntie kaya lalong hindi binitawan. Si Geeo ay pangingiti lang sa tabi. Namana talaga ng anak ko ang pagiging moody ko.  Well, nasa mood naman siya ngayon.

Napilit kami ni Auntie Lucy na maghapunan na na muna bago kami umalis. Sakto rin kasi na sasabay na sa amin si Ginny pabalik ng Dasma. Umuwi pa siya sa kanila para kumuha ng mga damit.

"Kumain na kayo at matagal pa ang balik noon ni Ginea. Akala mo dadalhin na noon ang buong bahay kapag nagaalsa-balutan iyon, e," sabi ni Auntie Lucy sabay tawa.

Ito ang isa din sa mga mamimiss ko rito! Pusit!

"Auntie, napagbalot niyo na po ba kami ng pusit na iuuwi namin?" tanong ko.

"Oo naman. Sampung supot ang nandun sa cooler na nilagyan ko na rin ng araming yelo para hindi masira. Ilagay niyo sa ref pagkauwi niyo."

Nginitian ko si Auntie.

"Favorite mo na ang pusit, a," sabi ni George sa akin.

"Sarap kaya!"

Kumain kami ng dinner kahit na ala-singko pa lang. Pero dahil wala pa si Ginny, nakapag-bake pa sina Athan at Matt ng cupcakes.

"Sorry, natagalan." Hinihingal na sabi ni Ginny pagpasok niya sa bahay. May dala siyang maleta.

"Maupo ka muna at magpahinga bago tayo aalis," sabi sa kanya ni Athan.

Napatingin kaming lahat sa kapapasok lang na si Ronald. Autmatic naman akong napabalik ng tingin kay George at sabay pa kaming napangiti. Haha! Alam na!

Natahimik ang lahat kaya namula si Ginny.

"Kuha lang ako ng tubig."

Hindi ko napansing nawala si Ronald, a. Sinamahan niya pala si Ginny. At ang tagal nila. Well, well, well.

Naramdaman ko ang paglapit sakin ni George. May binulong siya. "Bakit kaya ang tagal nila?"

Napalakas ako ng tawa then I shrugged. At dahil hindi ko siya sinagot, bumulong na naman siya. "Fan ka nan g GR, a."

"GR?"

"Ginny and Ronald."

"Napaka-creative naman nun," sarkastiko kong sabi. "RonNY, GinRo, RoGin. Ang panget. GR na nga lang!"

Sabay kaming napatawa.

Si Tatay Roger ulit ang nag-drive. Puro kami tawa sa sasakyan dahil si Athan at Matt ay nagda-dialogue sa ginawa nilang play noong surprise sa akin ni George. Kalakasan ang tawa ni Ginny. Ang hyper-hyper niya ngayon. Si Ronald naman ay siguro nahihiya kaya tahimik lang na nakikinig. Syempre, dahil sa amin ni George magkatabi sila ni Ginny. Nasa tabi sila nina Matt at Athan. Maluwang kami noong papunta. Ngayong pauwi ay sakto na. Though hindi na makahiga si Geeo.

"The best talaga si Kuya Athan! Napaka-talented!" nakikisabay din ng pagtawa si Gwen kay Ginny.

"Well, ako pa ba?" ani Athan.

"Kaya nga love kita, e," singit naman ni Matt sabay kurot sa ilong ni Athan.

Si Nanay Maria ay ngiting-ngiti rin.

"Number 1 fan niyo talaga ako Matt at Athan," sabi ni Ginny.

"Mag-boyfriend ka na rin, Auntie," sabat ni Gwen.

Natigilan kaming lahat at maya-maya pa'y si Ginny na ang inasar nang inasar ng mag-nobyo at ni Gwen. Hindi na ako nakisali. Nagkatinginan kami ni George sa salamin.

Then he mouthed, "GRCouple!"

Nakatawagan ko rin si Blesie habang nasa biyahe. Mukhang okay na siya dahil ang gaan nan g boses niya at masaya. Wag na raw akong mag-alala dahil inaayos nilang mag-asawa ang problema. Saka laking gulat ko na hindi naman daw pala anak ni Patrick iyong dinadala ng babae niya. Inamin na raw noong babae dahil ayaw na nitong maging komplikado pa lalo. Pareho lang daw silang nadala ni Patrick dahil may problema rin ito sa asawa.

Noong nalaman ko yun ay para akong nabunutan ng tinik. At least.

Sobrang saya raw ni Patrick nang malaman buntis siya. Napangiti ako dahil ang batang iyon ang lalo pang magpapatatag sa samahan nilang dalawa.

Bukas pala ay babalik na sina Papa at Gwen sa Quezon dahil may pasok na si Gwen. Sina Athan at Matt din ay balik trabaho na. Ako rin siguro saka si George.

Pagkaparada namin sa labas ng bahay namin, namataan ko agad ang isang babae na nakaupo sa tapat ng gate. Nang mapansin nitong tumigil ang sasakyan, tumayo ito at nagpagpag ng kamay. Unang bumaba si Papa para buksan yung gate. Sumunod na rin ang Mama ko para lapitan yung babae. Pinasok muna ni Tatay Roger ang sasakyan saka kami bumaba. Dumeretso na ang lahat sa loob. Hinila na rin ako ni George. Sino kaya yung babae? Gabing-gabi na, a. Buti at pinayagan rin siya ng mga guard sa village na makapasok.

Naupo kami ni George sa sala. Silang lahat ay nag-akyatan na sa kwarto. Pagod siguro sa byahe. Alas onse na rin kasi. Hinatid na rin ni Nana yang mga anak ko sa kwarto nila.

"Tara na sa kwarto," yaya ni George.

"Wait natin si Mama. Nakita mo yung babae kanina? Baka may kailangan siya."

"Sige," sabi niya sabay balik ng upo. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Maya-maya pa'y dumating na si Mama at kasunod niya ang babae. Simple lang ang suot niyang t-shirt at jeans. Mukhang mas bata pa siya sa akin.

"G, George," sabi ni Mama. Parang sumeryoso siya. "Si Leny. Leny, sina G at George."

Pinaupo namin si Leny at si Mama. Hindi naman siguro siya maghihintay at pupunta ng ganitong oras kung hindi importante ang sadya niya.

"Good evening," bati ko.

"Magandang gabi rin po."

Nakita ko ang kaba sa kanyang mukha. Tumungo lang siya matapos akong batiin. Nakahawak din ang mga dalawang kamay niya sa laylayan ng damit niya.

Nagtataka ako kung anong dahilan niya. Si Mama kasi ay nakatingin lang samin ni George. Ilang sandali pa ng nagsalita na siya.

"Mga anak, si Leny...siya ang totoong nanay ni Geeo."

Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Mama ay napahawak ako kay George. Parang tumigil ang mundo ko.

Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito?

Ayoko. Ayokong isipin. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala sa amin si Geeo.





www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter

Continue Reading

You'll Also Like

435K 6.2K 24
Dice and Madisson
11.8K 2.5K 26
(Completed) (Under Editing) When disaster paved Katalina's life, a new beginning strike to her. New face of a man, new taste of love, and new way of...
8K 598 35
Hindi ito tipikal na kuwentong may masayang pagtatapos. Isa itong kuwento ng "matamis" na trahedya. Karamihan sa atin farsighted, nakikita lamang ang...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...