Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
06.
07.
08.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

09.

38.1K 1.6K 622
By maentblack


Demrene's Point of View


Bakit nandito si Eris? Anong gagawin ko?

Hindi naman pwedeng makita ni Eris ang ginagawang pagtataksil ng kaibigan niya at ng babaeng mahal niya.

This is unfair! Unfair ang ginagawa ng dalawang ito kay Eris! Eris doesn't deserve this kind of people!

Napalunok ako at kinuyom ang mga palad. Muli kong tinignan sina Xyzhie at Zach. They are still crashing their lips in each other. Malapit na rin si Eris. Kaunting lakad na lang niya ay malapit na sya sakin.

I'm still confused. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong gawin.

Should I let him see what they are doing or should I stop him para hindi siya masaktan sa maaari nyang makita?

But I know, soon... masasaktan siya sa oras na malaman n'ya 'to.

Argh! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!

Maglalakad na sana ako papunta kay Eris nang maramdaman ko ang presensya niya sa harapan ko.

"Eris!" Gulat kong saad.

Tinignan lang niya lang ako at ipinukol ang tingin sa door knob na nasa pagitan naming dalawa.

Akmang hahawakan niya iyon pero humarang ako sa may pinto. Umiiling ako habang nakatingin sa mga mata niya.

Bumakas ang pagtataka sa mukha niya, pati na rin ang inis.

"What are you doing?" Seryosong saad niya.

Tumikhim ako. "Ah... kasi. S-sarado na kasi yung pinto. N-nakalock na."

Para namang hindi niya ako narinig. Nagulat pa ako sa bigla nyang pagtulak sakin. Napalayo ako sa door knob dahil doon.

Nanlaki ang mga mata ko nang mahawakan niya ang knob. Pipihitin na nya sana ito ngunit kusang nagrl-react ang katawan ko at tinulak siya papalayo sa pinto.

Isang dipa siyang napatalsik sa pintuan. Alam kong nainis siya dahil doon pero hindi nga kasi nya pwedeng makita ang pagtataksil noong dalawa!

Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko syang makita na nakikipaghalikan ang girlfriend nya sa best friend nya gayong gustong gusto ko na silang magbreak!

Pero kasi... masasaktan si Eris. Alam kong masasaktan sya.

"Ano bang problema mo, Ms. San Mateo?" Inis na sabi ni Eris. Ang makakapal nitong kilay ay nangungunot na.

"S-sarado na nga!" Sigaw ko sa kanya.

Iyon na lang ang paulit-ulit kong palusot dahil wala talagang pumasok na matino sa isip ko.

Kelan pa ba ako nakapag-isip ng matino sa harapan nya?

Ngunit hindi pa rin ito natinag. Lumapit siya sakin at tinignan ako ng mabuti.

"Alis." Saad nito.

Umiling ako.

Napapikit siya at inayos ang pagkakasabit ng kaniyang bag sa kanang balikat. Huminga ng malalim at tinignan akong mabuti.

"Kapag hindi ka umalis dyan, mapipilitan akong saktan ka." Pagbabanta nito.

"Gawin mo na ang lahat sakin pero hindi pa rin ako aalis dito!" Patuloy kong sigaw. "Sarado na nga kasi. Useless din kung—ahhh! Eris!"

Hindi ko napigilang hindi sumigaw nang bigla niya akong binuhat at ilayo sa pintuan.

Nakasampay ako sa kaniyang balikat at tanging isang kamay lamang ang nakasuporta sa pagkabubuhat niya sakin.

Dala niya sa kabilang kamay ang aking bag. Hindi ako makagalaw dahil bukod sa masakit ang tiyan ko dahil sa paraan niya ng pagbubuhat ay baka maihulog nya rin ako. Gustong gusto pa naman niyang sinasaktan ako.

Tumigil siya sa paglalakad. Binaba niya ako sa may hagdanan at doon na walang pakundangang ihinagis ang aking bag.

Inayos ko lang saglit ang blouse ko at sinamaan siya ng tingin. Tatakbo sana ako pabalik sa library ngunit parehas kaming napatigil ni Eris nang bumukas ang pinto.

"Babe?!" Si Xyzhie, lumabas na siya sa library. Kung ganon ay tapos na sila. "What are you doing here? Why are you with her?" Inosenteng saad nito sa mababang tono ng boses.

Kumulo naman agad ang dugo ko nang lumapit siya samin at parang walang nangyari roon sa loob.

Napatingin ako sa may pinto. May isa pa akong tao na hinihintay na lumabas. Bakit hindi pa lumalabas si Zachary?

"Uh, no. Nakasabay ko lang s'ya. I'm not with her." Sagot ni Eris na kaagad naman akong tinalikuran.

Tumango naman si Xyzhie at mabilis na ipinulupot ang kamay sa braso ng kasintahan.

"Okay. Uhm, let's go?" Aya ni Xyzhie. "Kanina pa kita hinihintay."

Sumunod naman sa kanya si Eris. Patungo silang dalawa sa library habang ako ay naiwang nakatayo lamang sa corridor.

Napabuntong hininga na lamang ako at napapikit. Bakit kasi hindi ko hinayaang makita ni Eris ang lahat ng yon?

Nakakainis ka talaga, Demrene!

Pinulot ko ang aking bag at akmang maglalakad na pababa ng hagdan nang makita kong lumabas si Zach sa kabilang room na katabi ng library.

Bakas na bakas sa mukha ko ang gulat at hindi ko maitatanggi iyon. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Aligaga akong humanap ng daan. Hindi ko alam kung saan ako dadaan kaya tinungo ko na lang ang kabilang direksyon.

Hindi ko alam kung nakita nya ba ako kanina pero sa tingin ko naman ay hindi. Sana nga ay hindi.

Lakad-takbo akong nakalabas ng building. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas pero nagpapasalamat ako dahil nakalabas pa rina ako.

Tumigil lang ako saglit sa labas ng building at huminga ng kaunti. Sobrang napagod ako sa paglakad at pagtakbo.

Pero... paano nakalabas sa library si Zach ng hindi ko man lang nakikita at bakit sa room na iyon siya lumabas? Si Zach ba talaga iyong nakita ko o namamalik-mata lang ako? Pero kilala ko kasi ang boses na iyon! Kanyang kanya yon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang hapo. Huminga ako ng ilang beses bago ipagpatuloy ang paglalakad.

Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Maddy. Naiinip na siguro ito sa kahihintay sakin.

"Hello?" Bungad ko.

"Asan ka na? Ang tagal mo ha!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Gate na."

Pagkasabi ko noon ay pinatay na rin nya agad ang tawag. Bakit kasi hindi na lang niya itinext yon? Nagsayang pa sya ng 3 minutes call.

Umiling na lamang ako at isinilid muli sa bulsa ang telepono. Mas binilisan ko pa ang aking takbo at hindi na lumingon.

Nakarating kaagad ako sa sasakyan nina Maddy. Bubuksan ko sana ang pinto sa back seat ngunit naka-lock ito.

Kinatok ko ang bintana ng tatlong beses. Bumaba naman ang salamin sa bintana ng passengers seat sa bandang unahan.

"Dito ka sa tabi ko." Boses ni Matt ang narinig ko.

Alam kong kagagawan na naman niya kung bakit nakalock ang pinto sa back seat. Hindi pa ako nasanay sa galawan nyang ito.

Napabuntong hininga na lamang ako at binuksan ang pinto sa unahan.

Nang makasakay ay sinilip ko si Maddy. Abala siya sa pagce-cellphone kaya inirapan ko ito. Kaya naman pala hindi nya mabuksan-buksan ang pinto! Nasa cellphone ang atensyon.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Maddy.

Napalunok ako at ikinabit na lamang ang seat belt. Hindi ako sumagot. Naalala ko iyong ginawang paghahalikan ng dalawa.  Kinikilabutan ako kapag naaalala ko yon. Plus, naaalala ko kung pano sila nagtaksil kay Eris.

Pesteng Xyzhie 'yon! Sinasabi ko na nga ba't may tinatago rin syang kalandian, e. Si Zach pa talaga ang ginamit niya!

"Nakipagkita pa kasi kay Eris yung kaibigan mong marupok." Tumatawang saad ni Matt ngunit bakas ang sarkasmo sa kanyang tinig.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng isang kilay ngunit nginisian lamang ako nito.

"Akala ko ba tapos na kayo? Di mo na sya gusto?" Pagpapatuloy ni Maddy.

"Anong tatapusin sa kanila, eh hindi naman sila?" Sabat ni Matt na ikinatawa naman ni Maddy.

Dahil sa inis ay nakapagsalita ako. Pinipikon ako ng dalawang ito.

"'Di ba sabi ko may kukunin ako sa library? Hindi ako nakipagkita sa kanya!" I lied.

Pero hindi ko naman sinasadyang makita si Eris, e. At least hindi pa rin ako nakipagkita. Mali iyong inaakusa nila sakin.

"Talaga ba?" Mapang-asar naman na tanong ni Matt.

Tinignan ko siya. Tumingin din ito sakin kaya umiling ako.

"Bahala ka!" Tumagilid ako at humarap na lamang sa bintana.

Nakakaasar talaga itong magkapatid na 'to. Ang lakas ng pang-asar nila!

Tahimik lang ang lahat habang nasa byahe. Walang may balak gumawa ng ingay kahit si Maddy. Siguro ay napagod talaga sya sa maghapon.

Nang madaanan namin ang bahay nina Maddy, tumigil ang sasakyan at lumingon si Matt. Kita ko iyon gamit ang peripheral view ko kahit diretso lang ang tingin ko s wind shield.

"Bumaba ka na." Parehas kaming nagulat ni Maddy sa sinabi ni Matt.

"Ako?" Nakaturo pa ang daliri ni Maddy sa kaniyang sarili.

"Oo. Mauna ka ng bumaba."

"Mamaya na. Sasama na ko sa paghahatid kay Dem. Go. Drive." Saad ni Maddy na ipinagpatuloy ang pagba-browse sa kaniyang telepono.

Hindi na lang naman ako nagsalita at nakinig na lamang sa dalawa.

"Bumaba ka na. I need to talk to her." Pag-uulit ni Matt sa kapatid.

"Then talk to her. Hindi naman ako makikinig!"

"Maddy!"

Nakita kong napairap na lamang si Maddy sa kanyang kuya.

"Fine! Bababa na!" Padabog nyang binuksan at isinarado ang pinto.

Pumunta muna ito sa bintana ng kuya niya at kinatok.

"Take care of her, kuya! Sinasabi ko sayo. Sakin ka malilintikan. Height doesn't matter on your cute sister, understood?" Parang nakakatandang paalala ni Maddy kay Matt.

Napaismid na lamang ako dahil sa dalawa.

"Tss. Cute your ass! Pumasok ka na ro'n!" Suway naman ni Matt.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Maddy at inaktong gigilitan ito ng leeg gamit ang darili.

Pagkapasok ni Maddy sa loob ay muling ibinalik ni Matt ang atensyon sakin.

Umirap lang naman ako at tumagilid. Ayos naman kami kaninang umaga pero ngayon ay hindi.

Bukod sa hindi niya ako pinapansin simula noong piliin kong sumama kay Eris ay inasar nya rin ako kanina.

Magaling akong mang-asar pero mabilis din naman akong mapikon. Hindi ko alam? Sobrang nakakaasar lang kasi kapag iyon ang ginagamit nila para mapikon ako.

Muli na naman kaming natahimik. Mabagal lang ang pagdadrive nya at parang sinasadya n'ya iyon. Alas otso na ay nasa kalsada pa rin kami. Parang kanina lang ay sobra kung mapaharurot niya ang sasakyan pero ngayon, parang mas mabilis pa ang takbo ko kaysa sa takbo ng sasakyan nya.

"Sinasadya mo bang bagalan para masolo mo 'ko?" Wala sa wisyo kong tanong.

Bumungisngis si Matt at umiling. "Lakas ng confidence mo ah? I'm just playing it safe. Mapapagalitan ako ni Maddy kapag naaksidente tayo."

"Reason." Masungit kong saad.

Tumawa lang naman siya sa sinabi ko. Hindi na ito muling nagsalita pa at ipinagpatuloy ang pagdadrive.

Nang tuluyan na kaming makarating sa bahay, itinigil nya ang sasakyan sa tapat ng aming gate.

"Thanks." Walang gana kong saad bago alisin ang seat belt.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero bigla itong naglock. Napairap ako sa kawalan at muli na lamang inalis ang lock ngunit naglock na naman.

Nakailang beses iyong nangyari bago ko inis na harapin si Matt.

"Matt!" Sigaw ko sa pangalan nya.

"Cute." Nakangiti nitong sabi.

"Bababa na ako!"

"Edi bumaba ka."

Inis akong tumalikod sa kanya at muling inalis ang lock ngunit ng maalis ay naglock na naman ulit.

"Matt, isa pa!" Asik ko. "Hindi na nakakatawa."

Humarap ako sa kanya at kakaiba na ang timpla ng mukha niya ngayon. Seryoso na ito.

"Stay here. Just a second. Just stay here... with me."

Napakunot-noo naman ang noo ko.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Dito ka muna. Samahan mo muna ako." Sagot nya.

Natagalan naman ako bago makasagot. Ano bang problema nya? Bakit parang napakalungkot nya ngayon?

Nasan na yung joker at bibong Matt?

"A-ayoko. May gagawin pa ako." Sagot ko.

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit natigilan ako. Kusang tumigil ang kamay ko.

Mariin akong napapikit at bumuga ng hangin.

Ano ba talaga kasing problema nya?

Humarap ako kay Matt at nakakunot-noo siyang tinignan.

"Problema mo ba?" Tanong ko.

"Kala ko ba bababa ka na?" Hindi sya sakin nakatingin. Diretso lang ang tingin sa kalsada. "Baba na."

Bumuntong hininga ako. "D-dito na muna ako." Bahagyang tumikhim. "Samahan na muna kita."

Hindi naman kasi talaga ako masama. Kahit papaano ay may puso pa rin naman ako.

Nakita ko ang bahagyang pag ngiti nya. See? Gusto lang talaga nitong mantrip e.

"I'm just kidding. Sige na. Pumasok ka na ro'n sa loob." Tumingin ito sa kanyang wrist watch pagkatapos ay tumingin sakin. "It's also late. Lalo kang papangit kapag nagpuyat ka."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. "So, ibig mong sabihin pangit ako?"

Nagkibit-balikat lamang siya at ngumuso.

"Tangina mo talaga, Matt! Bahala ka nga dyan."

Muli ko sanang bubuksan ulit ang pinto ngunit naglock ulit ito.

"Dem, wait." Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.

Agad ko naman iyong iwinasiwas noong humarap ako sa kanya ngunit napigil ko ang aking hinga nang maramdaman ang paglapit niya sakin.

Napaatras ako sa may pintuan. Palapit naman siya ng palapit at parang hahalikan na nya ako.

Natikom ko ang aking bibig at napapikit.

A-anong gagawin nya? Hahalikan ba nya ako?

Napahigpit ang kapit ko sa seat belt na hawak ko. Atras din ako ng atras dahil ramdam ko ang presensya nya malapit sakin.

Sandali kong naimulat ang kabilang mata nang narinig ko ang malalim na tawa ni Matt.

"I'm not going to kiss you. Save it for the right man." Ngumiti sya. "Save it for me."

Napalunok naman ako ng laway at umiling ng matauhan na nakatingin pala ako sa mapupula niyang labi.

"A-at sino namang may sabi na right man kita?" Nabubulol kong tanong.

"Kasasabi ko lang 'di ba?" Ngumisi ito. "Ganda mo sana kung di ka lang tanga." Malutong nitong saad.

Nag-usok naman agad ang tainga ko at malakas siyang itinulak. Tumalsik sya pabalik sa drivers seat at nakuha pang tumawa.

Sinamaan ko lang ito ng tingin pagkatapos ay bumaba ng sasakyan.

"Dem!" Napalingon ako ng tawagin ni Matt ang pangalan ko. "Bye, baby. Sweet dreams." Pagkasabi nya noon ay kinindatan nya ako.

Ngumisi naman ako at itinaas ang middle finger ko. "Sweet dreams!" Sigaw ko.

"Fuck, shit! How sweet?" Umakto pa itong tinamaan ng arrow ni cupid sa puso kaya humawak siya sa kaniyang dibdib.

Umirap na lamang ako at tuluyang isinarado ang gate.

Pathetic!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 269 78
Unexpected Confession (Epistolary)
1.5M 51.6K 39
Nananahimik ang mundo nya, ngunit dahil sa patimpalak na yun ay nabago ang ikot nito. Sino nga bang maniniwala na ang isang totomboy-tomboy na babae...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...