His Beautiful Liar

By LibRanz01

465K 18.5K 1.9K

Blake Arizona and Alysson Kaye Melliza More

His Beautiful Liar
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
Epilogue

chapter 32

9.1K 441 41
By LibRanz01

Chapter 32

Aly

His sister is so witty. Hindi nakaligtas sa bibig niya na magkamukha nga kami ni Stacy. Noong una ay akala niyang hindi ko ito kilala ngunit hindi ko iyun pinagkaila. Buti na lamang at hindi na naungkat ang kinasangkutan ko dito. Humaba ang usapan namin ng higit isang oras. Kung hindi pa tumawag ang sinasabing Darlene ay wala na yata siyang planong tantanan ako. She was so interested in me na sobra kong ikinaba. Panay ang sulyap ko Kay Blake para magpatulong sa kapatid niya. At salamat naman na siya minsan sumasagot kapag hindi ako nakapagsalita agad.

Para siyang imbestigador, ang dami niyang tanong kung paano kami nagkakilala ng kapatid niya. Kaya sobrang awkward. Half of the story were true but the other half were hidden. Hindi ko inakala na iyun ang sasabihin ni Blake.

"Wow, it's so amazing. Kaya pala itong Mongoloid na ito ay ang saya-saya galing sa bakasyon niya. Akala ko yung ex niya yung kasama niya at nagkaayus sila. Naku! buti nalang hindi. But then...naging halimaw yan sandali noong hindi ka na niya mahagilap. Ang sungit, lahat nalang ng tao may kasalanan yata sa kanya. Hahaha, I bet muli ka niyang makita doon sa party Noh? Nakita kasi kita, Kala ko nga noong una... Yung bitch niyang ex... Hahaha, hindi pala. No offense ha, sorry." tuwang-tuwa talaga e.

Nakita kong pumikit si Blake habang pinisil ang aking bewang. I guess he's trying to apologize for his sister's behavior. Kaya natawa nalang din ako Kahit kinakabahan.

When she's finally out of the room ay saka pa lang nagsink in sa akin na nakausap ko na talaga ang isa sa pamilya ni Blake. It's was so overwhelming.

Hinatid ni Blake ang kapatid sa Oslob kung saan naroon ang Kababata nilang si Darlene.  Ilang ulit siyang nagpaalam at sinabing babalik agad bago tuluyang umalis. Niyakap din ako ng kapatid niya sabay saving...

"I would love to set a time para naman mabonding ka kaso mukhang bantay sarado si boss." Humagikhik ito saka kumaway. "Chiao!"

The whole time na mag isa ako sa aking desk ay wala akong natapos. Paano, ang daming sumasagi sa utak ko. Iniisip ko ang sinabi niya.  Inlove siya sa akin. Totoo kaya yun? Or he's just bluffing? Masyado akong blind sa mga ganitong bagay. For me, ang sarap nitong pakinggan, ang sarap sa pakiramdam.  Ngunit kung iisipin ko ang pamumuhay namin ay mukhang imposible. Nakakatakot mainvolve. Kailanman ay hindi sumagi sa isip ko ang mangarap ng isang mayaman. Lumaki kami sa simpling buhay, iniraraos ang araw-araw at kasamang humalo sa dagat ng mga naglalakad sa daan upang maka save ng pamasahe. Para sa amin ang mga tulad nila ay pinaglilingkuran. Magtatrabaho sa kanilang mga kompanya Kagaya nga ng ginagawa ko ngayon.

One of the richest family in the country,  Arizona Empire.

Just wow.

Tinapon ko ang mga guniguning iyun, siguro nadala lang siya ng intensidad sa pagitan namin kanina, mamaya, magsusungit na uli iyun. Sana nga.

At dahil ayaw kong magkamali sa trabaho ay hindi ko na pinagpatuloy. Alas dyis na din at tanghalian na, naghanda nalang ako ng pagkain habang hinihintay siya dahil hindi ko rin naman alam kung pupunta ba kaming Mandaue.

Naghanda ako ng sinigang na baboy, sana lang ay magustuhan niya. Habang nagpapalambot ng Karni ay tumawag ako sa bahay para kumustahin si Gavin. Immunization pala niya ngayon sa center at dinala ito ni nanay at tatay. Mamayang gabi paniguradong lalagnatin na naman ito. Tsaka lately ay namamaga yung gums niya,  ang sabi ni nanay ay malapit na itong mag-ipin. Kaya minsan ay iritabli daw ito at nangangagat.

Hay,  gusto ko siyang tutukan. Dati kasi sa mga kapatid ko ay madalas nagkakasakit sila. Hindi naman malubha pero kailangan talaga ng pasensya at pag-aaruga. I miss my son everyday. At ngayon mukhang may something  sa pagitan namin ng tatay niya ay baka anytime soon masasabi ko ang tungkol sa kanya. Ngunit tama kaya iyun?  O habang mas maaga pa ay iiwas ako?  Pero paano din kung totoo nga ang simulang ito?  I don't wanna risk my son,still.

Just in time, ay nakarating si Blake pagkatapos kong ihanda ang tanghalian sa mesa.

"What's that? Sinigang?" Excited niyang tanong at tiningnan ang bowl.

"Oo, sana okay lang sayo na yan ang hinanda ko. Nakakaumay na rin kasi ang mga putahi mo e." Sabi ko at tinanggal ang apron.

"My mom used to cooked this at home. Pero simula college ay minsan nalang akong nakakain nito. Busy na kasi sa school at sa opisina, lalo na noong bumukod na ako." Sabi niya. 

Iba talaga mayayaman.

Kinuha ko ang baso at nagsalin ng tubig, nauhaw kasi ako dahil ang init ng apoy kanina. Ngunit nagulat ako nang nasa likod ko na siya at niyakap ako. Kamuntikan na akong masamid.

"Dad said,  love a woman like your mom and your life will have a full happiness and contentment." Hinalikan niya ako sa buhok saka sa pisngi.

"Sa lahat nakilala kong mga babae,  you're effortless."

Nangilabot ako sa ginawa niya.  Nakakapanghina at nakakabingi sa puso.

"Ahm... Sir-"

"You're  fired." Mariin niyang bulong. Mas lalong humigpit ang yakap niya.

Nanlaki ako mga mata ko sa sinabi niya, parang nahulog ang puso ko.

"Ano?" Hindi pwede!  Paano na yung Anak ko? Kung mawawalan ako ng trabaho?

" We already kissed and shared a steamy night in bed. Kahit na matagal na Yun, counted yun. Tapos tatawagin mo lang akong Sir?" Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Pero kailangan ko ng trabaho."

He smiled creepily.

Habang kumakain ay hindi ako mapalagay. Mawawalan pa yata ako ng trabaho nito. Hindi uli kami pumuntang Mandaue, naging busy siya sa phone pagkatapos ng sobrang mapagmatang tanghalian.

Mas lalo akong nawawalan ng ganang magtrabaho. Nakalutang ang isipan ko.  He is not serious, I wished. Dapit hapon ay umalis ito kaya Naghanda ako ng hapunan para makauwi na ng maaga. Sana lang may trabaho pa ako bukas.

He is all smile at dinner while I'm irritated. How could he.

"Why are you frowning?" Natatawa niyang tanong.

Halos umirap ako.

"I'm fired. So magsasaya pala ako?" sarcasm.

Lalo lamang siyang ngumiti.

"Come here." Tawag niya.

Hindi ako tumalima, Bahala ka sa buhay mo.

Tumaas ang dalawang kilay niya.

"Fine, I have a work for you. I will put you on a higher rank which you cannot call me Sir."
Seryuso niyang sabi.

Ano?  Tama ba ang narinig ko? Kung siya ang CEO, Kahit anong posisyon sa trabaho dito ay tatawagin talaga siyang Sir, Sira.

"Walang ganon,  ginagago mo ba ako? E ikaw ang may pinakamataas na posisyon dito.  Lahat tinatawag kang boss or Sir. Kahit bilang yaya mo, sir parin ang tawag sayo." inis kung sabi.

"Oh, yeah.  That's true but... How about being my wife?"

Ang init ng buong mukha ko. Parang sasabog na yata ako anytime. Napanganga din ako dahil nawalan ng sasabihin. Hokage moves? May ganon ka?  Papatayin mo pa ako sa kilig kang gago ka.

Tumayo ako at nagligpit. Tapos na din naman kaming kumain, kaya nilagay ko ang mga kubyertos sa lababo.

Hamalakhak ito ng paglutong. Tawang-tawa talaga siya.

"Your face was priceless." Tatawa is din.

Pinagtatawanan pa talaga ako kaya mas lalo akong namula at hindi na talaga makatingin sa kanya. Minadali ko ang paghuhugas para makauwi na pagkatapos ay Ihahanda ang pantulog niya.

I stiffened when  he hugged me from the back.  Ang hilig niya talaga ng ganoon, nakakapanghina.

"I'm sorry, alam ko naman na hindi pa ngayon. Tatrabahuin natin yan. Just don't call me sir,  at least kapag tayung dalawa lang." Malambing  niyang sabi.

Akala ko wala na akong trabaho.

He kissed my neck. Napapikit ako. Tumaas ang kamay niya at gumapang patungo sa aking dibdib. Nahigit ko ang aking hininga. Ang isang kamay niya ay giniya ang aking baba pagilid upang tagpuin ang mainit niyang labi.

Nagpadala agad ako sa init ng damdamin at humalik din. Pinisil niya aking dibdib dahilan upang mapaungol ako. My whole body is getting hot. And my flesh is starting to wet. Shit!

Bumitaw ako,habang may kunti pang katinuan.

"I need to go."

We're both panting and catching our breath. Tinago niya ang kanyang mukha sa aking buhok at sininghot ito.

"Let me drive you home. Please. Kahit hanggang kanto lang."

















❤Lyra

Unedited. Pasensya na.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.8M 61.5K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...