chapter 18

8.4K 358 53
                                    

Chapter 18

"Miss Selene, alam mo naman na maliit pa yung baby ko. Kayo nalang po." Kumbinse ko sa kanya.

"Alam mo Aly." She doesn't  sound friendly and polite now. Kanina ay kalmado naman siya noong sabihin ito sa akin. I think I pissed her off.

Kinabahan na agad ako. Sa lahat ng katrabaho ko dito ay siya ang ayaw kong makabangga, para kasi siyang tigre.

"Pinagbibigyan lang naman kita  dati e dahil nga buntis ka. Pabor na yun kaya wag kang masanay. Trabaho mo naman yan kaya gawin mo. Babalik ka naman pagkatapos ng ilang araw. Kala mo naman for good na." Umirap siya sa akin pagkatapos akong pandilatan.

Kahit totoo naman ay ang hirap lang sa side ko. Gavin is only 3 months young at ayokong malayo sa kanya Kahit isang araw nga lang. Pagka-uwi kong bahay ay isang ina agad ako, Sobrang natutuwa ako sa pag-aalaga sa kanya dahil tumatawa na siya at ang taba-taba niya. Stress reliever din siya dahil kahit sobrang pagod ko sa trabaho pagkauwi kong bahay at siya iyung sasalubong sa akin ay nawawala yung pagod ko. Gavin make me feel too much.  Too much happiness, joy, love and contentment.

Nagpoprotesta talaga ang damdamin ko sa gustong mangyari ni Miss Selene.

"Sige na po Miss Selene, Kahit ito lang, sa susunod hindi na ako tatanggi. Ang layo naman kasi." Subok ko parin.

Ang talim na ng tingin niya sa akin. Nakakatakot man ay sinubukan ko parin. Ngunit sa huli ay hindi ako nanalo sa kanya. Kaya malungkot akong umuwi ng bahay.

"Oh, matamlay ka yata." Si tatay ang unang bumati sa akin dahil naroon siya sa garahe at may inaayus na electric fan. Nagmano at humalik ako.

"Hindi ko lang po kasi kayang maging masaya, Tay." Masama parin talaga ang loob ko.

Mataman akong tinitigan ni tatay at inakbayan.

"Sa loob natin yan pag-usapan."

Tumuloy kami sa loob ng bahay. Nakita namin si nanay  na naghahanda ng hapunan habang nasa salas si Aira,nagbabantay Kay Gavin na nasa crib. dumeritso ako sa aking anak na natutulog pala. Yumuko na lamang ako upang bigyan siya ng halik. Nang maamoy ko ang kanyang bango ay Kay sarap niyang yakapin at paliguan ng halikan.

"Kumain muna tayo habang tulog pa yan." Si Nanay.

Ganoon nga ang ginawa namin, sa hapag matamlay talaga ako. Hindi ko talaga matanggap na malalayo Kay Gavin ng ilang araw. Alam kong trabaho ito at babalik din naman ako.

"Anong meron at hindi mapinta yang mukha mo?" tanong ni nanay.

Tumingin ako sa kanya tapos sumulyap sa crib ni Gavin kung saan naroon siya. Bumuntong hininga ako.

"May out of town kasi ang boss namin at kasama ako." Sabi ko.

"Oh e ano ngayon?  Trabaho mo naman yun, kasama ka naman dati sa mga ganyan ah." Sagot niya.

"E, Buti kong dito lang sa malapit na lalawigan at hindi aabutin ng araw."

"Saan ba, ate?" si Aira.

"Sa manila. 3 to 4 days. Paano yung Anak ko?" madrama kong sabi.

Nagkatinginan silang tatlo. Si nanay ay may kakaiba sa kanya reaksyon na nakakaguilty tingnan.

"Wala namang problema  pagdating Kay Gavin, ang inaalala ko lang baka pagbalik mo may kapatid na si Gavin. Tandaan mo!  sa manila ka nadisgrasya.'' si nanay sa kakailanganin tuno.

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. Alam ko ang sinasabi niya pero hindi naman ito tulad ng dati. Desenting trabaho ang ipupunta Ko doon sakali.

All my concern was leaving Gavin away for days but now that nanay rant her concern change a lot all of the sudden. My heart beat became uneasy. The past went back like it's just yesterday. I don't know if I'm ready to see him, if ever lang naman may chance pero malaki naman ang Manila kaya hindi naman siguro.

Kahit ganoon ay kinakalabit parin ako ng kaba. Wala nga akong nagawa, for 3 days, I won't see my son. At Kahit hindi pa man ay namimiss ko na siya. We bond like there is no tomorrow, I took a one day leave before our flight to Manila. Gumala kaming dalawa Kahit wala pa naman siyang ideya sa day out namin. Binili ko siya ng mga laruan at mga bagong damit. Ang bibo niya lalo na at tumatawa siya kapag sinusukatan ng damit. Ang sarap sa tenga ng boses niya. I love this baby boy so much.

My tears fall after I gave him my kiss. Humagikhik siya ng pindutin ko ang mataba niyang mukha.

"Nay, tatawag ako kapag makakabakante. Anytime nay." Sabi ko.

"Aly, wag kang mag-alala, maayus itong Anak mo... Mag-iingat ka doon. Mag-ingat ka!" pinagduldulan niya talaga ang sinabi niya.

"Opo,  nay. Alis na po ako. Tay!" Paalam ko Kay tatay na naroon din nakatayo sa gilid ni nanay. Nasa eskwela na ang dalawa kong kapatid kaya wala. Binitbit ko ang traveling bag at ang shoulder bag ko saka sumakay ng dyip patungo sa building ng pinagtrabahuan.

Gabi ng dumating kaming Manila. Nihanda ko agad ang mga gagawin sa loob ng tatlong araw namin dito. Bukas pa ang bidding na dadaluhan namin. Binigay na sa akin ni Miss Selene ang detalye ng dadaluhan ngunit hindi iyun nagsink in sa utak ko dahil sa pagkawalay sa Anak. Bukas ko na lang ereview ito dahil hapon pa naman ang event, I still have the morning. Wala pa naman pinapagawa si Mr. Uy, ang alam ko lang ay may bibisitahin siyang kapamilya sa Quezon at hindi niya ako isasama. It's okay, maganda naman ang ambiance sa hotel na tinutuluyan namin. Nasa kabilang unit lang siya, sa mas malaki at mas mahal syempre. Mabait si Mr. Uy, at nakakaintindi naman siya minsan sa mga personal naming concerns.

Bago nagpahinga ay tumawag muna ako Kay nanay ay kinumusta si Gavin, tulog na ito ng tumawag ako kaya hindi rin ako nagtagal sa cellphone. Mabilis din akong nakatulog dahil nahihilo pa sa byahe. Maaga naman akong nagising kinabukasan. Kinailangan kong magpakita Kay sir kaya nag-ayus ako ng maaga. Nireport ko din ang schedules niya next week pagkauwi namin at ang iba pang mga concerns na kailangan niyang malaman. I prepare his breakfast also.

"Okay, babalik ako after lunch for the event. Aagahan natin sa venue dahil may Kakausapin din akong mga businessman. Ihanda mo ang proposal, I want this to be smooth and professional." Sabi ni Sir.

"Wala pong problema,Sir."

Hindi na ako nagtagal sa silid niya dahil aalis na rin naman siya. Hinanda ko ang mga kailangan para mamaya. Binasa ko din kung para saan ang bidding na ito. The great Casino Royale! Isasara at gagawing hotel, e bibid ng kompanya namin ang pagsupply mga mattress at foams. Mga furniture din. Sinabi na ito sa akin ni Miss Selene at hindi naman ito lingid sa aking kaalaman dahil nasa mga news naman ito. But when I go further the details halos mabilaukan ako ng malaman na sa mga Arizona pala ang Casino'ng ito. Kay Dwight Arizona, parang na paralyzed ang puso ko sa nalaman, kaano-ano niya kaya si Blake?

Parang gusto ko na atang umatras at umuwing Cebu. Katulad noong una kong apak dito dati ay hindi ko na naman mapigilang maduwag. What if magkikita kaming muli? Kilala pa kaya niya ako? Ano ang gagawin niya sa akin?  Galit pa kaya siya.

Anong gagawin ko?
















❤Lyra

Pabitin muna, promise next chap magkikita na sila.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now