chapter 24

8.5K 418 27
                                    

Chapter 24

He is not kidding about my job.

Unang nagawa ko sa kanya  ay ang e prepare ang breakfast niya. His office is connected to his huge and modern room. Dito lang pala talaga siya nakatira. May kitchen at living room bago ang kanyang bedroom. Whoa!  Iba talaga ang mayaman.

Nang basahin ko ang blue folder ay tungkol ito sa personal routines niya. His wake up time, his kinds of meals at ang mga dapat kung ihanda na kakailanganin niya ng hindi na sumisigaw. Oras para sa kanyang pamilya at ang mga reminders sa mga okasyon ng buhay niya. Mga bagay na bawal sa kanya at mga dapat iwasan. Totoo na talaga ito, hindi lamang ako nananaginip.

Mrs. Marlyn called me and forwarded the her undone things to me. My mga instructions din siya at mga paalala. I said thank you before hanging the call after. So far,hindi naman komplikado.

Nanghalungkat ako sa mga gamit ng dati niyang secretary para makapagsimula na. At ang buong umaga ko ay para akong call center agent. Ang daming tawag na gustong magpapaschedule sa kanya. Mostly ay sa iba nilang negosyo. Mula sa hotels nila at sa Distillery. Kaloka...He is really a busy person. 

At lunch ay sinabi niyang sabay na kami dahil my mga instructions siya sa akin over lunch. Ang resulta hindi ako nakakain ng mabuti dahil sa kaka-take note ng mga sinabi niya. Lalo pa at sa iba-ibang bagay. Dagdagan pa ng mga na ewan. Feeling ko talaga gigil siyang pahirapan ako dahil Kahit mga maliliit na bagay ay ipinag-utos pa niya o talagang bossy lang siya.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil Kahit kunti ay hindi ko nakita ang Blake  na kasama ko sa bakasyon dati. Yung taong ituturing kang babasaging Kristal sa kakaingat sayo. I really felt sad. Those nights na naiisip ko siyang sobrang lambing at napaka gentleman ay nasasaktan ako.

"Are you still listening, Aly?" Medyo tumaas ang boses niya sa pagtawag sa akin. Nabalik naman ako mula sa pagbaliktanaw.

"Ah, yes Sir... Sorry."

Inis niya akong tiningnan at tinapos ang kanyang pagkain. Napatingin ako sa aking pinggan na halos hindi ko nagalaw. Uminom na lamang ako ng tubig dahil wala na rin akong gana.

We moved to Mandaue para doon na naman magtrabaho. Medyo kabisado ko naman ang dito kaya hindi na ako medyo nahirapan. Ginawa ko na lamang ang mga bagay sa kabilang kompanya para naman mabawasan ang trabaho ko. Napansin ko din naman na may pinagkakaabalahan siya sa kanyang opisina Kaya inabala ko rin ang oras ko sa mga pinag-uutos niya kanina.

The tablet ring kasabay ng pagtunog ng aking  dyan. Nagugutom na talaga ako. Kinuha ko ang tablet upang tingnan ang reminder na tumunog. It's 15mins before 3:00pm. Snack time.

Wow, parang nasa kinder garten lang ha. I ordered a snacks for the VP, at sa akin narin. Medyo Kumirot ang ulo ko kaya tinapos ko agad ang ginawa at pumikit saglit. Nalipasan na kasi ako ng gutom kanina.

Hindi nagtagal ay dumating ang order ko mula sa kalapit lang na Cafe. Hinanda ko agad upang makakain narin ako. When I delivered his snacks, mataman niya akong tinitigan habang nasa keyboard pa ang mga kamay.

Tumango ako upang magpaalam at tumalikod na.

"Wait, Aly." I stiffend and held my breath....

Ano na naman... I exhale carefully before turning to him.

"Yes, Sir?" I faked a smile.

I don't know but for me his stare and looks were mixed with malice and bitterness.

"Maupo ka."

And like good dog I followed his command.

I plastered a smile still.

"Ano po yun, sir?"

"Join me." Sabi niya.

Naguluhan naman ako sa ibig niyang sabihin.

"Sir?"

"Samahan mo akong kumain..." Napansin ko agad ang tinatago niyang pamumula.

Gusto ko tuloy tumawa.

"No thanks, sir. Meron na din naman ako nito.  Nasa table ko Sir. Enjoy nalang po kayo. "  Sagot ko at tumayo saka yumuko at nagpaalam.

Nagpigil ako ng ngiti. Hindi naman pala lahat nagbago sa kanya, may kunti parin sa Blake  na nakilala ko dati. Sana mukha lang ang namana ni Gavin hindi pati ang ugali. Kasi nakakasakit e.

Dapit hapon ay dumating ang pinsan ko, susunduin pala niya ako. Hindi pa naman ako tapos sa ginagawa ko ay uwian na pala.

"Ako na ang magpapaliwanag Kay nanay, ihatid mo nalang ang motor sa AMZOE suites at iwan mo sa reception  ang susi. Sabihin mo na ako ang kukuha nito."

"Bakit?"

"Wag na marami tanong, ang dami ko pang ginagawa oh."

"Sungit."

Napatayo naman ako ng bumukas ang pintuan ng opisina ni Blake. Nagtaka naman siya ng makita ang pinsan.

"Mauna kana." Taboy ko dito. Isang sulyap naman ang ginawad  niya Kay Blake bago paman umalis.

"Alis na tayo." Ma-otoridad nitong sabi sa akin.

"Yes, Sir."

Dumeritso naman siya sa nakasarang elevator at pumindot. Ang suplado talaga. Nagmadali akong e save ang mga nagawa ko at nagligpit. Halos takbuhin ko ang nakabukas na elevator dahil naghihintay siya. Agad namang sumara noong nakapasok na ako.

"Sinusundo kana, anong sinabi mo?" Bigla ay nagsalita ito.

Syempre nagulat ako, ano naman ngayon?

"Sinabi kong may trabaho pa po ako,Sir....maiintindihan naman iyun ng pinsan ko at ng nanay ko." I politely answered.

He stiffend and look at me so confused.

"That.is.your.cousin?" Tanong niyang hindi makapaniwala.

"Yes, sir. And I didn't flirt with my cousin this morning. Binabalaan ko lang siya sa kanyang mga kalukuhan." Ngumiti naman ako dito.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa hotel. Hinanda ko agad ang hapunan niya para makauwi akong maaga. Around six ay kumain na kami. Kami dahil inanyayahan  niya ako. At dahil ayaw ko  ng argumento ay sumabay na ako. Kahit sobrang awkward sa akin ang mga titig niyang palaging nagpapakaba sa akin ay tiniis ko na lamang. Dahil alam kung may paghihirap sa akin ang nakaantabay na ibibigay niya sa akin.

Mga alas otso ay wala na akong gagawin pa kaya nagpaalam na ako. Alangan naman ako pa magpapaligo sa kanya.

"Ihahatid na kita."

Napamura ako. Bipolar lang?

"Thank you Sir, Pero meron naman po akong masasakyan....mauna na po ako."

Hindi na uli ako lumingon pa sa gawi niya at nagmadaling umalis. Habol ko ang hininga noong makababa na ng building. Bakit ba talaga hindi mapirmi itong puso ko kapag nariyan siya? I don't wanna fall for him again.  It's forbidden. Tinitingala ang mga tulad niya habang tinatanaw lamang sa baba ang mga tulad ko. Ang likot agad ng isip ko Kahit hindi naman talaga pwede.

Pasado alas nuebe ako nakauwi. Himala at gising pa si Gavin. Nagtanong agad si nanay  kung bakit late na akong nakauwi. Pinaliwanag ko naman sa kanya na may extrang trabaho ako. I want to give  Gavin a better life kaya hindi ko ito tinanggihan. Noong una ay ayaw ni nanay lalo pa at maaga ako aalis ng bahay. Sabi niya baka hindi na ako makakapagpahinga. But I assure her that I'll be fine.

Nakatulog ako sabay ni Gavin na hindi pa nakakapagbihis pambahay. Nagising na lamang ako alas kwatro ng madaling araw. Na touch ako ng makita si nanay na naghanda na ng agahan.

" Magbaon ka na, masyado pang maaga para mag-agahan. Magkape ka muna. Ihahanda ko ang dadalhin mo."

Niyakap ko si nanay, na miss ko tuloy siya Kahit araw-araw naman kaming magkasama.  Sa lahat ng kasalanan ko sa kanya hindi parin niya ako matitiis.

"Thank you,nay. I love you po."






























❤Lyra

Para lang makausad.✌✌✌✌

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now