chapter 5

8.2K 283 24
                                    

Chapter 5

Debbie:

Nasaan nga pala kayo Aly?

Bago pa ako lumabas ay nahagip ko sa cellphone ni Stacy ang mensahe ni ma'am Debbie. Sinagot ko agad ito.

Reply:

Coron Palawan

Sent.

Lumabas na ako ng tuluyan sa silid namin ni Blake. I should really take out the sir, baka masabi ko pa at magtaka siya.

Nakita ko siya sa may dining, kausap ang dalawang matanda habang nag-aayus ng hapag. He smiled when he saw me walking towards them. Ang dalawang matandang naman ay nawala ang ngiti at nagkanya -kanya sa ginagawa. Hindi talaga nila gusto si Stacy. Siguro kakausapin ko sila ng maayos.

Kahit ganoon ang pakikitungo nila sa akin ay ngumiti parin ako sa dito.

"Magandang umaga po." Bati ko sa kanila nang makalapit. Blake immediately held a seat for me.

Nagkatinginan ang dalawang matanda bago tumango sa akin.

Nag vibrate ang cellphone ni Stacy sa aking kamay. Tawag ito mula Kay ma'am Debbie, nakita Kong sumulyap si Blake dito.

"I just take this call, saglit lang?" Pakiusap ko sa kanya.

"Go on!"

Tumayo muli ako at dumistansya sama sinagot ang tawag.

"Ma'am?" Pabulong Kong sabi.

"Aly! You have to get out there! Nandito rin kami ni Stacy para sa photoshoot niya. Kararating lang namin at tatlong araw o mahigit kami rito. You have to convince Blake to move to the other destination!please??" Taranta niyang sabi. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba.

"Papaano ko gagawin yun?" Nabahala narin ako ng sobra. Yung puso ko ay halos makikita ko na sa takot at kaba.

"Gamitin mo ang pagiging Stacy Cuangco. Demanding at stubborn, Blake new that already and he can't resist her wants. Please, Aly? Mapapahamak tayo pareho pag nangyari ito." Naririnig ko talaga sa boses niya na hindi rin siya mapakali. Sobrang namomroblema din.

Sa sobrang takot ko ay namamawis na ang mga kamay ko at hindi makapag-isip ng tama. Paano ko gagawin yun? Kumipad yata ang utak ko at nauunang bumalik ng Cebu dahil wala talaga akong maisip na alibi.

"Ma'am, wala talaga akong ideya!" Nanginginig narin ako sa kaba. Palinga-linga ako dahil baka may makakarinig sa akin

"Basta magdemand ka. Kahit saan basta malayo dito. Ikaw lang ang pwede magbigay daan sa sitwasyong ito, Aly. Dahil nakapirma na siya ng kontrata, hindi niya pwedeng e reject ito. Masisira si Stacy at magkakaroon ng nakita, e di nabuko tayo lahat. Kung pwede niya lang sanang bayaran ang kontratang ito e ni suggest ko na, sa tourism kasi ito." Nafufrustrate narin siya sa sitwasyon namin.

Nanlalamig na talaga ang mga kamay ko. Ito na ba ang katapusan ko? E kakasimula ko pa lang. Jusko!

"Hey! The breakfast is waiting..." Halos mapatalon ako sa biglang paghawak niya sa aking bewang padausdus sa aking tyan at niyakap ako mula sa likod. Nagsumiksik din siya sa kabilang leeg ko. Para akong nakuryente.

"I- I'll call you later, M- Dabbie." Mabilis Kong paalam sa kausap. Pinatay ko agad ang tawag kahit hindi ko pa siya narinig na sumang-ayun sa pagpapaalam ko.

"Is there a problem?" Hinalikan niya ang panga ko. My God! Sobrang landi ng lalaking ito. Kinikilabutan ako sa di maipaliwanag na damdamin.

"Ahm... Wala naman." And like a lightning may biglang sumulpot na ideya sa ang isip kahit kanina ay sobrang bangag ko sa takot.

"Hmmm?" Hindi ito kontento sa aking sagot.

"I asked Debbie to look for a domestic tourist spot, as you want." Maarte Kong sabi.

"Ayaw mo dito?" Dismayado niyang tanong. Kung alam mo lang gaano ako nanabik sa lugar na ito dahil wanders ito ng bansa pero kailangan ko itong kalimutan.

"I've been here, you know. Might tour the other place." Hula ko lang iyun at kapag hindi pa pala nakapunta dito si Stacy kasama siya ay magpapaposas nalang ako. Katapusan ko na.

Nag-isip siya sandali at magpahinga parin sa aking leeg. My heart won't stop from beating so hard, sa kaba at sa bugso ng damdamin.

"So... Saan ang suggestions ni Debbie?"

Napabuga ako ng hininga, gusto ko yatang magbunyi dahil naitawid ko iyun.

"She said, Magandang puntahan ang Camiguin island, Siargao at sa  Samal island." Ang layo ng mga sinabi ko, papayag Kaya ito?

"Sa Mindanao?" Nangunot ang noo niya.

"Yeah, and I think I like the idea. Mas nalayo sa trabaho mo." I said sarcastically at may himig tampo para mas makombinsi siya.

Tumawa lamang siya at pinaikot ako upang maharap siya. Shocks! Ang gwapo niya talaga, sobrang bango pa. Nanghihina agad ang mga tuhod ko. Ngunit natatakot parin akong hawakan siya dahil alam Kong kailanman ay hindi siya magiging akin. Isa lamang siyang panaginip. Pang-aalo ko sa aking sarili.

Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kanya. I really can't take this feeling. Its so unfair, dapat magcooperate yung puso ko sa utak ko. Hindi pwede!

"My priority now is you. I won't take this for granted. I know that you are not ready for a marriage, I understand it now. All I wanna know is that were going to be okay, I'll wait for you till you're ready to settle down. Bago ako ibabasi ni dad sa ibang lugar at maging busy ulit, I want us to have our time. And fix our relationship."

He is the man every girl dream of. Mayaman, gwapo, malambing at napakagentleman. Responsible! God! Thats really a big thing to me.

"So, hindi ka man lang ba papasyal dito sandali? You know... Nakaline up na sa akin yang trip to Mindanao after dito pero kung ayaw mo na dito... We can move to our next destination." Marahan niyang sabi at pilit winawaksi ang himig ng pagtatampo.

If only things are easy as ABC hindi na namin kailangan umalis pa. Kahit dito nalang kami buong buwan. Hindi ko naiwasang hawakan ang kanyang mukha sa lapit nito sa akin, ang kinis ng
Kanyang mukha. Nakakahiya ang mukha ko dito. Napapikit siya sa aking haplos at dinama ito, tumagilid siya bahagya upang mahalikan ang aking palad.

'Makakakita pa Kaya ako ng tulad mo? Kahit hindi na yung kagwapuhan basta yung sweet at araw -araw ipapadama sa akin na mahal ako at ka-importante.'

Hinanda nga niya agad ang pag alis namin nang tanghali. Si ma'am Debbie naman ay panay ang follow-up sa akin. Kahit nahihimigan ko ang dismaya niya sa mukha niya isinantabi ko ito. Hindi mo ako pwedeng mabuko ngayon o kahit kelan. Magiging isang panaginip na lamang ito sa susunod na buwan.

For the second time ay sumakay ako ng helicopter, uminom ako ng gamot para sa byahe at pumikit na lamang ako buong byahe habang nakakapit sa kanya.

Gabi ng dumating kami sa Cagayan de Oro. Sa isang high end hotel kami lumapag at nagcheck in. Ang sabi niya magla-land base patungong Camiguin Island bago mag Siargao but the hotel offer us a tour to Dahilayan Forest Park. Naingganyo kami Kaya susulitin namin ang panahon.

"Buti naman at safe gayong nakarating." Si ma'am Debbie noong tumawag ako habang nasa loob ng bathroom. Blake is just outside at nag order ng hapunan.

"Muntik na akong bumigay sa byahe, ang layo pala ma'am kahit naka helicopter." Medyo buryo pa ako ngunit nakakraos naman. Siguro masasanya din ako kalaunan, if ever sasakay pa kami uli.

"Sa una lang yan, sa susunod ay hindi na... Salamat talaga,Aly. Natakot talaga ako kanina." Bumuga siya ng marahas  na hininga.

"Alam ba ni Stacy yung nangyari? Naitanong ko.

"Oo, pero wala siyang pakialam." Nagbaba ng boses si ma'am Debbie.

Anong klasing puso ang meron siya?




























Patients

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon