chapter 40

10.3K 430 41
                                    

Chapter 40

That night was long. Bago matulog ay kinausap siya ng mga magulang ko. Umabot ng isang oras ang pag-uusap na iyun habang ako ay hindi mapakali sa silid namin ni Gavin. Alam ko naman na hindi naman harmful ang mga magulang ko ngunit bumabagabag sa akin ang pinag-usapan nila. Paano kung nasabi ni Blake ang totoong nangyari sa amin dati? Hindi ko pa naman inamin sa kanila ang totoo. Sana lang ay hindi.

I prayed so hard. I'm sweating while waiting for him. Nakapagbihis na ako at lahat ay hindi pa sila tapos. Tulog narin ang mga kapatid ko at si Roland. Panay ang silip ko sa pintuan upang makita sila doon sa may mesa ngunit ang seryuso ng pinag-uusapan nila at ang hina ng kanilang mga boses kaya kinakabahan talaga ako. Maya't maya ay sumisilip ako. Hindi parin nagbago ang kanilang kaseryuso.

And when I'm about to interrupt dahil nga ay hindi ako mapalagay ay siya naman ang pagpasok ni Blake sa kwarto. Agad ko siyang sinalubong ng tanong. Nag-iinit na ang tenga ko sa mga sasabihin niya.

"Bakit ang tagal?  Anong pinag-usapan niyo? Mababahala na ba ako?" Kinakabahan  kong tanong. Ngunit ang nagpapainis sa akin ay ang pigil niyang ngiti.

"Oh! Ano na? Sumagot ka nga!" Nahampas ko siya ng mahina sa braso. Mahina lang ang boses ko dahil tulog na halos ang mga tao lalo na ang Anak namin. Baka magising.

Mas lalo pa siyang ngumisi.

Dumilim ang tingin ko sa kanya. Ginagalit niya ako. Nahampas ko siya uli sa braso and this time ay medyo malakas keysa kanina.

Sumimangot naman siya na parang nasasaktan.

"Magiging batterd husband pala ako nito. Sinisimulan mo na oh!" pagdadrama niyang ani mo ay nasaktan talaga. But what stops me was his words.

"Anong sabi mo?" pagkaklaro ko sa sinabi niya.

"I already asked for your hands..." he stop midsentence. Alam kong may karugtong pa ito ngunit hindi niya tinuloy. Napanganga pa nga ako sa maaari niyang idugtong dito ngunit hindi na siya nagsalita,  Bagkus ay ngumiti ito ng makahulugan. 

"Gago ka ba? Kakakilala mo pa lang Kay Gavin. Hindi mo alam ang mga consequences nito lalo na kapag malaman ng pamilya mo o ng ibang tao. Tapos ngayon hinihingi mo ang kamay ko sa mga magulang ko?  Sa tingin mo hindi isipin ng ibang tao na ginagamit ko ang Anak ko para lang makapasok sa emperyo niyo?... Ayokong madamay si Gavin kung sakali!" hindi ko na napigil ang galit.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nagulat niyang sagot.

"Hindi mo parin ba naiintindihan?" Giit ko na naiiyak na. Halos maghisterical ako at pinagsasapak siya sa dibdib.

Pinigilan niya ang dalawa kong kamay. Mabilis ang paghinga ko sa galit.

"Bakit ba masyado mong iniisip ang ibang tao gayong alam mo naman ang totoo? Alam kong hindi mo gagawin yang mga kinakatakot mo. Kaya nga hiningi ko ang pirmiso sa mga magulang mo dahil masyado kang paranoid. Ni hindi nga tumutul ang mga magulang mo dahil malinis naman ang intensyon ko sa inyu ni Gavin... Aly,  you can never be happy kung mas uunahin mo sasabihin ng ibang tao na hindi naman totoo. Good or bad, may nasasabi talaga ang mga tao. It's nature."

Tumulo ang luha ko. Kasi sigurado na siya, habang ako ay paranoid nga. Wala na akong nasabi dahil paulit-ulit lang naman ang rason ko. Naubusan na ako ng rason gayong binabaliwala lang naman nila.

Naupo ako sa gilid ng kama at sumunod naman siya. Pinatahan niya ako,

"I told you to trust me. Isa lang naman ang gusto kong marinig mula sayo..." Parang may pagtatampo.

Tumingin ako sa kanya. His face were serious and sincere.

I should trust him. If life gets mess, alam ko may matatakbuhan ako this time.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now