chapter 43

10.4K 421 33
                                    

Chapter 43

Aly

Sa lahat ng masakit na nangyari sa akin noon Kay Blake ay may kapalit pala itong walang hanggan na kasiyahan at pagmamahal. Kasama ang Anak namin sa bagong yugto ng aking buhay. Lahat ng parte sa katawan ko ay masaya. Pamilya ko ay masaya, Lahat parang nakalutang sa saya.

His family accept me for who I am. Kahit ang pamumuhay namin ay hindi niya naitanong. Hindi big deal sa kanila ang pinanggalingan ko, ang mas importante sa kanila ay nagkaintindihan ang bawat isa. Nakasundo nila agad ang pamilya ko nang walang tanong tanong tungkol sa agawat ng aming pamumuhay.

They were so humble. Siguro kung titingnan mo sa itsura talagang maaasiwa ka talaga dahil mayaman talaga. Ang gagara ng postura Kahit simply lang naman ang mga suot nila. Effortless beauty lalo na sa dalawang babae sa Pamilya niya.

Nasurpresa si nanay sa kung paano sila nakihalobilo sa amin. Niyakap ako ni nanay nang matanto niyang mabubuti talaga ang Pamilya ni Blake. Syempre nabahala din siya Kahit hindi niya sinasabi. Ang laki kasi ng agwat ng pamumuhay namin.

Si Aira naman ay inggit na inggit sa mala fairytale kung love story.

"Hinay-hinay lang ate, baka si Maleficent ay nakaabang lang." sabi niya sabay tawa.

Bigla akong nahilaw sa sinabi niya. Sumagi sa isip ko si Stacy. Sigurado akong malalaman niya ang tungkol dito. Kinabahan ako bigla.

Sinama na nila kami sa Manila noong bumalik na ang Pamilya ni Blake. Si Darlene ang pinapatingin niya sa hotel habang wala pa si Blake. Bibisitahin lang naman niya at echecheck ang mga importanting bagay. Hotel din kasi ang hinahawakan nitong family business nila at sa Oslob ito nakabasi.

When we arrived at Manila at dumeritso kami sa hotel na pag-aari nila. May nakahanda doong salo-salo kasama ang lolo ni Blake at iba pa nilang Pamilya. Nakakahiya nga, sobra. But then Tita Amber assisted me and make me feel one of them. Yes, Tita Amber muna. Sabi nga niya mommy na din itawag ko sa kanya kaso nakakahiya naman masyado. Hindi pa naman kami kasal ni Blake.

Sa hapag ay naroon ang Alta Pamilia. Tito Dwight's father was old and weak. Naka wheelchair na ito at may nurse ng kasama lage. Ang sabi ni Blake ay may cancer ito sa baga Kahit hindi naman naninigarilyo. Tatlong taon na din itong lumalaban sa kanyang sakit at kung saan-saan nang bansa ito nagpapagamot, ngunit hindi parin nawala ang kanser at tuluyan na ngang nagpahina ng husto sa matanda. Masaya itong ngumiti nang makita kami. Hinalikan niya si Gavin at nagbeso ako gaya sa ginawa nila. hindi talaga uso ang magmano sa mga mayayaman.

"How was your trip, ija?" Mahina ngunit nakangiti niyang tanong sa akin na ikinagulat ko talaga. Andyan naman kasi sila Blake para tanungin, Bakit sa akin talaga.

Napatingin ako sa kanila na parang nanghingi ng tulong ngunit wala yatang nais na tumulong kaya sinagot ko na.

"M-maayus naman po."

Tumango tango lang ito at tinuro ang hapag. Tinulak naman noong nurse ang kanyang wheelchair at nilapit ito doon. Ang Katahimikan ay biglang naging kumusyon matapos magsalita ng matanda. Naging maingay dahil sa batian. Naroon ang Tita at Tito ni Blake na may dalawang Anak na babae at lalaki. Pansin ko ang kagalakan ng lahat lalo na Kay Gavin, ang Anak ko pala ang unang apo.

Dalawa lang na magkapatid ang daddy ni Blake, ito ay ang kanyang Tita Shane. Mga pinsan niyang si Rainier at Shantal ang mga Anak nito na puro narin mas sinasabi sa buhay, I heard isa din ito sa business tycoon ng bansa ang asawa ng Tita niya . Matanda si Rainier Kay Blake ng isang taon habang kaidad naman nila si Shantal. Okay naman sila, kaso itong si Rain ay suplado at mukhang bad boy dahil sa earing niya sa kaliwang tainga at ang tattoo sa kanyang braso. Mas malaki din ang pangangatawan nito Kaysa Kay Blake at nakakaintimida ang kanyang tingin.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now