chapter 4

8.5K 292 26
                                    

Chapter 4

"Your staying in my room." Sabi niya pagkalapit sa isang pintuan.

Nanigas ako sa sinabi niya.

"Why?" Hindi ko naiwasan ang pagkabigla sa boses.

Huminto siya at tumingin sa akin.

"Why not? We used to stay at the same room. What's the difference now?"

Nanlamig ang kalamnan ko sa narinig. Halos mabilaukan ako sa paglunok ko ng laway.

Nangunot ang noo niya at kakaiba ang tingin niya sa akin.

Ginoo ko, mabuking man kaha ko ani karun!

"Ahm. Nothing." Nasabi ko sa kabila ng pagprotesta ng loob ko. Sumigaw sa aking isip ang bilin ni nanay sa amin ng kapatid Kong babae.

'Ayaw gyud mog tapad ug lalaki kung dili ninyo bana!'

Napapikit ako ng maalala iyun, parang naririnig ko mismo sa aking mga tenga ang mga bilin niya. Kahit sa bahay ay nasa sala natutulog ang kapatid Kong lalaki, siya lang ang naiiba dahil tabi sina nanay at tatay at kami naman ni Aira. Kaya kinakabahan na talaga ako.

Lumambot naman ang tingin niya.

"I want us to reconcile, Stacy. And we can't do it if you're staying another room. Gusto kong bumawi, I want you to give me a chance. I'm not going to pressure you, I just... want under your warmth. I missed you, baby." Marahan niyang sabi. Parang kinukulog naman ang puso ko na umabot pa hanggang tenga ko. My heart is literally jumping.

Hinapit niya ang bewang ko at marahang hinalikan ang aking noo.

Jusko! Natutunaw ako!!!

Nasa iisang kwarto nga kami. Iisang Kama ang naroon, syempre ano bang iniexpect ko?

Nagulat ako ng niyakap niya ako mula sa likod. Nagpahinga ang kanyang baba sa aking leeg.

"How are you feeling?" Tanong niya.

Hindi ko maiwasang hindi magpanic, sobrang lakas ng appeal niya at tinutupi ako ng ganon na lamang. Ang liit ng tingin ako sa sarili ko kapag hawak niya ako. Feeling ko isa akong mukurahing baso na kapag nasagi lang ay mababasag na.

"I'm okay now." Mahina Kong sabi, pinilit ko pa iyun dahil para akong nilalamon.

Hinalikan niya ang leeg ko.

"You still need to rest. I'm sorry kung bumyahe agad tayo kahit kakarating mo lang. I just got excited the idea that your really coming. Hindi ko naisip ang mahaba mong byahe... I'm sorry." He sound so sorry. Nahabag ako sa kasweetan niya. Napasinghap na lamang ako ng tahimik.

Pinagpahinga niya ako, its so tempting but I just couldn't sleep because of the things in my mind. Kinuha ko ang tinagong personal Kong cellphone. Its a Samsung keypad. Nakita ko doon ang ilang missed calls mula Kay Aira. Nakasilent ito mula noong simula pa lang.

I dialed her number while laying down the bed. She is eighty years younger than me and Alex is nineteen.

"Oh, Aira?" Bungad ko sa kanya.

"Buti naman nagka-oras ka ate..." Medyo may bahala sa kanyang boses.

"Bakit?"

"Kasi yung gamot ni nanay last na pala. Yung motor due date sa makalawa. E si tatay kasi kinulang ang sahod niya dahil sa renta ng bahay." She reported.

Huminga ako ng malalim. Kahit anong kayod talaga namin ni tatay ay kukulangin talaga ang pera. Paano, e nagungupahan lang kami, nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid buti nga naka half scholar sila pareho, pero kahit na ang hirap parin talaga.

"Sa ilalim ng mga tinuping damit ko naroon ang ATM card ko, iniwan ko talaga yan dahil sahod na rin naman. E widraw mo lahat at bilhan mo ng gamot si nanay, good for one month. At yung motor pabayaran mo Kay Alex. Kunin niyo na rin dyan ang allowance ninyong dalawa bago mo ibigay Kay nanay ang natira para sa gastos sa bahay." I instructed her clearly. May pahulugan kaming motor, kinuha ko ito upang may pang service kami, sa trabaho o sa eskwela ng mga kapatid ko. Isang taon ko na itong binabayaran at may isang taon pa akong kulang. At least may naipundar naman ako sa aking pagtatrabaho.

"Wala ng matitira sayo, ate? May allowance kaba dyan?"

"Wag kang mag-alala sa akin, wala na akong dapat kakailangin dito. Binibigay naman nila lahat, hindi rin naman ako maglalabas pagkatapos ng trabaho." I lied.

"Ganoon ba, ate. Sige mag-ingat ka palage ha, dyan. At tsada ate! Kwentuhan mo naman ako sa mga lugar dyan, sigurado ako maraming  maganda." Excited niyang sabi.

"Tumigil ka nga, hindi ako nandito para maglibang! Mag-aral kang mabuti para makapunta ka dito balang araw." Sagot ko.

"Yun naman talaga ang ginagawa ko e." I can see that she is pouting now. Natawa ako at na miss ang kapatid.

"Oh, sila nanay at tatay ha. Ikumusta mo nalang ako. Sabihin mo wag mag-alala sa akin, mabuti ako rito." Mangiyak-ngiyak Kong sabi dahil namimiss ko narin sila.

"Ate! Para kang nasa abroad sa tono mo." Natatawa niyang saad. Alam Kong pinapagaan lamang niya ang loob ko, hindi naman kasi kami kailanman nagkahiwalay. Ngayon pa lang.

Matapos ang tawagan namin ni Aira ay tumawag din ako Kay ma'am Debbie.

"Okay ka naman? Buti hindi nagtaka si Blake? Alam mo kasi itong si Stacy, sanay sa mahahabang byahe. Hindi yan nagkakajetlag at hindi rin hiluhin sa byahe." Sabi niya.

Napakagat labi ako, masyado yata akong mahina at natatakot akong ito ang ikakapahamak ko.

Bumangon ako sa Kama at tumungo sa bintana at sumilip.

"Matagal na po ba sila ni Sir Blake?" Out of nowhere Kong tanong.

"Hmmm, matagal na silang magkakilala. Pero ang relationship nila mukhang... Isang taon pa lang.  Alam mo kasi Aly, yang si Stacy parang ibon yan. Gusto niyang palaging nasa ibabaw at lumilipad habang si Blake ay... Hindi naman siya control freak. Ano lang... Territorial. Kaya yun, madalas hindi sila magkasundo." Malungkot niyang sabi noong huli.

Bata parin naman kasi si Stacy, hindi ko rin siya masisisi kung mas gusto pa niyang mag-explore. She has the beauty and money, so what's the use of fame kung magpapakulong lamang siya Kay Blake. Ito na ang si Blake masyadong sigurista.

Our topic went on and on. Mas naiiintidihan ko na ngayon ang sitwasyon nila. Napapansin ko rin ito Kay sir Blake, masyado siyang boss. Siya palage ang nagdedesisyon. Tapos ng tawagan namin ay nagpahinga ako, mabilis naman akong nakatulog dahil pagod parin ang katawan ko.

Alysson Kaye Melliza. Ako yun ngunit ang taong kaharap ko ngayon ay si Stacy Cuangco. Panay buntong hininga ko habang naglalagay ng kolorote sa aking mukha, I should stay on the plan. I'll be acting like her till the end of this month. May picture akong ginawa niya sa kanyang cellphone upang maging makatutuhanan naman ang itsura ko. Mahilig siya sa heavy make dahil pala sa prikles niya Kaya kinabahan ako noong hindi ako nagmake up noong isang gabi. Kaya pala sinabi niyang pinatanggal ko ito.

Ngayon inabot ako ng isang oras sa pagmemake-up. At ang out fit jusko! Lantad kung lantad ang balat. I'm really  uneasy pero dahil kailangan ay titiisin. Nakatattered short jeans at Nike shoes. Puting tshrt ang pinaris ko dito dahil hindi ko talaga maatim ang kasexsihan na nandoon sa maleta. Mag iikot daw kasi kami e alangan naman mag dress ako.

Katabi ko siya kagabing natulog at buong magdamag niya akong niyakap. It feel so good yet so scary. I'm falling easy. Ang dami niyang binuhay na damdamin sa akin na hindi ko inakala, ayokong umibig dito, isa lamang itong magandang panaginip, ang totoong mundo ay masalimuot at unfair. Ayokong maniwala dito. Aalis din naman ako at mawawala itong tinatamasa ko ngayon.

Muli ay bumuntong hininga ako.











✋✋✋✋

Hindi na edit,sorry.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now