chapter 13

8.3K 327 35
                                    

Chapter 13

Nang makita ko si nanay na nagsasampay ng labahan sa tapat ng nirerentahang bahay ay doon ko talaga napatunayang nakauwi na nga ako. Hawak  ang dalang supot  ng pasalubong ay nagmamadali akong tumuloy  sa aking ina. Pagkababa kong airport kanina ay namili ako ng mga pasalubong sa terminal para naman may madala  dahil Kahit ang mga damit kong iniwan Kay ma'am  Debbie ay di ko na pinaalalang kunin dahil baka matagalan pa ako at maabutan ni sir Blake, kung babalikan  nga niya ako. Kahit nanghihinayang sa mumurahing gamit ay hinayaan ko na lamang.  Bibili nalang ako sa ukay-ukay uli.

"Nay!" tawag ko dito na naiiyak na. Lumingon naman agad si nanay.

"Aly!... Gerni!  Naabot na ang Anak mo!... Alex! Aira!... Ang ate ninyo!" maligayang tawag ni nanay. Binitawan niya ang damit na hawak upang salubungin ako ng mahigpit na yakap.

Hmmm!! Miss na miss ko na talaga si nanay. Napaluha ako sa galak at pangungulila. Mas lalo akong nanlumo ng makitang isa-isa silang lumabas ng bahay at excited na sumalubong sa akin. Im home!  I'm really home.

Yung pakiramdam  na na hindi ka iba at wala kang tinatago,  ang sarap sa pakiramdam. Yung amoy na nakasanayan mo Kahit polluted ay sobrang nakakarelif na nagising na talaga ako sa panaginip o bangungut na iyun. Nakabalik na ako!  Safe and sound. Ngunit may naiwan yata ako na siyang nagpapalungkot sa akin.

Di bali na,  wala namang ibang  nakakaalam e.  Mababawi ko rin iyun  paglipas ng mga panahong.

Kinuha ni Alex ang dala ko, pumasok kami sa munting bahay na inuupahan at inulan ng pangungumusta.

"Ate!  Nakakita ka ba ng artista doon? Magulo ba ang manila o tukad din dito sa atin?" si Aira.

"Ate!  Sigurado ako matataas at matatayug ang mga building doon. Ilang palapag ba ang pinakamataas mong naakyat?  Napuntahan mo rin ba ang MOA?"

Kuro nilang dalawa ni Alex. I feel guilty though dahil hindi ako nakapamasyal doon. Wala akong nakitang artista kundi modelo at ang pinakamataas kong naakyat na floor ng building ay ang 40th floor na condo unit ni Blake.

Hmmm...

"Paano ako maggagala doon e trabaho pinunta ko doon,  at saka wala akong pera no. Iniwan ko nga yung ATM ko dito." Sagot ko naman sa mga tanong nila.

Umupo kami sa kawayang upuan habang kinalkal nila ang dala ko.

Lumabi si Aira sa sagot ko.

"Wow!  Chocolate!" sigaw niya.  Mahilig siya doon e kaya sinadya ko talaga. May pastel, piyaya at mga hopia din akong binili para kina nanay at tatay. Si Alex,  walang pili  yan e.

Nilantakan ng dalawa ang dala ko at binigyan naman nila ang mga magulang namin.

"Oh, kumusta man imong experience  didto? Ang mga tao? Wa ba ka mailad?" nagpipigil ng ngiti si nanay. Tinanong niya l
Kong hindi ba daw ako naloko doon.

"OK ra nay, Di man sad ko galaag arun Di ko mailad o ma'wa." Ngumisi ako kahit kinakagat ang labi dahil sa pagsisinungaling.

"Maayu na imong gibuhat nak'. Apan sayang pud ang panahon nga tua ka ngadto. Wala ta kabuwo kung kanus-a Kapa makabalik ngadto." si tatay yun.

Totoo ang sinabi niya na sana ay sinulit kong mamasyal dahil hindi ko rin naman alam kung makakabalik ba ako doon. Pero iba naman ang nangyari at sobra din naman akong nag-enjoy sa isang buwan kong pagkawalay sa kanila.

"OK lang Tay, wala man pud ko nasayangan." may pait kong sagot.

Nagkwentuhan pa kami sa tinahi kong Kwento.  Masama man ay kailangan. Alam kong sinusunog na ang kaluluwa ko sa empeyerno. At sa wakas ay hinayaan din akong makatulog ng pamilya ko. At dahil na miss ko ang aming higaan ay nakatulog agad ako ng mahimbing. Natanggal ko rin ang artificial  na nunal sa aking baba at ang hena tattoo sa aking leeg ay kinuskus ko ng acetone  at alcohol. Ang pamumula nito ay tinago ko sa kapal ng foundation  na nabili ko sa bangkita. Balik na ako sa ordinaryo kong anyo.

His Beautiful LiarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt