chapter 26

9K 463 57
                                    

Chapter 26

"Anak, baka pwedeng wag ka na munang pumasok?"  Nag-alalang sabi ni nanay. Naghahanda na ako sa para sa trabaho. Alam kasi niyang masama ang pakiramdam ko kahapon pa lang sa binyag. Pag-uwi namin ay hindi ko na nabuksan ang mga regalo para Kay Gavin dahil tumabi na ako sa kanyang natulog. Uminom naman ako ng gamot ngayon at medyo bumuti na rin ang aking pakiramdam.

"Naku, nay. dumating na po kahapon ang boss ko, panigurado ang dami noong kailangan." Sagot ko sa paos na boses.

Inuubo parin ako at kumikirot minsan ang ulo pero kaya namang magtrabaho.

Tiningnan ako ni nanay ng nag-alala parin.

"Nay, magiging okay din ako. Iinom muli ako mamaya ng gamot." I assure her. Hindi na ako nagtagal pa at umalis na matapos halikan ang Anak na natutulog pa.

Sa daan ay nagbago ang pakiramdam ko sa lamig ng hangin. Mas gininaw ako at parang may bumara sa aking lalamunan. Parang tama nga si nanay.

Pagkapark ko ng motor ay medyo nahilo ako. Tinakbo nga ako ng guard na Nakakita sa akin para umalalay.

"Ayus ka lang Ma'am?"

"Salamat, Ayus lang." Hinatid niya ako hanggang sa elevator, nagpasalamat ako saka tumuloy na. Pagdating ko sa tamang palapag ay inasikaso ko agad ang routine sa umaga. Nagulat pa ako nang maabutan ang busangot na mukha ni Blake. Nakaboxers lang at puting sleeveless, Bakat ang mga pandesal sa kanyang suot kaya napalunok ng may naalala. Kainis, ang aga-aga ang laswa ng iniisip ko.

"Good morning, sir.. H-handa na po mga damit niyo." I politely said.

He only looked at me so with so much irritation, wala pa nga akong nagawa sa araw na ito naiinis na siya.

"Igagawa ko na po kayu ng almusal sir." Tinalikuran ko siya habang pinapagalitan ang sarili.

Saglit kong nakalimutan ang sama ng pakiramdam ngunit inom ng inom naman ako ng tubig. Hindi ko namalayan ang kanyang  pag alis sa likuran ko.

Nang matapos ako ay hinanda ko na ito sa kanyang mesa at ang mga lahat ng kailangan niya bago ako umidlip sa aking desk. I still have an hour bago ang in sa trabaho. Tinapos ko na lahat noong Sabado Kaya wala akong tirang gagawin. Ipinahinga ko muna ang sama ng katawan. Madali naman akong nakatulog.

Nagising ako nang may Kumatok sa aking mesa. Nang tumingala ako ay nakita ko siyang nakatayo.

"Masyado ka yatang napuyat sa lakad mo kahapon at nakatulog ka talaga dito sa unang pagkakataon." kasing lamig ng pakiramdam ko ngayon ang boses niya.

Tumayo ako bilang paggalang.

"I'm sorry sir. May kailangan  po kayo?"

May inis parin akong nakikita sa kanyang mga mata. Siguro kung babae lang ito ay umirap na siya.

Tumiim ang kanyang bagang saka nilapag ang mga papel sa aking lamesa at tumalikod. Hindi ko na inalintana ang kabang umalingawngaw sa aking loob dahil kailangan ko pang gawin ang trabaho. Sinimulan ang binigay niya. May tinawagang mga tao at ni arrange na mga meeting. May mga tawag din kaya naging busy na talaga ako.

Mga alas dyis ng umaga ay natapos ko ang pinaencode niyang contract  kaya binigay ko agad sa kanya. Habang binabasa niya ito ay nakaramdam uli ako ng hilo,  Medyo nag blur din ang paningin ko kaya ako napapikit.

"This is wrong! Ang daming mali!"

Napamulat ako bigla kaya mas lalong pumutik ang aking ulo. Tumayo naman siya at dinuro ang papel.

"Do you still have hang ups yesterday? Will set aside that stupid thing and focus to your work. I need this contract before lunch so better make this perfect!" Mariin niyang sabi.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now