chapter 16

8.1K 342 21
                                    

Chapter 16

"You are hired! You can start by Monday. Eva will train you for month before she will finally resigned.  I hope by that time, you are a replica of her. Hindi pwedeng hindi dahil CEO ang pagsisilbihan mo, Kahit dalawa kayong secretary ni Selene wag kang pakampante. The rest two applicants are hired too ngunit sa board of director sila... At kung bakit ikaw ang napili  ko sa CEO ay dahil naniwala ako sa kasipagan mo. Tinawagan ko din si Mr. Solomon tungkol sayo." Sabi noon Mrs. Montejo na huling nag interview  sa akin.

Para akong nanalo ng jackpot prize sa lotto.  Walang mapaglagyan ang saya ko kaya agad akong tumayo at nagpasalamat habang hindi mapigil ang pagngiti.

"Maraming salamat po, ma'am! Makakaasa po kayo na pagbubutihin ko po ang aking trabaho. Hindi po kayo magsisisi ma'am." sabi ko.

"Dapat lang, gawin mo!  Patunayan mo." Mataray niyang sabi.  Matapang siya at strikta ngunit mapagbigay naman.

"Pangako po, ma'am."

Pinasalamatan ko lahat ng Santo at ang Panginoon sa biyayang natanggap. Ngayon,  sasabihin ko na sa pamilya ko ang totoong kong status.  Bahala na si Batman. I'm gonna things right this.

Oops!  Bakit ba panay na yata English  ko nitong nakaraan? Ugh! Kainis.

Pagkatapos  kong kunin ang mga kailangan e comply na requirements sa HR ay nagkausap kami ng kunte noong mga kasabayan ko,  so far thankful kaming tatlo dahil natanggap. We became friends from now on.

Bago ako umuwi ay kailangan  ko munang klaruhin itong nangyayari sa akin. Ang daming kakaiba sa akin lately. Sa katawan ko at sa mood ko.  Kinabahan  ako,  Oo,ngunit kung totoo man ang kutob ko ay hindi ko alam. Hindi pa ako handa at paano ko ito ipapaliwanag. May excitement man sa puso ko ngunit mas nangingibabaw sa akin ang magiging reaction ng pamilya ko at ang mararamdaman nila. Si nanay, paniguradong magagalit ito. Magwawala,kaya natakot na ako ngayon paman lalo pa at wala akong maihaharap sa kanila.

Bumuga ako ng hangin mula sa aking baga at pumuntang pharmacy. Bumili ako ng tatlong pirasong PT at nakigamit sa banyo ng kalapit na coffee shop.

Habang hinihintay ang results ng aparatong iyun ay  para na akong matatae sa kaba. Nanlalamig ang mga kamay ko at namamawis ang aking noo.  Paano kung positive?

Mabilis na nag replay sa utak ko ang mga maiinit naming mga gabi. Natampal ko ang aking noo.

"Ang tanga-tanga ko!"

After 5mins ay hindi ko pa binaligtad ang tatlong PT dahil, nenerbyus na ako. I prayed that it is negative, sana nga.

Sabay kong binaliktad ang mga PT para makita ang resulta. At hindi ko maintindihan  ang naramdaman. Para akong sinakluban ng langit ngunit naexcite ako. Naluha na lamang akong tinitigan ang tig dalawang linya ng bawat PT.

Buntis ako!

Buntis ako Kay Blake!

Mas lalo lang akong naiyak at sumalampak doon sa nakasaradong inuduro.

Nagbunga ang katangahan ko!  Ito na ba yung kabayaran ko sa lahat ng pagsisinungaling ko? Bakit buhay?  Hindi pa ako handa! Kakayanin ko naman lahat ng sakit at hirap e, Pero bakit ito?  Para ba magtanda ako? But I already learned my lessons.

Bumuhos ang mga luha ko ng kunin ang mga PT.

Ang naganap sa amin ni Blake ay maitatago ko pero ang mga magiging anak namin ay hindi.  Siguro panahon na para maging  matapang. Magiging ina na ako at ayokong e deny siya Kahit kanino. Kung maghahanap sila nanay sa ama nito ay yun lang ang pwede kong ilihim. Sasabihin ko na ngayon dahil hindi ko ito maililihim, lalaki ang tyan ko at manganganak ako.  Kailangan  ko sila.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now