chapter 2

12K 333 13
                                    

Chapter 2

"You were silent." Tanong niya pagkapasok naming elevator.

Awkward akong lumingon sa kanya at pagod na ngumiti. Pagod sa banyagang damdamin na kanina pa nagpupumiglas sa aking puso ng hindi ko mapigil-pigil kaya hindi na lamang ako nagsasalita. Sobrang mangha parin ako sa kanya, sabi nga nila. Too good to be true.

Alam kong nag e-exist ang taong tulad niya. Mayaman, gwapo! Hindi! sobrang gwapo pero hindi ko inakalang makakasama ko siya. Sa hotel, ang daming tulad niya. Anak mayaman. Ngunit hanggang tingin lamang ako sa mga taong iyun pero ngayon siya na mismo ang humahawak sa akin. Hindi tuloy ako makapaniwala.

Wala talaga akong masasabi, panay lamang ang titig ko sa kanya na kapag nahuhuli niya ako ay nagtataka siya tapos tatawa na lang. Nang makarating kami sa condo unit niya ay namangha ako sa ideyang kanya ito. Hindi naman ako ignorante sa mga makabago at modernong kapaligiran. Nagtatrabaho ako sa isang 5star hotel kung Kaya ay aware ako. Pero ang malamang pag aari niya ang mga kagamitan dito at ito mismong unit ay sobra akong namangha. Wala sa kalingkingan ang pamumuhay namin sa nakikita ko ngayon.

Mula sa intrada ng unit niya ay nagniningning sa karangyaan. Ang sala ay nahahati sa dalawang kulay ng mga furniture, gray at puti. Panlalaki talaga ang panlasa. Sobrang linis din at nagsusumigaw ng mamahaling gamit. Ang Chandelier sa kanyang tanggapan ay napaka artistic. Sa loob ng isang buwan ko makakasama ni Blake, ano naman Kaya ang gagawin namin dito? O magsstay Kaya kami rito o may pupuntahan?

"Don't just stand there, I know you're tired and I already prepared your bath. It will suits your jetlags. Come on." Giniya niya ako sa isang magandang silid. At patuloy pa din akong namamangha sa mga nakikita.

"Soak yourself. May gagawin lang ako." Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong bago lumabas.

Pagsara ng pagkasara ng pintuan at lumagitik ang lock nito ay humandusay na ako sa sahig. Nanlalambot ako. Nanghihina sa matinding pagpipigil ng sarili. Naiyak ako. Naging emosyonal sa lahat ng mangyayari sa akin ngayon, ano pa Kaya sa darating na mga araw. Paano ko siya patutunguhan, paano ba makikitungo ang isang Stacy Cuangco Kay Blake Arizona? Dahil kung ako lang, yayakapin ko nalang siya buong araw at magsusumuksik sa mabango niyang amoy. Nakakapanghina ang tulad niya.

"Ginoo ko! Tinood ba kaha ni o nagdamgo lang ko?"

Ahh!!! Makabuang!

Bumangon ako at sumandal sa pintuan. Kinuha ko ang cellphone na pinahiram ni Stacy at di-nial doon ang numero ni ma'am Debbie.

"Aly! Thank God tumawag ka. Ano na? Kumusta?" Taranta niyang tanong.

Napakagat labi ako. Umuusbong na naman at matinding banyagang damdamin sa akin.

"Okay, lang ako ma'am. Mabait naman pala si sir Blake. Kaso natatakot parin talaga ako na baka mabuko ako Kaya hindi nalang ako nagsasalita."

"Wag kang silent, jusko! Mabubuko tayo lalo niyan. Maarte si Stacy, lahat ng nakikita niya may nasasabi siya. More on reklamador." Humina ang boses niya sa huling sinabi. Siguro magkasama sila ni Stacy.

"Ganoon po ba? Naku ma'am, hindi yata ako tatagal nito." Gusto ko ng maiyak.

"Hah?? Wag ka naman ganyan, Aly. Nandyan kana... Just go with the flow. Hindi naman masamang tao si sir Blake."

Ayun na nga e, paano ako mag-iinarte kung ang bait naman niya. Isa pa hindi ako sanay mamuna at magreklamo. Kusa akong gumagawa. Iniligo ko ang frustration na nararamdaman, for the first time ay nakapagbabad ako sa tab.

Hmmm... Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap maging Stacy Cuangco. Yung pinanganak kang may kutsarang ginto sa bibig. Bumuntong hininga ako, kahit sa panaginip ay hindi sumagi ito sa isip ko. Sinilang akong napakasimply ang buhay. Kumakayod yung mga magulang ko para sa aming magkakapatid. At nang makatapos bumabawi ako dahil sakitin na si nanay at tatay. Nakailang buntong hininga ako, walang alam sina nanay sa pinasok ko. Ang alam nila ay pansamantala akong nilipat sa ibang hotel para matrain pa lalo. Nasa house keeping department ako, secretarial ang natapos kong kurso ngunit dahil pahirapan makakuha ng trabaho ay sinunggaban ko ang house keeping mula sa 5star hotel ng Cebu. Maayos kasi ang pasweldo dito at magaganda ang incentives. Oo at mas maganda kung secretary ang makukuha kong trabaho, mas malaki ang sahod at mas marami ang privileges. Ngunit wala silang bakante para sa akin noon at wala pa akong experience. Sa loob ng limang taon ko sa hotel na iyun ay okay naman ako. Napapag aral ko ang dalawang kapatid mula sa aking sinasahod. Ang kita kasi ni tatay ay napupunta sa gamutan ni nanay na may diabetes na ngayon. Isang construction laborer lamang si tatay kung kaya mahirap talaga ang buhay.

At kung tatangi pa ako sa gusto ni Stacy, sa kulungan ang bagsak ko. Paano nalang ang mga kapatid ko. Paano nalang si nanay. Paano si tatay. Mas guhustuhin ko pang maghirap nalang muna dito at magpanggap total makakakuha din naman ako ng pera nito, mas malaki sa sinasahod ko. Makakabalik pa naman akong hotel pagkatapos nito dahil kakilala ni Stacy ang manager namin at nagkasundo na sila tungkol sa akin.

Napabuntong hininga ako. Kung hindi lang dahil sa bag na yun hindi ako mapupunta sa sitwasyong ito. Naalala ko kung paano nagkapalit ang bag namin ni ma'am Stacy. Tapos na ang shift ko noon at sumaglit ako sa restaurant ng hotel. Naging kaibigan ko na kasi ang chef doon at nagpaluto ako sa kanya ng espesyal na ulam para sa kaarawan ng kapatid ko. Binigyan niya ako ng discount kaya kinaya naman ng budget ko. Pagbalik ko ng counter ay ibang bag pala ang nahablot ko, magkapareho kasi kami ng bag yun nga lang branded yung kanya samantalang pekeng channel naman yung akin. Kinagabihan ay nadiskobre kong hindi ko pala ito pag-aari Kaya agad akong bumalik ng hotel ngunit pinusasan na nila ako pagkatapak ko ng lobby. Kung ano-anong akusasyon ang pinagbibintang sa akin ni Stacy. Keso mahirap ako, magnanakaw, patay-gutom at marami pang masasakit na pangbibintang. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Nadetain ako ng isang gabi sa presinto. Hindi ko pinaalam sa pamilya ko ang nangyari sa akin. Buong gabi akong umiyak at nagmamakaawa sa mga pulis doon pero pinagalitan lang nila ako sa ingay ko. At ang sumunod na araw ay iyun na nga ang naging kapalit ng kaso ko. Ang magpanggap bilang siya dahil sa magkamukha naman kami. Isa siyang ganid, walang puso at walang pakialam sa ibang tao. Kung ano ang alam niya ng una ay yun ang paniniwalaan niya.

Mabigat parin ang puso ko sa ideyang ginamit ako. Buong buhay ko kahit mahirap kami ay namuhay kaming marangal at walang dinidehadong tao. Hindi din kami sinungaling, yun ang pinakaayaw ni nanay. Takot kami Kay nanay, maldita siya. Kahit si tatay ay hindi makakakontra sa kanyang mga gusto na makakabuti naman sa amin ngunit sa mahirap na paraan. Mas lalo na ngayong may diabetes siya, sobra ang kanyang mood swing. Madalas siyang galit at mainit ang ulo. Sobra ang pasensya at pag-uunawa namin sa kanya dahil yun ang sabi ng doctor.

Ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko. Naalala ko sila, at na mimiss lalo na ang mga kapatid ko na siyang karamay ko. Kahit mahirap kami hindi ko sila ipagpapalit sa karangyaang meron si Stacy.

Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok.

"Baby, are you done?"

'Simbako! Niuntol akong kasing-kasing.'

Sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya lang ang nagpatibok ng husto nitong puso ko. Kahit yung crush ng campus sa amin dati na gusto rin ay hindi ganito ang epekto sa akin. Masyado ito mabigat at nakakatakot. Ito Kaya yung sinabi nilang love at first sight? Natawa ako, hindi magmamahal ang isang tao sa unang beses palang nilang pagkikita. Syempre ededevelop iyun ng panahon. Magugustuhan mo palang siya bago mahalin. Maybe its just infatuation. Pero sobra naman yata.

"Stacy!" Tawag niya ulit.

"Sandali lang! Lalabas na."













His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon