chapter 23

8.9K 408 51
                                    

Chapter 23

I panicked the moment he close the cars door. Damn!  Bakit ako sumama? Ay tanga. Saan ba niya ako dadalhin? Sana hindi nalang pala ako sumakay, pero siya na ang boss ko.

Mas lalo lang akong ng panic noong pumasok na siya sa driver's seat at pinasibad ang sasakyan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapakalma ang sarili.

"Saan po tayo, sir? Hindi pa po kasi naiforward sa akin ang mga schedules  niyo." Pormal kong tanong.

"Kasi mas inuna mo ang lalaking iyun keysa sa trabaho  mo, na late ka tuloy." Namilog ang mga mata kong sinipat ang aking wrist watch para kumpirmahin ang sinabi niya ngunit nainis lang ako.

"7:25 am pa po sir. Alas otso po ang time in ko dapat, kaya hindi ho ako late." Depensa ko sa aking sarili. Antipatiko.

Supladong tingin  ang iginawad niya sa akin. Umirap nalang ako palabas ng bintana. Ngayon naisip kong sa ganitong paraan niya ako pupunteryahin. Sa mga maliit na maling galaw ko. Siguro isa iyun. Sige nga, game on.

Namangha ako ng huminto ang kotse sa AMZOE SUITE. Na miss ko tuloy ang magtrabaho dito,  Syempre limang taon akong nagsirbisyo dito. Nauna akong lumabas ng kanyang kotse habang tinitingala parin ang building. I felt warm and sadness. Masaya ako dahil parte ako dati ng matayog at successful na hotel na to,  at kalungkot dahil sa masamang nangyari kung kaya ako nasibak dito.

"Aly?" Mula sa malayo ay narinig ko ang pamilyar na boses. Luminga agad ako.

"Alysson ikaw lage!!!" Si Cecil. Napangisi ako at sinalubong ang yakap niya.

"Cecil! Kumusta?"  Nasabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit bago bumitaw.

"Ikaw ang kumusta!  My God!  Kagwapa ba??" Pinaikot-ikot niya ako at namangha sa itsura at pananamit ko.

"Uy, Bongga! Nakapag-asawa ka ba ng amerikano?  O mayaman? Ahhh!!!  Nakakainggit!" Maingay niyang sabi at inanggulo ang aking mukha.  Syempre nagkainterest siya dahil dati ay wala naman akong kolorote sa mukha at hindi marunong mag-ayus.

"Wag ka ngang maingay." Saway ko.

"Nawala ka nalang bigla, anong nangyari? Hindi ka man lang nagpaalam sa amin." Sabi niya.

I felt  sad, reminding me of that day makes me feel helpless. Bumuntong hininga ako at sasagot na sana ngunit nagulat nang nanlaki ang kanyang mga mata.

" Good morning Sir." Dumistansiya siya sa akin at mabilis na nag bow.

Naku, Nakalimutan ko. Kasama ko pala ito at pag-aari nila ang building na ito.

Mataman niya akong tiningnan at si Cecil. May kung ano sa kanyang mga tingin na hindi ko mapangalanan.

Suplado siyang nagpatiuna sa akin kaya mabilis din akong nagpaalam Kay Cecil at sumunod sa kanya papasok ng gusali. Nagusot ang mukha ni Cecil. Marahil ay naguluhan sa nakita. Ang mga nasa reception ay nagulat din sa akin presensiya na nakasunod sa kanilang boss.

"Good morning Sir." Sabay silang dalawa ngunit nasa akin ang kanilang mga mata. Hilaw na lamang akong ngumisi. Tanging pagtawag sa akin ng mahina ang narinig ko mula sa kanila.

Dumeritso kami sa private elevator. Sila lamang ang pwedeng gumamit nito na Kailanman ay hindi ko nasakyan sa loob ng limang taon ko sa sirbisyo dito.

"I assume, Dito ka dati nagtrabaho?" Tanong iyun na tunog akusa.

"Yes sir."

He exhale. And let an annoying expression.

"How long?"

"5 years, sir."

Tumiin ang kanyang bagang. Unti-unti narin akong nenerbyus.

His Beautiful LiarWhere stories live. Discover now