Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
04.
05
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

06.

40.9K 1.8K 1.6K
By maentblack


Demrene's Point of View


Panibagong araw na naman. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong gumalaw para asikasuhin ang sarili sa pagpasok.

Gising na gising na ang diwa ko ngunit nakahilata pa rin ko sa kama, nakatingin ng malayo sa bintana pagkatapos ay bumuntong-hininga.

Pinikit ko ang aking mga mata upang ihanda ang sarili sa pagbangon.

Nararamdaman ko ang hapdi ng mga ito dahil sa walang tigil na pag-iyak kagabi.

Ang sakit din ng ulo ko dahil nakainom kami kagabi. Imbis na sa resto kami kumain, nagpasama ako kay Matt para mag-inom.

Ilang bote lang ng alak ang ininom ko dahil pinigilan n'ya ako. Nakakaramdam na rin naman ako ng pagkahilo pero ayoko pa ring tumigil. Gusto kong malasing at kalimutan iyong nangyari pero pagkagising ko ngayon, eto na naman. Bumabalik na naman lahat ng gusto kong kalimutan kagabi.

Naaalala ko na naman si Eris.

Saktong pagkabangon ko pa lamang ng kama ay nagring na ang phone ko. Inabot ko iyon sa ibabaw ng side table at tinignan ang caller's name.

"Incoming call from Maddy"

Hinilamos ko muna ang aking mukha gamit ang kamay bago sagutin ang tawag niya.

"Hmm?" Tinatamad kong tugon.

"Sa'n ka na?" Tanong niya.

"Nasa bahay. Hindi muna ako papasok."

"Teka? Bakit?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko kahit na hindi ko kita ang kaniyang reaksyon.

"Basta. Absent muna ako. Sabihin mo na lang kay Prof. may sakit ako. Sige na. Ibaba ko na 'to. Bye."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Maddy. Kaagad ko iyong pinatay at pagkatapos ay muling isinubsob ang mukha sa malambot na unan.

Ayoko munang kausapin ang lahat. Gusto ko munang magpahinga.

Iilang minuto ko pa lamang naipipikit ang aking mga mata ay muli na namang umingay sa loob ng kwarto ko.

May kung anong kumakatok sa labas at parang walang awa sa pinto kapag hinahampas ito.

Napakamot ako sa ulo nang bumangon sa pagkakahiga. Kubang-kuba ako habang naglalakad papunta sa pinto.

"Sandali lang!" Sigaw ko dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagkatok.

Nakakainis talaga si Mama. Palagi na lang akong binubwisit sa walang katapusan niyang pagkatok sa pinto!

"Wait lang, Ma—" Napahinto ako sa pagsasalita at bahagyang pinanlakihan ng mata nang makitang iba ang nasa harapan ko. "Matt?"

"Hi, baby. Good morning." Pagkasabi niya noon ay bigla rin syang kumindat.

Sumimangot ako at inirapan sya. "Baby mo ulo mo! Ano bang ginagawa mo rito?" Asik ko.

Ngumiti lamang siya at akmang hahawakan ang buhok ko at isasabit sa ilalim ng aking tainga ngunit kaagad ko iyong hinawi.

"Binibisita ko lang yung mga mamanugangin ko." He said and he round his eyes inside my room. "Di mo man lang ba ako papapasukin sa mukhang... basurahan mong kwarto?"

Hindi pa ako nakakabawi sa unang sinabi n'ya nang may sinabi na naman syang mas ikinaasar ko.

"Siraulo ka talaga!" Sigaw ko rito at binato ng unan na hawak ko.

Nasalo naman niya agad yon. "Aww. Just kidding." Tumatawa niyang saad.

Hinawi ko ang magulo kong buhok at mas hinarangan ng pinto. Baka mamaya pumasok pa sya rito!

"Ano ba talagang pakay mo rito?" Tanong ko.

Umayos ito ng pagkakatayo at inilagay pa ang isang kamay sa bulsa samantalang ang isa naman ay isinandal sa gilid ng aking pinto.

"Pinapasundo ka sakin ni Maddy. Pumasok ka raw kahit late." Sagot niya.

"Ayoko muna." Lumayo ako ng bahagya sa pintuan. "Sige na. Matutulog pa ko. Bye!" Isasarado ko na sana ang pinto ngunit pinigilan nya iyon.

"Wait! Ba't ba ayaw mong pumasok? You're just wasting your time in this room. Di ka ba nabobored?" Sabi niya habang nakakunot ang noo.

Umiling ako at mas itinutulak pasara ang pinto.

"Ayoko nga, e. Umuwi ka na." Saad ko habang itinutulak ang pinto.

Ayaw n'ya pa rin itong bitiwan. Mas malakas siya sakin kaya mas lumalaki ang awang ng pinto. Pinipigilan ko pa rin ang pagtulak na ginagawa nya kahit medyo nasasaktan na ako.

Nakakainis na ha.

"Umalis ka na! Isusumbong kita kay Mama!" Sigaw ko sa pagmumukha nya.

"Alam ni Tita future Mama na nandito ko. Besides, she also want me to convince you para pumsok!" Sigaw din nito.

"Wag mong isara. Nasasaktan kita, bobo." Muli nyang asik.

Kumunot pa lalo ang noo ko dahil sa inis.

"Ako pa talaga ang bobo e ikaw yung tulak ng tulak! Umalis ka na kasi! Ang kulit naman, eh!" Ako pa yung minura ng walanghiya.

Ang kapal talaga ng mukha.

"Nah. Hindi ako aalis hanggat hindi ka sumasama sakin." Pamimilit niya.

Parang walang kahirap hirap sa kanya ang itulak ang pinto gamit ang isang kamay. Samantalang ako, dalawa na gamit, uutasin na ako.

Ilang sandali pa ay sumuko na rin ako. Binitawan ko ang pinto at itinigil ang pagtulak dito.

Halos pagpawisan ang leeg ko dahil sa kalokohan ng bwisit na Matt na ito.

Humihingal akong tumingin sa kan'ya.

"Hindi ka talaga aaalis?" Tanong ko.

Umiling siya pagkatapos ay ngumiti.

"Edi wag kang umalis!" Tumalikod ako at tumalon papunta sa kama. "Magbantay ka dyan hanggang sa magsawa ka!"

Isinubsob ko ang mukha sa unan at hindi na ito pinakialaman.

Maghintay sya sa wala. Hindi ako papasok. Hindi ako aalis dito sa kwarto. Alam ko namang aalis din yan mamaya dahil abala siya sa pagpapatakbo ng kumpanya nila.

Ako pa talaga ang kinalaban nya ha.

"Hindi ka talaga sasama?" Rinig kong tinig niya mula sa gilid ko.

Umiling ako. "No. Not ever."

"Edi hindi rin kita iiwan." Nagulat ako nang biglang lumugso ang kama at naramdaman ko ang binti niya sa braso ko.

"Gusto mo, tabihan pa kita dyan e." Dugtong nito na mas ikinakulo ng dugo ko.

Umuusok na ang dalawang ilong ko pati na rin ang aking tenga. Napipikon na talaga ako sa kakulitan ni Matt!

Bumangon ako at hinarap ito. Akma akong magsasalita ngunit nabigla ako nang lumapit siya sakin.

Halos muntik ko na syang mahalikan dahil sa pabigla bigla niyang paglapit.

Naduduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Sinubukan kong kumurap at mabilis siyang itinulak.

Bahagya akong tumalikod at nilunok ang laway na bigla na lamang naipon sa bibig ko.

Walanghiyang lalaking ito! Chumachansing pa sakin ang gago!

Muli ko syang hinarap. Nakangiti ito at pataas-taas pa ang makapal na kilay.

"Ba't ba ang kulit mo?" Tanong ko sa kanya.

"See?" Kunot-kilay akong napatingin dito.

Isinandal niya sa head board ng kama ang likod at pinagcross ang braso.

"Anong 'see'?" Tanong ko, nakakunot pa rin ang noo.

"That's Eris reaction and how he feels when you're annoying him. Nakakaasar, 'di ba?" Napatigil ako sa sinabi n'ya.

Ano bang sinasabi nya? Naiinis lang naman ako sa kanya kasi nakakainis naman talaga sya!

"Iba yung iyo at iba yung kay Eris!" Inis kong saad.

Tumawa lang ito at binasa ng dila ang mapulang labi pagkatapos ay tumingin sakin.

"No, Demrene. There's no difference between that." Seryoso nitong saad. "It's just the same. Naiinis ka sakin because you didn't like me and you don't want me to say or do sweet things on you because you don't care 'bout me." He stopped and fake a smile. "Just like Eris and you, naiinis si Eris sayo kasi wala syang pakialam sa nararamdaman mo. I like you, hindi mo naman ako gusto. You like Eris, hindi ka naman n'ya gusto... Bakit kasi hindi na lang tayo, 'di ba?"

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "That's enough."

"No. I'm not done yet." He said with a low voice and a serious tone.

Umirap lang ako at napahawak ng mahigpit sa unan. I bit my lower lip to control the tears from falling.

"Look at me." utos nito sakin pero hindi ako sumunod.

"Hindi nga kasi tayo talo—"

Hindi ko na naituloy ang sunod kong sasabihin dahil sa paghawak niya sa balikat ko. Mabilis ngunit maingat niya akong iniharap sa kanya.

I'm still in shocked but I am now looking at his eyes. His eyes is like a color of milk chocolate eyes. Kung tititigan mo ay parang ngayon ka lang nakakita ng ganoon kagandang kulay ng mata.

"Look into my eyes. 'Wag kung saan saan tumingin. It looks like you're unconscious when you're staring at me." Ngumisi ito saglit.

Nagpatay-malisya na lamang ako na hindi ako nagagandagan sa kulay ng iris nito.

Seryoso akong nakipagtitigan dito. I'm still blinking my eyes. Kasi kapag hindi ako kumurap, maduduling talaga ako.

"What do you think of me, Dem?" Matt asked.

I took a deep sigh because of this nonsense conversation. Ano bang mapapala namin dito e puro kami drama?

"Seriously?" I asked.

"Uh-huh." He answered.

"I think of you as my fucking older stupid brother! Kapatid kita and I'm not into incest, okay?" Malakas kong sigaw sa kanya.

Nagulat ako sa bigla niyang malakas na pagtawa.

"Fuck it!" Mura niya, tumatawa pa rin. "We're not siblings kaya hindi 'yon incest. You're fucking funny, Dem. Stupid as fuck."

Binato ko sya ng unan dahil sa malakas niyang pagtawa.

Naiinis ako sa pagtawa nya. Para bang nang-aasar iyon sa tuwing naririnig ko.

"Alam mo, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na. It's also late. Hindi mo na ako mapapapasok ng ganitong oras and you have special things to do on your company, di ba? Asikasuhin mo 'yon kesa paglandi ang inaatupag mo." Mahabang saad ko.

Imbis na tumayo ay mas humiga pa ito sa aking kama. Unan-unan niya ang kaniyang mahahabang kamay habang nakatingin sakin.

"Mas importante ka na kaya ngayon sakin." He's still looking at my eyes.

Nakakaramdam ako ng kaunting awkwardness pero di ko pinapahalata.

Nagkunwari na lamang akong nasiyahan sa sinabi niya. I smiled and stare at him also.

"Aww. How sweet?" Ani ko. Nang akala niya ay hahaplusin ko ang makinis niyang pisngi ay nagkakamali siya. Ginusumot ko ang kaniyang mukha at sumigaw. "Itigil mo na nga yang mga sinasabi mo, Kuya Matt!"

Napatigil ko sa pagkurot sa kanya nang matawag ko siya ng kuya. Oh fuck, my bad!

"You call me Kuya, huh?" Natatawa na naman nitong saad.

"Sinadya ko para malaman mong mas matanda ka sakin! Gurang." Tinarayan ko sya pero parang hindi ito tinablan.

Tumaas ang kilay niya at nnunudyong tumingin.

"Really? So, gusto mo ring tawagin kita ng 'baby'." Nagkibit-balikat ito. "Not bad. Hi, baby."

Napatalon ako sa kama at tumayo. Inis na inis na ako!

"Hindi ka ba talaga titigil?!" Sigaw ko.

"HAHAHAHA. No. It's enough. I'll stop. Namumula ka na and I think I really annoy you." He said while laughing, holding his chest and then laugh again.

"Fuck you, Matt!" I cursed.

"Later, baby." He wink and then smile.

Napasabunot na lamang ako sa aking buhok pagkatapos ay ako na mismo ang lumabas ng aking kwarto.

Sobrang sakit na ng ulo ko, dumagdag pa siya. Okay naman kami kahapon e. Hindi siya ganito kakulit. Hindi siya sobrang nakakaasar!

"Mama!" Malakas ang bawat apak na ginagawa ko habang bumababa ng hagdan.

Hanggang ngayon ay inis pa rin ako.

"I'm in the kitchen. Why?" Tugon ni Mama.

Dumiretso ako sa kusina at pumunta sa ref. Kumuha ako ng tubig at tinakalan ang baso.

Ininom ko iyon dahil halos mawalan ako ng laway sa pakikipagsigawan kay Matt.

"Pauwiin nyo na si Matt." Sumbong ko kay Mama.

Tinignan ako nito. She's cooking right now. Pangtanghalian ata.

"Bakit? Dito s'ya magdi-dinner. I invited him." Sagot ni Mama.

Mas nainis ako dahil doon. Maingay kong naipatong sa tiles ang baso.

"Ininvite nyo pa? Ma? Bakit?!" I shouted.

"Why not? Bisita ko si Matt kaya hindi mo sya pwedeng pauwiin." Mama answered.

I rolled my eyes. "Bisita mo?!"

"Yep. I'm Tita's visitor. Akala mo ikaw binisita ko, ha? As if..."

Isang tinig ng nakakainis na boses ng lalaki ang narinig namin ni Mama na patungo rito. Foot steps pa lang niya ay alam na alam ko na.

"Matthew!" Galak na sigaw ni Mama nang makitang pababa si Matt ng hagdan. "Come here. Tikman mo ang niluto ko."

Lumapit si Matt dito na nakalagay pa ang dalawang kamay sa loob ng pants habang naglalakad.

"Okay, tita. Sino po bang niluto n'yo—uhmm, I mean, ano po bang niluto n'yo?" Matt's rub his hair and then laugh.

Napairap naman ako dahil sa nauna niyang tanong. Kunyare inosente, demonyo naman.

"Kaldereta. Nakain ka ba nito?" Tanong ni Mama.

Tumango si Matt na parang bata. "Yes, Tita. Nagluluto rin si Mommy ng gan'yan and that's also one of my favorite dish ni Mom."

Para namang totoo. Tss.

"Talaga ba? Nako, I hope you'll like it too!" Sabi naman ni Mama.

Hinawakan naman ni Matt si Mama sa balikat at nagthumbs up pa.

"Of course, tita. I will!" Tumingin sakin si Matt at ngumiti. "Sarap kaya ng luto n'yo."

Bastos talaga!

Kumuha ako ng tinidor sa sink at walang pasabing ibinato iyon kay Matt.

"Aww!" Sigaw ni Matt at hinanap kung sino ang bumato sa kanya.

Natamaan ko siya sa likod. Sinapulan ko talaga para masaktan sya!

"Demrene naman. Why did you do that?" Tanong ni Mama sakin.

Umiiling na natatawa si Matt habang nakatingin sakin.

"Sarap n'ya kasing batuhin, Ma!" Sagot ko kay Mama pero kay Matt ako nakatingin.

Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at nagpunta ng sofa para magbasa ng libro.

Ayoko munang buksan ang cellphone ko. Maiistalk ko na naman si Eris at masasaktan ko na naman ang sarili ko kapag ginawa ko yon.

***

It's been 6:30 PM. Katatapos lang din namin magdinner. Magkatabi kami ng upuan ni Matt dahil tumabi siya sakin. Ginatungan din naman ni Mama kaya mas lalong nang-asar si Matt.

"Akyat na po ako." Paalam ko sa kanila.

Akmang aapak na ako sa first step ng hagdan nang tawagin ako ni Mama.

"Hatid mo muna kaya si Matt sa labas? You're not going to sleep pa naman di ba, Nak?" Mama said.

Mariin akong napapikit. "Kaya na nya yan. Alam naman na nya kung nasan ang pinto. He can do it on his own." Hindi na ako nag-aksayang lumingon pa at tumapak na sa pangalawang baitang.

Aapak na sana ako sa pangatlo nang tumawag na naman si Mama.

"Nak, sige na." Sabi ni Mama sa seryosong tono.

Napahinga ako ng malalim at labag sa damdamin na bumalik sa sofa.

"Fine." Tamad kong utas.

Ngiting ngiti naman si Matt nang dumaan ako sa harapan niya. Sumunod siya sakin at binilisan ko ang paglalakad.

Ako na mismo ang nagbukas ng gate at iniaro pa sa kanya ang labas.

"Bye." Saad ko, walang karea-reaksyon.

Nakaapak na sya sa labas at isasarado ko na sana ang gate ngunit muli niyang pinigilan.

"Wala man lang 'good night' or 'take care' or 'sweet dreams' o kaya naman 'i love you' dyan?" He asked.

Umiling ako at inirapan siya. "Boyfriend kita? Magshota ba tayo?"

"Soon. I'll turn you into one." Saad niya pagkatapos ay kumindat.

Nagmake face lamang ako at tuluyang ikinandado na ang gate.

"Asa ka." Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako. Hahaba na naman ang convo namin nito kapag pinatulan ko pa sya.

"Baby!"

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang muli siyang sumigaw.

"Ano?!" Inis kong sagot.

Tumatawa naman siya pagkaharap ko.

"Baby na kita ngayon ha." He said.

Natigilan ako nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko.

Tsk! Bakit ba ako tumugon? Ang bobo ko naman!

"Baby mo mukha mo!" Mabilis akong gumalaw at tinalikuran ito.

Tumakbo na ako papasok ng bahay dahil baka tumawag na naman si Maty at kung ano ano pa ang sabihin.

Nakakailang puntos na sya sakin ngayon ha! Isusumbong ko sya kay Maddy.

Kung bakit ba naman kasi pinapunta pa ni Maddy ang kuya niya rito sa bahay? Alam naman niyang walang mapapala kapag sa kuya niya siya nagsabi. Tss.

Pero kahit ganon, I still appreciate what's Matt doing when I need someone to talk to. Matt is also kind. But it's only sometimes.

***

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock na si-net ko kagabi. Hindi pwedeng umabsent ako ngayon dahil may final exam mamaya.

Tinawagan ako ni Maddy kagabi at nasabi nya sakin na may exam nga raw kami kaya hindi pwedeng umabsent.

Pagkatapos ko sa lahat ng aasikasuhin ko pagpasok sa University, nagpaalam na ako kina Mama para umalis.

Kumuha na rin ako ng taxi sa Grab at mabilis naman itong pumunta sa compound namin.

Mag-aalas siete na nang makarating ako sa University.

Kamuntikan ng malate dahil traffic sa Taff Road papunta rito sa University. 

Ti-next ko si Maddy na papunta na ako. Sinabihan ko rin siya na magbe-breakfast muna ako sa cafeteria bago magstart ang class.

Gusto kong magcoffee muna para kahit papaano ay ganahan ako maghapon. Ayoko pa naman ng antok na antok ako sa klase.

Nakalimutan ko ng magbreakfast sa bahay dahil balak ko rin nga na uminom ng favorite coffee ko rito.

"One order of Frappé coffee, please. Thank you." Order ko sa cashier.

Umupo muna ako sa tapat ng bintana at kinuha sa bag ko ang aking phone.

I texted Maddy again. Sinabi ko na nasa cafe na ako at ilang minuto lang akong malelate. Igawa na nya ako ng excuse if ever na dumating na si Prof.

"Here's your Frappé Coffee, Maam. Enjoy!" Sabi ng waitress na naghatid ng order ko.

I smiled and greeted.

Hinigop ko naman agad ang coffee na inorder ko. Mabilis ko lamang itong naubos, dahil na rin siguro sa pagmamadali.

Hindi rin naman masyadong mainit ang coffee na ginagawa nila. Sakto lang ito at masarap pa. Not too sweet and not too tasteless.

Pagkatapos kong mainom ang aking kape. Tumayo na ako at naglakad papunta sa cashier.

Balak ko pang umorder ng isa at itake out. Masyado kong namiss ang frappé at kulang sakin ang isang baso lang.

Naglalakad na ako papunta sa counter nang biglang nagring ang aking phone.

"Incoming call from Unknown Number..."


Sino naman 'to?

Akmang sasagutin ko na ang call nang biglang tumalsik ang cellphone ko dahil sa malakas na impact ng pagbungo ko.

"Aray." Anang ko habang hawak hawak ang noo at ang napasong kamay.

Napatungo ako at hinanap agad ang tumalsik na telepono kung saan.

Pinulot ko iyon pagkatapos ay humarap sa nakabungguan.

"Sorry. Hindi ko sinasad—"

Napatigil ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Nabasa ang uniporme niya ng mainit na kape at halata sa mukha nito ang inis sakin.

Lumunok ako ng laway dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Oh my god, babe!" Kaagad na tumakbo si Xyzhie papalapit kay Eris.

Binitawan niya sa counter ang inorder na coffee at tumakbo sa boyfriend na may hawak na tissue.

She's wiping Eris's wet uniform. Nang matapos ay kaagad akong nilapitan.

"Papansin ka talaga, no?" Tinulak niya ang kabilang braso ko kaya napaatras ako.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Eris na wala pa ring reaksyon ang mukha ngayon. Nakakunot lamang ang kilay nito at nakatikom ang bibig.

"Hindi ko sinasadya. I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin.

Tatalikod na sana ako ngunit hinaklit ni Xyzhie ang aking bag kaya mabilis ko itong nabitawan at nahulog lahat ng gamit ko na nasa loob.

"Opps! Hindi ko rin sinasadya!" Pang-aasar ni Xyzhie habang nakataas ang isang kilay.

Lumapit pa ito sakin at sadyang inapakan ang aking notebook.

"Ilugar mo yang kalandian mo, Demrene. 'Wag yung boyfriend ko!" She said on my face in the front of many students.

Napatikom ang aking kamao dahil sa inis. Nagpupuyos ako sa galit!

Tinalikuran ako ni Xyzhie matapos niyang sabihin iyon.

Iginalaw ko ang aking paa at hinabol siya. Hahawakan ko sana ang braso nito ngunit kaagad na may humawak sa pala-pulsuhan ko.

"Enough." It's Eris.

Nakatingin ito sa mga mata ko. Still emotionless.

"Don't you dare hurt my girl." Dugtong niya na mas ikinalaglag ng luha ko.

Nakita ni Eris kung paano bumagsak ang luha ko. Sinundan niya ito ng tingin bago muling tumitig sakin.

Maraming estudyante ang nakakita at nakarinig ng lahat. And they are all blaming me.

Pumikit ako at binawi ang aking pala-pulsuhan. Pagkatapos ay pinahis ang luhang pumatak sa aking pisngi.

Akmang tatakbo na ako papalabas ng cafe ngunit may biglang umakbay sa aking balikat at ilapit ako nito sa kanya.

"Hey, baby? Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinihintay."

I know this voice, I know his smell, I also know who's fucking calls me 'baby'!

Nilingon ko sa aking tabi ang lalaking umakbay sakin. And... hindi nga ako nagkakamali.

It's Matt...

But wait? Anong ginagawa niya rito sa loob ng University...

And why he's also wearing a uniform like us?

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 269 78
Unexpected Confession (Epistolary)
10.4M 225K 64
He's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong...
14.7M 329 1
Secret Trilogy: Secretly Living With My Husband (Book 2 of 3) They began in a secret relationship. Went through many trials and fought together becau...
938K 39.8K 53
{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine...