Marked Series 3: Breathing to...

De iamyourlovelywriter

2.5M 42.6K 1.8K

She will always be that runaway princess, the coward angel, the scared lady. He will always be that King who... Mais

Marked Series 3: Breathing to Smile
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Epilogue
Extra #1: No Control
EXTRA #2: She's back with a vengeance

Chapter Twelve

109K 2.1K 87
De iamyourlovelywriter

"ARE you sure uuwi ka na?" tanong niya kay Yelena after days of staying on her apartment. Malungkot itong tumingin sa kanya at saka tumango, normal na ulit ito pero bakas sa mga mata nito ang lungkot na dala ng pagkabigo. For some reason nakikita niya ang sarili dito ang pinagkaiba lang nila ay may pinaglalaban siya kaya hindi siya pwedeng mag-give in s autos ng puso niya. And even if she missed Yel's brother she can't--.

"Alis na ako." Paalam nito sa kanya.

"Gagawin mo ang plano?"

Malungkot na ngumiti lang ito. "Yes, I'm running away." Yumakap ito sa kanya. "Thank you kahit na maldita ako sa iyo ay hindi mo pa rin ako pinabayaan at inalagaan mo ako. Sana may milagrong mangyayari sa love story niyo ni kuya."

Napailing siya, "Gaga ka talaga wala namang mangyayaring love story kasi wala namang love."

"Liar. Ako nga nagawa mong paaminin sa tunay na nararamdaman ko tapos ikaw indenial kunwari ang peg?" Mahigpit siya nitong niyakap. "Everything will be okay may pananalig ako sa love story ninyo ng kapatid ko."

"He doesn't love me." She said almost whispering.

"Huwag ka na kasing tumakbo at harapin mo siya. May pinagtataguan ka... stop hiding Yeth, stop hiding your heart."

Hindi siya umimik at hinintay itong makasakay sa taxi, naaawa siya kay Yelena dahil umibig ito sa isang lalaking handa itong saktan para makuha lang ang gusto nito. Siya naman iyong handang masaktan upang protektahan ang mga mahal niya sa buhay.

"Hi, little Ayeth."

"Francis, what are you doing here?" malamig na tanong niya.

"Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang magiging asawa ko?" akmang ilalapit na nito ang mukha sa mukha niya ng umuwas siya.

"Hindi ba sabi ko sa iyo hindi mo pwedeng gawin iyan hangga't hindi pa tayo kasal." Galit na turan niya.

"What the fuck Ayeth-."

"Kung gusto niyong makuha ang pera ko then sumunod kayo sa gusto ko dahil ako pa rin ang may control dito." napansin niyang nagtagis ang mga bagang nito. "And please leave, may tatapusin pa akong trabaho."

"We both know you don't need to work Ayeth as my future wife you have all the access in my bank accounts. You are rich, pwede kang mabuhay ng hindi nagtatrabaho."

"At alam mong hindi ako ganyang tao, magpapakasal ako sa iyo dahil lang sap era na gusto niyong makuha sa akin other than that wala na akong gustong maging koneksyon sa inyo."

"You are hurting me Ayeth you know-."

"I don't love you at may iba na akong mahal."

"Alam mong hindi ka pwedeng magmahal ng iba dahil akin ka lang." bakas sa mukha nito ang galit habang sinasabi iyon.

"At alam mong hindi kita mahal."

"Sino iyong mahal mo? Si Imperial ba? I can crash that guy if I wanted to."

"Huwag na huwag mong sasaktan ni isa sa mga kaibigan ko dahil hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin. Hindi mo makukuha ang kompanya."

"I don't care about your damn company all I want is you."

Nagtaas baba ang dibdib niya dahil sa galit niya sa kaharap. "Please lang Francis hindi kita gusto-." Impit na napatili siya ng bigla nalang siya nitong itulak sa dingding kaya tumama ang likod ng ulo niya doon. Gamit ang isang kamay nito ay nagawa nito siyang sakalin kaya mas lalo siyang nahihirapan sa paghinga. "Fr-an-cis." Hinawakan niya ang kamay nito sa leeg niya.

"Akin ka lang Nazareth mamamatay ang lahat ng lalaking magtatangkang umangkin sa iyo-."

"Really?" napahawak siya sa dibdib niya dahil sa nahihirapan na siyang huminga at pakiramdam niya ay may ibang boses siyang naririnig. "Mamamatay ang lahat ng lalaking magtatangkang umangkin kay Ayeth?" nabitiwan na ni Francis ang leeg niya habang siya naman ay napaubo ng malakas. Naubos na ang lahat ng hangin sa buong katawan niya at napasalampak sa sahig dahil sa panghihina.

"Imperial." Matigas ang boses ni Ayeth.

"Yeah?" tila hindi interesadong sagot ni Yael. Mas lalong nanikip ang kanyang dibdib nang malaman na totoo pala ang kanyang naririnig. Totoong si Yael ang nandoon.

"Stay away from my fiancé." Babala ni Francis sa kausap nito.

"Fiance?" tumawa si Yael. Sinulyapan niya si Yael at ganoon nalang ang pang-iinit ng kanyang mga mata ng tila wala itong pakialam sa kalagayan niya. "Hindi ako nandito para sa fiancé mo nandito ako dahil sa kapatid ko. Mukhang wala na siya dito." Malamig ang boses nito kasing lamig ng hitsura nito. "Huwag kang mag-alala hindi pakikialaman ang fiancée mo sinabi na niya sa akin na layuan ko siya. And I think that's the best thing to do ayokong masangkot ang pamilya ko sa gulo. Tama nga siya nang sabihin niyang gulo lang ang hatid niya sa akin."

Tama bang masaktan siya? Tama ba na makaramdam ng ganitong klaseng sakit? Ilang beses na ba siyang nasaktan at akala niya ay naimmune na siya pero mali siya dahil ngayon ay tila tinutusok ng isang libong patalim ang dibdib niya.

Ngayon alam na niyang hindi tamang masyado niyang saktan ang mga characters niya sa sinusulat na mga nobela dahil hindi pala ganoon kadali iyon sa totoong buhay.

Kahit pala sabihin niya rito ang tungkol sa sitwasyon niya wala pa ring mangyayari. Mali si Yelena, hindi siya ang pipiliin ng kapatid nito. Hindi siya ang tipo ng babaeng ipaglalaban ng kung sino. Mas masakit kapag mismong taong mahal mo ang nagsasabing wala kang halaga sa buhay nila.

Kahit ayaw niya ay hindi niya napigilan ang sariling mapaluha. Instinct na talaga ng tao na kapag nakakaramdam ng sakit ay kusang lumalabas ang luha sa mga mata. She needs to hide her pain and she needs someone right now. She needs her friends.

"Mabuti na at malinaw Imperial. Ayoko sa lahat ay ang inaagawan ako. You will be invited on our wedding." Kahit papaano ay nakalma niya ang kanyang sarili. Dapat maging malakas at matapang siya dahil walang tutulong sa kanya kundi ang sarili niya.

"Great. Just send me an invitation and I'll prepare the best wedding present I can find."

"Galante ang mga kaibigan ni Ayeth." Mapangutyang tumawa si Francis.

"We are not friends."

Natigilan si Francis at napasulyap sa kanya. Mabilis niyang pinahid ang luha sa mga mata dahil ayaw niyang iba ang isipin nito.

"Kung hindi ka niya kaibigan bakit ka niya pinoprotektaha-."

"Tama na Francis!" pigil niya dito. "Shut up." She hissed. "I am tired ang mabuti pa ay umuwi na kayo."

At mabilis na iniwan niya ang dalawa habang siya ay nagkulong sa silid niya. She locked it and then she silently shed tears. Kinuha niya ang picture frame na nasa ibabaw ng side table niya, kuha iyon noong buhay pa ang kanyang mga magulang. Mahigpit na dinala niya sa kanyang dibdib ang larawan at hinayaan ang sariling ilabas ang lahat ng sakit na nakulong sa dibdib niya.

"Mama, papa..." hikbi niya. "Kunin niyo na ako parang awa niyo na." mahinang hiling niya sa mga ito. Sana ay marinig ang munting dasal niya at hayaan naman siyang kahit papaano ay mabuhay ng walang iniisip na bukas.



"ARE you really okay?" nagtaas siya ng tingin at natawa sa tanong ni Bree. Parang kailan lang iyon ang tanong niya kay Yelena before she went to somewhere else. Hindi naman siguro siya aalis hindi ba?

"Bakit naman hindi ako magiging okay?" she smile at her friend. Nasa isang boutique sila ng mga oras na iyon, magsusukat siya ng wedding gown dahil sa nalalapit na kasal niya.

"Alam namin na napipilitan ka lang sa kasal na ito Ayeth, this is not so like you." Si Rayleigh na iniwan ang camera sa isang tabi upang tingnan siyang mabuti. "Hindi kayo bagay ng Francis na iyon mas bagay kayo ni Yael, bet ko pa naman ang loveteam niyong dalawa."

She just shook her head and chuckled a little, alam niyang ganitong eksena ang maabutan niya sa kanyang mga kaibigan. That's why she already conditioned herself with this kind of conversation.

"Paano mo naman nasasabi na napipilitan lang ako?"

Nagkatinginan ang dalawa na para bang alam kung ano ang rason niya. "Madali lang naman iyang masasagot Ayeth." Ray said. "Kahit na baliw ka alam namin kung kailan ka may nililihim sa amin. Kung ano man iyon please tell us."

Tumawa lang siya sa sinabi nito. "Walang 'tell us' because there's nothing to tell. Magpapakasal ako then tapos."

"Walang thrill ang love story niyo."

Kung alam lang ng mga ito. "Eh ano naman kung wala and besides I might be a writer but I didn't asked for a bestseller love story gusto ko lang ng tahimik."

"Kung gusto mo ng tahimik sa sementeryo ka pumunta nakakabuwisit ka. Nakakasama ka sa pinagbubuntis ko."

"Bree I didn't ask you to stress out yourself for my sake, may pamilya ka at dapat sila na ang intindihin mo and as for me, malaki na ako."

"I can see that na malaki ka na pati utak mo malaki na rin, iyong boobs mo nalang ang walang improvement." Nguso nito sa dibdib niya.

"Ay, may ganon? Huwag pakialaman ang boobs kong nananahimik lang dito sa dibdib ko baka magalit ito at manuntok na." she tried to lighten up the mood.

"Ang pangit mo."

"Matatalino lang ang nakakakita ng ganda ko, kung pangit ako sa iyong paningin alam mo na ang ibig sabihin." She grinned pero kahit iyong mga jokes niya hindi benta sa mga kaibigan. "Ay, ano ba iyan ikakasal na nga ako ganyan pa ang mga mukha niyo makapili na nga lang ng wedding dress." Tumawa siya at tumayo na, tumalikod siya sa mga kaibigan dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang tunay na saloobin niya ng mga oras na iyon. Ang makasal sa taong kinamumuhian moa ng pinakamasakit sa lahat, pero ang katotohanan na ang taong pinili mong mahalin ay hindi ka naman pala mahal mas masakit. Wala siyang kawala, pakiramdam niya ay ang hirap huminga mas madali pa nga yatang ngumiti ng peke. It's like smiling is her new form of breathing, and how she wished she can breath to smile again and not to smile to breath.

"You love Yael." Insist ni Ray, hindi na niya kailangan pang magulat pa dahil kahit sino ang kausap niya ay iyon ang sinasabi. Why? Dahil kahit siya mismo sa sarili niya alam niyang totoo ang sinabi nito. Hindi iyon tanong but a solid statement.

"I don't." she lied, the best thing to do is to lie.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" nawala ang ngiti sa mga labi niya at napatitig sa kaibigan.

"You are lying. Kilala ka namin Ayeth from head to foot, from dandruff to ingrone. Hindi ka lang namin pinapakialaman dahil alam namin na iyon ang gusto mo. Pero sana hindi mo sinasarili iyang problema mo para ano pa at naging trio churva tayo?" nag-init na naman ang mga mata niya sa sinabi ni Bree. Akala niya ay kaya niyang magpanggap pero hindi pala, paano ba siya magpapanggap kung basang-basa na siya ng kanyang mga kaibigan.

"Hayaan niyo nalang ako." Sabi niya sa mahinang boses.

"Magpapakasal ka tapos iba ang mahal mo don't try and defend yourself dahil alam kong mahal mo si Yael. Ilang beses na ba tayong magkakasamang tatlo and the way you look at him is different than the way you look at others kaya huwag na huwag kang magsinungaling about your feelings towards him." si Bree.

Umiling siya. "Hindi pwede."

"Anong hindi pwede? Hindi mo siya pwedeng mahalin? Bakit? Dahil ba may girlfriend na siya pwes wala siyang girlfriend and he is single so what's the problem?"

"Ang daling sabihin iyan dahil ako ang nagmamahal sa kanya, hindi niya ako mahal Bree sana napansin niyo rin iyon. He doesn't feel the way I feel for him which is good dahil ayokong mahirapan siya. Kapag kasi ako ang minahal niya mahihirapan siya dahil hinding-hindi kami pwedeng maging kami."

"What if he feels something for you? Paano kung mahal ka niya? Paano kung sasabihin niya sa iyo na-."

"Shut up please." Malamig na tugon niya sa mga kaibigan. "I don't want to talk about it when I am marrying some other guy."

"Hindi pa wala ka pang thirty? Bakit biglang napaaga naman?" tanong ni Rayleigh.

"Nagbago ang plano." Hindi niya sasabihin na ginamit ni Don Victor ang mga kaibigan para mangyari ang gusto nito. "Ginamit nila si Yael upang ipitin ako." Pinigil niyang huwag manginig ang boses.

"May hindi ka sinasabi sa amin Nazareth." Seryosong ani ni Bree. "Pinagbantaan ba kami ni Don Victor? Ginamit ba niya kami upang pumayag ka?" manghang anito.

"Bree its-."

"That's it! Ginamit niya kami! Inipit ka niya at magpapakasal ka dahil ayaw mo kaming masaktan! Palagi kang ganyan Nazareth palagi mong inuuna ang kapakanan ng ibang tao kahit na nahihirapan ka na."

"Hindi kayo ibang tao Bree, kayo lang ang meron ako." Tuluyan na siyang napaluha sa harap ng mga ito. "At alam kong hindi nagbibiro si Don Victor. Kung nagawa niya sa mga magulang ko na naging malapit niyang kaibigan paano kaya sa inyo."

Resignation is visible on her friend's faces. "Ayeth..."

"Hayaan niyo na lang ako. Ayokong mapahamak kayo ng dahil sa akin, lalo ka na Beatrice. You are a Ventura, hindi kung sinu-sino ang pamilya ng asawa mo. Ayokong dumating ang panahon na pati sila ay mapahamak dahil konektado ka sa akin. Natatakot akong may mangyayaring masama sa iyo dahil sa akin." Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata.

"I will help you, I can ask kuya to help you-."

Malungkot na umiling siya. "Kaya ko ito." she assured her friends but they all knew that she won't be okay.

"Yael can help." Rayleigh tried.

"He won't. He made it clear to me the other day. Ayaw niyang masangkot ang pamilya niya sa anumang gulo at naiintindihan ko iyon."

Hinawakan ni Beatrice ang palad niya. "Pero nasasaktan ka."

"Sanay na naman ako." Tumatawa siya pero panay ang tulo ng luha sa kanyang mga mata. "Ang importante... sana ay huwag niyo akong iwanan ngayon. Huwag niyo muna akong talikuran dahil kahit ayaw niyo sa nangyayari kailangan ko naman kayo."

Mabilis na lumapit si Rayleigh sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

"Sorry Ayeth. Pasensya ka na kung hindi dahil sa amin ay hindi ka magsasakripisyo ng ganyan. Hindi ka masasaktan."

"Wala kayong kasalanan nagkataon lang na ganito talaga ang takbo ng kapalaran ko." tinitigan niya ang mukha ni Rayleigh. "Huwag kang mag-aalala kapag ikaw naman ang nagmahal sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan."

"Ma'am, heto na po iyong wedding gown na napili niyo kanina." Pareho silang natahimik sa pagdating ng sales personel na umaasikaso sa kanila. Walang imik na tinanggap niya ang gown at mabigat sa dibdib na tinungo ang malaking dressing room.

Hindi na niya inilock iyon dahil walang magtatangkang pasukin siya dahil nandoon ang mga kaibigan sa labas. Habang tinititigan niya ang puting damit ay biglang nagdilim ang kanyang paningin. Gusto niyang punitin iyon hanggang sa hindi na iyon pwedeng isuot.

Namayani ang rational na bahagi ng kanyang isipan at mahinang napabuntong-hininga.

"For my love ones." Bulong niya at dahan-dahang hinubad ang damit. Habang ginagawa niya iyon ay napatitig siya sa malaking salamin. May nakita siyang babae sa salamin at halos hindi na niya ito kilala. Walang buhay ang mga mata ng babae at humihingi ng pepeng tulong.

Maganda ang damit pero hindi bagay sa kanya, nawalan ng buhay ang wedding gown dahil parang patay ang nagsuot niyon. Mahigpit na niyakap ang sarili at napaluhod sa harap ng salamin. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mahinang nilunod ang sarili sa pag-iyak. Walang nakakakita sa kanya kaya mas palagay ang loob niyang umiyak doon.

Wala siyang pakialam kung mabasa man ang gown ng kanyang luha. At nang sa wakas ay unti-unting naubos ang luha sa kanyang mga mata nang marinig ang kakaibang ingay mula sa kanyang likuran. Hilam ang mga matang napatingala at napatingin siya sa salamin.

"Yael?" hindi makapaniwalang tanong niya. Mabilis siyang lumingon upang alamin kung tama ba ang kanyang nakikita. Magkapantay ang mukha nila ng binata at kusang dinama ng kanyang palad ang pisngi nito. Lately, nagkakaroon siya ng hallucinations na nakikita daw niya si Yael sa kung saan-saan. The moment she touches his cheeks she knew he is real, the sweet tiny tingles are the proofs that he is real. "You are real." Wala sa sariling nasambit niya.

Wala siyang mabasang reaksyon mula sa mukha nito, basta lang sila nagkatitigan. He is looking at her intently like he is memorizing every part of her face and so with her. Ganoon din ang ginawa niya dahil nga baka ito na rin ang huling araw na matititigan niya ito ng malaya. He leaned forward and in a snap of time his lips were pressed against hers. She heard a small growl of satisfaction from him the moment their lips touched as the shivering tiny volts of pleasures spread like wildfire in summer. His tongue licks across her lips pushing into hers. Sh

She slowly opened her lips for him to access and the moment she did that he slowly explored her. His arm wraps her waist tightly and the other one is holding her head gently. He carefully pushed to the mirror wall as her arms automatically found the perfect place to lay, around his neck.

Hinayaan niya ang puso niyang maging malaya pansamantala. Totoo man o hindi si Yael ay wala siyang pakialam. Mahal niya ang lalaki at kung ito ang huling pagkakataon na mahalikan niya ito ay uubusin niya ang natitirang hininga na meron siya para lang dito.

They are both gasping when they release each other's lips, she closed her eyes as he planted a kiss on the tip of her nose. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling bumalik ang mga luha sa kanyang pisngi ng hindi na niya ito maramdaman sa paligid. And when she opened her eyes he is nowhere to be found. He's gone.


RE-UPLOADED: OCTOBER 24, 2019

<<3 <<3 <<3

a/n: Ilang chapters nalang at magtatapos na ang Book3 so i can concentrate sa book . Kakauwi ko lang from school kasi kahit walang class ay kailangan namin na pumunta dahil magpapractice pa raw kami ng dance para sa teachers nite. Akalain niyo iyon parang kailan lang iyong unang teacher's nite namin na naka-egyptian costume ako with matching belly dancing and everything tapos ngayon sasayaw na naman ako. Hahaha, if you only knew... ni hindi nga ako mapasayaw ng mga teachers ko dati kahit na may grades pa, wala akong pakialam sa grades dahil mas importante sa akin ang kahihiyan ko. Iyan kasi kapag walang self confidence, alam kong halos lahat tayo ay nakakaranas ng ganyan kapag high school tayo. My self-confidence is nowhere to found maybe because I don't have friend to boost it up kahit na noong nasa college ako. Ipamemorize mo na sa akin ang buong isang libro huwag lang ang pasayawin ako.

Pero ngayong teacher na ako ewan ko ba, medyo tumaas ang lebel ng confidence ko as in to the highest level. Maybe because no one knows me here at saka kapag napapatingin ako sa ibang co-teacher ko masasabi ko nalang na, kung nakaya nila bakit hindi ko kakayanin? Kung nagawa niyang magsuot ng ganyan bakit hindi ko kayang isuot kung sa tingin ko mas bagay naman sa akin? hahaha, di nga kumapal lang talaga ang feslak ng lola niyo dahil alam kong kahit na pagtawanan ako ng mga taong nasa paligid ko it doesn't matter anymore because I know I am higher than them. chooks.. higher talaga eh hindi nga ako umabot sa limang talampakan. Hindi baling pandak maganda naman. See... nakadrugs na ako nagbubuhat na ako ng sarili kong bahay. Dapat ay ihinto ko na ito. Sige na post ko na itey dahil ako ay maghahanap pa ng makakain.

STATUS UPDATE:

I have a question:

You really love him, don't you?

GOT YOU!

:-)

a simple psychological question, no name was mentioned but suddenly someone came into your mind

Continue lendo

Você também vai gostar

636K 22.7K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
41.3K 707 4
Mapaamo kaya ni Agatha Sanchez ang malupit na si Nicholas Rostova? Simpleng babae at hindi tulad niya ang tipo ng magpipinsang Rostova, lalo na ni Ni...