I AM NINA: Saving Lives

By arjoan

141K 10.3K 2.6K

Book 2 of I Am Nina Series. I know my life was not perfect. I accepted my fate. I tried so hard so I can ch... More

Author's Note
READ THIS
Prologue
CHAPTER 1: The Love I Have For Her
CHAPTER 2: She's Awake
CHAPTER 3: MISSING
CHAPTER 4:THIEF
CHAPTER 5: FINALLY!
CHAPTER 7: THE ORDEAL
CHAPTER 8: SO DIFFERENT
CHAPTER 9: TEMPTED
CHAPTER 10:TELLING REYDEN THE TRUTH
CHAPTER 11: TURNED INTO A MAID
CHAPTER 12: ANNOYING EACH OTHER
CHAPTER 13: HEARTBREAK
CHAPTER 14: MOVING ON
CHAPTER 15: STARTING ALL OVER AGAIN
CHAPTER 16: PROMOTED
CHAPTER 17: THE BRIDGE
CHAPTER 18: AFTER US
CHAPTER 19: VIP
CHAPTER 20: CHAOS
CHAPTER 21: CRITICAL
CHAPTER 22: I SAW SOMEONE!
CHAPTER 23: FRIENDS OR LOVERS
CHAPTER 24: MOM
CHAPTER 25: Handkerchief
CHAPTER 26: AWAY
CHAPTER 27: THE STORY
CHAPTER 28: KNEEL
CHAPTER 29: RUN
CHAPTER 30: ACCEPTANCE
CHAPTER 31: BAD LUCK
CHAPTER 32: MIRROR
CHAPTER 33: WRATH
CHAPTER 34: ONE AFTER THE OTHER
CHAPTER 35: PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 36: JUST THE TWO OF US
CHAPTER 37: WHO IS HE REALLY?
CHAPTER 38: CONNECTION
CHAPTER 39: KILLER
CHAPTER 40: CLUE
CHAPTER 41: GOT YOU!
CHAPTER 42: REVENGE- LET THE GAME BEGIN
CHAPTER 43: QUIT
CHAPTER 44: FIGHT
CHAPTER 45: ERASE
CHAPTER 46: SET-UP
CHAPTER 47: Double-Crossed
CHAPTER 48: BETRAYAL
CHAPTER 49: DIE
Chapter 50: MISTAKE
CHAPTER 51: Read Between the Lines
CHAPTER 52: CHANCE
CHAPTER 53: PIECE BY PIECE
CHAPTER 54: GIFT
CHAPTER 55: CUT
DEDICATION
DED Part 1
DED Part 2
DED Part 3
CHAPTER 56: UNEXPECTED
CHAPTER 57: IDENTITY
CHAPTER 58: REUNITED
CHAPTER 59: CHANGE
CHAPTER 60: ONE STEP AT A TIME
CHAPTER 61: FEELINGS
CHAPTER 62: YES
CHAPTER 63: PAINED
CHAPTER 64: I LOVE HIM
CHAPTER 65: DARK BLUE
CHAPTER 66: CONFUSED
CHAPTER 67: FAINT
CHAPTER 68: SOMETHING MISSING
CHAPTER 69: CRASHED
CHAPTER 70: MONEY
CHAPTER 71: TAKEN
CHAPTER 72: NUMB
CHAPTER 73: NOT A PRINCE CHARMING
CHAPTER 74: Secretly In Danger
CHAPTER 75: MAKING SURE
CHAPTER 76: FACE TO FACE
CHAPTER 77: DROWNED
CHAPTER 78: CHANCE TO GO BACK
Short Message
EPILOGUE
DED Part 4
FINAl MESSAGE
BOOK 3

CHAPTER 6: THE LOCKET

1.7K 136 19
By arjoan


Reyden

Mabilis kong hinanap sa mga private rooms ng ospital si Ate Bel para iabot sa kanya ang nakaligtaan niyang cellphone.

Nakita ko sa siya sa room 207. "Ate Bel!" Tawag ko sa kanya.

Lumipat ang mata ko sa kasama niya sa silid. Nagsalubong ang kilay ko. "Ethan?"

"Reyden?" Nagtataka niyang tawag sa pangalan ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Ate Bel.

Pumasok ako sa loob ng silid. Nakita kong hawak hawak ni Ethan ang kamay ng isang babaeng walang malay na nakahiga sa kama habang hinahagod naman ni Ate Bel ang buhok nito.

Pinagmasdan ko ang babaeng nakahiga. Hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha dahil sa oxygen mask na nakasuot sa kanya.

"Who is she?" Tanong ko sa kanila.

Muli silang nagtinginang dalawa.

"Sh--, she's Ica, Erica!" Sagot ni Ethan sabay iwas ng tingin niya sa akin.

"Yeah, she's Ica. Kasama ko sa orphanage, best friend ko." Segunda ni Ate Bel.

"Okay. What happened to her?" Tanong ko.

"She got shot." Sagot ni Ethan.

Tinitigan ko si Ethan at tinitigan kong muli ang babae. Napakunot ang noo ko.

"Ethan, she's the same girl kanina. Tama ba?" Nag-aalangan kong tanong.

"Yes." Sagot niya.

I smirked. Yung babaeng weird na inaangkin yung kwintas.

"The thief." Naibulalas ko.

"Don't call her thief, she's a friend of ours." Sabi ni Ethan na halatang medyo nainis.

"Sorry, but she looks like one. Why did she get shot in the first place?" Sabi ko na parang nang-aasar.

Hindi ko maintindihan pero iba talaga ang pakiramdam ko sa weird na babaeng ito.

"Kelan ka pa naging judgemental?" Sita ni Ate Bel.

"Kanina lang nang makipaghabulan ako sa babaeng 'yan. She keeps on insisting na sa kanya 'yung kwintas na ibinigay ko kay Nina." Diretso kong sagot.

Napabuntong-hininga si Ethan. Sinulyapan ko siya. Bakit ganon na lang ang pag-aalala niya sa babaeng nakahiga? Nagulat talaga ako kanina nang hawiin niya ang kamay ko para lang mayakap yung babae. Mas nagulat pa ako nang hindi man lang siya nagdalawang isip na hawiin yung t-shirt ng babae na para bang close na close sila para magawa niya ang ganoong bagay.

Kung ganoon kaimportante and babaeng 'yan sa kanya, bakit ni minsan hindi man lang niya naikwento sa amin ang tungkol sa kanya.

Napasulyap ako kay Ate Bel. Kailan pa siya nagkaroon ng ibang bestfriend maliban kay Nina? Nakakapagtaka.

"I'll go ahead. I just came to give you your phone." Sabi ko kay Ate Bel sabay abot ng cellphone niya.

"Thank you. Nakalimutan ko na naman siya." Sabi niya sabay kamot ng kanyang ulo.

"Sabay ako palabas. I need to grab some food." Sabi ni Ethan.

Tumango lang ako.

Sabay kaming lumabas ni Ethan sa ospital.

"Sorry for calling her a thief." Sabi ko sa kanya.

Napaismid siya. "It doesn't matter anyway, you got the necklace back."

Gumihit ang inis sa mukha ko. Naalala kong bigla ang sinabi ni Celine.

"Why? Do you have something to say?" Curious na tanong ni Ethan.

"Celine actually disposed the necklace together with Nina's other stuffs." Dismayado kong sagot.

Napahawak si Ethan sa noo niya. "It's so unfortunate that Celine cannot remember everything, but we can't blame her for that. Masaya akong gumaling siya, that's the important part." Malungkot niyang sabi.

Nag-usap ba silang dalawa ni Ate Bel? Pareho sila ng sinasabi. Paano nila natanggap ng ganoon kabilis ang pagkawala ni Nina. Sa nangyayari ngayon ay parang ako pa ang nagmumukang masama dahil hindi ako natutuwang gumaling si Celine dahil ang totoo ay mas gusto kong makasama si Nina.

"I know what you're going to say next. You're going to tell me to move on." Sabi ko.

"Yeah, I'm going to tell you that!" Diretsong sagot ni Ethan.

Napangisi ako. "You're right, I really need to move on!" Sarkastik kong sabi.

Kinuha ko ang kwintas na ibinulsa ko kanina. Sinadya kong ipakita ito kay Ethan. "Guess I won't need this anymore. Nina is gone, but Celine is there. They're just the same person anyway. If she cannot remember anything, then we'll just make new memories!" Asar kong sabi sabay tapon ng kwintas sa trashbag na nadaanan namin ni Ethan.

Naiinis talaga ako! Why do they keep on telling me to move on. Wala bang magsasabi sa akin ng iba? Hindi sila nakakatulong!

Naghiwalay na kami ni Ethan at agad na akong nagdrive pabalik sa mansyon. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay itinigil ko ang kotse sa gilid.

Bakit ko ba tinapon yung kwintas! Argghhhh! Nakakainis talaga, ano bang nangyayari sa akin! Nagmaneobra ako at bumalik sa ospital. Nagmamadali kong binalikan ang trashbag kung saan ko tinapon ang kwintas pero wala na ito sa kinalalapagan nito malapit sa poste.

Damn you Reyden! This is crazy. This is really crazy! Nasaan yung trashbag!?

Tinanong ko ang dumaang janitor kung nasaan yung trashbag na nasa poste, sinabi niyang kinuha na ng garbage truck.

Shit! This is the worst day ever! Wala talagang nagagawang matino ang init ng ulo!

--------------------------------------------

Ethan

"Ang tagal mo naman!" Bungad sa akin ni Ate Bel pagkabalik ko sa kwarto.

"May binili lang ako Ate Bel." Nakangiti kong sagot.

"Sakto, nagugutom na kaya ako." Biro niya.

Natawa ako. Inabot ko sa kanya ang mga binili kong pagkain at konting gamit para kay Nina.

"Kumusta si Reyden?" Seryoso niyang tanong.

"Huh, si Reyden- he's getting crazy!" Pabiro pero seryoso kong sagot.

"Naguiguilty talaga ako sa tuwing makikita ko siya." Sabi ni Ate Bel.

"Me too. We need to convince Nina to tell Reyden the truth."

Nagpalipas kami ng gabi sa ospital habang hinihintay na magising si Nina. Magdamag siyang tulog at halos hindi man lang kumikilos.

Nang maalimpungatan ako ay agad kong kinapa ang aking cellphone sa ilalim ng unan. Nakita kong alas otso na pala ng umaga. Bumangon ako sa sofa sabay stretch ng aking leeg.

Nabahala ako ng hindi ko nakita si Nina sa kama niya. Napatayo akong bigla at agad na lumapit sa kama. Nakita kong maayos na nakapatong ang oxygen mask sa unan. Nakita ko si Ate Bel na mahimbing pang natutulog sa visitor's bed. Tumungo ako sa CR at binuksan ito. Walang tao.

"Ethan." Nakangiting tawag ni Nina na nasa bukana ng pintuan.

Napabuntong –hininga ako. "Where the hell have you been?!" Pag-aalala kong tanong.

Bahagya siyang natawa. "Nandito lang ako sa labas, ano ka ba, I'm just having a walk." Sagot niya.

Bumuntong-hininga akong muli. "Bakit ka naglalakad, hindi ka pa kaya magaling!" Sita ko sa kanya.

Ngumiti lang siya katulad ng parati niyang ginagawa sa tuwing alam niyang nagagalit kami. Inalalayan ko siya pabalik sa kanyang higaan. Itinaas ko ang ulunan ng kama para komportable siyang makasandal habang nakaupo. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ko siya.

"So, who is this girl this time?" Tanong ko.

"I actually don't have any idea." Sagot niya.

"We were worried sick about you." Sabi ko.

"Halata nga eh, mukhang ngayon lang yata kayo nakatulog." Biro niya sabay nguso kay Ate Bel.

Natawa ako. "You got it right. We were really expecting na babalik ka na sa katawan mo." Nanlulumo kong sabi.

Huminga siya ng malalim. "I was actually expecting the same thing. The more we expect, the more it hurts when something unexpected happens. Right now, I'm just happy I'm alive!" Malungkot niyang sabi.

"I have something to give you. I know you're not feeling so well, kaya para sumaya ka naman kahit papano--" Putol ko sabay kuha sa box na nakapatong sa cabinet.

"Open it." Utos ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin na parang nag-aalangan pang tanggapin ang ibinigay ko.

"Hey just open it, hindi naman 'yan bomba." Biro ko.

Natawa siya. Dahan dahan niyang binuksan ang maliit na kahon. "What's this?" Nakangiti niyang tanong sabay kuha sa laman nito.

"It's a locket." Sagot ko. "Open it." Utos kong muli sa kanya.

"How?" Curious niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at itinuro kung paano buksan ang locket.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman nito. It's the pink necklace Reyden gave her na pinulot ko sa trashbag nang makita kong itinapon ni Reyden kahapon.

------------------------------------------

Nina

Puting kisame na naman ang una kong nasilayan pagmulat ko ng aking mga mata. Mukhang hindi na talaga ako matatapos sa pagbisita sa ospital. Mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara sa mga nagdaang araw. Nabawasan na rin ang kirot at sakit na nagpapahirap sa akin dahil sa namamaga kong balikat.

Tinanggal ko ang oxygen mask sa aking mukha. Marahan akong bumangon at tumingin sa paligid. Nakita kong natutulog pa si Ethan at Ate Bel. Napangiti ako, sa wakas nakabalik rin ako sa kanila. Akala ko talaga hindi ko kakayaning makarating sa mansyon, saan ko ba hinugot ang lakas at determinasyon ko para magpatuloy?

Namuo ang luha sa aking mga mata. Hinayaan kong tuluyan itong pumatak sa manipis na kumot na nakatakip sa kalahating bahagi ng aking katawan.

Hinawi ko ang kumot at dahan dahang bumaba sa kama. Pinahid ko ang luha sa aking mga pisngi. Ayokong maistorbo ang tulog nilang dalawa kapag narinig nila ang aking pag-iyak. Lumabas ako ng kwarto nang nakayapak. Pakiramdam ko sanay na sanay na ang aking mga paa na walang suot na kahit ano; maghapon ba naman akong maglakad nang maglakad na walang suot na tsinelas o sapatos man lang.

Naglakad lakad ako sa corridor hanggang sa humupa ang aking pag-iyak. Huminga ako ng malalim at lumanghap ng napakasariwang hangin. Napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto dahil iniisip kong baka mag-alala sila kapag nagising silang wala ako sa kama.

Pagbungad ko pa lang sa pintuan ay nakita ko na ang alalang-alalang mukha ni Ethan. Tulad ng dati, wala pa rin siyang pinagbago. Hangga't kaya niya, tutulungan at tutulungan niya ako. Siya talaga ang knight in shining armor ko.

Napangiti na lang ako nang halos mainis-inis siya sa akin dahil sa pag-aalala. Inalalayan niya ako pabalik sa kama at iniangat niya ang ulunan nito para komportable akong makaupo.

Inabot niya sa akin ang isang maliit na kahon para naman daw sumaya ako kahit papano. Nagtaka ako kung bakit niya ako binibigyan ng regalo. Sinabi niyang buksan ko kaya binuksan ko naman. Napatingin ako sa kanya ng makita ko ang loob ng kahon.

Isa iyong kwintas na disenyong orasan. Napakaganda ng gold nitong kulay at halatang mamahalin dahil sa intricate nitong disenyo at pulidong pagkakaukit ng mga numero. Napalunok ako. Sinabi niyang isa iyong locket.

Sinabi niyang buksan ko. Kinuha ko ang kwintas at sinuri. Tinanong ko kung paano ito buksan na agad naman niyang itinuro. Kailangan ko lang iikot ang bilog sa gilid hanggang sa mag-unlock ito. Bumukas ang locket.

Napamulagat ako. Sumilay sa aking mukha ang napakalapad kong ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang aking nadarama nang makita ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Reyden. 

---to be continued----

Thank you everyone  for patiently waiting for updates. Don't forget to like and comment. Kindly visit my FB Page I Am Nina @authorarjoan  and like it as sign of support!! 

Bukas po ulit😊😊

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 2K 22
As they struggle to survive, fight, and search for a cure, can it be possible for them to find love? **** Copyright © by ZeleeELF (2016) Title: Zombi...
98.4K 8.4K 88
BOOK 3 of I AM NINA Series Everything happened inside the dream. When two split souls got connected, something weird is going on! Find out as Nina c...
7.8K 3.4K 21
Emerald Montez is a college student who vents her reveries through writing. When she works her way into a few chapters, Emerald thought that today wo...
43.7K 2K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...